(G4S Book3): OUR LEGACY

By Nikkidoo

248K 6K 1.1K

"Love knows no fear and danger." Book 3 of GIRLFRIEND 4 SALE © by Nikkidoo. "Kailan ba matatapos ang lahat ng... More

P R O L O G U E
Chapter ONE --> Apart <--
Chapter TWO --> Madly In Love <--
Chapter THREE --> Unfair Fight <--
Chapter FOUR --> The Playboy <--
Chapter FIVE --> Too In Love <--
Chapter SIX --> Destiny <--
Chapter SEVEN --> The Last Member <--
Chapter EIGHT --> 7-Eleven <--
Chapter NINE --> The Visitor <--
Chapter TEN --> Glimpse <--
Chapter ELEVEN --> Generous Brother <--
Chapter TWELVE --> The Rescuer <--
Chapter THIRTEEN --> Knock <--
Chapter FOURTEEN --> Missing You <--
Chapter FIFTEEN --> Pissed? <--
Chapter SIXTEEN --> The Playboy's Secret Life <--
Chapter SEVENTEEN --> His Adorable Side <--
Chapter EIGHTEEN --> Helping Hand <--
Chapter NINETEEN --> Sexy Pictorial <--
Chapter TWENTY --> First Fight <--
Chapter TWENTY-ONE --> What We're Sorry For <--
Chapter TWENTY-THREE --> Stars and Sky <--
Chapter TWENTY-FOUR --> "Codex" <--
Chapter TWENTY-FIVE --> The Twins <--
Chapter TWENTY-SIX --> A Childhood Memory <--
Chapter TWENTY-SEVEN --> I Must Not. But... <--
Chapter TWENTY-EIGHT --> City Lights <--
Chapter TWENTY-NINE --> Seth & Sam <--

Chapter TWENTY-TWO --> 18th Summer <--

6.8K 172 9
By Nikkidoo

======> Chapter TWENTY-TWO --> 18th Summer <--

 

[Cassidy's POV]

"Perfecto!" ani Ate Maki sabay palakpak dahil sa sobrang tuwa.

Umupo siya sa isang pulang sofa sa harapan ko at kunwaring nagpunas pa ng luha. "Ang ganda-ganda mo, Cassidy. Bagay na bagay sa'yo 'yong gown pati na rin 'yong ayos ng buhok mo."

Sasabihin ko palang sana na "Don't be ridiculous, ate!" noong biglang may sumingit sa usapan.

"Purihin mo nalang kasi 'yong ginawa mong gown." Tiningnan ng matalim ni Ate Maki 'yong lalaking nagsarado ngayon ng pintuan. He walked toward me, arranging his black tie and the collar of his white undergarment. Ngumiti siya noong nakita niya ko. "You look so beautiful, princess."

Ngumiti ako sa kanya at sasabihin ko na sanang "Thanks, kuya!" noong biglang may sumingit na naman sa usapan. So bastusan pala 'to? I mentally laughed. Nevermind.

"Ano na namang ginagawa mo dito sa loob, Jace? Bawal ka dito!" Dumekwatro si Ate Maki at saka humalukipkip habang nakakunot ang noo niya kay kuya.

"Bakit?" Halata naman sa mukha ni kuya ang pagtataka.

"It's a designer and client thing, okay? We need privacy! Saka, hindi mo ba nakita 'yong nakasabit sa labas ng pintuan? 'Personnel Only'!" Ate Maki sighed exasperatedly.

"Why, staff ka ba sa hotel na 'to?" sabi ni kuya. I snorted. Natawa naman ako sa sinabi ni kuya kahit na nakikita ko ngayon ang pagkairita sa mukha ni Ate Maki. Lalo siyang gumaganda kapag naiirita siya. Weird. Ito namang si kuya abot langit ang pilyong ngiti. Lalo pang nang-aasar. Sarap nilang pag-untugin.

Buti nalang at may kumatok at nagbukas ng pintuan bago pa magbangayan 'yong dalawa. "In ten minutes," pahayag no'ng party planner ko at isinarado nang muli 'yong pintuan. Agad namang tinawag ni Ate Maki ‘yong dalawang makeup artist ko at humahangos naman silang lumapit sa’kin bitbit ‘yong foundation, hairspray at brush.

