Heart in Caution (Heart Serie...

Від thorned_heartu

304K 14.4K 2.1K

[COMPLETED] "I know I'm in danger. But would putting a caution in my heart can make me stop from falling in l... Більше

S Y N O P S I S
O N E
T W O
T H R E E
F O U R
F I V E
S I X
S E V E N
E I G H T
N I N E
T E N
E L E V E N
T W E L V E
T H I R T E E N
F O U R T E E N
F I F T E E N
S I X T E E N
S E V E N T E E N
E I G H T E E N
N I N E T E E N
T W E N T Y
T W E N T Y - O N E
T W E N T Y - T W O
T W E N T Y - T H R E E
T W E N T Y - F O U R
T W E N T Y - F I V E
T W E N T Y - S I X
T W E N T Y - S E V E N
T W E N T Y - E I G H T
T W E N T Y - N I N E
T H I R T Y
T H I R T Y - T W O
T H I R T Y - T H R E E
T H I R T Y - F O U R
T H I R T Y - F I V E
E P I L O G U E

T H I R T Y - O N E

5.8K 281 19
Від thorned_heartu

After our tragic rendezvous, I still haven’t gone to a deep sleep yet. I was still bothered by everything. Every words still managed to brought me nightmares. I was left livid with deep cuts. But realization hit me. What Ayen said was a fact. It struck me with a knife but I couldn’t hide the fact that she was right. And all I could do to ease the pain of these tragedy is acceptance.

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa labas ng glass wall ng condo unit ko. I was leaning on the glass wall as I sipped on my milk. Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng mga nangyari.

I sipped on my milk again nang mapagtantong ubos na pala ang gatas. Napailing na lamang ako saka muling bumuntong hininga. Tumalikod na ako mula sa pagtingin sa labas ng building saka tumungo sa kusina upang ibalik ang mug ko. Hinugasan ko ito bago ibinalik sa mug tray.

“Bakit tila malalim ang iniisip mo simula kagabi? May problema ba?” Bahagya akong napaigtad nang marinig ang boses ni Nivia mula sa likod ko.

Nilingon ko siya. Tumikhim ako. “May nangyari lang kagabi na hindi namin inaasahan.”

“At ang nangyaring iyon ay malaki ang epekto sayo?” wika niya pa.

Tumango ako. “Oo.”

She sighed. “Tsk. Kumain na nga lang muna tayo. Nag-bake ako ng cake at cookies dahil wala naman akong ibang ginawa rito kagabi. Kainin natin.”

Tipid akong ngumiti saka tumango. Sumunod na ako agad sa kanya nang tumungo siya sa reef. Tinulungan ko siyang ihain ang mga cookies at ang cake na ni-bake niya saka inilagay sa mesa sa hapag-kainan.

“So, how was Nicco last night? Tulog na siya nang maabutan ko. Hindi ba siya umiyak?” tanong ko.

Umiling siya. “Hindi naman. Pero hinahanap ka. Sinasabihan ko na lang na may lakad ka at dadalhan mo siya ng pagkain kaya natahimik at ayon natulog.”

I nodded as I cut the cake and placed a piece on my plate and take a bite. It’s delicious. Just enough for my taste.

“Plano kong lumabas ngayon. Gusto mong sumama? I’ll go to the mall,” I said.

“Hmm. Sige ba. Wala rin naman tayong ginagawa dito sa bahay,” sagot niya.

“Hmm. Naisip ko rin na ilakad si Nicco. Pumunta tayo sa mga magagandang lugar dito sa La Seriah. Para naman ma-enjoy natin ang bakasyon dito. Babalik rin naman ako agad sa California,” wika ko habang ngumunguya ng cake.

“Kailan naman ang balik mo sa California? Ang bilis naman yata,” wika niya.

Bumuntong hininga ako. “Hindi ko pa alam kung kailan pero babalik din kami agad doon. Tsaka alam mo naman ang reason kaya kami pumunta rito, diba? Eh, iyon naman pala, hindi totoo.”

“Sabagay.” Kibit-balikat niya.

“Eh, ikaw ba? Hindi ka ba babalik sa France?” Baling ko sa kanya.

Kita ko ang pagbago ng emosyon niya. Mula sa maaliwalas ay bigla siyang natabunan ng dilim, lungkot, poot at sakit. Kating-kati na akong malaman ngunit ayoko naman na pilitin siya kung ayaw niya pang sabihin.

She breathed out. “Hmm… hindi pa siguro ako babalik doon. Siguro, kung papayag ka, sasama ako sayo sa California.”

Napatingin ako sa kanya nang may pagtataka. “Sigurado ka? Sasama ka sa akin? Well, maganda naman kung sasama ka para naman makita mo na nang personal ang bar ko. Tsaka, sinasabi ko sayo mabubuti at mababait ang mga tao doon. Favor na sa akin iyan, noh!”

