Sa Susunod Na Habang Buhay |...

By yogirlinmorning

2.4K 200 126

Unexpected things happens to Mia's already messed up and well threatened life as she goes with her new case... More

00
PROLOGUE
SSNHB - 01
SSNHB - 02
SSNHB - 03
SSNHB - 04
SSNHB - 05
SSNHB - 06
SSNHB - 07
SSNHB - 08
SSNHB - 09
SSNHB - 10
SSNHB - 11
SSNHB - 12
SSNHB - 13
SSNHB - 14
SSNHB - 15
SSNHB - 16
SSNHB - 17
SSNHB - 18
SSNHB - 19
SSNHB - 20
SSNHB - 22
SSNHB - 23
SSNHB - 24
SSNHB - 25
SSNHB - 26
SSNHB - 27
SSNHB - 28
SSNHB - 29
SSNHB - 30
SSNHB - 31
SSNHB - 32
SSNHB - 33
SSNHB - 34
SSNHB - 35
SSNHB - 36
SSNHB - 37
SSNHB - 38
SSNHB - 39
EPILOGUE
AM
SSNHB - Special Chapter

SSNHB - 21

43 6 12
By yogirlinmorning

It's Sunday today kaya naisipan kong pumunta ng mall to relieve some stress dahil malapit na ang trial ng kaso ni Ken at Grace, at para na rin makabili ako ng bagong damit. Ang tagal na rin noong huling pumunta ako ng mall.

"I'm so sorry bebi, I really can't go with you. May biglaang conference ako na kailangang puntahan at sa Thailand iyon. I'm on my way to the airport na dahil 3 pm ang flight ko." Sabi ni Ate Marie sa kabilang linya.

"Grabe, kakagaling mo lang ng Singapore at kakauwi mo lang noong isang araw, tapos ngayon lalakwatsa ka na naman." Sabi ko sa kanya at umupo na. Sumandal ako sa headboard ng kama ko at tinignan ang oras, it's 11 a.m. already at late ako gumising dahil nga wala naman akong pasok at napuyat ako sa mga ibang kaso na hawak ko.

"You know how I hate staying here in the Philippines. If opportunities knock on my door, aalis talaga ako ng walang pag-aalinlangan." Sagot naman ni Ate na dinugtungan pa ng tawa. Napatawa na lang din ako sa kanya dahil totoo naman.

Sobrang gala talaga si Ate Marie kaya madalas din silang nag-aaway ni Tita dati. Pero ngayon, dahil sa trabaho ni ate, at sariling pera naman na ni ate ang ginagastos niya ay wala ng magawa sila Tita para pigilan siyang gumala at yung gala niyang pang around the world.

"Okay, mag-iingat ka ha. Sabihan mo naman ako kung nakauwi ka na. Ang dami kong ikukwento sa'yo. Kahit sila Ate Marj hindi pa nagpaparamdam sakin." Medyo nagtatampong sabi ko sa kaniya. Sa sobrang busy namin ay nakalimutan na naming dalawin ang isa't isa kahit na diyan lang din naman sa kabilang kanto ang mga bahay nila.

"Nasa Siargao sila Ate Marj ngayon, tawagan mo kung kailan uwi nila. Basta ako 1-week ako sa Thailand." Sagot naman ni Ate. Napalingon ako sa may pinto ng may mahinang kumatok doon at bumukas iyon.

Napangiti ako ng sumilip si Ken doon, sinenyasan ko sya na sandali lang saka ako bumalik sa pakikipag-usap kay Ate Marie. "Okay, I'll just call them na lang later. Ingat ka ha, love you. I'll hang up na, magpeprepare pa ako dahil bukas na ang trial ng kaso ni Mark Hererra." Pagbalita ko kay Ate.

Nakita kong pumasok si Ken at dumiretso ito sa slide door ko at lumabas sa may veranda para kunin ang mga damit ko na nakasampay doon. Nakalimutan ko na pala iyon ipasok kagabi dahil sobrang tutok ako sa trabaho.

