Ang Poste at Ang Duwende

Oleh Enairashhh

6.5K 623 35

Love can't measure... Kahit milya-milya ang layo nyo sa isa't isa, basta mahal nyo ang isa't isa hindi kayo m... Lebih Banyak

Author's Note
Prologue
Chapter: 1
Chapter: 2
Chapter: 3
Chapter: 4
Chapter: 5
Chapter: 6
Chapter: 7
Chapter: 8
Chapter: 9
Chapter: 10
Chapter: 11
Chapter: 12
Chapter: 13
Chapter: 14
Chapter: 15
Chapter: 16
Chapter: 17
Chapter: 18
Chapter: 19
Chapter: 21
Chapter: 22
Chapter: 24
Chapter: 25
Chapter: 26
Chapter: 27
Chapter: 28
Chapter: 29
Chapter: 30
Chapter:31
Chapter: 32
Chapter: 33
Chapter: 34
Chapter: 35
Chapter: 36
Chapter: 37
Chapter: 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter: 23

75 9 1
Oleh Enairashhh

-.-

Simula ng umamin ako sa kanya, nagbago na ang lahat. Yung pakikitungo nya sakin ibang iba na,palagi narin syang nakangiti at higit sa lahat may tinatawag na sya sakin.

" Uy, Pre nandyan ka lang pala. Tara laro"

-.-

Buset.

Di ko maintindihan! Eto ba ang mangyayare kapag umamin ka sa taong gusto mo? Ito ba dapat i-expect ko?

Agad kong nilabas ang cellphone ko. Nag-aaya nanaman syang maglaro ng ML palibhasa break time na kaya nandito ako sa rooftop. Wala lang, hindi naman ako nagugutom, gusto ko lang ng mahanging lugar kahit mainit. Hinanap pala ako ng duwende, putek.

Napabuntong hininga ako. Napapaisip tuloy ako, sobrang weird ng reaction nya sa pag-amin ko. Ang kinakatakot ko panaman dati ay yung iwasan nya ako matapos kong umamin pero hindi. Mas naging close pa kami. Ang weird diba?

Tapos yung pagtawag nya pa saking Pre?!

Sabi nya gusto nya rin ako. Pero bakit parang hindi naman?

" Ano? Ayusin mo!" biglang sigaw nito sakin ng mahuli akong nakatingin sa kanya. Napaismid nalang ako. Ano bang nagustuhan ko sa lalaking to?

Napabuntong hininga ako ulit saka nagtipa sa cellphone. Ganito na palagi nakagawian namin simula ng pag-amin ko.

" Ano 'to? AI? Boring" bakas sa tono nya ang pagkadismaya. Para kasing mga bot ang kalaban namin.

" Savage!" sigaw nung v/a.
"Umay"aniya.

Nakakapagtaka nga na ilang araw ko nang di nakikita si Milliana. Asan na ba
yun? Natakot? Nag-back out? Wala pala sya e.

" Captain!"

Speaking of the bruha. Bat pa nagpakita yan?! Inis kung pinagtitipa ang cellphone ko!

" Captain! Kanina pa kita hinahanap ah! Yung napag-usapan natin kahapon ah?"

Napahinto ako. Anong sabi nya? Nag-usap? Kahapon?!

" Ahh oo. No prob" kaswal na sagot ni Bansot. Kunot nuo naman akong napalingon sa kanila.

" Yieee! Salamat Captain!" pagkasabi nya ay automatic na nanlaki ang mata ko ng yumapos sya kay Bansot at hinalikan nya sa  pisngi!

" Bukas ah! Bye!" malanding sabi nito saka bumaling sakin at ngumisi. Agad ko syang sinamaan ng tingin hanggang sa makaalis sya! Inis akong napabaling kay Bansot na ngayon ay bakas ang pagkagulat sa mukha! Paano ko mabubura yang germs sa pisngi ni Bansot?!

" Hoy! Ano? Tatayo ka nalang dyan?! Makaalis na nga!" inis na sabi ko saka naglakad paalis! Leche! Akala ko ba gusto nya ko?! Bat nagpapahalik pa sya sa  ibang babae?!

