Gumdrop

By pandauthot

3.4K 301 189

Gumdrop, a bunch of fearless teenagers in Nodawn City, is accepting illegal activities for their school finan... More

Prologue
Gumdrop
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 2

141 11 19
By pandauthot



Napaaga bigla nang isang araw ang pagpasya kong umalis sa bahay. Gusto ko kasing makapag-ayos agad sa dorm. Naimagine kong pinapanood ako ng roommate ko na inaayos ko ang gamit ko ay napakauncomfortable para sa akin. Kaya mag-uuna na lang ako at siya mismo ang papanoorin kong mag-ayos ng gamit niya.

Nagkasya ang mga damit ko sa dalawang bag. Pinagkasya ko rin ang mga ibang gamit ko sa box na hahawakan ko. Mas mabuti na lang siguro na maaga akong umalis dahil baka mas lalong magkagulo kung marami nang lumilipat sa dorm.

Sa bus papuntang Nodawn University, umupo ako sa pinakadulo. Nilagay ko kasi roon ang mga bag at box ko para mabantayan ko. Kung alam ko lang magmaneho, hindi na ako maghihirap sa pagcocommute eh.

Pinanood ko na lang ang dinadaanan ko. Bukod sa pinapanood ko, iniisip ko na ang mga gagawin ko sa University. Una, kukunin ko na ang susi at aayusin ang gamit ko roon. Siguro, maglalagay na rin ako ng pagkain kinabukasan sa ref. Hihintayin ko na lang ang uniform ko sa administration ng University kasi ang pagkakaalam ko, iaannounce na kung available na ang uniform.

Tapos na ako sa pagpaplano sa buhay ko sa dorm nang saktong tumigil na ang bus sa harapan ng University. Siyempre, naghirap pa ako sa mga dala ko.

"Miss, pakidalian," naiinip na sabi ng driver. Pinakita ko sa kaniya ang palad ko bago pormal na pinakita na nahihirapan ako sa mga dala ko. Kuya, kung attitude ka, mas attitude ako.

Natamaan ko sa tuhod 'yung lalaking natutulog kaya mukhang nagising siya. "Sorry!" napalakas din ang boses ko kaya tuluyan siyang napabangon at napatingin sa paligid. Hindi ko rin siya makilala dahil nakasuot pa siya ng shades.

"Andito na pala," bulong niya at tumayo sa likuran ko. Kaso sorry siya, nahihirapan pa akong bumaba sa bus.

"Miss, marami nang naiinip. Dalian mo na riyan." Binigyan ko ng blangkong mukha 'yung bus driver. Gusto ko sanang sumabog sa inis kaso sumingit na 'yung lalaki sa likuran ko.

"Ako na magdadala sa isang bag mo." Hindi ako naka-hindi dahil kinuha na niya ang isang bag ko. Napadali tuloy ang paglabas ko kaya nakababa ako agad. Dahil nakakahiya sa lalaking tumulong sa akin, lumingon agad ako para kunin ang bag ko.

"Salamat. Ayos na ako rito," sabi ko at kinukuha ang bag kaso mas lalo niyang sinabit sa balikat niya.

"Magdodorm ka ba? Tulungan na lang kita. Papasok din naman ako ng University." Siya na ang nauna sa paglalakad kaya sumunod agad ako. Sa pagmamadali, muntikan akong madapa. Napalingon siya agad sa akin nang napasigaw ako.

Imbis na magsalita, kinuha niya ang box na hawak-hawak ko. "Nako! Okay na! Ako na lang sa box." Pilit kong kinukuha ang hawak niya pero mabilis siyang naglalakad.

"Nakakahiya, kuya!" Halos hinihila ko na ang sleeve ng jacket niya kaso ako ang nahihila.

"Ayos lang sa akin." At mukhang ayos lang talaga sa kaniya. Napakamot ako ng noo. Tinuro ko rin kung saan ang dorm ko. Nauna siya roon habang kumukuha ako ng susi.

"Anong program mo?" tanong niya habang pinapanood akong tumatakbo palapit sa kaniya. Nakatayo na kasi siya sa harapan ng kwarto ko. Mas nauna pa siya kaysa sa akin.

"Nursing. Ikaw?"

"IT," sagot niya habang sumisilip sa loob ng kuwarto. Maganda rin ang dorm. May maliit na kusina, dalawang kama, TV at dalawang study table.
       
"Una na pala ako." Hindi ko man lang siyang naalok magsnack. Napatango ako at sumunod sa kaniya para ihatid sa labas ng dorm. Dahil siguro hindi pa nagsisimula ang klase, pinapasok siya ng guard.

"You freshman?" tanong ko habang nakasunod sa kaniya. Lumingon siya saglit sa akin at napatango.