"OMG! Good luck bebi. I know maipapanalo mo yan. Mag-ingat ka ha. O siya, sige na bebi, I gotta go, nandito nako sa airport." Paalam ni Ate Marie sakin.

"Yes, I know I will win this case. Have a safe flight, wag ka na maghanap ng bebe dyan ha. May irereto ako sayo pag-uwi mo. Bye, love you!" Natatawang sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pag-iling ni Ken dahil alam niyang si Liam ang tinutukoy ko na irereto ko kay Ate Marie.

"Basta masarap... masarap magluto, g ako diyan HAHAHA. Chareng, sige na bye!" Sabay kaming natawa sa kalokohan niya. After she ended the call ay pinatong ko na sa side table ko ang cellphone ko at bumaling kay Ken na nakaupo na sa sofa at tinutupi ang mga damit ko.

It's been a week since nung nabuhay siya ulit. It still gives me creeps most of the time, pero hindi ko maiwasan mapangiti dahil sa nakakalokong paraan ng tadhana para pagtagpuin kami.

"Ken, iwan mo na yang mga damit ko dyan, ako na ang magliligpit niyan." Pagtawag ko sa kaniya. Lumingon naman siya sa akin at ngumiti.

"Matatapos ko na rin naman." Sabi niya at pinagpatuloy ang pagtutupi. Hinayaan ko na lang din siya dahil alam kong hindi naman siya magpapapigil.

Sa halos isang linggo naming pagsasama dito sa bahay ko ay unti-unti ko nang nadidiskubre yung ugali niya at ang mga hilig niya. Ken is stubborn most of the time, but he is sweet, caring, and thoughtful. Sobrang honest niya rin, na kung hindi ka sanay ay mao-offend ka talaga. These are some things that I observed to him tuwing magkasama kami.

"Iwan mo na lang yan diyan pagtapos mong tupiin ha. Ako na ang maglalagay sa drawer ko, maliligo lang ako." Sabi ko sa kaniya at tumayo na para kunin ang tuwalya ko.

Lumingon ulit ako sa kaniya at nakitang malapit na rin siya matapos sa ginagawa niya. "After mo dyan, maligo ka na rin. Samahan mo ako mag mall, doon na lang din tayo kumain." Sabi ko sa kaniya.

"Aye, captain!" Sagot niya at sumaludo pa. Isa pa ito sa napansin ko sa kaniya, madalas siyang kalog at parang isip bata kaya naaaliw na lang ako pagkausap ko siya.

Tumawa lang ako sa kaniya at saka pumasok sa banyo para maligo. Wala pang limang minuto ay narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kwarto ko kaya alam kong lumabas na rin siya.

After 30 minutes ay lumabas na ako nakita ko na maayos na nakalagay ang mga damit na tinupi ni Ken sa may kama ko. Nakangiting pumunta ako sa closet ko para kumuha ng damit, bumalik ako sa loob ng banyo at doon nagbihis.

Paglabas ko ay nilagay ko muna sa closet ko yung mga damit ko bago ko kinuha ang blower at pinatuyo ang buhok ko. Pagtapos ay naglagay lang ako ng kaunting makeup at saka lumabas ng kwarto.

Pagbaba ko sa sala ay nakita kong nakabihis na rin si Ken. Ngumiti ako sa kaniya ng magtama ang tingin namin. Sumenyas sya na mauuna na sya sa labas dahil papaandarin na niya ang sasakyan. Tumango lang ako sa kanya at saka pumunta ng kusina para uminom ng tubig.

Habang nainom ay hindi ko maiwasan na hawakan ang dibdib ko. Hanggang ngayon ay ang bilis pa rin ng tibok nito dahil lang sa ngiti ni Ken. Ayokong pangalanan 'tong nararamdaman ko pero hindi ko rin naman magawang iwasan ito.

Pagtapos ko uminom ay lumabas na ako ng bahay at ni-lock ang pinto at gate. Naglakad ako palapit sa sasakyan at nakita kong nakatayo sa gilid non si Ken at may kinakausap sa cellphone.

