To Yohann (BxB) - Edited

By LadyLangLang

1.5K 191 109

Love confession is the most romantic way a person can show his/her affection towards the person he/she likes... More

Chapter 1: Yohann's Role
Chapter 2: Flower Crown
Chapter 3: Messenger Went Wrong
Chapter 4: Chased by Who?
Chapter 5: To Yohann, For Yohanne
Chapter 6: Battle of Bottles
Chapter 7: Thought, thought and thoughts
Chapter 8: Mixed Emotions
Chapter 9: The Poem's POV
Chapter 10: Messed Encounter
Chapter 11: Sudden Courage
Chapter 12: Glimpse of His Secret
Chapter 13: Afraid of the Realizations
Chapter 14: Date
Chapter 15: His Explanations
Chapter 16: The Four of Them
Chapter 17: Ticket to the Play
Chapter 18: The End of the Play is the Start of Confusion
Chapter 19: Confrontation
Chapter 20: Flowers and Kiss
Chapter 21: When Envy turns to Jealousy
Chapter 22: Calls
Chapter 23: The Gift
Chapter 24: Birthday for Him, Debut for Her
Chapter 25: Secret Revealed
Chapter 26: Sudden Confession
Chapter 27: Date and Conversation
Chapter 28: Decisions
Chapter 29: Letting Go?
Chapter 30: Important Matters
Chapter 31: What happened?
Chapter 32: Graduation Celebration
Chapter 33: Actual Confession
Chapter 34: Finally
EPILOGUE

Prologue

206 24 9
By LadyLangLang

“Yohann.” Naglalakad si Yohann patungo sa gym ng Senior High School building para sa rehearsal sa play na kinabibilangan niya nang biglang may tumapik sa balikat niya. Nilingon niya ito at kumunot ang noo niya nang hindi naman niya kilala ang lalaking kaharap niya.

“Why?” Tanong niya. May dinukot na papel galing sa bulsa niya ang lalaki at binigay ‘yun kay Yohann. Nag-alangan naman siyang tanggapin ‘yun kaya tiningnan lang niya ang nakatuping papel.

“May nagpapabigay sa ‘yo, basahin mo nalang.” Kinuha ng lalaki ‘yung kamay ni Yohann at nilagay sa palad nito papel. “Sige, mauna na ako.” Sinundan lang niya ng tingin ‘yung lalaki na naglakad na papalayo sa kaniya. Napatingin siya sa hawak niyang nakatuping papel. Wala sa sariling inamoy niya ‘yung papel. Nakaamoy siya ng panglalaking pabango sa papel kaya nagtaka siya kung sino man ang nagbigay nun sa kaniya.

Ang sabi ng lalaki, basahin daw niya kaya 'yun ang ginawa niya. Binuklat niya ‘yung papel at may nakasulat doon na mensahe.

Meet me at the STEM department rooftop. 4:30 PM.

“Ang bastos naman ng nagsulat nito, wala man lang greetings. No introduction at all.” Sabi niya sa sarili niya. Tiningnan niya ang relo niya at nakitang 4:20 palang ng hapon. Ang usapang call time ng mga casts ay 5:00 PM pa.

Namalayan nalang niyang naglalakad na siya papunta sa rooftop ng STEM department ng Senior High School building. Kung tama ang hinala niya, baka STEM student ‘yung nagpadala ng sulat dahil doon siya pinapapunta. Pinagtitinginan naman siya ng ibang mga STEM students. Iniisip siguro nila kung anong ginagawa ng isang HUMSS student sa STEM department.

Dumiretso siya sa hagdanan at naglakad patungo sa rooftop ng department. Pagbukas niya sa pinto ng rooftop, nakita niya ang isang lalaki na nakahawak sa railings at nakatalikod sa kaniya. Tama nga ang hinala niya na STEM student ang nagpadala ng sulat sa kaniya. Suot nito ang uniform ng mga lalaking STEM students na navy blue na blazer na may dalawang strips na white sa bandang kanang braso at naka black slacks at black school shoes. Ibig sabihin, Grade 12 STEM student na siya, base sa bilang ng strips.

