Chapter: 19

86 12 1
                                    


Dahil sa kakaibang pakiramdam na idinulot sakin ni Bansot nung nakaraan ang hindi nagpatulog  sakin ng ilang gabi. Kapag nakikita ko sya sa school, gusto ko syang iwasan pero may part sakin na hinahanap sya! Kapag naman kinakausap nya ako, hindi ako makatingin sa kanya sa sobrang kaba. Hindi ko nga alam kung napapansin nya. Pero siguro nawiwirduhan na sakin yun!

" I lie I wake at night... See thing's in black and white..."

" I've only got you, inside my mind..."

Nakakainis! Itong kanta ring ito! Dati nagagandahan lang ako sa melody at balewala sakin yung lyrics pero ngayon, iba na. May laman na bawat salita.

Gabi-gabi rin akong napapakanta sabay iiyak. Baliw lang diba? Huhuhu! I need help!

" Pero anong gagawin ko?" katulad ngayon. Pinupunasan ko nanaman ang luha ko. Ano bang dahilan kung bakit naiiyak ako?

Dahil ayokong magkagusto sa kanya.

Sakto namang pagbukas ko ng fb, active si Amanda. Ewan ko ba, ala-una na, gising parin?

AmaGanda
  Oy Bat gising ka pa?

P.O.S.T.E
   Leche ka. Nung ginawa mo sa nickname ko!

AmaGanda
     HAHAHHA sorry na! Bat nga gising ka pa?

P.O.S.T.E
   Bat ikaw gising pa?

AmaGanda
    Si Kin kase :>

P.O.S.T.E
  Edi china oil

AmaGanda
  Hahaha ikaw kase! Bat di ka pa umamin kay Bansot! May pa china oil ka pang nalalaman!

P.O.S.T.E
     tigilan mo ko

Amaganda
     Ay! Di parin matanggap? Bahala ka talaga Mayumi. Pag yan nakuha ng iba...

Sus... Wala naman siguro. Wala naman sigurong magkakagusto dun---

" Ang gwapo nya grabe!"

Yung mga FANGIRLS nya! Ehhh? Hindi naman kasing ganda ni Amanda yu--- pero... Nagpapasikat din si Bansot sa kanila! Putek nakakainis! Bat ba nagpapasikat pa sya sa mga yun?!

AmaGanda
   Tagal mo magreply. Tulog na ko ;-;

P.O.S.T.E
  wait.

Amaganda
  ...

P.O.S.T.E
  Ayokong magkagusto sa kanya.

Amaganda
...

Amaganda
...

Amaganda
Hala! Ibig sabihin, like mo talaga si Bansot?! Omygosh!

P.O.S.T.E
   Wag ka ngang matuwa. Ayoko talaga Amanda. Seryoso.

Amaganda
   Mayumi. Pramis pag pinigilan mo yan lalong lalala. Seryoso.

P.O.S.T.E
   Anong gagawin ko? Naiiyak na ko

Amaganda
...

Amaganda
   Wag ka nang malungkot. Hayaan mo na yang feelings mo. Go with the flow ka nalang.  Malay mawala bigla diba?

P.O.S.T.E
   Paano pag di nawala?

Amaganda
   Edi inlove ka na! Basta Mayumi. Ikaw lang makakasagot nan. Kung ano ang gagawin mo sa feelings mo, ikaw lang nakakaalam. Andito lang ako para suportahan ka at syempre para  may mapagsabihan ka. Sige na. Bukas, pag-uusapan natin yan. Wag kang masyadong ma-stress! Goodnight! <3

Ang Poste at Ang DuwendeWhere stories live. Discover now