Pinagmasdan ko ang ayos niya ngayon, nakasuot siya ng itim na malaking tshirt at pinatungan niya rin ito ng itim na vest. Black tight pants din ang suot niya at boots. Siyempre may suot rin siyang itim na mask at shades. May suot rin siyang LV sling bag na binigay ko sa kaniiya. Grabe puro itim halo lagi ang suot nito.

Nang makalapit ako sa kaniya ay agad siyang umayos ng tayo at nilagay sa bag ang cellphone niya at pinagbuksan ako ng sasakyan.

"Thanks." Nakangiting sambit ko at saka sumakay sa passenger seat. Pagkasara niya ng pinto ay sinuot ko na rin ang seatbelt.

"Saan tayo?" Tanong niya sakin ng makasakay siya at iniatras ang sasakyan.

"MOA na lang." Sagot ko sa kaniya. Nag thumbs up naman siya at nag focus na lang sa pagdadrive. Habang nasa biyahe ay nag-uusap kami ng kung ano-ano.

"Nga pala, bukas na ang trial ng kaso mo, handa ka na ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Handa na ako Mia na mahatulan ang gagong 'yon. Hindi ko rin matanggap ang ginawa niyang panggagahasa kay Grace." Seryosong sambit niya.

Huminga ako ng malalim at napansin niya iyon. Napatingin ako sa kaniya ng abutin niya ang kamay ko na nasa mga hita ko at hinawakan ito ng mahigpit.

"Alam kong kinakabahan ka, pero mas alam kong kaya mong ipanalo ang kasong ito. Naniniwala ako sayo Mia." Malumanay na sabi niya. Hindi ko maialis ang tingin ko sa mga mata niya.

Hindi rin nakakatulong ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa magkahawak naming kamay. Shit! Get a grip Haamiah, hindi ka na teenager.

"Salamat Ken, gagawin ko ang lahat para mabigyan kayo ng hustisya at mabulok sa kulungan ang hayop na 'yon." Seryosong sabi ko kahit pa nga gusto ng lumabas ng puso ko dahil sa bilis ng tibok nito.

Hanggang sa makarating kami sa MOA ay hindi na niya binitawan ang kamay ko. Hindi ko rin naman ito mabawi dahil gusto ko ang pakiramdam ng mainit niyang palad sa balat ko. Kailan ko ba huling naranasan makipag holding hands?

"Punta muna tayo sa mga clothing store, bili muna tayo ng damit." Nakangiting sabi ko sa kaniya. Tumango at nag thumbs up naman siya gamit ang kabila niyang kamay. Hindi ko alam kung nakangiti ba siya dahil nakasuot siya ng mask.

Mukha siyang K-Pop idol kaya pinagtitinginan kami ng mga tao, lalo na ng mga kabataang dalaga. Napailing na lang ako dahil naririnig ko rin ang mahina nilang tili.

"Buti na lang naka face mask at shades ka, hindi nila makikita gwapo mong mukha." Natatawang sabi ko sa kaniya. Naglalakad kami ngayon papuntang Forever 21.

"Ikaw lang pwedeng makakita sakin Mia." Sabi naman niya. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya dito. Ako lang pwedeng makakita sa mukha niya dahil ako lang ang may alam na buhay sya bukod sa mga kaibigan niya? O ako lang may karapatan--- leche Mia, kung ano-ano na pinag-iisip mo.

Pumasok kami sa loob ng Forever 21 at kahit ang mga saleslady dito ay hindi mapigilan ang sundan ng tingin si Ken. Takte, agaw pansin naman 'tong kasama ko.

Namili lang kami ng mga damit, ayaw pa nga niya nung una pero buti ay napilit ko rin siya. Pagtapos namin sa Forever 21 ay lumipat naman kami sa H&M.

Pagpasok pa lang ay bumungad na sakin ang isang dress. Agad ko itong nilapitan at tinawag ang saleslady para tanungin kung mayroon pa nito sa size ko. Luckily ay meron pa, pumunta ako sa fitting room para isukat ito. Naiwan naman sa labas si Ken at hawak ang mga pinamili namin.

Lumabas ako ng fitting room para tanungin si Ken. Nahihiyang ngumiti ako sa kanya paglabas ko.