Ngumiti siya ng tipid. “Sasama na lang ako sa inyo ni baby boy. Tapos siguro doon ko na lang muna ipagpapatuloy ang pag-de-design ko.”

Tumango ako saka hindi mapigilang mapangiti at matuwa sa nais niya. “Well, pwede naman na isabay mo sa business ko ang trabaho mo. O kaya magpatayo ka ng sarili mong business kung gusto mo. Pero, kung ako lang din ang magdedesisyon, magpatayo ka na lang ng business mo. Malaki ang opportunity mo doon lalo na’t walang masyadong nagde-design sa lugar na tinitirhan ko.”

“Hmm. Sige, magtatayo ako ng sarili kong business doon. Pero syempre, saka na siguro kapag nakilala na ako sa California,” sabi niya.

Tumango ako bilang pag-sang-ayon. “Pero kilala ka naman na sa France, paanong hindi ka makikala ng mga tao sa California?”

“Baka kasi hindi pa nila ako kilala,” sabi niya na ikinatango ko. “Anyways, how’s my cake and cookies?”

“Masarap. Tamang-tama lang sa panlasa ko. Tsaka, ibigay mo na lang kay Nicco ang cookies. Sigurado akong magugustuhan niya ito.”

“Hmm, tapos na ako. Maliligo na ako upang makapaghanda sa lakad natin mamaya.” Paalam niya saka umakyat na.

I pursed my lips as I stared at the foods in front of me when suddenly the memories last night came back into my mind. I closed my eyes tight as I felt the pain again. My eyes became blurry again as I opened it but I decided to dodge it. I breathed out and tapped my chest.

It hurts, but I’m fine.

Napailing na lang ako saka nagsimula nang kumain ng cake. Ito na lang muna ang kakainin ko at kakain na lang kami mamaya sa labas. Minsan lang naman. Isa pa, tapos na akong magluto ng pagkain para sa anak ko.

Patapos na ako sa pagkain nang marinig ko ang matinis na tinig ni Nicco at tinatawag na ako. Napangiti ako saka nilingon ang pintuan ng kusina upang panoorin siyang pumasok. Ilang minuto lang ay bumungad na ito sa entrance ng kusina saka nagmamadaling lumapit sa akin na agad ko namang sinalubong.

Binuhat ko siya. “Good morning, baby!” Bati ko sa kanya saka hinalikan sa pisngi.

“Good morning, Mom-Mom!” Malawak ang ngiting bati niya pabalik.

“Are you hungry na? Tita Nivia baked cookies for you. Do you want to try it?” wika ko saka naupong muli sa upuan.

Agad siyang tumango. “Yes, yes, please!”

Natawa ako saka binigyan siya ng isang cookie na agad-agad niyang kinagatan. Kumuha na rin ako saka kumain na rin.

“Baby, lalabas tayo mamaya. Do you want to buy toys or something?” tanong ko kay Nicco.

Umiling siya. “No. I want food.”

Napatawa ako sa sinabi niya saka nanggigigil na pinisil ang pisngi niya. Pero hindi naman masyadong malakas dahil baka masaktan siya o kaya mamula, baka magka rashes pa o ma-irritate ang balat niya.

“Okay, we’ll buy food later.”

“Is Dada coming Mom-mom?” Biglang tanong niya.

“Nami-miss mo na ba si Dada?” I asked and he nodded immediately.

“Yes. I want to see him already. I miss him so much.” Nakanguso niyang sagot.

Napatango ako saka napakagat-labi. Siguro nga ay miss na miss na niya ang Dada niya. Masyado siyang malapit kay Luis kaya halos araw-araw noong nasa California pa lang kami at hinahanap niya ito. Minsan pa nga ay ginagamit ang cellphone ko upang matawagan ang Dada niya. Pinapapunta sa bahay at kahit naman busy si Luis ay walang pasubaling umu-oo naman ito.

Napabuntong hininga ako at biglang nalungkot para sa anak ko. Napailing na lamang ako at saka sinubuan na siya ng cake habang kumakain rin siya ng cookies.

Habang tinitingnan ko siya ay may sumasagi sa isip ko. I know very well that he loves his Dada so much. Its just that, I don’t know how to explain to him if ever the time comes and I’ll be marrying someone else… and not his Dada. He’d been repeatedly asking me why I and Luis weren’t living together in one roof? I would just laughed at him and told him that I and his Dada were just friends. I don’t know if he understood it already, but he would just smile happily at me.

But sometimes or more likely everytime, I never see myself as a married women the first time Nicco came into my life. I have already forgotten about my plans. All I wanted was to be with him on this day forward and in the rest of my life. I just wanted to take care of him while I can. I wanted to witness his every first times.

“Woy!” Napaigtad ako nang may nanghampas sa braso ko.

Inis ko itong tiningnan. “Bakit ba nanghahampas ka?!” Kunot-noo kong asik kay Nivia.

She smirked. “Masyado ka kasing seryoso. Kanina ka pa tulala. Kanina pa kita tinatawag at kinakausap pero hindi ka naman sumasagot. Ano bang iniisip mo?”

Napabuga ako ng hangin nang maalala na naman ang dahilan kung bakit malalim ang iniisip ko. Kumagat ako sa cooky. “Wala. Kung ano-ano na lang talaga ang sumasagi sa isip ko.”

“Hmm. Kaya pala nagmumukha kang tanga diyan. Bilisan mo na nga lang diyan. Umakyat ka na sa taas tsaka maligo at magbihis para makaalis na tayo! Kanina pa ako ready, eh!” saad niya saka namaywang sa harap ng mesa.

Napatingin ako sa suot niya. Isang croptop na puti at itim na stripes na pinaresan ng dark blue na ripped short shorts tsaka white rubber shoes ang suot niya. Halatang naghanda ang gaga.

“Alam kong maganda ako kaya bilisan mo na’t kumilos ka! Kanina pa ako asar sayo, ah! Ready’ng ready na ako, eh! Ang ganda-ganda na ng OOTD ko tapos ang driver ko kumakain pa!” Asik niya saka naupo sa upuan at nagsimulang kumain ng cake.

Umirap ako. “Oo na, magbibihis na ako. Ang daming sinasabi,” saad ko saka tumayo.

“Eh paano kasi ang kupad-kupad mo, hays! Nakaka-stress!” Asik niyang muli saka maarteng humawak sa noo niya.

Napailing ako saka binuhat si Nicco. “Let’s go, baby. Maliligo na tayo, hmm—”

“Bilis, woy! Ang dami pang satsat!”

“Oo, ito na! Pasalamat ka at hindi ako makakapagmura dahil nandito ang anak ko ha! Naku talaga!” wika ko saka naglakad palabas ng kusina habang buhat ang anak ko.

Narinig ko ang tawa ni Nivia kaya napairap na lang ako. Parang hindi humarap ng problema. Tsk. Tapang.

Nang makarating kami ni Nicco sa kwarto ay agad na kaming naligo. Nang matapos ay agad na nagbihis para makaalis na dahil may demanding sa baba.

Isang simpleng aqua green T-shirt ang suot ko na ni-tuck-in ko sa puti kong ripped short shorts. Tsaka isang stripes na rubber shoes ang isinuot ko. Ang suot naman ni Nicco ay isang white t-shirt at dark blue jeans at sapatos na puti. Sinuotan ko rin siya ng spectacles dahil baka mainit mamaya sa biyahe. Pati ako ay nagsuot na rin.

“Where do you want to go first, baby?” tanong ko sa anak ko habang pababa kami ng hagdan.

He giggled. “Resto!”

Napatawa ako saka napailing. “Gutom ka na naman ba? Hindi ba naparami ang kain mo kanina?” Natatawa kong tanong.

“No. The food weren’t enough. My stomach was still growling,” he answered and pursed his lips.

Mas lalo akong natawa saka hinimas ang matambok at malaman niyang tiyan saka pinanggigilan kong halikan ang pisngi niyang mamula-mula. “Okay. Kakain tayo agad. Pupunta agad tayo sa resto dahil gutom na si Nicco.”

“Gutom na si Nicco!” He giggled making me laugh.

“Woy! Tama na ang kakaharot. Tara na at excited na akong mag-shopping.” Salubong sa amin ni Nivia.

“Maghintay ka nga. Tsaka pupunta pa tayo sa restaurant dahil kakain daw muna tayo sabi ni Nicco,” sabi ko.

“Gutom ka na naman, baby boy? Sabagay, malaki rin naman talaga ang space ng iyong tummy.” Gigil na sabi ni Nivia saka pinisil ng pisngi ni Nicco.

“Oh, eto ang susi. Ikaw mag-drive,” wika ko saka inabot kay Nivia ang susi ng sasakyan niya. Nailagay ko kasi ito sa loob ng bag ko.

“Tsk. Panira ka talaga! Akala ko pa naman ikaw ang magda-drive tapos papaganda lang ako! Ays!” Asik niya saka padabog na kinuha ang susi.

Inirapan ko siya. “Ang dami mong reklamo, ah. Kita mo namang may hawak akong bata kaya ikaw ang mag-drive.”

“Pwede, naman kasi na ako ang humawak kay baby boy, eh!”

“Huwag ka na nga magreklamo! Tara na!” sabi ko saka nauna nang maglakad palabas. Dinig ko pa ang pagdadabog niya na ikinangiti ko.

Nang makarating sa parking garage ay pumasok kaagad kami ni Nicco sa passenger seat. Nangingiting pinanood ko si Nivia na nagdadabog na pumasok sa driver seat.

“Pakibilisan ang iyong kilos.” Pang-aasar ko sa kanya.

“Ihulog kita sa sasakyan ko, eh! Daming pera, ayaw bumili ng sasakyan. Nakikisakay pa! Pamasahe mo, ha. Baka makalimutan mo!” Asik niya saka agad na pinasibad ang kotse.

Tumawa ako. “Sari, wala akong pera.”

“Edi, huwag na tayong tumuloy. Mas lalong wala akong pera, noh! Akala ko pa naman ay ililibre mo ako!”

“Huwag ka na nga magreklamo! Mamalimos na lang tayo. Tara na!” Natatawa kong wika.

Habang nasa biyahe ay napapadaan kami sa mga food stools sa tabi ng kalye. Bigla akong natakam lalo na’t matagal na simula nang nakakain ako ng street foods.

“Niv, tigil tayo.”

“Ows? Dumating na ba tayo? Where’s di restaurant? Wala akong nakikita.” Sarkastiko na sabi niya.

Inirapan ko siya. “Bibili ako ng street foods. Kung ayaw mong kumain, edi huwag kang bumaba. Byers!”

I hurriedly went out of the car. Lumapit ako sa nagtitinda ng kwek-kwek.

“Mom-mom, what’s that?” Inosenteng tanong sa akin ng anak ko.

“That’s called kwek-kwek, baby. Masarap iyan, bibili tayo,” sabi ko saka binaba siya.

“What’s kwek-kwek?” Muli niyang tanong habang nakatingala sa akin.

“Kwek-kwek is a famous Filipino street food. Color orange na may egg sa ilalim,” wika ko.

“Woah!” Mangha niyang wika.

“Manong, magkano po ang kwek-kwek?” tanong ko kay Manong.

“Limang peso ang dalawa, Ma’am,” sagot niya.

Tumango ako saka binigyan siya ng isang daan. “One hundred pesos po.”

“Sige po.”

“Ano po ang sauce?” Muli kong tanong.

“Maanghang ang sauce nito, Ma’am,” sagot niya.

Tumango ako. “Okay sige po.”

“Woy! Penge pera.” Napalingon ako kay Nivia nang kulbitin niya ang balikat ko.

Tiningnan ko ang nakalahad niyang kamay. Nginisihan ko siya. “Sure ka? Wala kang pera?”

“Wala nga! Ang dami mong tanong! Dali na, Nik! Akin na pera!” Kunot-noong wika niya.

“Nanghihingi ka na nga, galit ka pa!” Pang-aasar ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. “Alam mo ikaw, sasabunutan na kita! Bigyan mo ako ng pera! Gutom na ako!”

Napahagalpak ako ng tawa saka ibinigay sa kanya ang wallet ko. “Oh. Layas na!”

Inirapan niya lang ako saka lumapit na isa pang food stool. Natatawang ibinaling ko na lang ang atensyon sa kay Manong.

“Mom-mom, what’s that?”

Tiningnan ko ang itinuturo ni Nicco. “Oh, that’s fishball, baby. Gusto mong tikman?”

He immediately nodded. “Okay, bibili tayo pagkatapos nito.”

“Eto na, Ma’am,” wika ni Manong saka inabot sa akin ang cellophane ng kwek-kwek.

Ngumiti ako. “Maraming salamat po.”

Hinawakan ko ang kamay ni Nicco saka naglakad kami sa fishball food stool kung saan naroroon si Nivia. Nguya lang ito ng nguya at punong-puno ang bibig.

“Tita Nivia, I want!” Tumatakbong saad ni Nicco kay Nivia. Nakawala kasi ito sa hawak ko kaya nagtatakbo palapit sa kay Nivia.

“Gusto mo?” tanong ni Nivia kay Nicco na agad namang tumango. “Bili ka ng sayo,” sabi nito sabay hagalpak ng tawa pero agad namang sinubuan si Nicco.

“Sarap?” tanong niya sa anak ko.

Nicco nodded. “Yes!”

“Niv, bili ka na rin ng fishball,” sabi ko saka tumayo sa tabi niya.

“Bumili na ako. Dito na lang muna tayo kumain,” wika niya kaya tumango ako.

Binuksan ko na ang cellophane na hawak ko. Binigyan ko ng stick na maliit si Nicco saka hinayaan siyang tumusok ng kwek-kwek.

“Be careful, baby, ah. Baka matusok ka niyan.” Paalala ko sa kanya na ikinatango niya.

