He never Cried (ASHLEY 8) ☑

By lady_assasin2004

17.1K 486 126

I'll make you cry. Read at your own Risk! Abraham Second Ashley •Ashley 8 (Third Generation ) Date Started: 0... More

First Note
He Never Cried!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Abraham and Heart
Epilogue

Chapter 27

326 9 4
By lady_assasin2004

Chapter 27

I was too young when I started to like him. Still too young when I think I'm in love with him. And I can't say that I am old enough now that I came to realized that I am badly smitten.



He is confusing, he is like a math problem. The given are obvious, but the answer remains unknown and mysterious.




Sa mga ginagawa niya, hindi ko mapigilang mag-aasume. He is caring too much for me, that it leads me to think that maybe he likes me too. But he's not saying anything about it... he's not either confirming or denying it. At iyon ang mahirap.





Why can't he tell me the truth? Para di ako masyadong umasa. If he wants us to be friends then I'll draw us a boundary, I'll make sure I won't cross that. Mas mabuti iyong sabihin niya sa akin ang kung ano ba talaga ang totoo niyang nararamdaman sa akin para handa ako...




But just like how eager I am to know his true feelings for me... ganoon din ako katakot. Handa ba talaga akong malaman ang totoo? Okay lang ba talaga sa akin kung sakaling hanggang pagkaka-ibigan lang ang kaya niyang ibigay? Hindi ba ako magsisi? Kaya ko bang pigilan ang sarili ko?




"Ti-next ko si Cedric, sinabi kong nakabalik ka na at may balak na puntahan siya."




"Tapos? Anong sabi?"




"Magkita nalang daw tayong tatlo sa Starbucks kung san tayo tumatambay noon."




I nodded to agree, na para bang kaharap ko lang siya. Starbucks is just a few minutes of walk from our school.





I have this feeling that I'll be needing a perfect speech for Cedric, iniisip ko palang ang galit niyang mukha ay kinakabahan na ako. I just hope he's not so mad at me, sana lang ay gaya dati, maintindihan niya ako.





Nang natapos na ang tawag ay kaagad akong nagpakawala ng buntong hininga, I feel exhausted even though I haven't done anything but stay here in my room and wrote a draft lyrics, I was bored kaya nagsulat nalang ako ng kanta. After a few minutes of staring at my empty bed, I resume writing. Huminto lang ako ng makaramdam ako ng pangangalay ng kamay.





Inikot ko ang swivel kung saan ako naka-upo at hininto tapos inikot ulit. My study table's chair is a swivel chair, di gaya ng dati, it feels more comfy though. Hindi ako tumigil hanggat di ako nakaramdam ng hilo. Sakto namang pagkahinto ko at napunta sa illustration board na nakalagay sa isang frame ang panigin ko.





I read what's written on it and unconsciously smiled, tumayo ako at nilapitan ito. I carefully held it. Using my index finger, I traced the letters written on the illustration board-- inside it's picture frame. His penmanship is neat and too formal. Na para bang sinasampal sayo kung gaano kapangit ang sulat kamay mo.






"Anak, kakain na." Tawag sa akin ni Mommy matapos siyang kumatok sa aking pinto.





Ibinalik ko sa ibabaw ng aking mesa ang hawak ko, sa mesa kung saan din nakalagay ang mga pictures ko at framed na certificates. I took another glance at it before I finally get out from my room.






I wasn't surprised to see Mommy waiting for me outside my room, she's been like this towards me lately. Actually, both of Her and Daddy has been paying attention to me, just like before.






I should be delighted about the good changes that they're doing, but there's something inside me that finds it suspicious. It's too good to be true. They don't work that much, and they don't get out and meet their clients or investors most of the time at all.






I wonder if there's anything they aren't telling me, that concerns me as well. Is it about their work? Or do they just want to spend more time with me? Am I thinking too much again? Being paranoid perhaps?





"Hija, what do you plan to get in college?" Dad asked while he's slicing his steak.




I drank my juice. "Siguro po, Medicine."




"Medicine? It'll take too much time..." Komento ni Mommy, may himig ng hindi pagsang-ayon sa kaniyang boses.





"Yeah, tama ang Mommy mo, Heart, wala ka bang second option?" Tanong ulit ni Dad.




"Architecture po. I'm in between being a Doctor and being an Architect." I admitted.






Tumango si Mommy and Daddy saka nagkatinginan, they look relieved after hearing my statement. They didn't ask more, they opened another topic instead, dismissing that part.






Monday came and I get to have a breakfast with them again, Dad drove me to school just like what he did last friday. I was honestly glad to experience it once again, but it's bothering me in some point. I'm worried.





Tinext ko si Laxus na magkikita nalang kami kapagka-uwian na, pumayag naman siya. At dahil halos patapos na ang klase ng mag-transfer ako at medyo huli ang mga lesson na naituro sa akin sa rati kong paaralan, ay kailangan kong mag-doble time, maghanap ng iilang mga libro sa library na makakatulong sa akin dahil malapit na ang final sem.





"Eto na ba ang huli?" Gaj asked.





I timidly smiled at him. "Oo, thank you, Gaj."





He flashed a boyish smiled. "No worries, I am much more willing to help you, Heart."





Gaj is my classmate, he is actually our classroom president. And obviously, he is kind enough to offer me a hand in getting the books I need. Hindi naman masyadong marami pero mabibigat ang mga ito at makakapal. I'm not going to review all that's written in the whole book, just some pages and it'll be a good help to me.






At dahil sa hiya at sa kagustuhan kong makabawi sa kaniya ay niyaya ko siyang maglunch, libre ko. He agreed, kaya ng matapos kami sa aming klase ay sabay kaming nagpunta sa cafeteria.







Ako ang nag-order ng pagkain namin kahit panay tanggi niya dahil gusto niya siya ang oorder, pero nagpumilit ako dahil baka siya pa ang magbayad, kaya mababalewala lang din ang totoong intention ko kung hahayaan ko siya, right?






"I hope you're not allergic to chicken. There's no pork kasi..." I explained the moment I sat on my seat, opposite to his.






Ngumiti siya at nag-angat ng tingin sa akin, ang singkit niyang mga mata ay mas lumiit pa. He looks like a korean, maputing balat, may bangs na bagay naman sa kaniya, maliliit na mga mata at mapupulang mga labi.





"It's fine, chicken is my favorite."





I sigh in relief. "Salamat naman, akala ko allergic ka sa chicken eh." I smiled at him. "Do you mind if I ask you something, Gaj?"






"I don't mind at all, so yeah, ask me anything." He playfully said.




I let out soft chuckle. "Koreano ka ba?"




Siya naman ang natawa. "Yan kadalasan ang tinatanong sa akin. I am not, actually Pilipino akong buo, walang halong kahit na ano."




I looked at him with amusement. "Really? But you don't look like a Filipino at all?"





"Yeah, I got that comment all the time. Pero totoo, hindi ako koreano, Pilipino ako." He said after eating a slice of chicken.





"Sayang akala ko pa naman, kamag-anak mo si Baekhyun."





He frown a bit  "Who's that?"




"You don't know him? He's an Exo member, sikat kaya sila. I love their songs."




"Really? Care to tell me more about them?"




He listened to me attentively. He answers me everytime I ask, and ask me when he got the chance.





May iba pa kaya siyang kaibigan? Nung friday ay nakita ko syang may kasabay na mga kaklase ko, kaya nakakapagtaka lang na sa akin siya sumabay ngayon. Masaya siyang kasama at kasabay, kaya naman paniguradong marami siyang mga kaibigan.





I have learned that he's born in some province at Visayas, Waray ang Mommy niya habang ang Daddy naman niya ay Bicolano. He even introduced some Waray words to me, and I must compliment about how fluent he is with the dialect.







"I'll just buy some mineral water, can you wait for me?"




