Ang Boyfriend Kong Engkanto (...

By LunaAmelie

1M 32.8K 2.1K

When girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy More

Chapter 1: The Party Girl
Chapter 2: Nasaan Ako?
Chapter 3: Ang Misteryosong Lalake
Chapter 4: Simeria
Chapter 5: Naniniwala na ako
Chapter 6: Si Procopio
Chapter 7: Gusto ko ng kanin
Chapter 8: Kilig to the bones
Chapter 9: Medyo Serious
Chapter 10: Awkward moment
Chapter 11: Skinny Dipping
Chapter 12: Mga Tanong
Chapter 13: Saan tayo pupunta?
Chapter 14: Day out
Chapter 15: An Hari at ang Reyna
Chapter 16: Is it over?
Chapter 17: The Feels
Chapter 18: Changes
Chapter 19: Simon
Chapter 20: First Kiss
Chapter 21: Officially Together
Chapter 22: Pio is in the house
Chapter 23: Another day
Chapter 24: Pio Gone Bad
Chapter 25: Lady V
Chapter 27: Salamin
Chapter 28: Misunderstanding
Chapter 29: Sexy Back
Chapter 30: Moved Out
Chapter 31: Vacation
Chapter 32: Back to Reality
Chapter 33: Storm is Brewing
Chapter 34: Adik Sa 'yo
Chapter 35: Unexpected
Chapter 36: Visitors
Chapter 37: Another Visitor
Chapter 38: Forever?
Chapter 39: If only
Chapter 40: Shady
Chapter 41: Axel
Chapter 42: Another Suprise
A Note
Chapter 43: Happiest
Chapter 44: Bad Omen
Chapter 45: Goodbye
Chapter 46: Inconsolable
Chapter 47: Clean Slate
Chapter 48: Life Goes On
Chapter 49: Memories
Chapter 50: Still the same
Chapter 51: Pangalawang Pagkakataon
Chapter 52: Pagbabalik
Chapter 53: No lies
Chapter 54: Convalesced
Chapter 55: Patawad
Not an update
New story
Chapter 56: Mga Lihim
Chapter 57: Atrona
Chapter 58:
Chapter 59: Happy Ending
Author's Last Note
Ebook release

Chapter 26: Relative?

20.5K 606 117
By LunaAmelie

Literally, nganga ang lola niyo.

Seryoso ba siya?

Kung nakakatandang kapatid siya ng Hari edi pamangkin niya si Pio. Pero bakit nandito siya sa mundo ng mga tao? Anong ginagawa niya dito?

"Kapatid mo ang aking Ama? Papaano nangyari 'yon? Hindi ko alam na may kapatid siya. Hindi niya ito nabanggit sa akin." Ani Pio.

Good questions Pio.

"Dahil matagal na panahon na nang pinaalis ako ng aming ama sa kaharian."

"Ngunit bakit?" Tanong ni Pio.

"Dahil nagmahal ako ng isang tao. Mahigpit na ipinagbabawal iyon sa kaharian."

"Sino? Nasaan siya?" Tanong ni Pio.

"Wala na siya. Matagal na siyang yumao." Sabi ng matanda at halatang nalungkot ito.

"Ikaw? Papaano ka nakarating dito?" Tanong ng matanda.

"Tumakas ako mula sa kaharian dahil ikinulong ako ni Ama." Sagot ni Pio.

"Bakit?" Agad na tanong ng matanda.

"Dahil po sa 'kin." Sumabat na ako.

"Oh!" 'Yon lang ang nasabi niya. Sa tingin ko ay naintindihan niya na.

"Matagal ka na ba dito?" Tanong ni Lady V kay Pio.

"Ilang araw pa lamang." Sagot ni Pio.

"Kumusta ang kapatid ko? Ang reyna?" Tanong ni Lady V.

"Mabuti naman sila." Sagot ni Pio at napangiti si Lady V.

