Ang Poste at Ang Duwende

By Enairashhh

6.5K 624 35

Love can't measure... Kahit milya-milya ang layo nyo sa isa't isa, basta mahal nyo ang isa't isa hindi kayo m... More

Author's Note
Prologue
Chapter: 1
Chapter: 2
Chapter: 3
Chapter: 4
Chapter: 5
Chapter: 6
Chapter: 7
Chapter: 8
Chapter: 9
Chapter: 10
Chapter: 11
Chapter: 12
Chapter: 13
Chapter: 14
Chapter: 15
Chapter: 16
Chapter: 17
Chapter: 18
Chapter: 19
Chapter: 21
Chapter: 22
Chapter: 23
Chapter: 25
Chapter: 26
Chapter: 27
Chapter: 28
Chapter: 29
Chapter: 30
Chapter:31
Chapter: 32
Chapter: 33
Chapter: 34
Chapter: 35
Chapter: 36
Chapter: 37
Chapter: 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter: 24

78 10 2
By Enairashhh


Linggo

Nandito ako ngayon sa labas ng plaza kung saan ang tagpuan namin ni Bansot. Dito kase may paradahan ng jeep kung saan kami sasakay.

Ako pala nauna dito. Simple lang ang suot ko. Naka-hoodie ako na kulay blue, jagger at sneakers. Nakaponytail din ang buhok ko para di mukhang losyang noh. Saka nag-lip tint din ako para maiba. ( joke,alam mo na yarn )

" Ang tagal naman non" anong oras na e. Napapatingin pa ko sa cellphone ko. Dapat maaga kaming byabyahe eh!

30 minutes...

Putek. Kalahating oras na wala parin?!

Agad kong binuksan messenger ko saka sya chinat. Hindi pa online ang pucha.

" Hello, ano?!"agad kong sabi ng mag ring ang phone ko.

[ " Poste, hindi ata ako matutuloy ngayon"]

" Ano?!" kunot-nuong sabi ko.

Bakit naman?!

[" Ngayon ko pala tutulungan si Milliana doon sa project nya. Ngayon lang sya merong tim---"]

" Ano ba yan?! Dapat sya gumawa! Project nya yan eh!"

[ " Poste, Sorry. Kita ko kasing hirap yung tao"]

"Paano 'ko?"

Ni hindi ko nga alam papunta doon!

[ " Ikaw nalang pumunta"]

Napanguso ako.

" Hindi ko nga alam!"

[" I sesend ko nalang sayo direc---"]

" Bahala ka na nga! Magsama kayo ni Milliana!" inis na sigaw ko saka sya binabaan. Tagal tagal ko panaman dito. Halos kalahating oras din ako naghintay noh?! Hindi ako Filipino time! Di ako late!  Tapos di matutuloy dahil sa lintik na Milliana na yun! Nakakairita!

Uuwi nalang ako. Hindi ko alam papunta doon!

---

Nasa jeep ako at kasalukuyang byumabyahe. Diba? Nasayangan kasi ako sa ticket na 'to kaya kahit di ko alam sumakay ako. Magtatanong nalang ako mamaya.Buti nalang at maagap ako kung hindi baka di ako makaabot.

Maya-maya pa huminto na ang jeep. Ako nalang pala ang tao dito. Agad akong bumaba. Nasa tapat pala kami ng 7-eleven. Umupo ako sa isa sa mga upuan doon. Tingnan ko nga yung google map. Dito lang ako umaasa e.

Movie Stars Cafe

Nasan na ba ko? Napatingala ako at nagmasid sa paligid. Wala man lang karatula kung nasaan na ba ko leche!

Napalingon ako sa gilid ko. Di ko namalayang may katabi na pala ako! Omy gosh!

Ang gwapo!

Leche! Mag focus ka Mayumi!

Agad akong bumalik ng tingin sa cellphone ko saka zinoom out at zinoom in ang google map.

" Walanghiya ka!"

Gulat akong napatingala sa katabi ko! Bigla kasi syang sumigaw at mas lalo akong nagulat ng nakatingin ito sakin!

" Tumayo ka na dyan! Umuwi na tayo!" galit nitong sabi habang nakatingin sakin. Taka naman akong napatingin sa kanya.

" Luh sir, mali po ata kayo ng---"

" Walang hiya kang malandi ka! Pupuntahan mo pa talaga kabit mo!"

