Avoiding Mr. Professor (UNDER...

By Trisisisha

476K 10.2K 539

Maria Idalia Crosti, she didn't believe in love at first sight, but when she met a handsome, strict professor... More

AVOIDING MR. PROFESSOR
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
Epilogue

CHAPTER 24

9.6K 244 37
By Trisisisha


It's already midnight, nandito ako sa kusina. I can't sleep kaya nag gatas na lang muna ako.

Nang saktong bumukas ang pintuan ng kusina at pumasok si Raquel na kinukuyumos ang mata niya, halatang inaantok pa.

"Oh? gising ka pa? hindi ka makatulog?" tanong nito at kumuha ng baso, nag tungo siya sa refrigerator para kumuha ng tubig. lumapit ito sa lamesa na kinauupuan ko at dito nag salin ng tubig.

"Oo e." Sabi ko, nang may maalala. "Oo nga pala, ano nga yung sinasabi mo sakin kanina? yung about kay Izak." tanong ko.

"Oo nga pala!" Nakangiting sabi nito.

"Kahapon kasi pagkatapos namin ni Izak mag tungo sa park, we went to Moa. Then may babae na lumapit samin. Pinuri niya si Izak. Ang gwapo gwapo daw, sabi niya bagay na bagay si Izak na maging baby model!" Nakangiti pa ito habang nagsasalita. halatang tuwang tuwa.

Nangunot ang noo ko.

"He's too young to be a model, he just turn 1." sabi ko at napailing.

"At saka ayoko naman gawing pagkaperahan ang anak ko." sabi ko, agad akong hinampas ni Raquel sa Braso, bigla ko tuloy naalala si Seven. Namimiss ko na talaga siya.

"Grabe ka naman sa pagkakaperahan, hindi naman kasi por que magiging baby model si Izak ay pagkakaperahan agad. ang saakin lang. mas maboboost yung confidence niya habang lumalaki siya. makikilala siya ng mga tao. at saka ang gwapo ng anak mo! ipagmalaki mo sa lahat!" aniya, napaisip ako sa sinabi niya.

May point din naman siya.

Sa isang taon kasi ay lagi lang kaming nakakulong ni Izak sa bahay noong nasa Cebu pa kami. Hindi siya sanay sa mga tao. Siguro ito na din yung way para hindi na siya mahiya sa mga tao? Osige na nga, para na din naman kay Izak. May tiwala naman ako kay Raquel.

“Okay, basta take good care of him.” sabi ko na kinangiti ng malawak ni Raquel.

“Pumayag din sa wakas!” masayang sabi nito na kinatawa ko.

Nang may maisip ako.

Nakaramdam ako ng kaba maisip palang e.

"Pero, paano pag nalaman to ni Sygred? paano pag nalaman niyang anak ko si Izak?" mahinang sabi ko, napairap si Raquel.

"Bakit ba kasi ayaw mo pang ipaalam sakanya? karapatan niyang malaman idalia kasi siya ang ama ni Izak." Nangunot na talaga ang noo ko kay Raquel.

Naguguluhan na talaga ako sakanya.

Bakit ba ganito siya? Hindi niya ba alam na may asawa't anak na si Sygred?

Gusto ko siyang tanungin pero pinanatili kong tikom ang bibig ko.

"At saka Idalia, kung busy ka palagi sa trabaho mo. kahit ako na lang yung kasama ni Izak pag may shoot. ako na ang bahala." anito at hinawakan ang kamay ko, napabuntong hininga ako at tumango sakanya.

Alam ko namang hindi pababayaan ni Raquel si Izak dahil parang anak na din ni Raquel si Izak.

"Salamat, basta ingatan mo ang anak ko," sabi ko. ngumiti ito.

"Syempre naman!" Anito, at humikab.

"Inaantok na ako Idalia, una na ako ha? matulog kana din," anito at naglakad na palabas ng kusina.