“Delicious!” wika ni Nicco habang nagniningning ang mga mata.

“Sarap, diba?” Malawak ang ngiting tanong ko.

“Yes! So much! I hope Dada was hewe. He would really love this,” sabi niya habang sunod-sunod ang pagkagat sa kwek-kwek at fishball.

Sinagi ni Nivia ang balikat ko kaya muntik mahulog ang hawak kong cellophane. Sinamaan ko siya ng tingin. “Ano bang problema mo?!” Asik ko.

Nginisihan niya ako saka kumindat-kindat pa. “Para kang tanga. Tumigil ka nga!” wika ko.

“Hmm. So, kumusta naman si Baby boy at si Dada niya? Nagbahay-bahayan na ba kayo doon sa California?” Nakangisi niyang tanong.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Malisyosa ka! Magkaibigan lang kami ni Luis, alam mo iyan. Huwag ka ngang gaga!”

“Asus! Ba’t defensive ka? Ha? Ha? Yieh!” Asar niya.

“Linisan mo nga iyang tenga mo. Hindi naman defensive tapos sasabihin mong defensive! Wala, gaga ka talaga.” Irap ko saka sumubo ng kwek-kwek.

“Okay. Sabi mo, eh ” Nakangisi niyang sabi.

“Mom-mom, why those kids dirty?” Biglang tanong ni Nicco saka may itinuturo.

Nilingon ko ang itinuturo niya. Nahabag ako nang makitang ang mga batang lansangan ang sinasabi niya. Nakaupo ang mga ito sa gilid ng kalye habang may mga hawak na lata upang lagyan ng limos nila.

“They’re street children, baby. They don’t have a family anymore. They’re working for their own to fill their hungry stomachs,” saad ko saka hinaplos ang buhok niya.

“They’re hungry?” tanong niya kaya tumango ako saka malungkot na ngumiti.

He looked at the kids and then his eyes went to the cellophane that I am holding.

“Let’s give them this, Mom-mom,” saad niya saka hinawakan ang hawak kong cellophane.

Napangiti ako saka umiling. “Bibili na lang tayo ng para sa kanila para hindi magkulang. Tara,” sabi ko saka hinawakan ang kamay at muling bumili ng kwek-kwek.

“Woy, hindi pa ubos iyan, ah. Bibili na naman kayo?” tanong ni Nivia.

“No, Tita. We will buy kwek-kwek for the street children,” sagot ni Nicco kaya napatango si Nivia saka lumambot ang mukha habang nakatitig sa masayang mukha ng anak ko.

“Okay. Teka, bibili na rin ako ng juice para sa kanila. Wait niyo ‘ko.”

Tumango ako. Nang matapos akong bumili ay binigay ko ang cellophane kay Nicco upang siya ang bumitbit at magbigay sa mga bata. Hinintay muna namin sandali si Nivia na dumating upang sabay na maibigay sa mga bata ang juice ay kwek-kwek.

Ilang minuto lang din ay dumating na siyang may bitbit na box ng juice. “Tara,” sabi niya.

Hinayaan ko si Nicco na sumunod kay Nivia at sumunod sa kanila. A smile apper on my lips. I could sense the happiness radiating in Nicco. I could see how eager he was to lend some foods to the kids.

Napahawak ako sa dibdib ko. I don’t know what I’m feeling but I felt ecstatic. I’m proud of him. And I’m kind of proud of myself for being a mother of a kid whose radiating with kindness and obedience.

Ramdam ko ang paglabo ng mga mata ko. Sa pagkakataong ito ay hindi dahil sa sakit kundi sa saya at tuwa. Natawa ako sa sarili ko saka mahinang sinampal ang pisngi ko.

I’m being overly dramatic.

Sumunod na lamang ako sa kanilang dalawa saka pinanood silang dalawa. Hinayaan ni Nivia si Nicco na gawin ang nais nito at inaalalayan lamang ang bata.

“Hi! I’m Niccolo Ivon Soletelle. It’s nice to meet you. I have something for you.” Agad na bungad ng anak ko habang may malawak na ngiti.

Hindi nagsalita ang mga bata, sa halip ay tumitig lamang sa kay Nicco na tila nawe-werduhan.

“Baby boy, they don’t understand english. You should speak tagalog,” wika ni Nivia.

Nicco’s mouth formed into an “O” and nodded. “Hi! Ako si… Niccolo Ivon Soletelle. May… dala ako… na… na food… for you.” Nahihirapang wika niya na ikinalawak ng ngiti ko. Kahit alam kong nahihirapan siya ay sinusubukan niya pa rin.