" Hoy Mayumi!" inis akong napatingin kay Amanda. Wala e, nadamay tuloy. Napaatras sya saka tumingin sa likod ko.
" Oh, bat ganyan itsura mo? Kasama mo naman yang bebeloves mo!"

Napatitig lang ako kay Amanda ng wala sa oras. Mahaba pa naman ang oras bago magklase.
" May problema ba?"

"Amanda, busy ka ba?"

" Usap tayo?" ngiting aniya. Mukhang nabasa naman nya ko.

---

" Oh bakit?"

Nasa tagong  hagdan kami. Wala namang nadaan dito ng madalas kaya perfect dito.

" Eh kasi..."

Gusto kong sabihin yung mga gumugulo sa isipan ko kanina.
"Amanda, kasi... Umamin na ko kay Bansot."

"Oh ganun naman pala e---" bigla syang napatakip ng labi at nanlalaking matang nakatingin sakin. Napatango naman ako.

" Di sinasadya yun! Nasabi ko nalang. Aksidente. Ganun" paliwanag ko. Tumango tango naman si Amanda saka napapalunok pa.

" Oh,anong sabi?!" excited na tanong nya. Napabuntong hininga ako saka kwinento sa kanya ang mga nangyari mula umpisa hanggang sa wakas.

" Ganun na nga."

Kung kanina kinikilig pa sya sa kwento ko ngayon ay unti unting kumunot ang nuo nya at napanguso kaya nagtaka ako.
" Bes..."

" Bakit?" takang tanong ko.

" Feeling ko di kayo nagkakaintindihan" ngiwing sabi nya. Taka ko naman syang tiningnan.

" Anong ibig mong sabihin?"

" Gagi ka! Pati sya! Hindi na-get's hayys! Ano ba yan!"

" Ano ba?! Diretsohin mo nalang kase! Baliw to!"

Tumikhim sya " Feeling ko, wala syang gusto sayo"

Nanlaki naman ang mata ko " Pero sinabi nya sakin yun. Di ako pwedeng magkamali!"

" Gagi! Oo nga sinabi nya pero hindi ibig sabihin non,gusto ka nya in a romantic way." dismayado naman akong tumingin sa kanya. Napanguso ako. Hindi naman nanloloko si Amanda sakin diba?

" Mayumi... Base sa kwento mo, hindi kayo nagkaintindihan" pag-uulit nya. Naniningkit naman ang mata ko habang nakatingin sa kanya.

" Ang pagkakaintindi nya ata sa sinabi mo, gusto mo sya bilang tao? Alam mo yun, dati nag-aaway kayo, nag-aasaran, hindi nyo pa gusto ang isa't isa. Tapos sabi pa nya sayo, parehas kayo ng gusto, nagcli-click ganun. Ibig sabihin,gusto ka narin nya, pero bilang tao rin. Tapos sinabi nya sayong, wala ng asaran tapos tawagan nyo pa, 'Pre'. Ibig sabihin, hindi ka na nya ituturing bilang kaklase lang or kaaway kundi bilang friend na!" matagal akong napatitig kay Amanda. Napatango tango pa sya  habang nakatitig din sakin. Medyo di ko ma-get's. Masyadong magulo! Matagal pa akong tumitig sa kanya. Ang kaninang nangungumbinsi ngayon naka-poker face na. Matagal bago ko marealize ang sinabi nya!

Ibig sabihin... Hindi nya ako naintindihan?!!!

" Amanda, bat ganun... Matic namang maiisip na may gusto sayo ang tao kapag umamin sya sayo diba? Anong hindi maintindihan don?!"inis na baling ko ulit sa kanya.

" Ano ba, wag mo kong sigawan!  Sa tingin ko lang yun okay?! Imposible namang di nya malaman yun kung sincere ka naman sa sinabi mo!" napanguso naman ako. Naninigaw din sya e.

Ang tanging nararamdaman ko...

Dismayado.

Sakit. Pighati. Wasak---

" Teka, nasabi mo ba sa kanya kung bakit mo sya nagustuhan? Like,naipaliwanag mo?"