"Naalala ko noong ipinagbubuntis ka ng Reyna. Pumupunta dito mismo si Filomino kahit siya na ang Hari ng Simeria upang iabot sa akin ang sulat ng iyong ina. Matagal daw siyang hindi lumabas ng palasyo dahil maselan ang kalagayan niya. Siya ang pinakamatalik kong kaibigan. Sa liham lamang kami noon nag-uusap ni Sonayda. Alam mo bang ako ang nagbigay ng pangalan mo?" Masayang sabi ng matanda.

"So, ikaw po pala.." Sabi ko.

"Ang alin iha?" Tumingin siya sa 'kin.

"Uhh.. Ikaw po pala ang dahilan.. kung bakit ang cute ng pangalan ni Pio." Nasabi ko na lang sabay yuko.

"Yes. Now, about the ring.. Sigurado ka ba na gusto mo itong ibenta sa akin?"

"Oo.. Hindi ko naman iyan kailangan."

"Ngunit simbolo ito ng pagiging prinsipe mo."

"Wala nang silbi pa ang singsing na iyan. Hindi na ako isang prinsipe. At saka gusto ko rin makatulong kay Alex." Sagot niya.

Napabuntong hininga na lang ang matanda. "Very well... Since you are my nephew and given that this is a really valuable ring, I will give you five million for this." Binaling niya ang tingin sa akin. "Is that okay with you?"

"Fa-five million po ba?" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

"Yes. Is there a problem?"

OMG! Totoo ba 'to? Five million para sa isang singsing?

"Wa-wala naman po." Gusto kong tumambling.

Iniabot ng secretary niya ang checkbook kay Lady V at pinirmahan ito. Is this really happening? Napakalaking halaga naman nito.

"What's your name again?" Tanong niya.

"A-Alexeen Sevilla po." Sagot ko.

"A-le-xeen-Se-vi-lla." Pag-uulit niya. "Like this?" Pinakita niya sa 'kin.

"Ye-yes." Is that even possible? Is she really writing a check worth five million pesos? Waah!

"Here." Inabot niya sa akin ang cheke. "Don't lose it. Deposit it right away, and be very careful; that's a huge amount of money."

"O-opo." Nakakanerbyos naman ang chekeng 'to.

"Do you want to have lunch with me?" Tanong ni Lady V.

"Sige po. Libre po namin kayo."

"No dear, I still have more money than you." Sagot ng matanda sa alok ko.

Taray naman ng lola mo! Para nagmamagandang loob lang.

"Okay po."

"We'll have lunch here. I usually don't go out for security reasons." Ngumiti siya ng bahagya. "Jen, please tell the chef." Tumango ang assistant at naglaho siya papuntang kung saan.

When the assistant left, I grabbed the opportunity to ask Lady V a question.

"Lady V, bakit po hindi matulis ang tenga niyo?"

"That's just illussion dear."

"Watch," Nilapitan niya si Pio at hinawakan ang tenga. Pag-alis niya ng kamay niya ay parang normal na ang tenga ni Pio. Normal. As in. Pang-tao na tenga.

"Ganoon lang 'yon kadali? Pio, bakit 'di mo ginamit kapangyarihan mo?" Marahan kong pinalo si Pio sa braso.

"Wala akong ganoong kapangyarihan, Alex." Sagot niya.

"Oh." In fact, I've never seen him use his powers. Except that weird thing he did with Simon.

"You see, hindi lahat ng engkanto parepareho ang kapangyarihan. Some have different powers- like Pio's father. He's very powerful but some don't have powers at all." Sabi ni Lady V.

"Ah.. ganoon po ba.."

"Eh, alam po ba ng mga employees mo dito na isa kang.. You know.?"

"Not everyone.. But my head guard knows and so does Jen. I trust them and they've proven it." Sagot niya. Taray talaga!

"I see.." I paused para mag-isip ng bagong tanong. "Eh pa'no niyo naman po nakilala ang asawa niyo?" Pagkasabi ko 'non napafingers-crossed ako. Sana hindi siya magalit sa pang-uusisa ko. Baka sabihin niya feeling close agad ako.

