Chapter 49

83 5 0
                                    

"Love, san ba tayo pupunta?"

"Wag mong tatanggalin yan," natatawa nyang sabi. May piring ako sa mata habang naglalakad kami.

Kumabog ang puso ko. Ngayon palang naiiyak na ako. I-susurprise nya ba ako? Malamang kaya nga nakapiring eh. Napailing nalang ako at hindi na pinansin ang tibok ng puso. Bigla kaming huminto.

"Here we are" unti unting natanggal ang piring sa mata ko. Unti-unti kong minulat ang mata ko dahil sa liwanag. I blink my eyes when I saw this familiar place. I looked around only to find that were here inside the amusement park. Mabilis akong napalingon kay Bansot.

"Yes? Familiar right?" ngiting sabi nya. Napatango ako sabay ngiti. Nandito kami ngayon sa amusement park kung saan kami nag-tour noon.

"Ano ba yan.. Bat ako naiiyak." I honestly said. He grabs my hand and started to walk towards the ferris wheel. Pagkapasok ay magkatabi kaming naupo. Nag-umpisang umandar ang ferris wheel. Hawak hawak ko ang kamay ni Bansot. I smiled at him.

"Hindi tayo nakasakay noon eh. Ginabi" natatawang aniya. Day-off namin ngayon. Kaya nya siguro sinusulit.

"Oo nga eh. Naalala mo pa gimawa natin?" naki-cringe kong sabi. Napapikit naman sya sa naalala. Natawa ako.

"Yung operation.. Bwisit." mas lalo akong natawa dahil sa kahihiyan.

"May gusto ka pa kay Amanda noon--"

"Crush ko lang yun"

"Weh?"

"Oo nga. Baka ikaw may gusto kay Kin noon." bigla syang tumingin sa labas. Nakita kong nakanguso na sya. Natawa ako pero nawala rin dahil nakita ko ang view mula sa labas! Ang ganda. Feeling ko nasa langit na ako haha. Hindi, nakita ko yung lawa sa baba. Nakakalula.

"Bakit? Totoo naman ah, di ko dine-deny." napalingon naman sya sakin, napataas kilay ko.

"Tapos, iiyak iyak ka noh? 'Bakit ba di ako magustu---aray! Joke lang!"kinurot ko kasi sya sa braso. Ginagaya nya kasi ung way kong magsalita noon!

"Oh,ikaw nga eh" napatingil ako at saka natawa. Naalala ko pang lahat. Napataas naman sya ng kilay.

"Ano?" mataray na sabi nya.

"Nag..Oh my gosh! Wait hahaha!"

"Tss."nakanguso nyang sabi saka tumingin sa labas. "Grabe,naalala ko nagtago ka pa sa gitna ng locker tapos kasyang kasya ka! Wow magic!" sinabi ko yun na parang namamangha,inaasar sya. Lumingon naman sya at salubong ang kilay.

"Tumigil ka na,"

"Bakit? Diba totoo?" matagal syang tumahimik hanggang sa mapabuntong hininga sya.

"Oo na."

Natawa ako sa kanya."Alam mo ba, doon ata nagsimula yung pagkagusto ko sayo?"

Napakunot sya ng nuo. "Bat parang di ka sigurado?"

"Eh kasi,baka doon nga yun! Inisip ko nung time na yun na di kanaman pala ganoong kasama."

"Masama pala tingin mo sakin noon."

"Hindi! I mean, lagi mo kasi akong inaaway kaya akala ko ganun ka, ang sama mo sakin,ganun!"

"Ahh.. ganun pala yun?"sarkastikong sabi nya kaya napanguso ako. "Galit ka?"

"Hindi"hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko.

"Bansot" napatingala sya ng mabilis sakin.

"Wow,never heard of that for years,"

"Gusto mo na pala nickname mo?"

"Tbh. Hindi. Noong una ha, naiinis ako. Aminado naman akong maliit ako, pinamukha mo pa sakin but now, I have you na eh. Hindi na ako naiinis. I mean, i don't know. Nagbago lahat dahil sayo. Kahit sayo nanggaling."

Ang Poste at Ang DuwendeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon