Possessively Owned by Messiah

Bởi Ajai_Kim

586K 17.2K 2.4K

Loving a cold heartbreaker gorgeous man is the most regretful thing that I did. Messiah Avenido wants to poss... Xem Thêm

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note

Chapter 18

11.6K 409 50
Bởi Ajai_Kim

THIRD PERSON'S POV

"Anong feeling ng mabasted, Kuya? Masakit ba?"

Mula sa pagkakayuko ni Messiah ay napaangat siya ng tingin at nakita niya ang mga nakababata niyang kapatid na sina Isaac at Eli na nakangisi sa kanya.

Isang buwan na ang nakakalipas simula nang aminin ni Messiah ang tunay niyang nararamdaman para kay Rebecca. Mas pinili pa rin nito si Aiden na kasintahan ng dalaga. Sa loob ng isang buwan ay lugmok na lugmok si Messiah, ni hindi na rin ito nakakapasok sa trabaho niya dahil panay na lamang ang pag-inom niya sa loob ng kwarto niya sa bahay ng mga magulang niya. Nasaktan ito sa pagtalikod sa kanya ni Rebecca. Hindi niyang aakalaing tuluyan na siyang kakalimutan at aayawan nito.

Hindi niya gugustuhing magstay sa condo unit na pag-aari niya dahil maaalala lang niya kung paano siya nagmakaawa doon para sa pagmamahal ni Rebecca at sa huli ay tinalikuran lamang siya.

Sumama ang tingin ni Messiah kina Eli at Isaac. Nagpupuyos siya sa galit dahil sa sinabi ng mga ito.

"Don't worry, hindi lang naman ikaw ang nabasted, kami rin. Pero kahit pala iniligtas mo ng dalawang beses si Rebecca mula sa amin at sa mga kabanda ko ay hindi pa rin 'yon sapat na dahilan para piliin ka niya. How poor." Sabi naman ni Isaac habang nakangisi.

Alam nina Eli at Isaac na hindi sila papatulan ng kuya nila. Tahimik lang ito at hanggang sa pagsama nalang ng tingin ang magagawa nito sa kanila kapag nagagalit ito pero laking nalang ng dalawa nang tumayo mula sa pagkakaupo sa sulok ng kwarto si Messiah at parehas silang sinuntok na magkakapatid.

Sa lakas ng pagkakasuntok ni Messiah sa kanila ay kaagad nagdugo ang labi nila. Nanlilisik ang mga mata ni Messiah habang nakatingin ito sa kanila. Nanumbalik ang takot nila nang makitang nagalit rin ito nang pinagtangkaan nilang gahasain si Rebecca.

"Shut up! Rebecca is mine! I don't care if she turned me down. I will get her from that moron!" Umalingawngaw ang sigaw ni Messiah sa loob ng kwarto niya.

Gulat na gulat at halos hindi na nakapagsalita pa doon sina Eli at Isaac. Mas matindi palang magalit ang kuya nila kaysa sa kanila. Tahimik lang itong tao pero kapag ginalit ng todo ay para na itong nagiging demonyo.

Nang makabawi sa pagkagulat ay nagsalita na si Isaac. "How can you get her? She doesn't love you anymore-"

Napahiyaw nalang si Isaac nang bigla siyang kwinelyuhan ni Messiah at sinuntok na siya ng paulit-ulit. Si Eli naman ay pilit inaawat ang kuya niya pero itinulak lang siya nito.

"She loves me! Akin siya! Akin lang!" Sigaw ni Messiah at sinuntok pa ang sikmura ni Isaac.

Takot na takot si Eli at hindi niya malaman ang gagawin niya. Baka kung hindi pa maawat ang Kuya Messiah nila sa pambubugbog kay Isaac ay posibleng mapatay nito ang sarili nilang kapatid.

Duguan na si Isaac at puno ng pasa at sugat ang buong katawan nito. Hindi siya makalaban sa kuya niya dahil sobrang bilis ng paggalaw nito. Nanlalabo na rin ang paningin niya at anytime ay baka mawalan na siya ng malay.

Hindi pangkaraniwan ang Kuya Messiah niya dahil mas demonyo pa pala ito kumpara sa kanila. Kahit kapatid pa siya nito ay hindi ito mangingiming patayin siya nang dahil sa mga sinabi niya patungkol kay Rebecca.

Baliw na ang kuya niya kay Rebecca.

Laking pasasalamat nalang ni Eli nang humahangos na dumating ang Mom at mga Dad niya kasama si Selah. Tuluyan nang naawat ng apat na Daddy nila si Messiah sa pambubugbog kay Isaac habang ang Mom naman nilang si Mirae ay inalalayan si Isaac.

"What is happening here, Eli? Bakit nag-aaway ang mga kapatid mo?" Tanong ni Ysmael kay Eli.

"Isaac provoke Kuya Messiah dahil sa pambabasted na ginawa ni Rebecca sa kanya." Pag-amin ng binata.

Napatingin naman ang mag-aasawa kay Messiah na sobrang sama pa rin ng tingin kay Isaac na nakaalalay kay Mirae. Kitang-kita ang pagtitimpi nito ng galit sa mabibilis na paghinga ng binata.

Ngayon lang nakita ng mag-aasawa kung paanong magalit si Messiah. Tahimik lang kasi ito simula noong mga bata pa ang magkakapatid. Alam na rin noon pa ni Mirae na may lihim na pagtingin si Messiah kay Rebecca pero nagpapaubaya lang ito kina Eli at Isaac. Ngayon na tuluyan na nilang nalaman kung gaano kagusto ni Messiah si Rebecca ay wala na silang magagawa pa doon.

"Dalhin mo sa ospital 'tong anak mo, Jonas. Baka mapano na." Sabi naman ni Andy kay Jonas.

Tumango si Jonas doon saka ito lumapit kay Isaac na nakahandusay sa sahig habang hawak ni Mirae. Napailing nalang siya kung gaano kabugbog sarado ang anak niya. Tinignan nito ng masama si Messiah bago niya inalalayang makatayo si Isaac.

"If anything happens to my son, malalagot ka sa akin, Messiah." Pagbabanta pa ni Jonas bago nito inilabas si Isaac sa loob ng kwarto para dalhin sa ospital.

Napailing nalang si Josiah na ama ni Messiah.

"Why did you beat your own brother, Messiah? Nang dahil lang kay Rebecca? What if you killed him?" Galit na sabi ni Josiah sa anak nito.

"I don't care if I killed him." Malamig na sabi ni Messiah.

Lumapit naman si Mirae sa anak at sinampal ito na ikinagulat nila lalong-lalo na ni Selah.

"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo, Messiah? Talagang papatayin mo ang kapatid mo para lang sa babae?" Umiiyak nang sabi ni Mirae.

Tumiim ang bagang ni Messiah at hindi na naawat pa nila Josiah, Ysmael at Andy ang binata nang nagsimula na itong magwala at magmura sa loob ng kwarto nito.

Hindi sila makapaniwalang magiging ganito na kabaliw si Messiah nang dahil lang kay Rebecca. Naaalala nila noon ang mga sarili nila sa batang ito. Ganoon rin sila kabaliw noon makuha lang si Mirae.

"She's mine! She's mine! Only mine!" Paulit-ulit na sigaw ni Messiah at pinagtatapon pa nito sa sahig ang bote ng alak na ininuman niya.

Tahimik lamang na umiiyak si Selah sa sulok na nilapitan na ni Eli para pakalmahin ito.

Sa mga kuya ni Selah ay ang Kuya Messiah niya ang pinakapaborito niya sa lahat. Tahimik lang ito pero sobra itong maintindihin at mapagmahal na kapatid sa kanila. Alam niyang noong mga bata palang sila ay may gusto na talaga ang kuya niya kay Ate Rebecca niya pero nagpaubaya lang ito sa mga kapatid dahil ayaw nitong mag-away lang sila sa iisang babae. Naiinis nga siya kina Eli at Isaac dahil inaangkin ng mga ito si Rebecca kahit hindi naman sila ang gusto nito.

Nasasaktan siya nang makita kung paano na ito halos mabaliw dahil sa pambabasted at tuluyang pag-iwan sa kanya ni Rebecca. Ni hindi na rin ito lumalabas sa loob ng kwarto niya at palaging nilulunod ang sarili nito sa alak. Alam ito ng mga magulang nila pero wala silang magawa dahil ito ang unang beses na nagkaganoon si Messiah at iniintindi nalang nila ang behavior nito.

Nang matapos nang magwala at magmura si Messiah ay napaupo nalang ito sa sahig at napayuko sapo-sapo ang ulo niya. Sinenyasan naman ni Josiah na lumabas na ng kwarto sila Eli, Selah, Mirae, Ysmael at Andy dahil kakausapin niya ng mag-isa si Messiah. Tumango lang ang mga ito hanggang sa makaalis na sila.

Napabuntong-hininga naman si Josiah at pinantayan nito ang anak niya.

"Son..."

Nanatili pa rin'g nakayuko si Messiah na mabilis ang paghinga. Pawis na pawis ito at magulo na rin ang ayos. May bakas pa ng dugo sa mga kamao nito nang dahil sa pambubugbog niya kay Isaac.

"Do you really love Rebecca?"

Doon napalingon si Messiah sa kanyang ama at tumango ito.