 "Ikaw?" tanong niya pabalik kaya tumango ako bilang sagot.

Tatanungin ko sana ang pangalan niya kaso nasa labas na siya at naglalakad palayo sa akin. "Salamat pala!" pahabol ko. Lumingon siya at nagthumbs-up sa akin. Sayang, hindi ko natanong ang pangalan niya.

Bumalik ako sa kuwarto ko at inayos ang mga gamit ko. May mga cabinet kasi sa tabi ng kama kaya pinili ko ang malapit sa dingding. Parang hindi ko gustong matulog na sobrang luwag. Malikot kasi akong matulog at baka paggising ko kinabukasan ay nahulog ako sa kama.

Bago maggabi, naayos ko na ang mga gamit ko kaya nakauwi rin ako agad sa bahay namin.

Kinagabihan, nakausap ko si Mom at kinuwento sa kaniya ang paglipat ko sa dorm. As usual, pinaalala niya sa akin ang mga dapat kong dalhin doon. Gusto ko rin sanang ikwento na may tumulong sa aking lalaki kanina kaso hindi ko alam ang pangalan kaya isinantabi ko na iyon.

Bumalik din naman siya sa trabaho niya kaya hindi na ako nakapangamusta kay Dad. Pinutol naman agad ni Mom ang tawag kaya tumahimik na naman ang paligid ko.

Bumilis ang oras at dumating na ang kinabukasan. Dala-dala ko na ang mga pagkain at iba pang gamit sa bus. Minamalas nga naman, 'yung sinakyan ko na naman kahapon ang naabutan ko ngayon.

Nang nakita ako ng bus driver, hindi ako nakatingin sa kaniya. Nagpanggap akong hindi siya maalala at dumeretso sa kalagitnaan ng bus. Ayaw ko na ring pumwesto sa likuran dahil baka matagalan na naman ako.

Kung hindi lang kasi ako nagmamadali, eh 'di sana ay nakapaghintay pa ako ng susunod na bus! Kaso wala eh. Kailangan kong makapunta sa school agad dahil ayaw kong maabutan ng gabi.

Habang may pinapanood ko ang dinadaanan namin, hindi ko mapigilang basahin ang mga vandalized na dingding ng mga building. Kahit nga mga ibang sinasakyan ay may sulat na ng mga pintura. Mostly, mga pangalan ng gangs ang nakasulat.

Napakunot ang noo ko nang may lalaking naglalakad sa kalagitnaan ng dadaanan namin. May suot na maroon shirt at cargo pants. At chill pa siyang umiinom ng softdrink na nasa can.

Abot langit ang kaba ko nang busina nang busina ang bus. Kaso hindi talaga siya nababahala. Hanggang sa pumreno na ang bus at halos lahat kaming nakasakay sa loob ay sumapol sa mga sandalan ng upuan sa harapan namin.

Samutsaring mura ang mga naririnig sa loob ng bus. Saktong bumukas ang pintuan.

"Tangina? Bobo ka ba?" sigaw ng driver sa lalaking pumasok sa bus. Kung mas lalong tititigan ang lalaki ay malakas ang dating niya.

"Salamat at may pumara na para sa akin!" masayang sigaw niya at nag-abot ng bayad mismo sa driver. Hindi na nakapagsalita ang driver dahil hindi humingi ng sukli 'yung lalaki. Naglakad na ito habang umiinom ng softdrink.

Kahit maraming reklamo ang pumupuno sa bus, walang pake ang lalaki at umupo pa talaga sa tabi ko. Ayaw ko sana siyang tingnan at pansinin kaso may napapansin ako sa paglakad niya kanina.

"May problema ba?" tanong niya na hindi tumitingin sa akin. Hindi ako sumagot at tumingin na lang sa bintana. Nagulat na lang ako nang narinig kong niyupi niya ang lata na hawak niyaㅡsabay tapon sa labas ng bintana.

Sinamaan ko agad siya ng tingin dahil pwede siyang makapahamak sa ginawa niya. Mabuti na lang, walang dumadaan. Sinalo niya ang masamang tingin ko kaya tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit ba?" tanong niya na parang hindi big deal ang ginawa niya kanina.

"Paano kung may mapahamak sa ginawa mo? Kung hindi mo kayang hawakan muna ang basura mo, lunukin mo." Umirap ako kaya narinig ko siyang napawow sa sinabi ko.

"Nilulunok mo ba ang basura mo?" Hindi ko nagustuhan ang tono niya kaya sinamaan ko ulit siya ng tingin.

Kaso imbis na umalis na lang ako sa tabi niya, nakita kong napahawak siya sa tagiliran niya. Napakunot pa ang noo ko nang may dugong kumapit sa damit ko.