Inubos ko muna ang gatas ko, bago ako nag tungo sa silid namin ng anak ko. Nahiga na ako maaga pa ako papasok bukas. Agad na akong nakatulog agad dahil madaling araw na at masarap talagang matulog sa madaling araw, talagang aantukin ka talaga.

Ngayon ang unang araw ng shoot ni Izak, Hindi naman iyakin ang anak ko at tahimik lang. Kahit isang taon palang yon ay makikitaan mo na ng talino. Nakapirma na din ako na patunay na may permission na ng magulang ang pag be-baby model ni Izak. Nakakatuwa nga kasi kanina habang papaalis sila ni Raquel ay ang gwapo gwapo ng anak ko.

Isang linggo na din ang nakakalipas simula nang mag trabaho ako bilang guro sa paaralan na ito, okay naman ang lahat. At, isa pa, hindi ko na muling nakita si Sygred. Nagpapasalamat ako kasi hindi na kami pinagkikita.

Nasanay na lang akong Sygred ang itawag sakanya, para saan pa ang Professor? nakakaano naman tawagin na Professor Montanier tapos may anak na kami diba?

Nag patuloy ako sa paglalakad papasok ng gate nang bumangga ako sa isang lalaki. Wala namang natumba saming dalawa. 5'6 ang height ko ang isang ito ay 6 feet ata. ang tangkad niya. napatingala ako sakanya. nakasumbrero ito.

Nangunot ang noo ko, Natigilan din ito at parang kinakabahan at hindi nagsasalitang tumalikod.

Masyadong matirik ang araw kaya't nilagay ko ang kamay ko sa ibabaw ng mata ko at tinanaw ang lalaking papalayo.

Familliar talaga siya. lalo na ang maliliit niyang mga mata.

Isang taon na ang nakakalipas, Impossibleng siya 'yon.

Napabuntong hininga na lang ako hanggang sa makita kong pumasok ang naturang lalaki sa loob ng isang sports car. Pinaharurot nito ang sasakyan.

Nang mawala ito sa paningin ko ay agad na akong tumalikod at napatingin sa wrists watch ko. Nanlaki ang mata ko.

"Late na ako!"

Halos lakad takbo ang ginawa ko hanggat sa makarating ako sa first class ko.

Kumakain ako ngayon dito sa Cafeteria.

"Magandang araw po, Ma'am!"

"Good day, Ma'am!"

Nginingitian ko at binabati ang mga estudyante na pumapasok ng cafeteria na binabati ako.

"Mas maganda ka pa sa araw, Ma'am!"

Napatawa ako sa sinabing iyon ni Richard, ang isa sa mga estudyante ko.

"Bolero!" Natatawa kong sabi.

"No, Ma'am! Totoo po!" Nakangiting sabi nito. "Crush nga kita. Ma'am, e." Anito.

"Nak----" Naputol ang dapat na sasabihin ko at banlaki ang mata, Nang makita ko si Sygred sa likuran ni Richard.

Inayos nito ang salamin nito at nakita kong mariin ang pagkakatingin kay Richard na nakatalikod sakanya't nakangiti sakin. nakaigting ang panga nito. Ano nanaman ba? Mukha siyang galit, Bakit naman siya magagalit?

Nag taka siguro si Richard kung bakit ako napahinto sa pag sasalita. Napatingin ito sa likuran niya at nakita si Sygred.

Napaatras pa ito. "A-ah pasen----" Hindi niya natapos ang sasabihin niya, nang putulin siya ni Sygred.

"Tama bang mag landian ang isang guro at estudyante?" masungit na tanong nito. Napatingin ito sakin.

"Hindi tamang magkagusto ang isang estudyante sa isang guro." umangat ang gilid ng labi nito at napalunok ako.

Tumalikod na si Sygred, siya namang pagsalita ni Richard.

"Sorry po!" Anito, pero nagpatuloy lang sa paglalakad si Sygred at dire-diretsong lumabas sa Cafeteria.

Nagpakawala ako ng buntong hininga.