Pagkasara niya sa pinto ay tumayo nang tuwid ‘yung lalaki at nilagay ang dalawang kamay sa loob ng bulsa ng slacks niya. Hawak-hawak ni Yohann ang papel at nagsimulang maglakad palapit sa lalaki.

“Stop right there.” Sabi ng lalaki habang nakatalikod pa rin sa kaniya. Sa tantya niya ay tatlo metro nalang ang layo niya sa lalaki. Hindi pamilyar sa kaniya ang boses ng lalaki kaya wala siyang ideya kung sino ‘yun.

“I don’t have enough courage to tell you this face-to-face, so please let me talk to you without facing you.” Dagdag pa nito. Wala naman siyang imik habang nakatingin sa likod ng lalaki, pero maraming scenario ang tumatakbo sa isip niya sa kung ano man ang sasabihin ng lalaki, pero ni isa dun ay ayaw niyang tanggapin. Baka kasi ay nag-ooverthink lang siya.

“Pasensiya na kung bigla kitang pinapunta rito. Hindi na talaga kasi ako mapakali. You’ve been on my mind these past few days and I don’t know how to approach you.” Tumigil siya saglit sa pagsasalita at kinamot ang ulo niya na parang nahihiya.

“Noong una palang kitang nakita, naattract na ako sa ‘yo. Hindi nawawala ‘yung ngiti sa mga labi mo habang nagsasalita ka.”

Kumunot naman ang noo ni Yohann sa huling mga sinabi ng lalaki dahil hindi naman siya palangiting tao, kung ngingiti man siya, minsan lang. Hindi nga siya palasalita. Kung kakausapin siya, doon lang siya nagsasalita.

“Grabe ‘yung tama ko sa ‘yo to the point na madalas na kitang tinitingnan kahit sa malayo.”

Stalker? Tanong ni Yohann sa isip niya.

“But don’t get me wrong, I’m not a stalker. It’s just that, my day is complete when I take a glimpse of you.”

Habang nakikinig si Yohann sa sinasabi ng lalaki ay mas lalo siyang naguguluhan. Ayaw magsink-in sa isip niya ang mga sinasabi ng lalaki. Iniisip niya na parang may mali. Hindi niya lang alam kung ano.

“Even small details of your movement make my heart flutters in joy.” Nanindig naman ang balahibo ni Yohann sa mga braso niya. He rubs his arms due to his instinct even though he's wearing his uniform's blazer. Hindi niya alam kung mandidiri ba siya o ‘di kaya’y makokornihan sa sinabi ng lalaki pero ramdam niyang hindi niya gusto ang susunod na sasabihin nito.

“The way you talk, the way you walk, the way you smile. Those things made me smile unconsciously.”

Pinipigilan lang ni Yohann na huwag magsalita pero gustong-gusto na niyang i-interrupt ang lalaki pero nanaig pa rin sa kaniya ang kagustuhang malaman kung ano pa ang sasabihin ng lalaki.

“Even the way how you flipped your wavy hair - - -.”

“Sandali lang, baka nagkakamali ka ng pinadalhan ng sulat.” Pagputol niya sa sinasabi ng lalaki.

Doon lang nakumpirma ni Yohann na may mali talaga sa nangyayari. Halata namang ibang tao ang tinutukoy ng lalaki sa mga sinasabi niya at hindi siya ‘yun. Hindi wavy ang buhok niya dahil naka crew cut ang style ng buhok niya.

Sa wakas ay lumingon na ang lalaki sa kaniya. Pansin ni Yohann ang halong gulat at pagtataka sa mukha ng lalaki nang makita siya. Alam niyang iba ang inaasahan ng lalaki na darating.

“What the heck? Who are you? I’m not expecting a guy to arrive.”

“Bago ka magreklamo, dapat sinigurado mo muna kung sino ang papadalhan mo ng sulat.” Simpleng tugon ni Yohann at naglakad palapit sa lalaki. Hindi naman siya gaanong galit, pero kasi, naabala siya sa gagawin niya. Bakas pa rin sa mukha ng lalaki ang gulat sa natuklasan niya.