Iniharap ako ni Ate Maki sa isang full-body mirror at mistulang hindi ko makilala kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Kumikinang sa Swarovski crystals ang magkahalong kulay asul at berde kong gown, tube Top ito at mahaba ang saya; makinang din ang itim na beads ng itim na telang hapit sa tiyan ko; mataas ang itim kong anim na pulgadang high heels at mayroon akong diamond earrings na hugis bulaklak. Binigay iyon nina Mama at Papa, sina Mr. And Mrs. Villamayor. They asked me to wear those and who was I to refuse, right?

Napatingin ako doon sa kristal na kwintas na nakasabit sa leeg ko. Para iyong namuong luhang sinintensyahang hindi tumulo kahit kailan. It was shiny and cold against my skin. Awtomatikong inabot iyon ng aking kamay. Parang naging habit ko na yata itong pagkulong ng pendant sa palad ko tuwing ninenerbyos o kaya’y nalulungkot ako.

Kahit papaano kasi ay dito ako nakakakuha ng lakas ng loob. Mula sa taong nagbigay nito.

“Eunice.” Humarap ako kay Kuya. Lumayo na sa akin ang dalawang makeup artist ko upang kausapin si Ate Maki. Humakbang si kuya sa tinatayuan kong platform. May kinuha siya mula sa bulsa ng pantalon niya. “Gusto ko sanang ibigay sa’yo ito.”

Binuksan niya ‘yong asul na kahon at tumambad sa akin ang isang bulaklak na diamond hairclip. May halo itong gold at sa unang tingin mo palang ay masisilaw ka na agad sa kinang nito. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Tinitigan ko si kuya, hindi malaman kung ano bang salita ang dapat kong sabihin. “K-Kuya...”

“It’s from our mom.” Kinuha niya ‘yong hairclip mula sa kahon. “Years ago, noong bumalik ako sa bahay natin dati, ito lang ang bukod tanging bagay na nakita kong hindi nasunog.” Hinawakan ni kuya ang parehong balikat ko upang paharapin ako sa salamin. Inilagay niya ‘yong hairclip doon sa buhok ko. My bun looked spectacular because of that.

Ngumiti siya noong makita niya ang repleksyon ko sa salamin. “Beautiful. You looked exactly like our mother.”

I smiled at our relection. “I wished I saw her. And dad, too.”

“Sorry kung wala akong naitabing picture nila.” Ipinatong niya ‘yong kamay niya sa balikat ko. Nakita ko ang kaunting lungkot na gumapang sa mga mata ni kuya.

Hinawakan ko ang kamay ni kuya at pinisil iyon ng marahan. “Ayos lang. I know they’re both good-looking,” I joked.

Tumawa ng mahina si kuya at itinuro ‘yong salamin. “Yes. And there’s the proof.” We both laughed because of our stupid vanity. When wretched times started to knock on your door, try to welcome them with a smile. Hindi naman kasi makatutulong kung lalo mo lang daramdamin ang lungkot. Minsan, ngiti mo lang naman ang kulang upang maging ayos ang lahat.

“Jace?” Lumingon kaming dalawa ni kuya doon sa planner ko, si Mrs. Avencia. “Pumunta na kayo ni Cassidy sa may double door. Nagsasalita na ‘yong emcee.”

Tumango si kuya. “Thank you po.” Humarapa siya sa’kin at inalok ang braso niya. “Ready, sis?”

Ngumiti ako bago ko kuhanin ang braso ni kuya. “Hell yeah, big bro.”

***

Dinig ko mula dito sa likod ng double doors ‘yong boses ng emcee mula doon sa malaking pavilion. Nandito kami sa labas at naghihintay para sa pagbubukas noong pintuan.

“And now ladies and gentlemen, please welcome the debutant, Angel Cassidy Villamayor, together with her lovely brother, Mr. Jace Park.” Sa pagkakasabi noong emcee ng mga salitang iyon ay unti-unti nang bumukas ‘yong malaking double doors. Bumungad sa akin ang isang mahabang pulang carpet sa gitna ng aisle.

