Tatak Letra

By inbluence

35 21 0

Ito ay naglalaman ng mga tulang katha; hango mula sa reyalidad. More

Surface
i. Siil
ii. Apat Na Bala
iii. Usok at Panindi
iv. Takas
v. Lapida
vi. Patay
vii. Limi
viii. Huling Bilang
ix. Pulutan
x. Bangungot
xii. Kung Bakit Umiiyak Si Maria
xiii. Patawad, Paalam
xiv. Chosen
xv. Twinned
xvi. Trapped
xvii. Coffin
xviii. Frenemy
xix. Illusions
xx. I Am A Writer
xxi. Left Behind
xxii. You're Still The One
xxiii. Dispareo
xxiv. You're Still Worth It
xxv. Anagram

xi. Gunita Sa Barong-barong

0 0 0
By inbluence

𝐆𝐮𝐧𝐢𝐭𝐚 𝐒𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐨𝐧𝐠-𝐛𝐚𝐫𝐨𝐧𝐠

Binungaran ng magandang umaga ang pagsikat ng araw
Mula sa munting barong-barong, napagmasdan ang pagdantay ng mga ulap sa kalangitan
Nang imulat ko'ng mga mata't nasilayan si Inang nag-aalmusal,
Naghahanda sa pag-alis patungo sa dakong kanluran upang magbungkal—

"Inay, mag-iingat ho kayo," aking turan
Sambit ng aking Ina, "Tanghali na, bumangon ka na riyan." Ako'y kanyang inismiran.
"Opo". Masigla ko pa ring inayos ang higaan, ang katre'y pinagpagan
Matapos ay lumapit kay Ina upang siya'y hagkan.

Pagpanaog niya, dali kong tinungo ang silid
Maliit ma't mababa, ako nama'y busiksik
Adyo ang haligi upang aking masungkit
At nang maikulong sa mga palad—ang alkansya, ako'y napangiti, saglit pang pumikit
Mapapangiti ko siya ulit
Busilak ang puso kong sabik, pa-bayan na't lalarga; tiyak yakap niya ang kapalit.

Nilakad ko ang kalawakan ng kalupaan
Bawat makasalubong ay akin pang tinatanguan
"Saan ang sadya mo?" tanong ng aming Kapitan
Nginitian ko siya. "Sasabihin ko, ngunit ito'y sikreto lamang..."
Bahagya akong lumapit at siya'y binulungan,
Napahalakhak siya sa turan ko, "Heto, idagdag mo riyan ngunit ako'y iyong bigyan."
Nagbunyi ang kalooban ko— "Salamat po!" at sunod pa nga'y napasigaw
Bago ito tumalikod ay kanyang turan, "Hala, sige na, walang anuman!"

Tanghali na nang ako'y makarating sa pamilihan
Kaylawak ng ngiti kong nakaplastar
Nilapitan ko ang aming suking si Naspar,
Kinalabit ko'ng balikat nito habang siya'y nagtatartar
"Isang kilo!" malakas kong turan upang agad niyang matugunan
"Aba, ano'ng sadya mo?" usisa niya habang inihahanda ang itinuro kong pananghalian
Ngunit nginitian ko lamang siya matapos kong bayaran.

Muli akong naglakad nang pauwi na sa ilalim ng init
Nadaanan kong muli ang aming Kapitan kasama ang anluwage sa bukid
Kinampayan ko siya upang kanyang mabatid—
Makita ang nabili kong sa aking mga kamay ay bitbit.

Habang wala pa si Ina, ako'y nagmadali na
Niluto ko ang paborito niyang nilaga't sa mesa'y pinalamutian ng mga paborito niyang: puto, ube, at bibingka
Inayos ang hapag-kainan, pinalitan ang kurtina
At nang matapos, sa pintuan ako'y tumalima.

Naupo ako sa tarangkahan at sa aking Ina'y naghintay
Sa aming barong-barong ako'y nagmistulang bantay
Napangiti ako nang sariwain ang kahapong nagdaan—
Noong palagi siyang may pasalubong na bigay.

"Ina..." ang mga luha ko'y nag-unahan, tumakas
Mula sa aking balintataw, batid ko ang lungkot nitong palatak
At nang pawiin ko ang luha, may kamay na dumantay sa aking balikat
Napabaling ang aking tingin sa aming Kapitan, ito'y may bitbit na prutas.

"Halina't simulan ang pagdiriwang."
Tumango ako't paanyaya niya'y pinaunlakan
Bago magsimula'y taimtim kaming nagdasal
Itinirik ang kandila sa gitna nitong hapag-kainan,
"Nangungulila na ako sa iyo Ina—gayunpaman, ay binabati kita ng maligayang kaarawan..."

At hindi katulad noon ay hindi na niya ako maiismiran
Dinampot ko na lamang ang kanyang larawan; pinagmasdan
Matapos ay niyakap at muli siyang hinagkan.

@inbluence

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 143K 44
WARNING (!) THIS STORY CONTAINS MANY GRAMMATICAL ERRORS, TYPOS AND LOOPHOLES. DO NOT READ IF YOU ARE A PERFECTIONIST. YOU ARE BEING WARNED.
29.3M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
671K 44.2K 10
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

117K 3.1K 46
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]