Napangiti nalang si Josiah dahil talagang kamukhang-kamukha niya ang kanyang panganay na anak. Namana rin nito ang pagiging baliw sa isang babae pero sa tingin niya ay mas malala lang itong si Messiah at may pagkabayolente rin pala katulad ni Isaac.

"If you love her then fight for her. Walang magagawa ang pagmumukmok at pag-inom mo dito sa loob ng kwarto mo kung gusto mo siyang makuha. You know she's in love with you before, right? Then make her fall in love again. You are Messiah Avenido and I'm your Dad, Josiah. If we want something, we can get it." Hinagod-hagod pa ni Josiah ang balikat ni Messiah na tila natigilan sa sinabi niya.

"Dad, is it okay with you kung may iba pang asawa si Mom? Why you chose to be selfless when in the first place you know that you're the only one that Mom loves?"

Sa tinanong ni Messiah ay hindi iyon inaasahan ni Josiah. He have an idea before na hindi gusto ng panganay niya ang klase ng relasyon na mayroon sila pero hindi nito nagawang magtanong sa kanya at nanatiling tahimik lang. He also have an idea na kaya lumaking tahimik at malihim si Messiah ay dahil iyon sa sitwasyon ng pamilya nila na hindi nito gusto.

"Because I love your Mom."

Natahimik doon si Messiah at hinihintay niya ang susunod na sasabihin ng Dad niya.

"Love is selfless, son. I know na ako ang pinakamatimbang sa puso ng Mom mo pero nagpaubaya ako kila Andy, Jonas at Ysmael nang nagtangkang magpakamatay ang Mom mo noon dahil hindi na siya makapili sa aming apat. Ayokong gawin ulit 'yon ng Mom mo that's why we have a kind of relationship like this." Ngumiti si Josiah.

Hindi iyon alam ni Messiah. Ngayon ay naiintindihan na niya kung papaano napapayag ang Dad niya sa Polyamorous relationship na mayroon ang pamilya nila.

"Sa una, medyo mahirap ang relasyon naming lima pero paunti-unti ko na rin'g natatanggap 'yon. That's what love means, if you love someone, you will understand whatever situation will going to happen as long na makakasama mo ang taong mahal mo. Napamahal na rin sa akin ang mga half brothers at half sister mo. Ayaw mo nun, may mga kapatid ka lalo na si Selah na favorite brother ka daw?" Josiah chuckled na ikinangiti ng tipid ni Messiah.

"But this is my advice for you, son. Iba ang sitwasyon namin sa sitwasyon niyo ngayon. Rebecca already turned down your brothers. Ikaw may pag-asa ka pa dahil minahal ka niya. Kayang-kaya mong makuha si Rebecca sa boyfriend niya. Do what you can do but do not hurt her. Just love her unconditionally and prove to her that you are worthy for her love."

Napag-isip si Messiah sa sinabi ng kanyang ama. Tama ito. Hindi pupwedeng nakakulong lang siya dito sa loob ng kwarto niya at nagpapakalasing dahil talagang walang mangyayari kung mananatili pa siyang ganito. He will do everything to get Rebecca back. He doesn't care kung hindi na siya nito mahal basta maipakita lang niya na mas deserving siya sa pagmamahal nito kaysa sa baliw na Aiden na iyon.

Tumango si Messiah doon. Tumayo naman si Josiah at isa-isa nitong pinulot at inayos ang mga boteng nabasag at gamit na nasira ni Messiah sa loob ng kwarto niya.

"You're really a beast when you are mad, son. Lagot ka dahil nagalit sa'yo ang Tito Jonas mo sa pambubugbog na ginawa mo sa anak niya." Josiah chuckled at kinuha nito ang trash bin na nasa sulok ng kwarto ni Messiah.

"I don't care. His asshole son deserves that." Sagot naman ni Messiah habang nakatingin lang sa ama niyang nagpupulot at nag-aayos ng mga sinira at binasag niyang gamit dahil sa pagwawala niya.

"You are really my son. No doubt." Naiiling namang sabi ni Josiah habang nakangiti.

Messiah just clench his fist and jaw. He will do everything to get Rebecca back. Kahit magpumiglas pa ito sa mga gagawin niya ay wala na siyang pakialam. One month is enough para pahupain ang galit, lungkot at selos sa puso niya. Kung kinakailangan ay gagamit na siya ng dahas makuha lang ang babaeng kinababaliwan at pinakamamahal niya.

Rebecca is his only possession and obsession and she's only belong to him.

---
# Hello!

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

4.6M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
382K 7.2K 53
In Kendrick Natividad's motto, 10 years age-gap was nothing to possess and become obsessed with his little girl, Hyacinth 'Haya' De Silva. You're Min...
856K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
1.4M 33.8K 54
Russel Madrid knows in their school that he is a kind, friendly, humble, cheerful, and understanding person but looks can be deceiving. You don't kno...