"What do you think?" I asked him.

"Ganda mo." Sabi niya at bahagyang binaba ang facemask niya para makita ko ang ngiti niya. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sa komento niyang ito.

"Bolero ka!" Natatawang sabi ko para pagtakpan ang kilig na nararamdaman ko.

"Huy hindi ah. Ang ganda mo Mia. Bagay sa'yo." Seryosong sabi niya. Tumango naman ako sa kanya at ngumiti ng malapad.

"Salamat." Maikling sagot ko sa kanya. Medyo naiilang nako dahil ang lalim na niya tumitig sakin.

"Bilhin mo 'yan ha." Sabi niya at saka ako dahan-dahang tinulak papasok ulit sa loob ng fitting room.

Napasandal ako sa pinto ng fitting room ng maisara ko ito. Grabe, kinakapos ako sa hininga dahil lang sa titig na 'yon. Inayos ko muna ang sarili ko at inantay bumalik sa normal ang pagtibok ng puso ko bago ako nag bihis at lumabas muli ng fitting room.

Paglabas ko ay agad na tumayo si Ken sa kinauupuan niya at lumapit sakin. Nang makalapit ay agad niyang hinawakan ang kamay ko at naglakad na papunta sa cashier. Napatitig na naman ako sa kamay naming magkahawak at lihim na napangiti.

Pagkabayad namin ay napagdesisyunan namin na sa may seaside na lang humanap ng makakainan. It's already 1 p.m. at nagugutom na talaga ako.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong sa kaniya. Naglalakad na kami at humahanap ng makakainan.

"Seafood Island?" Patanong rin na sagot niya at tinuro ang restaurant. Tumango naman ako sa kaniya kaya naglakad na kami papasok doon.

"Good Afternoon Ma'am, Sir, table for two?" Tanong ng waitress pagkapasok namin. Tumango naman si Ken.

Hinatid kami ng waitress sa pinakadulo na pwesto at inabot samin ang menu. Hindi naman na ako bago dito kaya alam ko na agad ang oorderin ko, pero tinanong ko pa rin si Ken.

"Kung ano na lang sa'yo Mia. Malaki naman 'to at good for 5 people kaya hati na lang tayo." Sabi naman niya. Tumango ako sa kaniya at tinawag ang waitress para ibigay ang order namin.

We spent the whole lunch by talking about random things. Sobrang kalmado ng araw na 'to para sakin. After we eat, naglakad-lakad lang din kami sa may sea side. Hindi namin ininda ang init ng araw dahil malamig naman ang simoy ng hangin.

Napagdesisyunan din namin na sumakay sa iba't ibang rides gaya ng Vikings. Nang malapit ng lumubog ang araw ay napagkasunduan namin na sumakay sa Ferris Wheel.

Habang papataas kami ay naramdaman ko muli ang paghawak niya sa kamay ko.

"Mia, may tanong ako." Seryosong saad niya.

"Hmm?" Tanging nasambit ko na lang dahil sa bilis na naman ng tibok ng puso ko at malakas na hangin. Aatakihin ata ako sa puso ngayong araw.

"May nanliligaw ba sa'yo ngayon? Or may nagugustuhan ka ba? Seryoso at diretsahang tanong niya sakin. Sabi sa inyo, kung hindi ka mao-offend ay magugulat ka naman.

Napalingon ako sa kanya at ilang minuto siyang tinitigan bago nagsalita. "Bakit mo na tanong?" Kinakabahan rin na tanong ko sa kanya.

It takes him a couple of minutes too before he dropped those words that make my heartbeat stop.

"I like you, Mia."









__________YGM________

Continue Reading

You'll Also Like

24.4K 1.1K 47
Fangirling is the only thing that's been holding the few pieces of her that were left after life repeatedly tried to tear her down. Skipping school t...
23.7K 51 11
Requested by ShinEl4. She's very kind! ;)
226K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
3.1K 130 16
VICE ION🧡🧡 STORY BUT THIS IS NOT TRUE STORY TLGA OKAAY LOVE YUAHHH😘💖💖😘💖😘💖