Agad ko siyang tinulak para magkaroon ng distansya sa pagitan namin. Napaawang din ang bibig ko nang may dugo sa hawak niya.

"Anong nangyari?!" tanong ko bigla. 

Sa instinct ko, agad akong kumilos para tingnan ang hawak-hawak niya. May hiwa siya roon kaya nataranta ako. Nakalimutan ko na lang ang nangyari kanina at tinanggal ang pink na cardigan ko. Naiwan tuloy ako sa puting sando ko. Agad kong nilagyan ng pressure para tumigil ang pagdurugo. Mukhang bago pa lang kasi.

"Hayaan mo na," chill niyang sabi pero nang diniinan ko ang pagtakip ng sugat niya ay narinig ko ang daing niya, "Ugh!"

"Huwag kang maingay." Kinuha ko ang bag ko at nilabas ang purse kong may lamang mini first aid kit. Tumigil na rin naman ang pagdurugo ng tagiliran niya. Hindi rin gaanong malalim ang hiwa kaya I assume na hindi malaki ang ginamit sa kaniya sa paghiwa. Hindi naman din siya sinaksak kaya hindi malalim.

Dahil mga doktor ang magulang ko, tinuruan nila akong gumamot ng mga sugat. Kaso hindi pa nga ako gaanong kagaling. Alam ko lang maglinis at maglagay ng bandage.

Matapos kong linisan ang kamay ko at ang sugat niya, saka lang ako nanghinayang na ginamit ko pala ang favorite cardigan ko. Dahil sa pagmamadali ko nang makakita ng sugat, doon ko lang din naalala kung ano pala ang ginawa nito kanina na nagpainis sa akin.

"Masakit pa ba?" tanong ko nang nilagyan na ng bandage ang tagiliran niya.

Sumilip pa siya sa ginawa ko. "Hindi na. May bayad ba 'to? Wala akong pera, lods."

Napairap ako at nilinis na ang kamay ko gamit ang alcohol. Binigay ko na lang din sa kaniya ang cardigan ko since dugo rin naman niya 'yun.

"Grabe ka naman. Ganyan ka ba kagentle sa pasyente mo?" sarcastic niyang tanong. Tinago na lang din ang cardigan sa dala niyang itim na bag.

"Simpleng thank you, tatanggapin ko pa." Umirap na naman ako.

"Wew, eh 'di thank you." Mukhang napilitin pa siya kaya napailing ako. Inayos ko na lang ulit ang gamit ko at hindi sinasadyang nasiko ang tagiliran niya.

Napasigaw na naman siya kaya umiral na naman ang instinct ko sa mga ganitong pangyayari. Agad akong yumuko at tiningnan ang sugat niya nang malapitan. Pumipilipit pa siya sa sakit kaya pinalo ko ang hita niya. "Huwag ka ngang malikot!" Tinitingnan ko kasi ang sugat niya. Hinipan ko pa para hindi masyadong humapdi. Kaso nakakailang buga na ako ng hininga pero hindi epektib dahil nakatakip na ang sugat niya.

Habang sinusuri ang sugat niya, napansin kong nakasandal ang ulo niya sa upuan. Mukhang nasasakitan pa sa sugat niya dahil sariwa pa. Kaso may pakagat pa siya ng labi kaya napakunot ang buong mukha ko. Nang napayuko siya sa akin, pandidiri ang bumalot sa akin. Sa puwesto ko at sa reaksyon niya ay iba na ang maiisip ng tao.

Babangon na sana ako kaso nanlaki ang mga mata ko nang tumigil ang bus.

Napatingin na rin ako sa mga nakaupo sa kalayuan na nakatingin pala sa amin. Pabangon ko pa ay nakita kong nakatayo na ang bus driver at masama ang tingin sa amin.

"Kung hindi niyo mapigilan ang sarili niyo, huwag kayo rito! Mga walang modo! Ang babastos niyo!"

Sa isang kurap, napansin ko ang sarili ko na nakatayo sa gilid ng daanan kasama itong lalaking pinaglihi sa kapahamakan. Pinalabas kami sa bus na sinasakyan namin dahil napagkamalan kaming nagmimilagro sa inuupuan namin.

Nakaekis ang mga bisig ko habang nakatingin sa kawalan. Nasa paanan ko pa ang mga dala ko at napakalayo ko pa sa University. Badtrip talaga.

"Sorry na," sabi pa ng nasa tabi ko pero hindi ko siya pinansin. Badtrip na badtrip talaga ako. Una, ayos lang sa akin na gamutin ang sugat ng isang katulad niya kaso nang napagkamalan pa kaming nagmimilgro, gusto ko kaninang magpalamon sa lupa.

