Chapter: 32

66 8 0
                                    

Bansot

Tsk

Poste

Bat ba ang sungit mo? Pumayag na nga ako na kasama ka kahit pa naiinis ako sayo 😤


Bansot

Naiinis ka na ngayon?

Poste

Paano yung ugali mo e. Tinutulungan daw nya pero wala namang ginawa. Nagsungit lang!


Bansot

Bahala ka sa buhay mo

Poste

Talaga! Akala mo naman kung sino


Bansot

Ah, okay

Poste

Ano?

Hindi na nagreply pa si Bansot. Kunot na kunot lang ang nuo ko habang nakatitig sa cellphone ko. Abnormal talaga yun!

Kanina sasama raw sya para mapadali yung pagpapasa ni Gelo ng project pero pag dating sa library, binabara nya lang si Gelo kapag nagsalita ito. Nakakainis,wala na nga syang ambag, nangkokonsume pa!

Kinabukasan naabutan ko si Gelo sa hallway na nakaupo. Ngumiti ito sakin saka pinagpag ang tabi nya.

"Hoy, aga mo ah?" ngiting tanong ko. May kumalabit naman sa likod ko. Bumungad sakin ang nanunuksong tingin ni Amanda!

" Amanda!" napatayo ako.

" Shino yern? Bilis magpalit ah---aray!" hinampas ko sya at sinamaan ng tingin.

"Ahh,hello. I'm Gelo. Bagong kaklase ni Mayumi" ngiting pakilala ni Gelo. Lumawak naman ang ngiti ni Amanda kay Gelo.

" I'm Amanda. Bestfriend ni Mayumi!" nakipagshakehands ito. " Ehem... Shingle si Mayumi!--- Aray!"

Muli ko syang hinampas! Leche! Isa pa 'to! Pinapahiya ako!

Mayamaya pa ay may humarang na bisig kay Amanda at dahan-dahan syang inilalayo. Sus... Kilig naman ako!

"Hi, I'm Kin. Amanda's boyfriend"  ngiting bati ni Kin kay Gelo habang nakayakap parin mula sa likod ni Amanda.

" Obviously" tawa nya saka inilahad ang kamay nya. " I'm Gelo. Mayumi's new boy friend."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Gelo ganun rin si Amanda na nakanganga pa. Habang si Kin na man ay natawa.

"Tch" kinilabutan ako ng marinig ang singhal mula sa likod ni Kin.

"Easy bro" natatawang ani ni Kin at tumingin sa likod. Agad kong nakita si Bansot na nakunot ang nuo. Napalunok ako.


"With space" dagdag pa ni Gelo na patawa tawa.  "With space" dagdag rin ni Kin at saka natawa narin. Nakahinga naman ako ng maluwag saka napatingin kay Bansot. Bigla itong tumingin sa gilid at nawala ang pagkakunot ang nuo.

" Hay salamat! Akala ko bago kang boyfriend ni Mayumi eh!"

"Amanda!"sigaw ko! Buset ang lakas lakas ng boses! Nagtawanan naman sila.

---

" Di pa ako tapos eh" ngiwing sabi ko habang nagdro-drawing. May slogan kasi kaming activity, syempre ginagalingan ko na para naman tumaas taas naman ang grade ko.

" Ako nalang bibili. Ano ba gusto mo?" bakas sa tono nya na nakangiti sya. Kaya napatingala ako ako saka ngumiti.

" Magno---" di ko na natapos pa ang sasabihin ko nang may bagay na tumama sa mukha ko! Marahas kong tiningnan ang bumagsak na bagay sa hita ko at sa inis ko napatingala ako. Pabagsak na nilapag ni Bansot ang magnolia na ikinagulat ko.

Ang Poste at Ang DuwendeWhere stories live. Discover now