I nodded and smile. "Yeah of course, hintayin nalang kita sa labas?"





"Sige, I won't take too long."





"Wag kang magmadali, hindi naman ako basta-bastang nang-iiwan." I joked.





He chuckled and so do I. Kinawayan pa niya ako ng makarating siya sa pantry. Napa-iling nalang ako at kinawayan din siya pabalik saka ako tuluyang lumabas ng cafeteria.






Natigilan lang ako ng makita si Abraham na nakatayo sa di kalayuan ng pinto, his eyes immediately found mine. Napakurap-kurap ako ng makitang naglalakad na siya palapit sa akin.





"Abraham, may kailangan ka?" Naguguluhan kong saad.





He sigh and stopped from taking another step, dahil kung di pa siya hihinto ay talagang magbabanggaan kami. Hindi siya makatingin sa akin, panay iwas niya ng tingin at buntong hininga. May problema ba siya?





"Abraham?" Tawag ko ulit sa kaniya.





He clenched his jaw and opened his mouth to finally speak but the door behind me opened, dahilan para mabaling rito ang aming atensyon.





"Kuya Second! Why did you left me there inside ba? Why did you walked out-" napatigil si Muse sa pagsasalita ng makita ako.





I timidly smiled at her, habang siya naman ay kunot noong pinasadahan ako ng tingin. Ilang saglit pa bago nawala ang pagkakunot ng noo niya, nagtakip siya ng bibig na tila ba gulat na gulat siya sa nakikita.






"Oh my goodness! Ate Heart? You're back na?" She said in a more exaggerated way.






Lumunok ako saka tumango. She then grinned and diverted her eyes to Abraham who is just quietly standing beside me. And I can't stop myself from admiring the lady in front of me, she's so beautiful. She got such angelic face, but she don't look kind at all.



Halatang spoiled siya pero hindi naman masyadong maarte ang dating niya. Wala siyang suot na maraming alahas, isang gintong kwentas at mga hikaw lang. And her soft glam make-up, it's not too much, sakto lang. She looks simple but elegant and classy at the same time.





"Oh, I get it now..."





Naguguluhan may nanatili akong nakangiti, I saw Gaj's bulk that is now approaching to where I am, napalingon naman si Muse rito at sa tingin koy ganoon din si Abraham.






I saw how Gaj's smile faded for a moment, but he returned it in a brisk. Lumapit ito sa akin at walang pasabing ipinatong neto ang kaniyang kamay sa aking balikat. He became touchy all of sudden...







"Nakabili na ako, tara na?" Sabi niya at itinaas pa ang kamay niyang may hawak na bottled water.






He is acting like there's only me and him in the picture. I can feel that there's a heavy tension that's building between Gaj and the Ashely siblings.





Pero bago pa man ako makareak, ay may humawak na sa aking kamay. Gulat akong napatingin kay Abraham, malamig na expresyon niya akong hinila palayo kay Gaj, at dahil sa marahan niyang paghila sa akin ay naalis ang kamay ng kaklase ko sa aking balikat.







Mas napatanga ako ng kunin ni Abraham ang aking sling bag at swabeng isinabit ito sa kaniyang balikat. He then intertwined our fingers, napatingin ako rito at batid kong ganoon din ang dalawa pa naming kasama.





"Ako na ang maghahatid sa kaniya." There's too much authority shadowing on his voice.






Making Gaj to stop from saying anything, and causing me to blush hard. Nahihiyang tiningnan ko pailalim si Muse, she is smirking while watching his brother, mukhang tuwang tuwa pa ito sa mga nangyayari, at nang mapunta sa akin ang paningin niya ay binigyan niya ako ng matamis na ngiti.







Titingnan ko pa sana si Gaj pero hinila na ako ni Abraham palayo. I gasp when I have realize that everyone's attention were already on us! Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak ng aming mga kamay pero mas hinigpitan niya lamang ito.





"Abraham, maraming nanonood sa'tin." Bulong ko sa kaniya.