Mas lalo tuloy nanlaki ang mata ko! Ang lakas ng boses nya! Yung mga tao sa paligid napapatingin na! Nakakahiya! Ano bang ginagawa nya!

" Kuya ano bang sinasabi mo---"

"T*ngina! Kakaladkarin paba kita dyan! Tayo!"

Bigla akong natakot ng sapilitan nya akong patayuin mula sa kinauupuan ko!

" Kuya! Bitiwan mo ko! Di ko kayo kilala!"sigaw ko!

"Manahimik ka! Malandi ka! Kung sino sino nalang lalaki nilalapitan mo! May asawa ka na!"

Leche! Asawa talaga?! Estudyante palang ako! Nang-iisulto ba sya!

"Hindi ko nga kayo kilala! Bulag ka ba! Baka hindi ako yun!Estudyante palang ako!"

" Umuwi na tayo! Kung ayaw mong masaktan!"

Agad akong nagpumiglas sa hawak nya sa braso ko! Ang sakit ng pagkakahila nya! Inaalis ko pero sobramg higpit!

"Bitiwan mo ko sabi! Hindi kita kilala!"

Yung mga tao, naunuod lang! Nakikiusyoso! Di ba nila ako tutulungan?

Asawa?

Putek!

Baka iniisip talaga nilang asawa ko 'to?

" Tulong! Tulungan nyo po ko!" sigaw ko! Pero yung mga tao nakatingin lang at yung iba parang nag-aalinlangan pa!

" Umuwi na tayo!" sigaw nya ulit saka marahas akong hinila. Nagpupumiglas naman ako!

" Ano ba! Hindi nga kita kilala!"

"Kakaladkarin talaga kitang malan---"

" Ano po bang nangyayari dito?" agad akong napalingon sa nagsalita. Nabuhayan ako ng makitang pulis ang lumapit.

" Mamang pulis! Hindi ko po kilala tong taong 'to!" agad kong sabi. Napatingin naman ang pulis sa lalaki. Ano ka ngayon? Huli ka na!

" Etong asawa ko sir,pinapauwe  ko lang. May hindi lang kami pinagkakaintindihan." mabilis akong napabaling sa lalaki!

" Miss,sumama ka na sa asawa mo. Nag-eeskandalo kayo rito e. Kung gusto nyo sa prisinto nalang kayo mag-us---"

" Hindi Sir. Sa bahay  nalang po. Salamat. Halika na"

" Bitiwan mo ko! Mamang pulis! Hindi ko nga kilala 'to! Hindi ko po yan asawa duh! Estudyante palang ako!"

" Ano! Palusot ka nanaman para makapunta sa kabit mo! Hindi mo na ko mauuto ngayon! Umuwi na tayo!"

" Miss sumama ka na"

Naiinis na talaga ko! Naiiyak narin ako at the same time natatakot! Bat ayaw ba nilang maniwala sakin?!

" Bitawan mo nga sabi ako!"

Tulungan nyo ko! Mga hangal! Nagpapaloko kayo sa lalaking ' to! Dukutin ko yang mga mata mo ate! Masama pa kung tumingin!

Please help me! Kung sino man dyan! Kahit pangit! Tulungan nyo ko!!!

"Hoy! Anong ginagawa mo!?" agad akong natigilan ng marinig ang pamilyar na boses na yun.

" Sir, bawal mag-eskandalo dito"

" Sino ka ba?!"

Agad akong napalingon sa gilid  ko. Naluluhang napatingin ako kay Bansot. Papaano nya nalamang nandito ako?

" Bitiwan mo sya." maitoridad na sabi ni Bansot.

" Sir, sino ba kayo? Kayo yung kabet?"

Lecheng pulis to! Pulis ka ba talaga?!

" Mukha po ba akong may asawa na?" sarkastikong sabi nya. Nag-angat sya ng tingin sakin.

"Tara na!" sapilitan nyang hila ulit.

" Aray ko ano ba!" sigaw ko.

" Tigilan mo yan! Siraulo ka ah! Bat mo dinadarag kaklase ko?" sigaw ni Bansot! Napakunot nuo naman ang pulis.

" Sir, kaklase ko po yang dinadarag. Nagmamadali  na kami! Meron kaming importanteng pupuntahan!" ani nito.

" Halika na!"