But instead of being irritated by my questions, I saw her face lit up as if remembering a good memory.

"Ahh.. I actually met him here, later I'll show you where. Sa likod ng bahay na ito ay mayroon dating lagusan. Noong dalaga pa ako ay mahilig akong mamitas ng bulaklak sa kagubatan kasama ang mga kaibigan ko. Isang araw namitas akong magisa sa pinakamalayong parte ng gubat hanggang sa marating ko ang kinalalagyan ng lagusan. I knew I was forbidden to cross the portal but I was always curious of what's on the other side.. Sumuway ako sa utos at tinawid ko ang lagusan. And there, I saw a boy." She smiled at me. I could see that she's happy. I smiled back at her giddily. She went on with the story.

"Wala pa ang bahay na ito noon, isa pa lamang itong gubat. Nagpakilala siya sa akin at ganoon din ako. His name was Oscar. Doon nagsimula ang pagkakaibigan namin na nauwi sa pag-iibigan. Sa tuwing may pagkakataon ay pumupuslit ako sa lagusan upang magkita kami hanggang sa isang araw ay nasundan ako ng isang kawal at isinumbong ako kay Ama." Natigil siya. Malungkot na ngayon ang expression niya.

"And then what happened?" Tanong ko sa kanya.

"Pinapili ako ni Ama but I chose Oscar. I remember how angry he was. I never told them that we already got married and that I was pregnant." She frowned.

"Nagkaanak po kayo? Pwede po namin siya makilala?" I asked her excitedly. Ano kaya itsura niya? Makakakita na ako sa wakas ng engkantao.

"She died at birth."

"I'm so sorry po, Lady V." I reached for her hand to comfort her. Dami ko kasing tanong.

"It's okay. I've accepted the fact that I was never meant to be a mother. Oscar and I were happy with just the two of us. We worked hard and this is the result." She made a gesture with her hand.

Mabait naman pala si Lady V. Mukha lang talagang mataray gawa siguro na matagal siyang namuhay mag-isa with only her assistant and guards with her. Madami pa kaming napag-usapan until our lunch was ready. Exciting! Take note, hindi ordinaryong lutong bahay ang inihanda para sa amin. Walang adobo or menudo dito. Lahat sosyal na pagkain. May sariling chef naman kasi. Nagtaka tuloy ako kung ilan ang monthly expenses ng bahay na ito.

Anyway, pagkatapos namin kumain ay itinour niya kami sa malawak na bahay niya. Sa likod nito ay naroon nga ang gubat.

"Dito kami unang nagkita ni Oscar. Dito rin iniaabot ni Filomino ang mga sulat ni Sonayda noong bago pa lang ako sa mundong ito. The portal used to be here." Wika ni Lady V.

Naalala ko tuloy 'nong tinawid ko ang portal matapos ang mapait na sinapit ko sa kamay ng hari.

"Sa tingin niyo po magbubukas ulit ang lagusan?" Tanong ko.

"I don't know, but we'll see.." She replied with a shrug.

Continue Reading

You'll Also Like

536K 10.7K 56
(HIGHEST RANK ACHIEVED: #7 in Action) [04/30/18] Her eyes are bursting with pure demon... When she gets angry, she cannot control herself... And her...
494K 11.4K 66
siya ay si princess jewel Clarice Lee Tanaka. isa siyang babaeng maraming tinatagong sekreto kasama na doon ang kanyang pamilya. ayaw niya ng atensio...
15.6K 1.2K 25
Sa mismong kasal ng dating kasintahan at taksil na kaibigan ni Maria ay may nakilala siyang isang estranghero. Nagising na lamang siya na bumalik sa...
94.3K 4.4K 37
WEREWOLF | ROMANCE | FANFICTION "Don't be deceived by their good looks. They are the most dangerous ones." Welcome to Stermon University! A very spe...