Endless Love (Amity Series #1...

By Devonicaa

12.3K 422 120

She was a transfer student. She met them. She fell in love. He left her. But he stayed. How do you move on fr... More

Disclaimer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 14

190 5 0
By Devonicaa

Hindi kami nakakain ng maayos dahil sa nangyari kanina kaya nagpag-usapan na lamang namin na magkita-kita mamaya para sa dinner.

"Pero iniiwasan mo talaga kami?" pang-pitong tanong na 'to ni Perse. Pabalik na kami sa classroom dahil nga naubos ang oras namin sa ingratang George na 'yon.

"Tae, hindi nga." inis na usal ko.

"Ah, oo nga naman. Hindi kami yung kambal ko lang, 'no?" nang-aasar na wika niya. Binunggo niya pa ang aking braso.

"Bahala ka kung anong gusto mong isipin." pumunta na ako sa aking upuan.

"Sige, itanggi mo lang." bwisit naman bakit katabi ko ba 'to?

I ignored him and just snuggled at my desk.

Narinig kong pumasok na ang prof namin kaya umayos ako ng upo.

"Malapit na pala ang festival, ano?" panimula niya. Festival?

"Ano 'yon?" bulong ko kay Perse.

"Festival. Fiesta. Handaan."

"Parang tanga." tumawa muna siya bago ipaliwanag sa akin.

"Every 4th week of school year ay may nagaganap na festival dito. Puro booths, mga palaro, at may iba't ibang programs na gagawin. Siguro paraan na rin iyon ng school para i-welcome ang mga freshmen at mga transferees." tumango-tango ako. Ang dami naman palang pakulo dito.

"Anong club papasukan mo?" tanong niya.

"Club? Para saan?"

"Required 'yon kaya mag-isip-isip ka na." ani niya bago humarap kay prof.

"Wala pa naman akong talent." bulong ko sa sarili. Actually, mayroon naman pero hindi kasi ako sanay mag-perform sa crowd. Dati 'nung elementary ako ay suki ako sa cheerdance pati na sa mga singing contest. Nawala lang ng mag-highschool ako.

"So, Viglianco? Inaasahan ng lahat ang pagbabalik nyo on-stage. Matagal na rin ng huli kayong tumugtog." nanlaki ang mata ko sa narinig. Sila? Tumutugtog? Kaya pala sa una naming pagtatagpo ay may hawak silang gitara.

"I'll ask my companions po." tumango na lang si Prof at saka nag-umpisang magturo.

"Tourism plays an important role in the Philippine economy. More than that, the Philippines' unique and complex culture, as exemplified by its people, cuisine and lifestyle, attracts many people to visit the country. Why Tourism plays a major important role to the growth and development of the Philippines?" I raised my hand.

"Yes, Vilasco?"

"That is the lesson of every country that has aggressively developed its tourism. Investing in tourism now is sound because it can boost the economy by generating jobs, increasing foreign exchange income, spreading benefits to the countryside, and enable us to become more competitive in this vital global industry."

"Do you know what is the role of tourism geography?" nangingiting tanong ni prof. Tumingin naman ako sa kisame para mag-isip. Nabasa ko na 'yon, 'e.

"That's okay, you may sit---"

"In conclusion, tourism geography studies the relations between places, landscapes and people, describing travel and tourism as an economic, social and cultural activity. More concisely, it is all about the spatial and temporal dynamics, as well as the interactions between the tourism resources, Prof. Sorry po sa pagsingit ko." paumanhin ko dahil baka nabastos ko siya sa pagsasalita ko kahit hindi pa siya tapos. Nakakahiya.

"Wow, I didn't expect that. You're great and I don't mind that don't worry." sinenyasan ako nitong maupo kaya iyon ang ginawa ko.

"Honestly, what I asked you earlier is our lesson tomorrow and it's amazing to know that some of you have knowledge of it already." sinulyapan ako nito. Tinignan din tuloy ako ng aking mga kaklase.

"Nangangamoy valedictorian, ah!" tudyo ni Dylan. Kaklase kong babaero. Matagal na iyang nagbibigay ng motibo sa akin pero hindi ko pinanpansin.

Napayuko ako ng nagsigawan sila. Nakangiti sa akin si Elena at Brionny gayun din si Perse.

"Okay, okay, enough." awat ni Prof. Tumahimik naman kami at hinintay siyang magsalita. "Since mababait kayo ngayon, class dismissed!" agad na naghiyawan ang aming klase. Tss, ilang minuto lang din naman at time na.

