Chapter: 13

83 11 0
                                    

" Number 10" tawag ni Sir Tyson. Tumayo naman ako at kinuha ang regalo ko. Ang reregaluhan ko ay si number 23. Number 10 naman ako. Pinagsigawan ko pa sa klase na number 10 ako para alam nila na ako ang reregaluhan nila!

Eto na! Moment of truth! Agad kong sinira ang cover ng regalo. Nanlaki ang mata ko ng makita na isa itong mug! Pero mas ikinagulat ko pa na naka-imprinta ang kami-oshi ko sa mug! Agad kong nilinga ang paningin ko dahil sigurado ako kung sino ang nakabunot sakin! Nakita ko naman syang nakatingin sakin habang nakapalumbaba at nakangisi! Sinasabi ko na nga ba. Sya nga! Kaya bumulong ako sa hangin at sinabi kong 'Thank you!'. Tumango naman sya at ngumiti saka tumingin sa unahan. Napatingin ulit ako sa mug. Ang saya ko! Sa sobrang saya ko naiiyak ako! O.A na kung O.A pero eto nararamdaman ko.

Mayamaya ay tinawag ang number 23.

" Sino nakabunot ng 23! " sigaw ni Joebel saka pinakita ang laman ng box na niregalo ko! Hahahah! Naisip ko kasi na puro pampatangkad ang ireregalo ko sa nabunot ko. Tatlong bote ng cherifer, tas pares ng insole para sa sapatos. O diba? Galit na galit ngayon si Joebel dahil sa natanggap nya. Aba pasalamat sya!

---

Natapos ang christmas party ng masaya.

" Hayys! Ayoko pang umuwi"hinihikab na sabi ko habang nag-uunat palabas ng classroom.

" Tara. Mall" ani ni bansot na kakasunod lang pala sakin.

" Geh"maikling sagot ko at sabay kaming lumabas ng school.

---

" Grabe, paskong pasko na talaga! Ang saya!" masiglang sabi ko habang naglalakad kami. Paborito ko kasing holiday bukod sa New Year at Birthday ay pasko! Syempre, doon ako nakakakuha ng mga regalo eh.

" Quantum tayo" mabilis na sabi ni bansot saka nagpaunang maglakad. Pero napahinto ako ng makita si Kin na kasama ni Amanda na naglalakad na paputa samin!

"Hoy! Bat kayo magkasama? Kayo ahhh" tawang sabi ni Amanda. Kunot-nuo ko naman syang tiningnan! Anong ibig nyang sabihin!?

" Pre, anong meron sa inyo ni Mayumi?" ngiting sabi ni Kin kay bansot. Napasalubong naman ang kilay ko! Ano bang pinagsasabi nila?!



" Ang isyu nyo ha! Porke magkasama may something na?! At kita nyo naman na mas malaki ako dyan kaya, no thanks!" inis na sabi ko saka nagcross-arms.

"Nakikita nyo bang malahigante itong si poste! Kaya---aray! Ikaw yung nauna eh!" inis na sigaw ni bansot dahil hinedlock ko sya! Wow! Ngayon nalang ulit! Nagtawanan naman ang dalawa!




"Ano naman kung magkaiba kayo ng height's na dalawa? It does'nt matter. Kung love nyo ang isa't---"



" Hep! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo Kin!" inis na sabi ko. Mas nainis ako nang makita kong nagtawanan sila ni Amanda!



" Anong Love?! " biglang sigaw ni bansot!


N-nakakadiri!!!

---

Quantum

Nalaman naming nag-confess na ng feelings si Kin kay Amanda. It turns out na, may feelings din pala si Amanda kay Kin. O diba, nakakainis na nakakainggit. Mahirap tanggapin pero kaylangan. Kaya naman, hindi ko nalang masyadong iisipin.

Nandito na kami ngayon sa loob ng quantum. Nakakainis lang dahil panay ang asar nila samin ni bansot! Kesyo baka magkadevelopan daw kami! Ew lang! As if namang magkakagusto ako sa bansot na 'to!

" Kin, eto oh" turo ni Amanda sa pikachu na nasa loob ng glass. Dito daw nya gustong maglaro. Amboring lang! Kaya naman pumunta nagpaalam ako na maglalaro sa video game na may marvels. Pagkaupomg pagkaupo ko, biglang tumabi si bansot!

Ang Poste at Ang DuwendeWhere stories live. Discover now