T W E N T Y - T H R E E

6.6K 264 38
                                    

It's been weeks after Ville started courting me and I could say that as of now we were working on it. There are a lot of things that has improved between us. We became more close to each other.

Everytime that something's going on in him he would tell me. I could sense how he tried his best to not keep anything from me. Also, by those times, I learned a lot from him and he does to me as well. Being pretty close to each other helped a lot for the both of us. Because through it I had known him better.

Nakilala ko ang tunay na Ville na akala ko'y hindi lalabas sa pagkatao niya. Madalas siyang malambing na ni-ayaw na nga na humiwalay sa akin. His childishness became more open to me. He shows it often and I find it really nice and accepting. But of course, together with the good things that we shared this past few days, there's also this thing that would always made me mad at him.

Hindi na kasi kami gaya ng dati na kapag nagseselos, walang karapatan. Well, siya naman ang parating nagseselos sa kung anong mga bagay-bagay, simpleng bagay pinagseselosan niya. Iyan din ang pinakauna kong nakitang pagbabago sa kanya. He became more jealous, more possessive towards me that I couldn't even move properly. Parang pakiramdam niya kasi ngayon ay mas may karapatan na siya sa akin, kaya may karapatan na siyang maging mahigpit sa akin. Madalas ay sinusuway ko siya ngunit hindi naman siya nagpapapigil. Kaya ako na lang ang humihingi ng paumanhin sa mga nabubugahan niya ng apoy. Madalas rin iyan ang dahilan nang pag-aaway namin but then just like all relationships out there, we still made a way out of the madnesses. We still made it through our hearts.

As of now, I'm currently looking for an outfit to wear for our Christmas party. Yes, we will be having a Christmas party. Ang sabi ay doon kami mag-se-celebrate sa isla ni Zandro. And all of us should be there including our parents. Kaya inimbita ko na lang sina Nivia at Ino at si Nivia naman ang nag-imbita sa mga magulang namin. I just don't have the courage to invite our parents. Baka salubungin nila ako ng mga tanong nila.

Today is December 24 at ngayon kami tutungo sa isla ni Zandro. Kaya inihahanda ko na ang isusuot ko para bukas at ang mga maaari naming gamitin para bukas. I bet that it would be fun since I and the others would be the one cooking for Christmas.

Nang matapos akong mag-impake ay agad na akong naligo. Ilang minuto rin bago ako natapos. At nang tuluyan na akong natapos ay pumasok agad ako sa walk-in-closet ni Ville para magbihis. Ang isinuot ko ay isang kulay maroon na spaghetti strapped na backless at isang high-waisted white jeans. To complete my outfit I wear a white sneakers shoes. Isla ang pupuntahan namin, eh kaya hindi pwede ang heels. Lulubog lang ako sa buhangin.

Nang matapos akong magbihis ay pinatuyo ko agad ang buhok ko. Napatingin ako kay Ville na nakatalukbong pa rin sa kama. Wala yatang planong bumangon. Ginising ko na kanina dahil maaga kaming aalis pero ayan at hindi naman nakinig.

Nilapitan ko siya saka sumampa na sa kama. Bahagya ko siyang niyugyog tsaka tinawag ang pangalan niya ngunit wala pa ring response mula sa kanya.

"Ville? Hoy, gising! Aalis na tayo!" Pukaw ko sa kanya ngunit wala pa rin talagang talab.

Inis ko siyang sinipa sa binti kaya naman napaungol siya. Ngunit sa halip na buksan ang mga mata niya ay tumalikod lang siya sa akin at humarap sa kabilang parte ng kama saka nagtalukbong muli sa kumot.

"Ville! Hays, bwesit na lalakeng ito! Ikaw pa ang may sabi sa akin kagabi na maaga tayong gumising tapos ikaw naman ang hilik nang hilik diyan! Maagang gigising tapos tulog na tulog! Woy!" Inis kong sabi saka hinila ang kumot ngunit umungol lamang siya saka hinila pabalik. Muntik pa akong mabuwal sa pagkakaluhod ko dahil sa lakas ng hila niya.

Heart in Caution (Heart Series #1)Where stories live. Discover now