Nililigpit ko ang aking gamit ng tabihan ako ni George. Hindi pa ba 'to tapos?

"Well, well, well, pasikat ka na naman, 'no? Tss, alam ko din naman 'yon pero kung purihin ka akala mo naman ang may EQ kang parang kay Einstein." banat agad niya.

"E, bakit hindi ka nagreklamo kanina? At saka IQ 'yon, hindi EQ. Hihirit ka na nga lang 'di pa ayusin." tinawanan siya ng mga nakarinig.

"Whatever." tanging sabi niya bago tumalikod para lumabas. I shooked my head. What the hell is her problem with me?

Hinintay ko sila ang aking mga kaibigan bago kami sabay-sabay na lumabas. Nagulat pa ako ng makitang nandoon sila Genevieve.

"Bakit nandito kayo? Tapos na klase?" tanong ko bago sila pasadahan ng tingin. Maliban syempre sa kaniya.

"Hmm." tango ni Thor. Nilapitan niya ako saka inakbayan na agad ko din namang inalis. Natawa siya sa ginawa ko.

"Baka kasi masabihan na naman akong nakikipaglandian sa inyo." bahagya kong nilakasan ang boses ko.

"Who told you that?" pasinghal na tanong ni Zyren. Umiling na lang ako at pasimpleng inirapan si Adriel.

"Saan tayo?" pag-iiba ko sa usapan. Nakakawit sa magkabilang braso ko si Genevieve at Elena. Nagulat ako ng may kumapit din sa likod ng damit ko.

"I'm jealous!" ungot ni Brionny.

"Gago? Hindi ako nanay niyo! Aba, araw-araw ginagawa niyo akong puno."

"Pagbigyan mo na, Donna. Mukha naman silang unggoy." natatawang ani ni Zyren. Agad siyang nakatanggap ng hampas mula sa mga unggoy este kila Gen.

Binitawan nila ako pero may agad ding pumalit. Nakaakbay ito sa akin at inaasahan kong si Zyren ito dahil mas malapit siya sa akin kanina.

Narinig ko ang pagsinghap ni Brionny kaya nilingon ko siya. Nanlakaki ang mga mata niya habang nakatingin sa katabi ko. Kumunot ang noo ko pero agad kong napagtanto kung ano ang ipinapahiwatig ng reaksyon niya ng malanghap ko ang pamilyar na amoy.

"I have given you enough time, baby. Now, let me show you how much I miss you." he whispered huskily that made my world stopped.

Inalis ko ang pagka-akbay niya ng matauhan. Puta, yung puso ko. Mabilis ang tibok nito at unti-unti na akong nahihirapan huminga.

Nanginginig ang kamay na hinalungkat ko ang aking bag.

"Donna? Are you okay? Shit! Why are you trembling?!" nag-aalalang tanong ni Adriel. Nahuhulog na ang iba kong gamit kaya mas lalo akong nahirapan.

Akmang lalapitan nila ako ng patigilin sila ni Adriel. "Stay. Baka lalong hindi siya makahinga." may inabot siya sa sahig at inilagay sa kamay ko. Nahulog pala ang inhaler ko.

Sinalpak ko ito sa aking bunganga hanggang sa umayos ang paghinga ko.

"You okay now?" tumango na lamang ako sa kaniya. Nilapitan agad ako ni Gen at saka sinuri at tinanong kung maayos ako.

"Oo, okay na ako. Medyo pagod lang." gusto pa sana nila akong dalhin sa clinic pero umayaw ako. Maayos naman na talaga ang paghinga ko.

Nang dumating kami sa cafeteria ay masyado itong crowded kaya napagdesisyunan namin na sa labas na lamang kumain.

"Super galing ni Donna sa acads! Like, she knows our topic for tommorow agad! She's so advance!" pagmamalaki sa akin ni Brionny.

"H-hindi ah! Mahilig lang talaga ako magbasa." nahihiyang sambit ko.

"See? She's humble pa! No wonder Adriel likes her." natahimik ang mesa namin sa sinabi niya. Ang daldal naman nito.

"Naisip ko lang, siguro kinilig kanina si Donna, 'no?" ani ni Thor pagkatapos ng sandaling katahimikan.

"Paano mo nasabi?" masungit na tanong ni Zyren. Kanina pa 'to hindi nagsasalita.