Habang lumalakad kaming dalawa ni kuya ay pumapalakpak ang mga bisita at bawat paris ng mga mata ay nakatingin sa amin–sa akin. Malaki at makinang ang kulay gintong chandeliers sa kisame, marami ring puti at peach na bulaklak sa paligid. Ganoon din ang kulay ng table, chairs at mga design sa paligid. Ang mga bisita naman ay pare-parehong nakakulay itim at puti. Magkakahalong peach, white, gold, silver at black ang nakikita ko sa paligid. Bukod tanging ang suot lang namin ni Kuya Jace ang angat na angat.

Pagdating namin sa harapan ay umakyat kami sa platform at pinaupo niya ako sa isang kulay puti at tsokolateng Rococo sofa. Inabot sa kanya no’ng emcee ‘yong mikropono at walang pagdadalawang-isip siyang humarap sa mga tao.

“A pleasant evening to all of you,” my brother greeted. “I’m glad because all of you are able to come here tonight–to one of the most special nights of my beloved sister.” Bumaba si kuya sa platform. “Matagal na panahon kaming nagkahiwalay ng kapatid ko. To tell you the truth, I really did give up on her. I thought that there was no hope in finding her after long years of searching. But that was one of my gravest mistakes in life.” Tumingin sa akin si kuya at nagtama ang tingin naming dalawa. He smiled at me softly. “Because you never give up on something that’s very dear to you. It’s like playing all the cards but leaving out all the aces. Hindi makukumpleto ang buhay mo kung sa umpisa palang ay alam mo nang may nawawala sa’yo.”

Pinigilan kong hindi umiyak dahil ito ang unangu-unang paalala sa akin ni Ate Maki. Huwag akong iiyak dahil masisira ang makeup ko. Pero kung magpapatuloy ng ganito si kuya ay baka wala pang ten minutes akong nandito ay humulas na sa luha ‘yong makeup ko.

“And now that you’re turning eighteen, I just have one message for you.” Mas lumaki ang ngiti ni kuya sa akin. “Always remember that I am here. That no matter what problem you have, you can always rely on me. That whenever you’re heartbroken, I am more than willing to offer both of my shoulders for you to cry on. Alam kong maraming taon na tayong nasayang, Eunice, pero maaasahan mo na makakasama mo ko kapag nag-twenty, nag-thirty, nag-fifty o kahit mag-one hundred ka pa. I may not be the sweetest or most perfect brother for you, but I can promise you one thing.” Kumindat siya sa akin. “Ako ang magiging pinakagwapong kuya sa balat ng lupa para sa’yo. Arasso?”

Tumawa ang mga tao sa loob ng pavilion at sabay-sabay na nagpalakpakan para sa huling pilyong linyang iyon ni kuya. Hindi ko rin mapigilang tumawa at pumalakpak. Ito talagang si kuya.

Sunod na nagbigay ng speech sina Mama at Papa. Halos tumulo na ‘yong luha ko noong humingi sila ng tawad at sabihin kung gaano nila ako kamahal kahit na hindi nila ako tunay na anak. Ngunit paulit-ulit kong sinasabi ko sa sarili ko na hindi pwede dahil paniguradong magta-tantrums si Ate Maki. “Come and visit me and your dad some other time, huh, sweetie? We miss you so bad.” Lumapit sa akin si Mama at hinalikan ako sa pisngi.

“Thank you, Ma,” I said. “Sure. Bibisita ako.” Nagbigay na rin ng kanya-kanyang message ‘yong eighteen candles. At syempre, napuno na naman ng tawanan ‘yong pavilion dahil sa mala-telenobelang mensahe ng kambal-engot. May paiyak-iyak effect pa silang nalalaman.

Noong dumating na ‘yong oras para sa eighteen roses ay doon lamang ako naalarma. Shit. Bakit hindi ko agad naisip kung nandito ba si Den? Masyado akong na-preoccupy ng mga pangyayari ngayong gabi. Napahawak ako doon sa teardrop necklace sa leeg ko. Nandito kaya siya? Nasaan siya? Hinanap ko siya sa mga tao ngunit hindi ko sila makita.

Biglang bumukas ‘yong double doors sa likuran. Isa-isang pumasok ‘yong mga lalaking nakasuot ng silver na tuxedo ngunit ang nakakatawag-pansin sa kanila ay pare-pareho silang nakasuot ng puting maskara. Bawat isa sa kanila ay may hawak na pulang rosas. Bumilog sila sa harapan at may isa sa kanilang sinundo ako mula sa platform. Kinuha ko ang nakalahad niyang kamay at sabay kaming bumaba upang pumunta sa gitna ng bilog.

