Possessively Owned by Messiah

By Ajai_Kim

576K 17.1K 2.4K

Loving a cold heartbreaker gorgeous man is the most regretful thing that I did. Messiah Avenido wants to poss... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note

Chapter 19

11.5K 374 164
By Ajai_Kim

SOMEONE'S POV

Hinding-hindi ko palalampasin ang ginawa ng tarantadong sila Demi, Kris at Colt kay Rebecca. Kung si Rebecca ay pinatawad at pinalaya na sila sa kulungan dahil sa ginawa nila pwes, hindi ako makakapayag doon.

Lintik lang ang walang ganti sa mga nagtangkang umangkin at humawak sa pag-aari ko.

Nang makita ko nang lumabas mula sa bar ang tatlong lalakeng kanina ko pa gustong patayin ay nakita nila ako nang sinundan ko sila sa parking lot.

Sakto dahil kami lang ang taong nandito at walang makakakita sa gagawin ko.

"N-Nandito ka pala?" Gulat na tanong ni Demi at lumapit ito sa akin.

Ginantihan ko naman siya ng ngiti at lumapit ako sa kanya.

"Kakalabas niyo lang sa kulungan then party party na kaagad kayo?" Tanong ko habang nakangiti pa rin.

Tumawa naman si Demi.

"Yeah. Alangan namang magmukmok lang kaming tatlo sa plano na hindi naman namin natuloy? Rebecca already forgive us at kung hindi na namin siya malalapitan at mahahawakan pa ay back to normal na kami. Why is it concern to you?" Tanong niya at humalukipkip ito.

Kahit kailan talaga ay lumaking gago si Demi. Imbes na magsisisi siya o sila sa ginawa nilang kababuyan kay Rebecca ay itinuloy pa nila ang masayang buhay na tinatamasa nila.

Tumaas ang sulok ng labi ko at kinuha mula sa suot kong jacket ang balisong na dala ko.

Tatapusin ko na ang buhay nilang tatlo ngayon. Hindi ako makakapayag sa ginawa nila sa pag-aari ko.

Pumitik ako mula sa ere at kaagad nagsilabasan ang mga kasama ko na kanina pa nagtatago. Pagkalabas nila ay agad nilang hinawakan sa magkabilang braso ang tatlong lalakeng kanina ko pa gustong tirisin at alisin sa mundo ko.

Gulat na gulat sila dahil sa ginawa ko. Nakikita ko na ngayon ang takot sa mga mata nila at alam na rin nila ang magiging kahihinatnan nila.

Kilala naman nila ako. Kilalang-kilala.

"W-Why are you doing this? A-Anong gagawin mo sa amin?" Nauutal at takot na takot na sabi ni Kris.

Tumawa naman ako ng mahina at nilapitan ko si Colt na nanginginig na rin sa takot.

Kaagad kong sinaksak sa dibdib si Colt ng paulit-ulit na ikinadaing at ikinahiyaw niya. Sumisirit na ang dugo sa buong katawan niya dahil sa ginagawa ko samantalang sina Demi at Kris naman ay mababakasan na ng labis na takot at kaba sa mga mata nila.

Sila na ang isusunod ko at mukhang alam na nila ang kahihinatnan nila.

Tuwang-tuwa akong makitang naghihirap at humihiyaw si Colt sa pagsaksak na ginagawa ko sa kanya. Tama lang ito dahil hinawakan nila si Rebecca!

"I-Itigil mo na 'yan. Ano bang ginawa naming kasalanan sa'yo?"

Ang matapang at palaban na si Demi ay halata na ang nerbyos at takot sa boses niya.

Pagkatapos kong saksakin ng paulit-ulit si Colt ay sinenyasan ko ang mga kasama ko na bitawan siya hanggang sa humandusay na ang patay na katawan nito sa sahig ng parking lot.

"The reason why I'm doing this? Because you all touched Rebecca!" Sigaw ko.

"Bakit? Gusto mo rin siya?" Naiiyak namang sabi ni Kris habang sumusulyap-sulyap ito sa patay nang katawan ni Colt sa sahig.

"Yes. I like her at sa akin lang siya!"

Galit kong sabi at lumapit kay Kris at siya naman ang pinagsasaksak ko. Sa daing at pagsigaw niya ay naging musika na iyon sa pandinig ko. Nababahiran na rin ang suot kong damit ng mga walang kwentang dugo na sumisirit sa katawan nitong mga tarantadong nagtangkang angkinin ang pag-aari ko.

Wala akong sasantuhin na kahit sino. Pagdating kay Rebecca ay papatayin ko ang lahat ng lalakeng gagawan siya ng masama.

Nang mapagod at masatisfy na ako sa itsura nang duguan at patay na rin'g katawan ni Kris ay muli akong lumingon kay Demi na takot na takot at nanginginig na nang dahil sa akin.

"As you can see, namaalam na dito sa earth ang dalawang kaibigan mo. Mukhang kailangan mo na silang sundan." Kunwari'y malungkot kong sabi.

"Demonyo ka! Mamamatay-tao ka!" Sigaw naman ni Demi.

"Alam ko Demitri, at dahil sa ginawa niyo kay Rebecca ay hinding-hindi ko na kayo hahayaang mabuhay pa sa mundong 'to."

"Hindi kayo pwede ni Rebecca! Magk-"

Pinagsasaksak ko siya sa iba't-ibang parte ng katawan niya bago pa niya ituloy ang sasabihin niya.

Pagkatapos ay binitawan na siya ng mga kasamahan ko. Kaagad bumagsak ang wala na niyang buhay na katawan sa sahig ng parking lot katabi sina Kris at Colt.

Itinago ko na sa bulsa ng suot kong jacket ang balisong na ginamit ko sa pagpatay sa tatlong walang kwentang nilalang at naglabas ako ng sigarilyo saka ito sinindihan.

"Itapon niyo 'yang mga yan sa talahiban at sunugin niyo pagkatapos." Utos ko sa mga kasama ko.

"Yes, boss."

Napangiti nalang ako at kaagad tumalikod para dumiretso sa loob ng bar at doon ay mag-cecelebrate sa kamatayan nila Demi, Kris at Colt. Tutal ay natapos ko na ang misyon ko at naipaghiganti ko na rin si Rebecca ay masaya na ako do'n.

Finally Rebecca, may nagawa na rin akong tama para sa'yo.

REBECCA'S POV

It's been one month since I turned down Messiah. Pagkatapos nun ay hindi niya na rin ako ginulo pa. It's still hurting me when I'm thinking how he cried and beg kneeling in front of me mahalin ko lang siya. I never expected that Messiah Avenido can do that.

He loves me but I think we are not meant for each other.

Kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao ay kailangan mo na itong bitawan para magfocus nalang sa isang tao na mahal ka simula noong una palang at hinding-hindi ka kayang iwanan.

Sa loob ng isang buwan naming relasyon ni Aiden ay naging maayos naman iyon although hindi pa rin sila nagkakasundo ni Kuya Rodney. Nagbago na rin si Kuya Rodney sa akin, hindi na niya ako kinakausap at kapag nakikita niya ako ay palagi na rin niya akong iniiwasan.

Naiiyak nalang ako kapag naaalalang hindi na kami katulad noon ng kapatid ko. Dahil sa hanggang ngayon ay boyfriend ko pa rin si Aiden ay hindi iyon matanggap ni Kuya.

Tinatangka ko naman siyang kausapin pero kaagad siyang umiiwas kaya paano pa kami magkakabati nito?

"Girl? Spacing out again?"

Napabalik lang ako sa katinuan nang magsalita si Sheila. Nandito pala kami ngayon sa Cafeteria at tapos na rin kumain. Wala si Aiden ngayon dahil may practice ito ng Basketball para sa School Competition na sasalihan nila next month ng teammates niya.

"Ano nga ulit 'yung sinasabi mo, Sheila?" Tanong ko na ikinaikot lang ng mga mata ni Sheila.

"Ang sabi ko, nagtransfer na dito si Harry. Iyong naging kaklase natin noong high school. Remember?" Sabi niya.

Doon ay tumango ako. I remember that guy. He is Harry Gonzales. Naging kaklase namin siya ni Sheila noong 1st year high school palang kami. Sino bang hindi makakakilala dun e, gwapo 'yon at sikat pa sa school namin at marami rin'g nagkakagusto sa kanyang babae noong high school including Sheila.