"Strong emotions can affect the way we breathe. This can trigger asthma symptoms, such as coughing, wheezing, finding it hard to catch your breath, or a tight chest. Asthma symptoms may come on very quickly and could turn into an asthma attack without treatment. Tama na muna sa ngayon ang nasabi ko at baka mamangha pa kayo." mayabang na sabi niya at agad naman siyang nakatanggap ng batok mula kay Zyren. Buti nga.

"Tanga ka. Syempre alam mo 'yon! Med student ka, 'e." kontra pa ni Perse.

"Magdo-doctor ka?" tanong ko.

"Hindi ah. Engineering kaya ang meron sa Med Department." sarkastikong wika niya na ikinaikot ng mata namin. "Pero huwag mong ibahin ang usapan, Donna."

"Ang dami mong sinasabi. Pagod nga lang ako. Kulit."

"Sus, ayaw pa umamin. Kung ako din naman ang babanatan ng 'ganun ng isang Viglianco! Baka labasan agad---"

"Ew, so dugyot ha!"

"Bakit? Anong labasan ba ang iniisip mo?" nakangising tanong ni Thor. Namula naman ang mukha ni Brionny at saka nag-iwas ng tingin.

"Stop it. Let's change topic, okay?" suhestiyon ni Gen na agag kong tinanguan.

"Oh, I almost forgot. Prof Valencia asked me earlier if we have any plans to play this festival?" tanong ni Perse, napatingin sila kay Adriel na ipinagtaka ko.

Nagulat ako ng sulyapan ko siya ay nakatingin na siya sa akin.

"Do you want to see us play?" biglang tanong niya na ikinatameme ko.

"B-bakit ako?"

"I want to impress you." tinignan ko ang aming mga kasama pero lahat sila ay nakaabang din sa sasabihin ko.

"Hindi lang naman ako ang makakanood sa inyo kaya huwag ako ang tanungin mo." they groaned because of what I said.

"Then it's a no." lalo silang nagwala at nakikiusap ang mga matang tinitigan ako. Napansin ko ang kakaibang tingin ni Zyren kaya saglit na kumunot ang noo ko. May problema ba siya?

"Donna, you don’t know what you’re wasting. You haven't seen them on stage performing but I'm telling you! They are so great! Say yes, please?" Brionny pleaded.

"E, bakit ako pa? E'di kayo magsabi." baliwalang saad ko at saka ipinagpatuloy ang pagkain.

Hindi na sila nagsalita kaya nag-angat ako ng tingin sa kanila. Masasama ang mga mukha nila at puro nakasimangot. Hay.

"Oo na." their faces lit up.

"Oo na, ano?" Adriel asked. There's a hint of playfulness in his voice.

"I want to see you guys performing."













Continue Reading

You'll Also Like

44.3K 989 52
not you're average mafia brothers and sister story.. This is the story of Natasha Clark, an assassin, mafia boss, and most of all the long lost siste...
931K 82.8K 38
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
716K 2.7K 66
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
173K 7.6K 59
แ€แ€ฝแ€”แ€บแ€ธแ€žแ€™แ€ญแ€ฏแ€ธแ€Šแ€ญแ€ฏ ร— แ€žแ€…แ€นแ€…แ€ฌแ€™แ€พแ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€ธแ€œแ€ฝแ€”แ€บ แ€กแ€›แ€ฑแ€ธแ€กแ€žแ€ฌแ€ธแ€™แ€€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€ธแ€แ€ผแ€„แ€บแ€ธแŠ[+]แ€กแ€แ€”แ€บแ€ธแ€™แ€ปแ€ฌแ€ธแ€™แ€ผแ€ฑแ€ฌแ€€แ€บแ€™แ€ปแ€ฌแ€ธแ€…แ€ฝแ€ฌแ€•แ€ซแ€แ€„แ€บแ€•แ€ผแ€ฎแ€ธ แ€€แ€ญแ€ฏแ€šแ€ทแ€บแ€กแ€แ€ฝแ€€แ€บแ€˜แ€ฌแ€กแ€€แ€ปแ€ญแ€ฏแ€ธแ€™แ€พแ€›แ€™แ€Šแ€บแ€™แ€Ÿแ€ฏแ€แ€บแ€แ€ฒแ€ทแ€…แ€ฌแ€–แ€ผแ€…แ€บแ€žแ€Šแ€บแ€”แ€พแ€„แ€ทแ€บแ€กแ€Šแ€ฎ แ€™แ€€แ€ผแ€ญแ€ฏแ€€แ€บแ€œแ€ป...