"Kamusta naman ang shoot?" Tanong ko kay Raquel habang katawagan siya sa telepono. Inaayos ko ang gamit ko dito sa loob ng faculty, Tapos na ang klase ko at uuwi na lang ako. Kakadating lang daw din ni Raquel sa Condo dahil namasyal pa daw sila ng anak ko. Si Raquel talaga. Palaging pinapasyal si Izak. Dati naman kasi sa probinsya hindi kami nakakagala don. Palagi lang kaming nasa bahay.

"Masaya! Tuwang tuwang si Izak kanina sayang wala ka," anito.

"At saka gustong gusto siya ng mga photographers kasi ang gwapo gwapo daw kahit anong angle, yung ibang babys kanina. iyak ng iyak. pero si Izak hindi." aniya, Napangiti ako.

"Kaya tuwang tuwa talaga ako kay Izak, I'm sure! pag momodelo na talaga ang bagay dito sa anak mo,” dagdag pa nito.

Nag kwentuhan pa kami ni Raquel sa Telepono bago ako lumabas ng faculty.

May mga guro pa naman sa loob ng school dahil hindi naman agad umaalis ang mga guro. May mga tinatapos pa sila.

Madilim na ang eskwelahan, 6:30 na din kasi ng gabi.

Habang naglalakad papalabas ng school ay nagulat ako nang may biglang huminto na sasakyan sa harapan ko.

Gamit ang flashlight ng cellphone ko ay tinutok ko ang flashlight sa sasakyan.

Biglang bumukas ang bintana. "Get in!" Anito, Agad akong napaatras nang marinig ang boses ng nasa loob ng sasakyan.

Pero tinatagan ko ang loob ko.

"At bakit naman?" Tanong ko, tumaas pa ang kilay ko. May ilaw din naman sa harap ng sasakyan niya.

"Kasi sinabi ko." aniya. Umangat ang gilid ng labi ko.

"Sino ka naman para sundin ko?" Tanong ko.

"I'm your----" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng putulin ko siya, ramdam ko ang talim ng tingin nito.

"My what?" Taas kilay na tanong ko.

"Nothing, Sakay!" Aniya, binuksan niya ang pinto nang makita niyang maglalakad na ako. Pero nilagpasan ko ang sasakyan niya at nagpatuloy sa paglalakad.

Akala mo naman sasakay ako. Neknek mo!

Habang naglalakad ako ay alam kong sumusunod ito dahil sa ilaw ng sasakyan niya.

Bakit ba gusto niyang sumakay ako? Sanay na akong mag commute sa araw araw na pag tatrabaho ko.

Nakita kong nawala na ang liwanag ng sasakyan niya. Nakahinga ako ng maliwanag.

Salamat naman!

Pero agad naputol ang pagpapasalamat ko nang maramdaman kong may humawak sa braso ko at dahil sa gulat. Hindi na ako nakapag pumiglas dahil hinila ako nito papasok sa loob ng sasakyan niya.

"Put your seatbelt." anito at inistart na ang makina.

"Aba! Ano ba?!" Inis na sigaw ko sakanya. "Ano bang kailangan mo?" sigaw ko ulit. Naiinis na ako ha!

"Ikaw." Natigilan ako at napatingin sakanya pero nakatingin lang siya sa kalsada. May salamin pa din itong suot.

Anong ibig niyang sabihin?

"Ikaw ang kailangan ko, Idalia."

Continue Reading

You'll Also Like

6.3K 125 41
Leah Alexandra Lavigne, naulila sa kinalakihang magulang. Lumayas sa kanyang tita dahil sa hinding magandang trato sa kanya. Natanggal sa trabaho dah...
246K 3K 36
"i want you to be with me forever untill our hair turns white and our face will have wrinkles"~ i said But.. If you'll leave, do it today. If you'll...
173K 4.1K 54
What will you do if you end up in someone else body?
3.1K 270 51
A story of teenage girl that never expected she will be the girlfriend of the hottest and favorite basketball captain. How can she stop herself from...