He clenched his jaw and didn't say anything. Napayuko nalang ako at sinubukang itago ang mukha gamit ang aking buhok. But I know it's useless hiding my face, for sure everyone knew it's me! They already recognized my face!





Hindi ba nababahala si Abraham? Na baka makarating ito kay Eureka at mas lalong di siya neto magustuhan? And why is he even doing this?





Huminto lang kami ng nasa tapat na kami ng aking silid-aralan, nakasimangot at nakakunot noo niyang inilahad sa akin ang aking bag. Naguguluhang tinanggap ko naman ito.




It's quite tempting to look inside my classroom, gusto kong  makita kung may nanonood ba sa amin, kahit na sigurado naman akong meron at marami.







"Anong oras ang labasan niyo?" He asked, nakabusangot parin.





Pasimple akong huminga, para kasi akong kinakapos ng hangin. Hindi na kataka-taka, he is Abraham so what do I expect? It's natural to feel this way if it's him. Hindi lang talaga ako masanay-sanay.






"Four? Bakit?"






Tumango siya habang nakatitig sa akin at bahagyang nakayuko, para kahit papaanoy magkapantay ang aming mga mukha. He is intensely staring at me, like he's sending me a message through it.






"Then wait for me here, our class will end around four as well."






Nangunot ang noo ko, I pressed my lips together. "S-sigurado ka? Kakalat sa buong school..."






He arched his brow. "You want to keep me a secret?"





Irritation is evident in his voice, he don't seem to like what I just said. But isn't what we supposed to do? More like, isn't what he's supposed to do? He should not expose me and our... relationship, wala nga pala kami nun.





"Hindi ba iyon ang dapat?" Sabi ko, matindeng pagpipigil na huwag iparinig ang pait sa boses ko.






He frustratingly brushed his hair using his fingers, pumikit siya ng mariin at napatingila. Alam ko ang ganitong reaksyon niya, he is disgruntled. But why would he? It's not like we're...





"What else should I do..." he whispered, mahina ang pagkakasabi niya pero narinig ko parin.





The bell rang, leaving me no choice but to bid goodbye to him. He didn't respond though,  nakatitig lang ito sa akin at nakatiim ang bagang habang papasok ako sa aking classroom.







Pakiramdam ko ang bigat ng dibdib ko sa buong klase. Nagui-guilty ako, pero di ko alam kung bakit? At para saan? Sinabi ko lang naman ang totoo. So why do I feel bad about it?






Panay nakaw ng tingin sa akin si Gaj, pero kapag nililingon ko naman siya ay kaagad din siyang nag-iiwas ng tingin. I didn't bother to do something and make him talk to me. I am too preoccupied to even do a single thing. Na-apektuhan din ang scores ko sa mga quizzes namin.







Gaya ng usapan namin ni Laxus ay nagkita kami sa exit gate. I am not oblivious to the possibility that Abraham might really come to my classroom but I just don't understand him. Pwede naman, pwedeng pwede niyang gawin ang sinabi niya, kaso lang bakit?






Bakit niya kailangan gawin iyon? Bakit kailangan niyang gawin ang mga bagay na sigurado akong mas magpapahulog sa akin?






"Sa tingin mo di ka namin maiintindihan? Sana sinabi mo na may problema ka, we can help you. At kung gusto mo talagang umalis, we will let you. Hindi iyong aalis ka nalang bigla." Madiin ang bawat salitang binitawan niya.







Yumuko ako habang hawak hawak ang kamay niya. I am sitting next to Cedric while Laxus is occupying the seat opposite to us, pagkarating namin kanina ay kaagad akong tumabi sa kaniya at hinawakan ang kamay niya, this is what I do to him most of the time kapag may kasalanan ako sa kaniya noong mga bata palang kami. I just hope it'll work this time.






"I'm sorry, I promise not to do things like that again..." sabi ko habang sa mga kamay lang namin nakatingin.