Nagsimula ang isang classical na kanta. Hinawakan niya ako sa baywang pati na rin sa kanang kamay. “Sino ka?” tanong ko habang nagsasayaw kaming dalawa.

“Secret. Hulaan mo.” Tumawa  siya ng mahina. Kita ko sa butas ng maskara niya ang singkit niyang mga mata. Sino kaya ‘tong kasayaw ko ngayon? Pagkatapos ng ilang sandali ay huminto na siya sa paggalaw upang tanggalin ang maskara niya.

Napatakip ang parehong kamay ko sa bibig ko noong mamukhaan ko siya. “Oh my gosh!” Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Tawa naman siya ng tawa sa reaksyon. “Hindi mo sinabing umuwi ka na, Rocky? Na-miss ka namin no’ng kambal!” Yes, si Rodrigo Lim a.k.a. Rocky. Siya ‘yong matalik naming kaibigan no’ng kambal-engot noong elementary pa lamang kami. Bumalik sila ng pamilya niya sa China upang doon na tumira. Hindi man lamang niya sinabing nakabalik na pala siya dito sa Pilipinas.

“Oh, tama na ‘yan, Cassidy. Baka magselos sa’kin lahat ng makikipagsayaw pa sa’yo,” he teased.

Tumawa ako. “Baliw. Pero infairness ah. Tumangkad ka.” Kumindat lang siya sa’kin bago bumalik doon sa pwesto niya. May lalaking sunod na lumapit sa akin upang isayaw ako. Ang ilan sa kanila ay mga kaklase ko o kaya’y kaibigan ni kuya. Wala kasi akong masyadong kaibigang lalaki... o babae, if that helps. Like I said, I’m not that “friendly” kind of a girl.

May kakaiba akong naramdaman dito sa lalaking papalapit sa akin. May naaalala ako sa tangkad niya at sa matipuno niyang pangangatawan. “Do I know you?” I asked.

“Of course, you do.” Kumabog ang puso ko dahil sa timbre ng boses niya. Napanganga ako ng kaunti. Pagkatapos ng ilang sandali ay tinanggal na niya ang maskara niya. Napatingin ako sa mga mata niya at napagtantong nagkamali ako sa iniisip ko. “Long time no see, Cassidy.”

I smiled at him. “It’s nice to see you, Brye.” Sinundan siya ng mga mata ko habang bumabalik siya sa pwesto niya. Kailan pa bumalik si Brye? Ang alam ko ay pumunta siya London para sa business ng pamilya nila. Well, people are really full of surprises. One day they’re gone, then after some time, they’ll come back without any warning.

“Hey. Happy Birthday.” Kahit na hindi ko pa nakikita ang mukha niya ay alam ko na kung sino siya base sa kulay ng buhok niya. Siya lang naman ang kilala kong kulay blonde ang buhok eh.

“Thank you, Seth.” Inalis na niya ‘yong maskara at saka ngumiti sa akin bago bumalik sa pwesto niya.

“Happy Birthday,” sabi noong sumunod sa kanya. Nagpasalamat ako at noong matapos na ‘yong turn niya ay inalis na niya ‘yong maskara niya. Ngumiti sa akin si Vex at mula doon ay alam kong may mali sa kanya. Nagkagalit kaya sila ni Jenica? Bakit parang malungkot ‘yong lalaking ‘to?

Apat na lalaki na lamang ang natitira. Lumapit na sa akin ‘yong isa upang ibigay ‘yong rosas. “Happy birthday,” sambit niya sa isang mababang tinig habang isinasayaw ako sa saliw ng musika.

“Salamat.” Nakatingin ako sa mga mata niya. Nakababa iyon na para bang ayaw niya kong tingnan. Kumunot ang noo ko. “Sander?”

Tumaas ang tingin niya sa akin. Kitang-kita ko na ngayon ang kulay tsokolate niyang mga mata. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga ito. “Huwag kang mag-alala. Nandito siya,” sabi niya. Pagkalipas ng ilang segundo ay binitiwan na niya ako upang bumalik sa pwesto niya. May mga bagay pa sana akong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko mahanap ang mga tamang salita.