" Sir arestuhin nyo yan" inis na sabi ni Bansot sa pulis. Napataas naman ang kilay ng pulis!

" Wag ka ngang manggulo!" sigaw nung kuya.

"Gusto mong itawag ko pa sa tatay kong PULIS? Kapag napatunayang highschool student palang sya at wala syang asawa..." tigil ni bansot saka tumingin sa pulis.

"Ipapasibak kita sa pwesto mo"

Nanlalaki ang mata at nagtataka akong nakatingin kay Bansot. Wala akong maalalang pulis si SirBoss!

" M-mamaya ka lang sakin!" duro ni Kuya sakin. Tumingin naman si Bansot sa pulis na masama na ngayon ang tingin sa kanya.

" Tara na" wala pa akong nasasabi ay nahila na nya ako paalis don. Napatingin naman ako sa pulis na ngayon ay umalis na at hinabol si Kuya.

"Akala ko ba?" takang tanong ko nang makapunta kami sa paradahan ng jeep.

" Naisip ko kasi na tanga ka" agad kumunot ang nuo ko. "Biro lang"

" Ano nga?!" inis na sabi ko.

" Ako kasi nag-aya sayo tapos ikaw lang papapuntahin ko. Tara na"  agad nya kong hinila pasakay.

" Paano mo ko nahanap?" tanong ko nang makaupo kami. Tumingala naman sya sakin.

" Actually, di na dapat ako tutuloy. Akala ko umuwi ka na dahil binabaan mo ko,nagalit ka. Buti nalang nagtanong ako sa mama don, sabi nya may sumakay daw ng jeep. Tama naman sa description mo lahat. Matangkad, mukhang unggoy--- aray!"

" Gago!"

"Oh bakit?"

" Seryosohin mo kase!"

" Seryos---aray! Oo na! Matangkad! M-maganda tsk!"

" Gago! Maganda talaga ko!"

" Tapos ayun, tanga mo pa dahil mali pa nasakyan mo, ayan tuloy nangyare sa ' magandang' tulad mo!" inis na aniya habang pinagdidiinan ang salitang magada. Natawa naman ako.

" Oh! Eh bakit may papulis pulis ka pang nalalaman? Di naman pulis si SirBoss ah?" natatawang tanong ko. Ngumisi naman sya.

" Mukha ka kasing me asawa na. Kaya ayun, gumawa ako ng pekeng identity para maligtas ka. Galing ko diba? Hahahha--- aray! Nakakailan ka na ah!"

" Buset ka!"

---

" Salamat! Balik ka ulit Mayumi!"

" O-opo! Omygosssshhhh ang ganda nyo talaga!" kinikilig na sabi ko kay Mnl48 Sheki. Natawa naman sya. Omygish! Nag-iinit mukha ko!

" Ano ba vhakla! Hahaha! Balik ka ah!"

Matapos ng handshake event ay masaya kaming lumabas ni Bansot. Parang isang panaginip! Para akong nasa langit dahil sa ang kyu-cute at nag-gagandahan sila roon. Ang bait-bait pa, para talaga silang anghel!

" Grabe, di ko alam na ganun pala sila kaganda sa personal!" hampas ko kay Bansot na nakangiti rin sa kawalan.

" Tama ka, lalo na si Abelaine"

Mayamaya ay may jeep na dumaan kaya't agad kaming sumakay. Sumabit nalang si Bansot dahil di na kasya.

Maya-maya pa ay nakarating na  kami sa paradahan ng jeep sa pritil. Agad kaming bumaba. Nasa bayan kami ngayon. Alas sais pa naman ng gabi.

" Tingnan mo oh, bat may puso dyan?" takang tanong ko sabay turo don sa mga lobo at mga teddy bears.

" Ate! Kuya! Bilin nyo na to oh! Konti nalang uuwi na ko." nagkatinginan naman kami ni Bansot.

" Kuya! Eto oh! Bigay nyo kay Ate!"sigaw ulit nung batang tindero. " Bat naman sa kanya ibibigay?" tanong ni Bansot ng makalapit kami.

" Ano bang meron?" takang tanong ko rin. Tumingin naman sakin yung bata na bakas sa mukha na nawiwirduhan sya samin.

" Valentines day po ngayon! Kuya,Ate nalimutan nyo po? Diba mag-jowa kayo?"

