I became a living God

By imrasseruuuu

825 42 6

Genres: Comedy, Demons, Supernatural, Romance, Fantasy, Shoujo Inspired by Kamisama Hajimemashita <3 More

My life before I became a God
Where I should belong
Place where I belong
Promise to return to the promised land
Story of forbidden love
My life as Kamisama begins
Life of being a Kamisama
Kamisama go to school
The Kamisama's Familiar
The Guardian
To be a reliable Kamisama
A living Kamisama and a strongest Familiar
Reconnecting ties
Action speaks louder
Promise to keep
Now I do understand
Written in the stars
Promise is Promise
Starlight
Camping trip 1
Camping Trip 2
Camping 3 - The power of my Kamisama
Issue

Lola

30 2 0
By imrasseruuuu

Masayang nag kukwentuhan kami ng Lola ko habang kumakain ng dinner kasama ang lahat.

" Napakasarap naman ng pagkaing inihanda niyo! Napakasarap! Ikaw ba ang nagluto nito Mikage?" Tuwang tuwa na tanong ni Lola.

Humagikgik naman si Tito Mikage bago ito sumagot.

" Ara, masaya akong nagustuhan mo po ang pagkain namin dito sa japan, pero hindi ako ang nagluto nito Obasan." Atsaka naman itong humigop ng sake. " Si Kenjie ang nagluto nitong lahat. Masarap talaga iyan magluto." Pagmamayabang pa ng Tito Mikage ko.

" Nakakatuwa naman! Apo, napakagaling mong magluto. Ikaw ba laging nagluluto dito?"

Tumango naman si Kenjie.

" Opo."

Napalingon ako kay Kenjie na tahimik na kumakain.

Masayang kumakain naman sina Rin at Lin ng dessert na ginawa ni Kenjie.

" Obasan, marunong din po ba kayong magluto?" Tanong ni Rin sa lola ko.

" Nako, marunong ako pero hindi ako kasing galing ni Kenjie, mga apo ko. Ang alam ko lang lutuin ay mga pagkain sa Pilipinas." Nakangiting sagot ng lola ko.

" Obaasan, pwede niyo po ba kaming lutuan ng pagkaing galing sa lugar ninyo?" Tanong ni Lin.

Masayang tumango ang lola ko.

" Bukas na bukas, gagawan ko kayo ng paboritong dessert ni Tala."

Napalingon naman si Kenjie sa Lola ko.

" Nako, kailangan ko na palang umalis, obaasan." Ang sabi naman ni tito Mikage.

" Saan naman ang punta mo?" Tanong ng lola ko.

" Ahhh. Ang trabaho ko kasi ay gabi. Kaya sa gabi ay lagi akong wala rito sa Shrine. Kahapon ay nabago ang shift ko sa trabaho ko, bukas ng hapon pa ang balik ko. Mahirap talaga ang buhay, kailangan talagang kumayod." Pag da-drama ng tito Mikage ko.

Nag-aalalang nagsalita ang lola ko.

" Naku po, mahirap ngang mabuhay sa panahon ngayon dahil nag mamahal na rin ang mga pamilihin kya kailangan nga talagang kumayod para sa pamilya. Osha sige, kami na ang bahala dito. Anong oras ang uwi mo para alam ko kung anong oras kitang lulutuan ng pagkain."

" Huwag na po kayong mag-abala. Si Rin at Lin na din ang bahalang magluto para bukas para sa Lunch dahil wala rito si Kenjie. Sa umaga naman ay si Kenjie ang nagluluto ng agahan at dinner kapag nakauwi na sila galing sa school." Pag e-explain ni Tito Mikage.

" Nakakatuwa dahil sa batang edad nila ay marunong na silang magluto para sa mga sarili nila. Pero dibale, habang nanditto ako mga apo ko, si Lola muna ang bahala sa inyo."

---------------------------------------

(Kenjie)

Maaga akong nagising para magluto ng agahan at para sa pag hahanda na rin ng bento naming dalawa ni Tala.

Araw araw akong gumigising ng alas-singko para gawin ito.

Mamayang 6am pa ang gising ni Tala kaya bago ito magising ay nakahanda na ang lahat.