Isinayaw ako ni Papa, at pagkatapos naman ay si kuya. Kahit hindi pa niya sabihin ay may pakiramdam na ako kung sino ang ika-labinwalong lalaking magsasayaw sa akin. “I know you’d prefer him more to be the last one than me,” nakangising pahayag ni kuya.

Pinalo ko siya ng mahina sa braso. “Kuya naman,” nakangiting sabi ko.

“Bawasan ang kilig, princess. Maraming tao sa paligid,” tukso niyang muli bago ako tuluyang bitiwan at ipasa sa panghuling lalaki.

Tila naging isang slow motion ang lahat noong nasilayan ko ang itim niyang mga mata sa likod ng puting maskara. Magulo ngunit maayos ang kanyang buhok. Yumukod siya sa akin bilang paggalang at ibinigay sa akin ang pinakamalaking pulang rosas sa lahat ng natanggap ko.

Naamoy ko ang mabangong pabango niya. Tila apoy na nagliyab ang buong katawan ko noong hawakan niya ako sa baywang at noong nagtama ang mga palad namin. Hindi maalis ang titig ko sa mga mata niya. Pakiramdam ko ay kaming dalawa lamang ang tao sa buong mundo sa pagkakataong ito.

“You came,” I said in a silent voice, hoping that he heard it despite the loud music.

“I wouldn’t miss this for the world.” It was indeed him. That lovely baritone voice. Hindi ako pwedeng magkamali. “You’re wearing it.”

“What?”

Bumaba ang tingin niya. “The necklace.”

Ngumiti ako sa kanya. “Of course. Ikaw kaya ang nagbigay sa’kin nito.”

Tumaas ang mga mata niya sa akin at para na naman akong hinihigop ng bawat pagtitig niya. “I have a gift for you,” sabi ni Den.

Tumaas ang kilay ko. “Ano ‘yon?” I said as casual as I could, trying hard not to show my excitement.

Humakbang pang palapit sa akin si Den at yumuko sa gilid ng ulo ko. “Meet me at midnight. There, at the harbor. I’ll be waiting.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay huminto na siya sa pagsasayaw. Inalis niya ‘yong maskara niya at tumambad na sa akin ang nakakaakit niyang mga mata. “Happy birthday, Angel,” Den said in a sweet and husky voice. Namula ako dahil sa sinabi niya. Ngumiti siya at napailing noong makita ang naging reaksyon. “I always have this effect on you, huh?”

Hinampas ko siya ng mahina sa dibdib. “Tumahimik ka nga.” Tumawa siya ng mahina ngunit imbis na bumalik sa posisyon niya ay lumakad na siya palayo sa aming lahat.

“Cassidy?” Napatingin ako doon sa babaeng emcee. “Speech.” Inabot niya sa akin ‘yong microphone. Inabot ko iyon ng tahimik. Noong itapat ko sa bibig ko ‘yong mikropono ay iginala ko muna ang paningin ko sa paligid.

“Um...” I started. Patuloy ako sa pagtingin sa mga tao ngunit wala na akong makitang bakas pa ni Den. “Thank you very much for celebrating this memorable day with me, ladies and gentlemen. Have a pleasant night and enjoy yourselves.” Nagpalakpakan ang mga tao at isa-isa na silang ginabayan ng mga waiter papuntang buffet table.

“Eunice.” Lumapit sa akin si kuya. “Are you all right?” Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ni kuya. And too eliminate that, I just smiled at him.

“Yes, kuya. Gutom lang ako.” Tumango si kuya at saka ako ginabayan papuntang buffet table. Isang beses pa kong lumingon sa mga tao na ngayon ay abala sa pagpila at pagkuha ng pagkain. Hinanap kong muli si Den ngunit ni anino niya ay hindi ko makita. Kaya naman buong oras hanggang sa matapos ang debut ko ay walang ibang umiikot sa isipan ko kung hindi si Den at ang regalong nais niyang ibigay sa akin mamayang hatinggabi.

  

 ---

[A/N]:

Thank you Mich Cacapit para sa video ng debut ni Cassidy! Haha. Heart. Heart. <3

Continue Reading

You'll Also Like

5.3K 378 19
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
93.8M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...