T H I R T Y - T W O

6.4K 299 68
                                    

Pagkatapos nang aksidenteng pagtatagpo namin ni Ville ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga nangyari. Binabagabag pa rin ako sa hindi malamang dahilan. Patuloy pa rin ang paulit-ulit na pagbangon ng kaba sa dibdib ko.

Hindi ako mapakali. Hanggang ngayon ay naitatanong ko kung bakit at paano nagkatagpo ang landas ng anak ko at ni Ville? Kung bakit sa dinami-daming tao na naroroon sa mall ay si Ville pa ang nakakita sa anak ko? At kung bakit napakadali para sa anak ko na maging kaibigan si Ville gayong ayaw naman niya sa iba noong nasa California pa ako?

Napabuntong hininga ako. Masyado akong maraming iniisip. Makaka-stress lang sa akin kung masosobrahan ako sa pag-iisip.

“Woy!”

Napaigtad ako nang may biglang kumulbit sa tagiliran ko. Nilingon ko siya saka sinamaan ng tingin. Ngunit siya naman ay may pang-aasar na ngiting nakaguhit sa mga labi.

“Iniisip mo, noh? Di ka maka-move-on, noh? Nandiyan pa rin siya, noh?” Nakangisi niyang tanong.

Inirapan ko siya saka tumingin sa cake na nasa harapan ko. Nagsimula na lamang akong kumain at napag-isip-isip na wag nang pansinin si Nivia. Masyado siyang makulit para pansinin.

“Woy! Hindi ka sasagot? Ganon? Tsk. Baka talaga isipin ko na na hindi ka pa makapag-move-on sa kanya? Mas lalo na ngayong gusto siya ng anak mo? Paano iyan?” Nakangisi niyang sabi.

“Pwede ba, Niv? Ayokong ma-stress. Wag muna ngayon.” Mahinahon kong sabi saka nagpatuloy sa pagkain.

“Asus! Umiiwas ka lang, eh. Alam mo, kung ako sayo, kausapin mo si Clad. Mag-usap kayo para may closure kayo. Hindi iyong hanggang ngayon nadidiyan pa rin ang galit mo sa kanya,” sabi niya saka naupo sa tabi ko at kumain na rin ng cake.

Napailing ako saka bahagyang napabuga ng hangin. “Kung makapagsalita ka akala mo naman ikaw ang sasabak. Ano sa tingin mo, na madali lang gawin iyang sinasabi mo?”

“Bakit? Sinabi ko bang madali? Wala akong sinabing ganoon, Nik. Ang akin lang, kahit pa gaano kabigat at kahirap, subukan mong kausapin. Mag-usap kayo. Kasi, wala namang patutunguhan iyang galit mo, eh. Kung patuloy ka bang magagalit sa kanya, kung papatayin mo siya sa isip mo, maibabalik mo ba ang mga nangyari? Maibabalik niya ba?” Puno ang bibig na saad niya.

Natigilan ako. Kasi tama siya. “See? Hindi na. Wala nang babalik, Nik.”

“Kaya nga, Niv. Wala nang babalik. Ano pang purpose ng pag-uusap namin kung ganoon?” Paglalaban ko.

“Ano pa nga ba? Gaya nga ng sabi ko, edi closure. Nagsimula kayo ng maayos kaya tapusin ninyo ng maayos. Hindi iyong puro galit ang pinapairal ninyo. Wala namang magandang maidudulot iyon,” she said.

Napatitig ako sa cake na nasa harapan ko. “Madali naman kasi talagang sabihin, mahirap namang gawin,” sabi ko.

Umirap siya sa akin saka kunot-noong kumuha ulit ng slice ng cake saka mabilis na kumain. “Hindi naman kita pinipilit, eh. Ang gusto ko lang naman ay maging maayos kayo. Naging magkaibigan din kayo, Nik. At kung totoo ngang nakalimutan mo na ang lahat ay sana hindi ka na umiiwas pa.”

“Tsk. Stop manipulating me.” I rolled my eyes.

“I’m not manipulating you, noh! Nagsasabi lang ako ng opinyon. Besides, wala ka namang kawala sa sitwasyon dahil magkaibigan ang anak mo at ang dating magbibigay sana ng bata sayo.” Ngisi niya na muli kong ikinairap.

“Tsk. Alam mo ikaw, manahimik ka na lang diyan!” Asik ko saka nagpatuloy na lamang sa pagkain.

Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit bigla-bigla ay nagiging maaliwalas ang mukha niya. Wala akong makapang lungkot sa mga mata niya. Ni-wala akong makitang panghihinayang o pagsisisi.

Heart in Caution (Heart Series #1)Where stories live. Discover now