“Talaga? Para sa amin?” Masayang tanong ng batang babae. “Ako nga pala si Rica. Ito naman si Floyd, Dante at Kevin, mga kapatid ko,” saad ng batang babae na tingin ko ay panganay sa magkakapatid.

“Hello! Masaya akong… makikala… ka!” Agad na wika ni Nicco.

“Oh, mga bata, eto na ang pagkain niyo, ha. May juice din kaming binili. Ayan, sa inyo iyan lahat,” sabi ni Nivia saka inabot sa mga bata ang box ng juice habang iniabot naman ni Nicco ang cellophane ng kwek-kwek. “At eto pa, ipunin niyo ito, ha. Itago niyo baka kunin sa inyo. Ibili niyo iyan ng pagkain,” Nivia said and lend the kids some money.

“Maraming maraming salamat po, Ate. Salamat din sa iyo cute na bata!” wika ni Rica.

“You're welcome!” Masiglang sagot ni Nicco.

“Oh, paano? Mauuna na kami ha. Kainin niyo na iyan,” saad ni Nivia saka hinawakan ang kamay ni Nicco.

Agad na silang lumapit sa kinaroroonan ko nang masigla.

“Did they love it, Tita?” tanong ni Nicco.

Tumango si Nivia. “Oo naman. Tuwang-tuwa sila sayo.”

“Oh, tara na? Mall na tayo?” Bungad ko sa kanila.

“Okay. Mall tayo. Excited na akong mag-shopping! Ikaw ba, baby boy? Excited ka na ring mag-shopping?” sabi ni Nivia.

“Yes, Tita!”

“Okay! Let’s go! Oh, Nik, ikaw naman magmaneho! Byers!” Malawak ang ngiting sabi ni Nivia at kita ko ang pang-aasar dito.

Inilingan ko na lamang siya saka tumango. Ako na lang muna. Mabait naman akong kapatid, eh.

We then immediately went inside the car and I instantly started the engine. Moments later, we finally reached the mall. Without further ado, we went inside the mall and started looking for something we would love to buy.

I had been roaming my eyes since the moment we went in but unfortunately I still haven’t been mesmerized by something. Nakakapagtaka.

“Sa fitting room lang ako, Nik. Maiwan ko muna kayo.” Napalingon ako kay Nivia nang magsalita siya.

Tinanguan ko na lamang siya dahil may bitbit na siyang mga damit. “Sige. Ingat. Hihintayin ka namin dito.”

She nodded and turned her back on us. I pursed my lips as I caressed my son’s back and roamed my eyes around the mall. Wala pa rin talaga akong nagugustuhan. I wonder why?

I sighed hard. “Baby, what do you want to buy?” Instead I asked my son.

“Food.” Maikli niyang sagot na ikinailing ko.

“Mamaya na tayo bibili ng pagkain. We were just eating minutes lately. Pahinga muna natin ang ating tiyan.” Natatawa kong sabi na ikinanguso niya.

“But I want food,” he said as he pouted.

“Nope. Not now. Maghanap muna tayo ng mabibili. Tara, you choose,” I said and put him down as I hold his hand.

“I don’t want any of that. I want food,” he said and kept on pouting.

I chuckled and shook my head. “Mamaya na nga. Gusto mo bili tayo mamaya ng chocolate? I’ll buy you some just come with me. We’ll buy you some new shoes.”

He pouted and nodded. Guess he doesn’t have a choice.

Agad ko nang hinila si Nicco habang naghahanap ako ng mga sapatos na kakasya sa kanya. But of course, I wouldn’t just choose something that would fit him, but something that is in good quality. My son deserves it. However, I don’t want to spoil him too much.

I stopped when a pair of shoes got my attention. I pursed my lips and let go of Nicco’s hand as I picked up the shoe box. I opened it and studied the shoes. I perfectly knew that this would fit him.

Its color is gray with some cute green stitches. The heel would glow with an aqua blue light if someone using would stomp it… something like some baby shoes. Alam ko rin naman na magugustuhan ito ni Nicco dahil baby pa naman siya. Besides, I don’t want him to grow up.

Simula nang makita kung paano nagsisimula sa mga una niya ang anak ko ay wala na akong ibang nais kundi ang mga nais niya. I wanted to support him with everything that I can… as long as I can. The moment he laughed for the first time of his life, the moment that he brought tears of joy into my eyes, I knew that it made me felt so scared that someday he might leave me.

I breathed out as I pursed my lips. Nilingon ko si Nicco at gayon na lamang ang panlalake ng mga mata ko nang matagpuang wala na siya sa likod ko. My breathed hitched with nervousness. My eyes suddenly became blurry. I could feel my heart beating erratically.

“Baby? Baby?” Puno ng kaba kong tawag sa kanya.