Matunog na suminghal si Laxus, dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Humalukipkip siya at tinaasan ako ng kilay, itinaas ko din ang isa kong kilay para ipahayag na hindi ko siya naiintindihan.






Inginuso niya ang kamay kong nakahawak sa kamay ni Cedric, it took me seconds before I get to understand his message. Ayaw ko sanang alisin ang pagkakahawak ko sa kay Cedric, pero alam kong hindi magugustuhan ni Laxus kung mananatili akong nakahawak sa kamay ni Cedric.







Kung tutuusin hindi dapat ako nagpapadala sa kay Laxus, it may give him false hope, pero kasi alam kong dapat ko ring i-konsidera ang nararamdaman ng kaibigan ko. Hindi ko siya gusto, pero ayaw ko paring maging dahilan para sumama ang loob niya.







Cedric forgave me, pero may kondisyon siya. He wants me to treat him on a date this saturday, pumayag naman ako, hindi lang dahil gusto kong makabawi kundi dahil namiss ko talaga siya. Laxus requested to come with us, but Cedric didn't approved it.




"Gusto kong masolo si Heart, kaya hindi ka pwedeng sumama." Cedric said with finality.





Walang ibang nagawa si Laxus kundi ang samaan ito ng tingin. Gusto ko rin sanang makasama si Laxus sa sabado, pero nangangamba ako kapag kaming dalawa lang. Naiilang na ako at hindi komportable.







Si Cedric ang naghatid sa akin pauwi, may kotse na siya, regalo raw ng Daddy niya. Lumipat sila ng bahay, na mas malapit sa bago niyang eskwelahan. Humingi ako ng tawad sa kaniya dahil sa nangyari, pakiramdam ko kasi ako talaga ang may kasalanan kung bakit siya na-expel.







Naabutan ko si Mommy at Daddy sa sala, pareho silang seryoso habang nag-uusap, may mga hawak din silang mga papeless. Pero kaagad din nila itong tinago ng makitang nakauwi na ako. Nagmano ako sa kanila pareho, I kissed their cheeks and hugged them tight. Sa tingin ko kasi, kailangan nila iyon.





"Anak, aalis kami sandali ng Daddy mo ha? Tatlong araw lang."






Oddly, I don't feel bad about it anymore. "Okay lang po, saan po ba kayo pupunta?"




"Sa Singapore lang, sa susunod na araw pa kami aalis." Sabi pa ni Daddy.






Naninibago na talaga ako sa sarili ko. Noon, sa tuwing nababanggit ang patungkol sa pag-alis nila ay sobrang nalulungkot ako, pero ngayon iba na. It feels like, it's fine and I don't mind at all, na para bang okay lang na aalis sila basta ba bumalik sila kalaunan at ligtas.





I can't call myself a matured person, siguro paunti-unti palang. And I remembered Lola's advice to me before, she told me to always choose to understand no matter how hard and painful it is.






Wala pang isang linggo simula nang makabalik ako rito sa Manila pero pakiramdam ko ang tagal na, simula nung mawala si Lola. Nandoon parin ang kirot, siguro matagal pa bago ito tuluyang mawala, o baka nga hindi na.





Tuesday, another day came, at hindi pa man ako tuluyang  nakapasok sa classroom namin ay alam ko nang kakaiba ang araw na ito. Nasa akin ang atensyon ng halos lahat, maging ng mga teachers, they seems to be so curios about me. And for sure it's all because of what they saw yesterday.






Tongues are really powerful, just like fire, mabilis na kumakalat ang lahat dahil dito.






"Diba si Laxus ang boyfriend niya?"





"Kuya Laxus kissed her sa cafeteria! I saw it, siya ang pinagpalit ni Kuya Laxus kay Ate Resy, pero cheater din pala."





"Maganda sana kaso lang mukhang playgirl."




"One week suspended sila Ate Gail nu? Sayang, dapat nandito sila para hindi na makalapit iyang babaeng yan kay Kuya Laxus!"