Maya-maya ay natapos na rin akong maghanda at ayusin ang bento namin nang marinig kong may naglalakad patungong kusina. Hinayaan ko muna itong pumasok bago ako lumingon.

" Magandang umaga ho, Lola." Magalang ko na bati sa Lola ni Tala.

Ngumiti ito at lumapit sa akin.

" Aba... tapos ka ng maghanda para sa agahan? Oh. Ikaw na rin ang nag handa ng baon ninyong dalawa sa school?" Tanong ng Lola.

" Opo..." Tipid na sagot ko.

Hindi ako palasalitang tao kaya ayuko ng human interaction.

" Nako, dapat tumutulong si Tala sa paghahanda ng agahan. Ang batang iyon oh. Hindi naman iyon ganun sa amin noon. Pag pasensyahan mo na iyong apo ko ha, Kenjie? Mabait naman iyon at masipag na bata. Ay teka nga at pagsasabihan ko yun na tulungan ka sa gawain na kaya naman niyang gawin sa Pilipinas noong nakatira pa siya sa Auntie niya."

" Hi-hindi na po kailangan. Hindi ko na po kailangan ng tulong sa pagluluto o ano pa man." Pag pigil ko sa kanya nang papalayo ito sa akin.

Naka hawak ako sa braso ng matanda habang pinipigilan ko siya.

Ganito ba talaga kakulit ang mga matatanda? Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano bang makipag interact sa mga matatanda dahil wala akong lola o lolo na kinalakihan.

Pakiramdam ko ay konting maling galaw lang nito ay mababali o masasaktan ito.

Hindi sila mukhang malakas, na parang kapag hinawakan ko siya ay madudurog siya sa kamay ko.

Agad akong bumitaw sa pagkahawak sa brasso niya at yumuko ako.

" Pasensya na po pero... Kaya ko naman pong gawin ang lahat ng ito. Kaya wag na po kayong mag-alala at hayaan nalang munang mag pahinga ang apo niyo." Atsaka ako tumayo ng tuwid.

Napangiti naman ang Lola ni Tala sa akin.

" Napakasipag mong bata Kenjie. Siya nga pala, nag tatrabaho ka rin ba?" Tanong nito sa akin kaya nagtatakang tinignan ko siya. " Nakita ko kasing sabay kayong umalis kagabi ni Mikage, at mukhang madaling araw ka ng nakauwi. Nako apo, huwag na huwag mong pababayaan ang iyong sarili. Wag mo masyadong sagarin ang katawan mo dahil baka magkasakit ka niyan." Ang sabi pa nito puno ng pag-aalala.

" Wag na po kayong mag-alala sa akin. Hindi po ako madaling magkasakit. Ipaghahanda ko na rin po kayo ng agahan, hintayin niyo nalang po ako sa sala." Atsaka nag umpisa na rin akong magtimpla ng green tea.

" Apo... pwede mo bang bigyan ng pabor ang Lola?" Nakangiting sabi ng lola ni Tala.

Nagtatakang nilingon ko siya.

----------------------------------------------

Kumpleto kaming kumakain sa rooftop ng school namin habang nagtatakang palipat-lipat ang tingin ni Takumi sa bento namin ni Kenjie.


" Ahhh... Bakit Takumi? May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

" Pansin ko lang... Pareho ang laman ng bento ninyong dalawa ni Kenjie." Nagtatakang sabi nito.

" Ahh. Baka nagkataon lang?" Nag aalanganin sagot ko.

" Hindi lang ngayon, kahapon rin."

Hindi ko alam ang sasabihin dahil sa wala akong maisip na sasabihin kaya nilingon ko si Kenjie para magpatulong, mukhang naramdaman naman nito ang pangangailangan ko kaya nagsalita ito nang hindi tumitingin sa akin.

" Nangako kasi siyang gawan ako ng bento in 1 month dahil na gui-guilty siya sa mga problema na ibinibigay niya sa akin. Umu'o nalang ako." Rason ni Kenjie habang kalmado ang itsura nito.

Okay. Alam kong nagmukha akong mapilit at extra weird sa ginawang rason ni Kenjie pero sige...

As if naman na may maiisip akong irarason.