Inilibot ko ang paningin sa buong mall at sa kinaroroonan ko ngunit wala ni-anino ng anak ko ang naririto. Mas lalong sumabog ang kaba sa dibdib ko at hindi ko namalayang naihulog ko na pala ang hawak kong shoe box kasama na rin ang sapatos.

I then ran as I surveyed the place to find him, however, I don’t know where to go. Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Kung saan ako magsisimulang maghanap? Kung sino ang maaaring makatulong sa akin?

Then I remembered Nivia. I hurriedly get my phone from my bag. I could see how my hands shiver in fear. I dialed her number and after three rings she answered.

“Yes—”

“Niv, I lost Nicco. I-I badly need your h-help. Where are you? P-Please come here. N-Nawawala ang anak ko hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin?” Nanginginig ang boses na saad ko. Ramdam ko na rin ang mga luhang lumandas sa pisngi ko.

“What?! Oh, sige, sige. Papunta na ako diyan! Huwag kang aalis. Diyan ka lang,” saad niya at ramdam ko rin ang panic sa boses niya.

“P-Please don’t put the phone down, Niv. I-I can’t take this. I’m scared!” Umiiyak kong sabi.

“Yes, yes. Calm down. I’ll be there, I promise. Hintayin mo lang ako diyan, papunta na ako diyan.” Pampalubag loob niya sa akin.

I nodded nevertheless the fear. My tears were nonstop cascading on my face. “Y-Yes. I-I’m trying.”

“Where are you? Naririto na ako?” wika ni Nivia sa kabilang linya.

Agad akong luminga-linga upang makita siya. At hindi naman ako nabigo sapagkat agad ko siyang nakita. I waved my hand on top of my head to signal her. Good thing that she saw me in an instant.

Nagmamadali siyang lumapit sa akin saka agad akong sinalubong ng yakap. Agad na nagsituluan ang mga luha ko. Bawat malakas na tibok ng puso ko ay tila ba unti-unti rin akong pinapatay.

“I-I can’t find him. Niv, hindi ko mahanap ang anak ko!” Humihikbi kong sumbong sa kanya.

She caressed my back and hugged me tight. “Hahanapin natin siya. Tara at pumunta tayo sa staff na nasa counter at ipaalam natin upang e-annouce niya.”

Nanghihinang tumango ako. She hold my hand tight as she pulled me to wherever she was saying. I don’t know where she’s taking me anymore.

Hanggang sa naramdaman ko na lamang na tumigil kami saka nagsalita si Nivia. “Miss, can you please kindly announce this. My sister’s son went missing just minutes later. His name is Niccolo Ivon Soletelle.He's three years old and chubby. He’s wearing a white t-shirt and dark blue jeans.”

“Copy, Ma’am,” wika ng babae. “Whoever saw a little boy who was wearing a white t-shirt paired with a dark blue jeans, who’s chubby and three years old, kindly take him here in the counter. His mother is looking for him. I repeat, whoever saw a little boy who was wearing a white t-shirt paired with a dark blue jeans, who’s chubby and three years old, kindly take him here in the counter. His mother is looking for him. Thank you.”

Patuloy ang pagragasa ng mga luha ko. Kung saan-saan na napupunta ang isip ko. Paano kung may kumuha pala sa kanya? Paano kung ni-kidnap pala siya? Paano kung gugutumin siya o hindi siya bibigyan ng mahihigaan?

“Nik, stop crying already. Mahahanap din natin sila.” Pagpapakalma sa akin ni Nivia.

“Niv, maghanap na rin tayo. Baka mahanap natin siya,” wika ko saka pilit na hinihila si Nivia.

“Nik, manatili na lang muna tayo rito. Baka ihatid na dito si Nicco ay wala tayo,” Nivia said as she pulled me for a hug.

“P-Pero, Nik, baka kasi mas mabilis natin siyang mahanap kung maghanap na rin tayo,” wika ko habang nanginginig ang boses. Pilit kong pinipigilan ang mga luhang pilit na kumakawala sa mga mata ko.

Hinaplos ni Nivia ang likod ko. “Tama na. Walang mangyayari kung magpapanic ka.”

Napapikit ako ng mariin saka pinigilan ang mga paghikbi ko. Pilit kong tinakpan ang bibig ko upang walang kumawalang iyak sa bibig ko.

I haven’t been scared like this before. I wasn’t that fearful before, and I never thought that my biggest scariest fear would be losing my son. Losing him would be a horrible nightmare.

“Mom-mom!” Gulat na napalingon ako nang marinig ang tinig ni Nicco.

Nang makita siya ng mga mata ko ay tila nawala ang pag-aalala sa dibdib ko. Dali-dali akong lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap. I hugged him tight as if I wouldn’t want to let go of him. If only I could just make him stick beside me, I will. Just for me to never lose him.