Humugot ako ng malalim na hininga saka pinagpatuloy nalang ang paglalakad. Pigil na pigil akong lingunin sila at pagsabihan, alam ko kasing kapag nagpadala ako ay mas lalo ko lang sisirain ang tingin nila sa akin. And they're just junior students while I am way older than them, so I should be the one who'll adjust.






Gail and Resy are suspended for one week, hindi ako nasali dahil hindi naman alam ng Dean na involve ako. At sa tingin koy wala ring binanggit sila Resy na kasali ako dahil di naman ako pinatawag sa Dean's Office. I wonder why?






Gusto ko ring magtanong kay Laxus patungkol sa isyung naririnig ko, kung ano ba talaga ang relasyon niya sa dalawa, kung sino ba sa mga ito ang girlfriend niya... kaso lang, naduduwag akong magtanong. Para akong napuputulan ng dila kapag nasa harap ko na siya. Parang ang hirap buksan ng bibig ko at bigkasin ang aking mga tanong...








Napahinto ako nang maaninag ko ang bulto ni Abraham, nakatayo ito at nakasandal, gaya ng halos palaging naaabutan kong posisyon niya. He scratched his nape and tilted his head, while his eyes are closed as he breath out, he looks tired and sleepless.








Tinagilid niya ang ulo niya sa banda ko, sakto namang napunta sa akin ang paningin niya ng magbukas siya ng kaniyang mga mata. I abruptly straightened my back and compose myself, I licked my lips before I continue to take steps forward.




Umayos din siya ng tayo habang nakatingin sa akin, he fixed his eyeglasses. I don't even saw him blink, na para bang ultimo pagkurap ay hindi niya pwedeng gawin. I tried to meet his intense gaze, but I only ended up looking on the other way. Why do he need to look at me with so much intensity? Nakakailang!





"Abraham, we're drawing so much attention." Mahina ngunit mariin kong sambit ng makalapit ako sa kaniya.





He clenched his jaw. "You deserted me yesterday."





Naguguluhang tiningnan ko siya. I what?



"I didn't. Hindi naman ako nangakong hihintayin kita. And besides, hindi ka naman siguro seryoso sa sina-"





"Seryoso ako sayo."




Nahugot ko ang aking paghinga dahil sa sinabi niya. My heart beats wilder than how it already is. And his charisma is not helping either. He looks restless, his eyebags are showing and his hair is a bit messy, but it doesn't make him less handsome. It even adds to his charms.





Napa-iwas ako ulit ng tingin ng bumaba ang mga mata niya sa aking labi. I bit my lower lip and swallowed hard, pasimple pa akong huminga. Ang aking mga pisnge ay tiyak na sobrang pula na ngayon, nanghihina na rin ang mga tuhod ko, at ang mga paru-paru sa tyan ko ay mas lumikot pa. Di na talaga ako masasanay.






Lumunok ako. "I mean, i-iyong sinabi mo kahapon... and why are you so grumpy? Kahapon kapa ganyan-"







"I was jealous, so what do you expect? That Gaj is hitting on you, Heart." Iritado niyang saad.






Umawang ang mga labi ko. And now I am literally speechless. He is jealous? You wouldn't be jealous if you don't have any feelings towards--






"Nevermind, be with that Gaj then." Sabi niya saka ako tinalikuran.





Pinanood ko ang papalayong bulto niya. What was that? He said he was jealous and then... ano ba talaga ang problema niya? Mukhang pati siya ay di maintindihan ang sarili eh.






Therefore I conclude, he really is like a math problem. Confusing.

Continue Reading

You'll Also Like

67.8K 1.5K 41
Ignore me now... Regret Later. Read at your own Risk! Nicolette Fren Ashley's Story it is. •Ashley 5 (Third Generation) Date Started: 07/25/20 Date E...
598K 63K 25
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...
1.6M 96.8K 39
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
98.3K 2.2K 29
I made it more of a crossover im sorry for those who doesn't like this kind of fanfiction (Slow updates i mean like very slow updates)