Gulat akong napatingin sa bata dahil sa sinabi nya! Y-yung mag-j-jowang sinabi nya! Waaaahhh!

" Kaibigan ko lang 'to" ngiwing sabi ni Bansot kaya naman napanguso ako at napasulyap sa kanya. Pero nahuli nya ko!

" Bakit?" takang tanong nya kaya agad kong iniwas ang tingin ko saka tumingin sa tinda.

" Wala"

" Ahhh... Gusto mo nito?" turo nya sa teddy bear. " Hindi ko alam na mahilig karin sa ganito!" tawa nya. Pilit naman akong ngumiti saka naglakad paalis.

" Hoy! Sandali!" sigaw pa nya pero di ko sya nililingon. Nababanas ako. Pambihira.

" Hoy!" agad akong napahinto dahil sa pagharang nya sakin. Napairap naman ako.

" Oh" bakas ang inis  na sabi nya. Agad akong napatingin sa hawak nya. Nanlaki ang mata ko ng hawak nya na ang teddy bear sa bangketa kanina. " Binili ko na. Galit ka e"

Inis ko syang tiningnan.

Baliw.

" Hoy! San ka pupunta?" sigaw nya ng tumakbo ako paalis. " Dyan ka lang! Babalik ako!"

Maya-maya pa ay nakarating ako sa bangketa kung saan naabutan kong inaayos na nung bata ang paninda.

" Sandali! Bilin ko na 'to" turo ko sa puso at teddy bear. Napabuntong hininga naman yung bata saka binigay sakin. Matapos noon ay agad akong nagtatatakbo kung saan ko iniwan si Bansot pero laking gulat ko ng mawala sya.

" Nasaan na yun?!"

"Poste dito!" sigaw nya kaya agad akong napalingon. Nakita kong kumakain na sya ng tusok tusok ngayon!

" Leche ka!" natatawang sabi ko ng  makalapit. "Oh"

Taka syang napatingin sakin saka tiningnan ang hawak nya ngayong puso at teddy bear.  "Ano 'to?"

"Regalo ko rin! Q-quits na t---"

" Abaaa, may lovebirds pala dito!" sabay kaming napatingin kay Manong na nagtitinda ng mga fish balls.

" Hindi po Manong" tanggi ni Bansot habang ngumunguya. Tiningnan nya naman ako saka inginuso ang  mga tusok-tusok. Pinapakuha na ata ako. Dismayado ko naman syang tiningnan saka kumuha narin.

" Ahh hindi ba? Sayang naman. May promo kasi kami dito para sa mga mag jowa ngayong valentine's day. Maliit lang naman. Bente pesos pero kayo na mamimili kung ano gusto nyong kainin"

Ano yun? Bente lang? Nge.

" Ah! Ganun po ba Manong? Babe? Kain pa!" mabilis akong napabaling kay Bansot! Nanlalaki ang mata at natitigilan. Pinanlakihan nya rin ako ng mata tsaka sinabing kumuha na ko.

" Manong,tig-bente po ba kami?"

Hindi ko na pinapansin ang sinasabi nya sa tindero. Talagang nagulat lang ako!

" Abaaa totoy! Mukhang inlove nga sayo ang jowa mo!"

" Huh?" takang tingin ni Bansot habang may nakatusok na stick sa bunganga!

" Manong! Bat naman po totoy! May jowa na ko, totoy parin tawag sakin" birong ani ni Bansot. Tumawa naman si Manong.

" Babe tinatawag akong totoy" nakangusong ani ni Bansot. Nakanganga naman akong nakatingin sa kanya.

" Hoy! Ikaw iho! Pakainin ko na yang jowa mo! Tulala oh!"

"Sige ho! Pengeng baso" nakangiting sabi ni Bansot. Hindi parin ako makapaniwala. Ang lakas ng tibok ng puso ko lalo't tinatawag nya akong....

" Babe" wala sa sariling sabi ko.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko ng matawa sya. Bigla ay hinawakan nya ang kamay ko na nagdulot ng kuyente sa katawan ko.

*Tug* *dug* *Tug* *dug* *Tug* *dug* *Tug* *dug* *Tug* *dug*

"Kumain ka na" aniya saka nginitian si Manong. Nabaling naman ang tingin ko sa magkahawak naming kamay. Napalunok ako.