“Baby, w-where have you been? You scared me!” Lumuluhang wika ko habang kinakapa ang mukha niya upang tingnan kung may galos ba siya o wala.

“I was with my new Dad-dad.” Malawak ang ngiting wika niya na ikinatigil ko.

Dad-dad? Dad-dad, who?

“Who?” I asked with creased forehead.

“Him. Dad-dad, come here. Mom-mom wants to meet you,” he said and called someone behind him.

My eyes flew to where his said Dad-dad was. And I was in horror when I saw who it was. The same ferocity of the fast beating of my heart from a long time ago came back. Biglang bumalik lahat na siyang kinakatakot ko.

“S-Salamat.” Awkward kong sabi.

He clenched his jaw and nodded. But his eyes were blurring with tears. His eyes were red and I was confused for what I’m seeing.

“W-Who’s he?” Namumula ang mga matang tanong niya.

Umiwas ako ng tingin saka binuhat ang anak ko. “My son.”

He blinked and smiled—sadly. “C-Congratulations.”

I nodded and turned my back at him. Wala na akong kailangan pa sa kanya. Isang pasasalamat ay tingin ko’y sapat na. Isa pa, hinatid niyang safe ang anak ko rito, malamang ay hindi siya  hihingi ng kapalit.

“Mom-mom, I want Dad-dad.” Nakangusong wika ni Nicco.

Awkward akong ngumiti. “Uuwi na tayo. Bibili pa tayo ng food mo, remember? Let’s go na.”

“I want Dad-dad, Mom-mom.” He repeated and his eyes became red with tears.

I breathed out. This wouldn’t be easy. “No.”

Taas-noo akong naglakad palapit kay Nivia nang biglang pumayahaw ng iyak si Nicco. Napatigil ako saka nag-aalalang tiningnan siya. I caressed his back as I tried wiping off his tears.

“W-Why is my baby crying?” Malambing kong tanong sa kanya.

He covered his eyes with his cute chubby hands as he stifles his cries. Dahan-dahan kong ibinaba ang mga kamay niya saka muli siyang tinanong. “Baby—”

“Why is he crying?” Napaigtad ako nang marinig ang malalim na boses ni Ville—Cladville sa likod ko. Ramdam ko pa ang hininga niya sa buhok ko na dahilan ng pagtindig ng mga balahibo ko.

Muntik na akong mapairap. “None of your business.”

“H-He’s crying. W-Why is he crying?” tanong niya at ramdam ko ang kaba at pag-aalala sa boses niya.

“D-Dad-dad?” Humihikbing tawag ni Nicco kay Ville na ikinakunot ng noo ko.

“Y-Yes, buddy?” Utal na sagot ni Ville.

Inis ko siyang nilingon at sinamaan siya ng tingin. Kita ko ang pamumula ng mga mata niya na punong-puno ng pag-aalala.

What’s with him?!

“He’s fine—”

“I-I want Dad-dad.” Biglang sabi ni Nicco.

What’s wrong with my baby?

“C-Come here, buddy,” saad ni Ville saka inilahad ang mga braso.

Pipigilan ko pa sana ang kaso ay agad nang nakangusong lumapit si Nicco sa kanya. Walang nagawang napatitig ako sa kanilang dalawa nang yumakap si Nicco sa leeg ni Ville. Banas na banas ako at sinamaan ng tingin si Ville na may pag-iingat na hinahaplos ang likod ng anak ko.

Humalukipkip na lamang ako upang hintayin silang magharutan. Hanggang sa ilang minuto na ang lumipas ay naisipan ko nang kunin mula kay Ville ang anak ko. Ngunit napatigil sa ere ang mga braso ko nang marinig ang mga hagikhik at tawa ni Nicco habang hinaharot ni Ville.

Napapikit na lamang ako ng mariin saka napabuntong hininga.

Fuck this.

Thorn:

THANK YOU SO MUCH FOR READING MY STORIES! LOVE YA'LL!

Продовжити читання

Вам також сподобається

417K 16.6K 48
Vikram, a senior officer, prioritizes his duty above all else, much like his father, ACP Rajendra. He has three siblings: one is an officer, and the...
My Princessa Від Cresetar Prudence

Сучасна проза

467K 10K 51
Two girls are exchanged at birth and are given to the wrong mothers and after 13 years the truth comes out Rosabella Rossi is different from her sist...
1.2M 79.9K 54
Scarred and broken from a disastrous marriage, Laura Maidstone vows never to love again. And it's not love, when she seduces Richard Armiger, Lord Al...
216K 8.3K 84
After being Scumbed, I was Pregnant with the Boss's Cub 被渣后我怀了大佬的崽 Author 花青鸾 Status 84 Chapter Description Tang Wang got a scholarship the next day...