He is our Student School President before at may usap-usapan pa ngang crush daw ako ni Harry pero hindi ako naniniwala nun dahil may girlfriend siya that time.

"Sino bang hindi makakakilala do'n? Eh patay na patay ka nga sa kanya bago mo pa nakita si Earl na the one mo." Tumatawa ko namang sabi.

Sheila giggled. "You know me naman best, halos lahat ng gwapo ay nagiging crush ko na." She said.

Napailing nalang ako habang napapangiti.

"Speaking of Harry, nasa likod mo na siya best."

Mahinang bulong ni Sheila habang nakatingin ito sa likuran ko. Doon ay humarap ako sa likuran ko at laking gulat ko nang makita ko nga si Harry na nakangiti sa amin.

Kaagad naman itong umupo sa bakanteng upuan na katabi ko.

"Long time no see, Rebecca and Sheila." Sabi niya habang nakatingin sa akin.

Ngumiti naman ako ng alanganin at tumango sa kanya. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid kung nandito na ba si Aiden pero mabuti nalang at wala pa siya.

Aiden doesn't want me to see with other guys kaya si Sheila lang ang palagi kong kasa-kasama. Dahil alam ko na kung paano siya magselos ay iniiwasan ko na ang mga bagay na magiging dahilan para pag-awayan pa namin. Sa one month na nakalipas ay naging maayos iyon dahil sa pagsunod ko sa kanya.

"Ikaw pala, Harry." Sabi ko.

Harry is really handsome at napansin ko na medyo lumaki na ang katawan nito sa suot niyang hapit na hapit na v-neck t-shirt. Sa pagkakaalam ko ay German ang mother niya dahilan para magkaroon siya ng color blue na mga mata at blonde na buhok. He really looks like Justin Timberlake from Nsync during his teenage years. Hindi na nakakapagtaka kung bakit naging Campus Crush siya noong high school palang kami including Isaac and Eli.

"Ang fafable mo pa lalo ngayon, Harry! Marami ka na sigurong napaiyak na girls, no?" Tanong ni Sheila na ikinatawa naman ni Harry at bumaling ito sa kanya.

"Oy, hindi ah. Simula nung naghiwalay kami ni Faye ay hindi na ako nagkaroon ng girlfriend." He said while smiling.

"Ay? Hiwalay na pala kayo ng bruhilda mong girlfriend noon? Pero bakit?" Tanong ni Sheila.

Pinanlakihan ko naman siya ng mata pero nginisian niya lang ako.

"Nagcheat sa akin, e. I realize that I pursue the wrong woman." Sabi ni Harry at saglit itong sumulyap sa akin na ikinailang ko.

"Ganern? Bakit mo naman napag-isipang magtransfer dito? Balita ko ay nag-aaral ka na daw sa Germany, ah? Nakikita ko pa ang mga posts mo sa Facebook na nasa Berlin ka." Pang-iintriga pa ni Sheila.

Grabe talaga itong si Sheila. Pati ba naman iyon alam niya tungkol kay Harry? Kapag gwapo talaga ay mahilig mangstalk sa Facebook ang babaeng ito. Hindi ko lang alam kung alam iyon ni Earl dahil paniguradong mag-aaway sila nang dahil do'n.

"Umuwi ako dito to help my Dad to manage our business. I'm the only child kaya ite-train na niya ako na sumabak sa business industry. I transferred here dahil nabalitaan kong dito pala nag-aaral si Rebecca." Sabi niya na ikinagulat ko.

Tinignan naman ako ng makahulugan ni Sheila pero inirapan ko lang siya.

Humarap ulit sa akin si Harry. "Rebecca, how are you? I chatted you on Facebook pero sineen mo lang ang message ko. I thought you are mad at me."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "You chatted me?"

He nodded. "Yes. I think last month pa 'yon. Kinamusta kita nung nagchat ako. I was waiting for your reply nga pero sineen mo lang ako." Nakangiti niyang sabi.

How come? Tinitignan ko naman sa message inbox ang mga nagmemessage sa akin pero wala naman ako nakitang message ni Harry doon. At naseen ko pa daw?

Magsasalita pa sana ako nang biglang may humila sa braso ko at itinayo ako nito sa pagkakaupo ko.