Naririnig nya ba? Nararamdaman? Kinakabahan ako. Baka maramdaman nyang malakas ang tibok ng puso ko. At dahil sa kanya yun.

Napahigpit ang hawak ko sa kamay nya kaya napatingin sya sakin. Hindi ko inaalis ang tingin sa kanya.

" Bakit?" takang tanong nya. Napaiwas naman ako ng tingin saka napangiti. " Wala"

Ang saya sa pakiramdam...

---
" Iho! Don kay kumpare"  mayamaya'y sabi ni manong at itinuro ang isang stall ng barbeque-han.

" Salamat Manong! Sana araw -araw valentines!" natatawang sabi ni Bansot.

" Salamat po" ngiting sabi ko rin.
" Hahaha! Wala na akong kikitain kung ganun. Sige na, don na kayo kay kumpare, baka magsara pa"

Tumango si Bansot saka kumaway kay Manong. Hinila nya ko palapit don sa barbeque-han. Naabutan naming nakangiti si Manong no.2 samin.

" Ano pong promo nyo manong?" masiglang tanong ni Bansot. Grabe, di pa ba sya busog?

" Tatlong isaw iho. Para I love you hehehe" ngiting sabi ni Manong. Agad umorder si Bansot ng baboy at syempre yung tig-tatlong isaw saming dalawa.

" Di ka pa ba busog?" bulong ko sa kanya. Napatingin naman sya sakin habang ngumunguya.
" Bakit? Gusto mo nabang umuwi?"

" Hindi. Tinatanong ko lang" agad naman nyang inabot ang tatlong isaw sakin. " Oh"

Alam kong walang malisya sa kanya 'to. Feeling ko nga mas mahal nya pa yung pagkain. Pero di ko parim napigilang kiligin. Parang sinasabi ng isaw na 'to 'I love you'

"Mayumi. Wag kang ngumiti ng ganyan. Mukha kang titan."

Agad naglaho ngiti ko at binatukan sya! Napasigaw naman sya sa aray!

" Pwede ko ba kayong picturan iho? Ang cute nyong mag-jowa" nangingiting sabi nung manong. Namula naman ang pisngi ko sa sinabi nya. Enebe!

Agad kong hinedlock si Bansot! Nang makaganti!

" Go na manong!"

" Ano ba!?"

" Hahaha! 1, 2, 3!" matapos ay bumitaw na ko. Sinawsaw ko ang isaw nang may magsalita.

" Ate isa pa!" ani nung babae katabi nung Manong. Anak nya ata.

" Sige"


" Kiss po! Hihihi!" kinikilig na aniya. " Anak!? Ano bat... pasensya na kayo iha..."

Natigilan ako sa sinabi nya. A-anong kiss?!

Napatingin ako kay Bansot na ngayon ay gulat din. Binaba ko naman ang tingin ko at nakita kong di pa nya ginagalaw ang isaw nya. Inuuna nya kasi yung baboy.

" Dali na! Mag-jowa naman kayo e! Valentines naman eh! Yieee!"

Agad akong napabaling kay Bansot. Napalunok akong tiningnan sya. Napabuntong hininga sya habang pinapakawalan ang isaw na kasasawsaw nya pa lang. Bigla itong tumingin sakin at dahil doon lumakas ang tibok ng puso ko.

" B-bansot." atras ko ng lumapit sya. Bigla nya akong hinawakan sa balikat. " Babe" aniya.

" Pat... tay" nasabi ko nalang saka napapikit. Natigilan ako sa bulong nya.

" Mayumi,sorry. Di nila tayo pwedeng mahuli." napasinghap ako sa sinabi nya.

" Sa pisngi lang ah! Mahiyain si Babe eh!"sigaw nya. Napamulat ako saka nanlalaking matang natigilan dahil sa mabilis nyang pagtingkayad sa mukha ko. Di ko namalayang dumampi na ang labi nya sa pisngi ko.

----

Thank u

Continue Reading

You'll Also Like

19.6M 596K 42
"Give me your hand." He ordered and i looked at him confused. He sighed before taking my left hand. I gasped when he suddenly put an engagement ring...
8.5M 265K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
130K 9.2K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...
160K 3.2K 31
SHORT STORY•﹏• Ynah Marie Roosvelt isang dakilang campus nerd na binubully tinanggap nya lahat nang pambubully sakanya kahit na sinasabihan na sya na...