“Sayang lang ‘yung love confession mo kung ibang tao ang makakarinig.” Tumigil siya sa harap ng lalaki at binigay ‘yung papel. “Give this letter to that someone who deserve to hear your confession.”

“Pero sabi ng kaibigan ko, Yohan ang pangalan ng babaeng nagugustuhan ko.” Sabi ng lalaki.

“Baka ‘yung babae.”

“Huh?”

“By the way, I’m Yohann. Pronounce as Yohan, spells as Y-O-H-A-N-N. Baka ‘yung tinutukoy mo si Yohanne, same pronunciation but different spelling, Y-O-H-A-N-N-E. Siya siguro ang dapat nakarinig ng love confession mo at hindi ako.”

“Pambihirang Ryle ‘yun, palpak.” Dinig niyang sabi nito. ‘Yung kaibigan niya sigurong nagbigay sa kaniya ng sulat ang tinutukoy nito. “Siya nga dapat ang nakarinig ng love confession ko at hindi ikaw.” Tumango lang si Yohann sa sinabi ng lalaki at bahagya pa ring nakaangat ang kamay niya at hinihintay na kunin ng lalaki ang papel, pero wala yata itong balak na kunin ulit ang papel kaya nilagay lang niya sa bulsa niya ang papel dahil hindi na naman tinanggap ng lalaki.

“I’ll go first. I still have a rehearsal to do.” Tinalikuran na ni Yohann ang lalaki at nagsimulang maglakad pero nakakalawang hakbang palang siya ay hinawakan ng lalaki ang pulso-pulsuhan niya kaya napatigil siya sa paglalakad. Nakaramdam siya na ng kakaiba habang hawak ng lalaki ang wrist niya pero isinawalang bahala lang niya ‘yun. Tiningnan naman ni Yohann ‘yung lalaki.

“Do you need anything?”

Agad namang binitawan ng lalaki ang wrist ni Yohann at binalik sa bulsa niya ang mga kamay niya.

“Close ba kayo ni Yohanne?” Diretsong tanong ng lalaki kay Yohann at sa tono ng tanong nito, mukhang alam na niya kung anong tumatakbo sa isip nito.

“Oo.” Pagkasabi niya nun ay sumilay ang ngiti sa mga labi ng kausap niya. Base sa nakita niya, alam niyang tama ang hinala niya.

“If that’s the case, then can you help me - - -.”

Tinalikuran na ni Yohann ang lalaki at nagsimula ng maglakad patungo sa pinto palabas ng rooftop. Inaasahan na niya na ‘yun ang sasabihin ng lalaki kaya mas pinili niyang umalis na. Ayaw niyang mangialam sa buhay ng iba, lalo na’t hindi naman niya kilala ang kausap niya.

“By the way, I’m Zacheous.”

I don’t care. Sabi ni Yohann sa isip niya at hindi na pinansin si Zacheous. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Malapit na siya sa pinto nang biglang nagsalita si Zacheous.

“Thank you in advance Yohann.”

Anong ‘Thank you in advance Yohann.’? Nang-aasar ba siya? Bahala ka riyan.

Hindi naman siya pumayag sa pabor ni Zacheous pero base sa narinig niya, parang inaasahan na ni Zacheous na tutulungan niya siya na mapalapit kay Yohanne.

Dapat hindi ko na sinabi na close kami ni Yohanne.

---

LadyLangLang

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 56 6
[BL STORY] 5/27/24 🥇#1 in GOVERNOR
3.6K 210 28
Wade Carson, the Basketball Team Captain and Asher Everrette, the older brother of Wade's friend.
1.6K 68 3
Velasco series #1 When you're a guy who is deaf and married to a cold playboy who has an affair with other women just beside your bedroom is somethi...
541K 20.5K 54
ALL THIS LOVE IS SUFFOCATING! Charli D'amelio / Social Media Completed. Cringe...it was 2020...