Tumango naman si Ukai.

" Kahit rin ako, hindi ako makakapag 'hindi' kung may gagawa ng bento para sa akin."

" Oo nga pala, gusto niyo bang mag camping?" Tanong ni Kureno.

Lahat ng atensyon namin ay nakatutok kay sa kanya.

" Sa susunod na sabado ay mag ca-camping ang mga kaibigan ng ate ko, para siya payagan ng Mama natin ay kailangan daw akong sumama. Ang sabi niya pwde daw akong magsama ng mga kaibigan ko sa camping para hindi daw ako ma out of place. Gusto niyo bang sumama?" Tanong nito sa amin.

" Go ako diyan!" Ang sabi naman ni Takumi.

" Hmm... Sasama ko ako!" Ang sabi naman ni Ukai.

" Sasama ako kung sasama si Shun!" Nakangiting sabi naman ni Remiko.

" Sympre naman sasama ako!" Ang sabi naman ni Tanaka at nginitian si Remiko.

Napalingon naman si Kurumi kay Kenjie.

" Sympre si Mikage, hindi sasama yan. Hindi niya hilig yung mga ganoong klaseng activities. Kaya wag kang mag alala Hoshi, sanay na kami diyan sa kaibigan namin. Ikaw ba Hoshi? Gusto mo bang sumama? Sabado tayo aalis. Uuwi tayo ng Lunes. Tamang tama wala tayong pasok nun dahil mag kakaroon ng school conference."

Gusto kong sumama dahil ngayon lang ako nag karoon ng mga kaibigan na gusto akong sumama at magsaya kasama nila. Pero kung sasama ako, mapipilitang sumama si Kenjie dahil sakin. Hindi hilig ni Kenjie ang ganoon at ayaw na ayaw ni Kenjie ang mga nonesense na activity na hindi naman nito gusto.


Mapipilitan at magiging pabigat lang ako sa kanya at madadagdagan lang ang trabaho nito dahil sa pag babantay sa akin.

Nagsalita naman si Kenjie.

" Sasama ako. " Ang sabi nito habang nakatingin sa langit.

Kaya napalingon ang lahat ng magsalita ito at halos sabay sabay itong nagsalita sa gulat.

" SERYOSO KA BA?!" Bulalas ni Takumi.

" Mikage, ikaw ba yan?!" Tanong ni Kureno.

" May sakit ka ba? Okay ka lang ba?" Pag aalala naman ni Ukai.

" Ohhhhh." Napatango-tango naman si Tanaka.

Napakunot ang noo ni Remiko dahil sa pagtataka sa mga reaction ng mga ito.

" Bakit? Anong meron?"

" Kahit na kailan ay hindi pa sumasama sa amin si Kenjie sa mga ganitong aktibidad. Kaya nakaka gulat na bigla siyang sasama ngayon." Ang sagot naman ni Ukai kay Remiko.

" Wala. Gusto ko lang subukang mag relax." Sagot ni Kenjie.

Napangiti ako. Alam kong alam ni Kenjie na gusto kong sumama kaya nag desisyon itong sumama para hindi na ako mahirapang mag desisyon.

He's kind....

Bumalik naman ang tingin sa akin ni Kureno.

" Ikaw Hoshi? Sasama ka ba?" Tanong nito sa akin.

Nakangiting sumagot ako.

" OO SASAMA AKO!"

-------------------------

Nakaupo kami sa sala ng Shrine habang na nunuod ako ng Kdrama sa TV habang si Kenjie naman ay tahimik na nagbabasa ng statistic book.

Pumasok ng silid si Lola kasama sina Rin at Lin na may dala na merienda.

" Wow! Salamat po Lola." Ang sabi ko atsaka ako napayakap sa lola ko

Tumawa lang ito at umupo na rin sa harap ng mesa.

" Obasan, pwede na po ba naming tikman ang luto natin?" Ang tanong ni Rin at Lin.

Nakangiting tumango naman si Lola.

" Kayong tatlo ba ni Lola ang gumawa nito?" Nakangiti kong tanong.

Masayang masaya namang tumango ang mga ito at isa-isang kumuha ng pagkain.