"Huwag mo akong kausapin," seryoso kong sabi kaya napanguso siya.

"Babawi ako sa'yo, promise."

"No thanks." Inaamin ko naman na mabait akong tao kaso masyado na ang nangyari ngayon para maging mabait ngayon. Ayaw ko na ring sumakay sa bus ng driver na iyon. Natandaan ko ang mukha nun at ang itsura ng bus kaya hindi ko na hahayaang sumakay ulit doon.

"Anong pangalan mo?" tanong niya kaso hindi pa rin ako gumagalaw sa pwesto ko. Hindi rin ako sumagot kaya napameywang siya. "Oh sige, Jennifer, sorry."

Napakunot ang noo ko at napatingin sa kaniya. "Anong Jennifer?"

"Hindi mo kasi sinasabi ang pangalan mo kaya Jennifer ang itatawag ko sa'yo."

Napairap ako sabay umiling. Bahala siya.

"Hindi mo itatanong pangalan ko?" tanong niya. Bahala talaga siya, hindi ko sasabihin ang pangalan ko.

"Sige, let's start from the beginning." Inayos niya ang tayo niya at inalok ang kamay niya sa akin. "Hi Jennifer, ako si Danger."

Kunot noo ko siyang tiningnan. "Danger ang panglan mo?" pag-uulit ko. Napatango naman siya bilang sagot. "Bagay sa'yo ang pangalan mo," pagtataray ko kaya napakibit-balikat siya.

Hindi nagtagal, may tumigil na isang gray na sasakyan sa harapan namin. Ang hinihintay ko ay panibagong busㅡhindi gray na sasakyan.

"Uy!" Bumaba ang bintana at nakita ko ulit ang lalaking tumulong sa akin kahapon. Lumiwanag na lang ulit ang mukha ko at napangiti sa kaniya.

"Uy!" bati ko pabalik.

"Ikaw ba 'yung kahapon?" pagpapaalala niya at tumango ako.

Lumabas siya sa sasakyan niya para tingnan ako. "Sa University ba kayo? Gusto niyo bang sumabay?"

Papayag sana ako kaso sumingit itong si Danger na pahamak. "Salamat!" At siya pa ang naunang sumakay.

Pinasok ko na lang ang dala ko at sumakay sa frontseat.

"Hi bro, ako si Danger," pagpapakilala ng pahamak na nakaupo sa likod.

"Hi bro. I'm Jon," pagpapakilala naman ng mabait na tumulong sa akin. Jon pala ang name niya.

"Magkakilala kayo ni Jennifer?" tanong pa ni Danger kaya sinamaan ko siya ng tingin. Masyadong sineyoso ang pinangalan sa akin.

"Jennifer pala ang pangalan mo?" pag-uulit ni Jon. Hindi na ako nakasagot at halos iuntog ang ulo ko sa bintana.

Sila na ang nag-usap hanggang sa makarating sa University. Dahil hindi ko na kaya ang inis ko kay Danger ay ako na ang naunang lumabas sa sasakyan ni Jon.

"Salamat ulit, Jon."

"Walang anuman, Jennifer."

Mariin akong napapikit at pineke ang ngiti ko. Gusto ko sanang sabihin ang totoong pangalan ko kaso itong si Danger ay malalaman ang pangalan ko kaya tatanggapin ko na lang na Jennifer ang pangalan ko.

"See you around," paalam ko na lang kay Jon at kumaway. Kumaway din siya pabalik.

Tiningnan ko rin si Danger saka binigyan ng irap. "Sana hindi na kita makita ulit." Sabay pakita sa kaniya ng isang pekeng ngiti.

Tumawa siya na para bang may nakakatawa at umirap kung paano ako umirap. "Salamat pala sa pagblow kanina." Sabay ngisi.

Napakunot ang noo ko. Napatingin ako bigla sa reaksyon ni Jon na parang gulat sa nalaman niya. Sasapakin ko na sana si Danger kaso naglakad na siya palayo. May halong pagkaasar kasi ang pagsabi niya kanina. Iba tuloy ang pinahiwatig niya at dating sa iba.

Agad kong tiningnan si Jon at umiling. "It's not what you think!"


Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 22 3
For Maggie Razon, feeling unwanted is the worst feeling in the world... Confirming the news about her only daughter's early pregnancy, Maggie immedia...
17K 113 10
Death could be a great friend. Perhaps, death hurts less than life. Maybe life isn't for everyone. For death lies above the edge of the cold metal br...
25.5M 907K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
1.6K 159 21
Do you want to make your crush fall inlove with you? 20 Rules or tips how to make your crush fall inlove with you. Note: Based on my experience