It's Aiden at sobrang sama ng tingin nito kay Harry.

Aiden held my waist and he suddenly kissed me quickly on my lips habang nakatingin pa rin ito kay Harry na nagtatakang nakatingin sa amin. Si Sheila naman ay napakamot nalang sa ulo at sinabi nitong mauuna na daw siya sa klase niya. I just nodded as an answer.

"Who are you?" Madiing tanong ni Aiden kay Harry.

"I'm Harry. Rebecca's former classmate." Sagot naman ni Harry.

"Oh? I'm Aiden, Rebecca's boyfriend." Walang kangiti-ngiti namang sabi ni Aiden.

Nagulat si Harry sa sinabi ni Aiden pero tumango lang ito pagkatapos at ngumiti.

"Hindi mo naman sinabing may boyfriend ka na pala, Rebecca." Nakangising sabi pa nito sa akin at ramdam kong mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Aiden sa bewang ko.

"A-ah, oo Harry. May boyfriend na ako." Sabi ko nalang.

I know Aiden is mad pero nagpipigil lang ito ng selos at galit.

Tumayo na mula sa pagkakaupo si Harry at nagpamulsa. "I hope he is not like Isaac and his brother. If anythings happen. I'm here for you, Rebecca."

Ayon lang ang sinabi niya at pagkatapos nito ay umalis na siya. Kaagad naman akong hinila ni Aiden at sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin hanggang sa makarating na kami sa likod ng school.

"Why are you talking to him?" Sigaw niya na ikinagulat ko.

"H-hindi naman ako lumapit sa kanya, Aiden. A-Aray! nasasaktan ako..." Sabi ko at napadaing nalang sa sakit nang hinawakan ni Aiden ang magkabilang balikat ko nang sobrang higpit.

He looks so furiously mad. Nagbalik na naman ang takot ko sa kanya simula nung makita ko siyang nagalit at magwala sa loob ng condo unit niya noon.

"You still entertained him! Ang ayoko sa lahat ay 'yung ginagago ako, Rebecca. You know I'm a jealous guy. Loyal ako sa'yo at ikaw palang ang nagiging girlfriend ko. Ayoko nang may ibang lalakeng lalapit at makikipag-usap sa'yo!" Galit na galit niyang sabi dahilan para mapaiyak na ako.

Why Aiden is being like this? I thought he will not possess and dominate me? Pero ano 'tong ginagawa niya? He is very far from Aiden that I first met before.

"Huwag mo akong iyakan!" Sigaw pa niya kaya napapikit na ako sa sobrang takot ko sa kanya.

Binitawan naman niya ako ng sobrang lakas dahilan para napasandal ako sa pader at mapamulat ng mga mata. Napadaing pa ako dahil ang sakit ng pagkakatama ng likod ko pero tila walang pakialam dun si Aiden at nakatitig pa rin siya ng masama sa akin.

"Don't push my limits, Rebecca. Kapag nakita ko na naman na kinakausap mo ang gagong lalakeng 'yon ay malilintikan kayo sa akin. You already see who am I nung nasa condo unit tayo. Don't make me angry again." Ngumisi siya at pagkatapos nun ay parang walang nangyari lang na niyakap niya ako at hinalikan ang noo ko.

"I'm already hungry, baby. Kakatapos lang ng practice namin. Let's eat?" Sabi niya at muli nitong hinawakan ang kamay ko at hinila na ako papunta ulit sa Cafeteria.

Tuluyan na akong nanginig at natakot sa biglaang pagbabago ng mood ni Aiden.

May mali kay Aiden.

---
#

Continue Reading

You'll Also Like

850K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
910K 23.5K 40
Duke Melendrez didn't mind if he's 12 years older than his princess, Clarisse Ann Victorino. He will do everything to get his princess by claiming th...
331K 7.1K 38
This story contains adult language. If you are still wearing baby bra, please do not proceed. The fate of Olive, a real estate agent and Nicky, futur...
Obsessed Kale By Jai

General Fiction

422K 13.3K 33
Dahil sa pagiging pursigido ni Bliss Santiviel na mapalapit sa tahimik at misteryosong transferee student na si Kale Marco ay hindi niya aakalain na...