" Obaassan! Ang sarap nga po ng luto nating Puto! Masarap nga!"

Sabay na sabi nina Lin at Rin.

" Kain lang kayo ng kain mga apo ko. Ohh Kenjie, kumuha ka at subukan mo ang luto naming Puto." Nakangiting sabi ni Lola

Nagdadalawang isip na kumuha si Kenjie ng puto at kumagat ito.

Tumango ito bago nagsalita.

" Masarap po..."

" Masaya akong na gustuhan ninyo ang isa sa pagkain ng Pilipinas. Ang pagkain na iyan ay tinatawag na puto o steamed rice cake. Hindi ko alam kung mayroon din kayong ganito sa Japan."

Nilingon ko si Lola nang ma-alala ko ang mga naiwan ko sa Pilipinas.

" Lola, kumusta naman po kayo sa Pilipinas? Kumusta na po sila .... Auntie Clarise?" Ibinaba ko ang tingin ko sa hawak kong baso na may laman na green tea.

" Iniisip mo parin bang galit sila sa iyo?" Tanong sa akin ng Lola ko.

Hindi ako nag salita.

Bumuntong-hinga naman si Lola.

" Apo, huwag mo silang intindihin. Huwag kang mag-alala sa kanila. Tala, deserve mo ring maging masaya at gawin ang mga gusto at kailangan mong gawin. Nandito kana rin sa Japan kung saan malayo na sa masalimuot na nakaraan."

" Opo." At ngumiti ako sa harap ni Lola.

Tahimik lang ding kumakain si Kenjie.

---------------------------------------

" Lola, magpahinga na po kayo. May kailangan pa po akong gawin bago matulog." Ang sabi ko sa lola ko.

10pm na ng gabi at plano nang matulog ni Lola dahil sa pagod na ito at matanda na kaya hindi na rin kaya ng katawan ni Lola.

" Osha sige Apo. Matutulog na ako ha? Di na kasi kaya ni Lola na magpuyat kasi matanda na ako. Oo nga pala, patulugin mo na rin sina Rin at Lin ha? Osha, tutulog na ako." Ang sabi naman ni Lola at pumikit na rin ito.


Tahimik na lumabas ako ng Kwarto at hinanap ko sina Rin at Lin. Pero bigla kong na alala umalis nga pala ang dalawa sa kabilang dimension ng mundo para bumili ng mga kakailanganin na kagamitan sa Shrine. Doon daw kasi nabibili ang mga sacred na kagamitan ng shrine at ang mga suot kong Kimono at Yukata. Dahil ang mga nabibiling kagamitan doon ay may mga basbas na ng mga nakakataas na Diyos. Ang perang ginagamit para sa pambili ng mga gamit na iyon ay perang galing sa mga ibinibigay na pera ng mga deboto na bumibisita sa Shrine.

Bumuntong-hinga ako ng ma-aalala ko iyon.

Naisipan kong mag pahangin muna saglit sa balcony ng shrine at dito ko natagpuan si Kenjie na nakatingala sa buwan.

" Hindi ka pa ba mag papahinga?" Tanong sa akin ni Kenjie ng maramdaman nito ang presensya ko.

Tumabi ako sa kanya sa pagkakaupo.

" Hindi pa ako inaantok. Kumusta? Tapos kana ba?" Tanong ko sa kanya.

Galing ito sa pag roronda at kapag umuwi na ito ay agad nitong binabalita sa akin.

" Oo at nasa maayos naaman ang kalagayan ng iyong na sasakupan. Walang gaanong problema. Pero mayroon akong nararamdaman na itim na enerhiya sa katabi ng iyong nasasakupan. Ilang araw ko na itong binabantayan, hindi natin iyon sakop pero nag aalala ako na baka maisipan nitong pasukin ang lugar natin." Balita ni Kenjie sa akin.

" Sana ay okay lang ang kabilang lugar. May balita ka ba tungkol sa nararamdaman mong itim na enerhiya?" Pag-aalala ko.

" Sa ngayon, wala namang msamang nangyayari o balita tungkol sa itim na enerhiyang iyon. Kaya hindi ko parin alam kung anong klaseng yokai o spirit ang isang iyon. Sana ay hindi na ito pumasok sa lugar natin dahil baka magkaroon tayo ng malaking pinsala sa lugar na nasasakupan at mukhang mapapalaban tayo..."

Napalingon ako sa kanya dahil sa gulat sa sinabi nito.

" Mapapalaban tayo?"

Nilingon naman ako nito.

" Oo kung ang makakaharap natin ay hindi basta bastang yokai o espirito na ang hanggad ay puminsala o magdala ng problema sa lugar natin. Kailangan mo na ring gisingin ang kapangyarihan mong tinataglay bilang Kamisama ng Inari Shrine."

"Kapangyarihan? Wa-wala akong alam sa sinasabi mo Kenjie. Wala akong kapangyarihan para lumaban!"

Pinitik naman nito ang ilong ko kaya napasapo ako.

" Awww."

" Anak ka ng isang Kamisama. Kamisama ka ng shrine na ito. Ikaw lang ang may kakayahan na mag exorcise ng mga masasamang espiritu at protektahan ang buong nasasakupan mo gamit ang kapangyarihan mo."

Nanlaki ang mga mata ko.

" Ba-bakit hindi nalang ikaw ang gumawa nun? Ba-bakit ako lang?"

Nakatingin lang ito sa akin.

" Nandito ako dahil ako ang shinshi ng Inari Shrine at nandito ako para protektahan ka, kaya kong makipag laban, makipag patayan, pumatay ng masasamang yokai o kung sino man ang mag tangkang saktan ka."

Bumuntong-hinga ito bago ulit nagsalita.

" Huwag kang mag alala, hindi ko hahayaang saktan ka nila. Pero habang mas maaga... subukan mo na ngayon na buksan at pag-aralan ang kailangan mong malaman bilang isang kamisama ng Shrine. Dahil trabaho nating protektahan ang lugar na nasasakupan mo para sa kapayapaan ng lugar natin."

Narealize ko na mas mahirap at mabigat ang trabaho ng isang shinshi tulad ni Kenjie.

Puro problema at pagiging pabigat lang ang ginagawa ko sa kanya.

Kailangan kong matutong gamitin ang kapangyarihan na taglay ko kung meron man. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung papaano ko gigisingin ang natutulog kong kapangyarihan na meron ako.

Hindi dapat ako masyadong umaasa sa kakayahan ni Kenjie na ipagtanggol ako sa lahat ng bagay, kailangan ay may gawin rin ako para sa sarili ko, at sa lugar na nasasakupan ko bilang isang kamisama ng Inari Shrine.

Hindi laging si Kenjie ang gagawa ng lahat para protektahan ako, sa totoo lang ay gusto ko ring protektahan ang mga taong mahahalaga sa akin, ang lugar na sasakupan ng kapangyarihan ko, at gusto ko ring protektahan si Kenjie sa abot ng makakaya ko.

Tinignan ko si Kenjie habang nakatingala parin ito sa buwan.

" May bumabagabag ba sayo... kaya hindi ka makatulog?" Tanong ni Kenjie sa akin habang nakatingala parin.

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang tanong nito.

" Ahh..."

Hindi ko ene-expect na magtatanong ito sa akin ng ganun kaya hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin o hindi. Hindi ko rin alam kung okay bang ikwento sa kanya ang lahat na bumabagabag sa isipan ko.

Hindi ko enexpect sa kanya na malalaman ni Kenjie na meron ngang bumabagabag sa isip ko. Hindi ko alam kung paano nito nalalaman. Ganoon ba ka halata sa mukha ko na meron nga akong malalim na iniisip?

" Makikinig ako sayo. Huwag mong kalimutan na shinshi mo ako, Tala. Lahat ng nararamdaman mo at ang mga iniisip mo ay importante para sa akin. Nandito ako para sayo hanggang sa huli. Alam mo naman yun, hindi ba?" At nilingon na ako nito pagkatapos nitong magsalita.

Marahang ngumiti ako at saka tumungo ako.

Continue Reading

You'll Also Like

280K 5.9K 33
WATTPAD BOOKS EDITION You do magic once, and it sticks to you like glitter glue... When Johnny and his best friend, Alison, pass their summer holid...