Natigilan ako at nag-isip.

" Gusto kita!"

" Ano ba?! Wag mo nang ipaulit!"

Nanlaki ang mata ko sa naalala.
Ibig sabihin, di ko pala naipaliwanag ng maayos?! K-kailangan pa pala non?!

"Aish. Hindi ano?"

" Eh pano? Sabi ko ngang aksidente lang yun!"

" Malamang kailangan ang paliwanag. Paano mo sya makukumbisi kung wala kang ano mang dahilan?" napanguso ako. Ibig sabihin nagmuka lang akong timang.

" Alam mo Mayumi, tama ka naman,matic na malalaman mo na may gusto sayo kumg umamin sa harap mo. Pero sa case nyo ni Bansot, iba." maya-maya'y inakbayan nya ko kaya napatingin ako sa kanya. Napatingala naman sya sa kisame.

" Sa tingin ko, bukod sa wala syang feeling's sayo, hindi nya kahit kailan na maiisip na magkakagusto ka sa kanya. Kaya di ka nya na-get's"

" A-ano---"


Bell****

"Mayumi! Sige na! Mamaya nalang ulit!" saka sya kumaway pababa sa hagdan. Ako naman ay naiwang tulala.

---

Nakatingin ako sa likod ni Bansot pero parang nakatingin ako sa kawalan. Kasalukuyan kaming nasa gate dahil uwian na.

" Captain!"

Napalingon ako sa sigaw ni Milliana. Nakanguso akong sinundan sya ng tingin habang patakbo syang lumalapit kay Bansot.

"Ok saglit"


Hindi parin mawala sa isip ko yung mga sinabi ni Amanda kanina.Para akong sumakay sa isang roller coaster. Naiwan yung kaluluwa ko kung saan.

" Mayumi, di ako makakaaabay sayo pag---"

" Sige na" putol ko at nakangiting sabi ko sa kanya.

" Okay"

Nabaling ang tingin ko kay Milliana na nakataas ang kilay at nakangisi sakin. Inirapan ko nalang sya.

Mabuti pa sya. Nasabi na nga nya kay Bansot,kahit papaano kinilala naman ni Bansot yung pag-amin nya. Napanguso tuloy ako. Bakit kasi...

---

Pagod akong nakauwi sa bahay. Araw araw namang nakakapagod pero iba ngayon. Pati isip ko, pagod.

" Abaaa" biglang sabi ko ng madatnan ko si Kisig at Lily na nakaupo sa mesa na puno ng papel at libro. Nag-aaral siguro.

" Ate." nguso ni Kisig. Nginunguso pa nya ako papunta sa kwarto. Ayaw sigurong paistorbo! Inirapan ko nalang sya!

" Hello Ate Yumi!" bati sakin ni Lily. Nginitian ko nalang sya. " Sige, aral lang kayo dyan"

Mayamaya pa ay pumasok na ko sa kwarto saka binato ang bag ko sa kama pero di ko alam kung paano bumalik sa kin. Diretso tuloy itong tumama sa ulo ko!

"Leche ka!" turo ko sa bag! Abnormal! Bumalik nagfe-feeling bola!

Agad akong tumalon sa kama at humilata habang nakapikit. Maya maya ay unti-unti kong minulat ang mata ko saka tulalang napatingin sa bubong.

" Nakakainis." mahinang bulong ko sa gumilid. Di ko namalayang nakatulog na ko.


Kinabukasan ng recess.

" Poste!"

Gulat akong napalingon kay Bansot. Inaayos ko kasi ang bag ko. Para naman syang excited na ewan!

" Punta tayo!"

Kunot nuo ko syang tiningnan. Mayamaya may pinakita sya saking handshake event ticket at isang cd.

" A-ano to?!"

" Malamang! Para makita mo na Oshi mo. Miss ko na si Abelaine eh" nangingiting aniya.

" Wowww! Putek mapera ka talaga eh no? Sakin nalang to?"

" Hindi, kaya ka nga niyaya eh" sarkastikong aniya. Inirapan ko nalang sya. Sa linggo na pala to! Omy gosh!


" Thank u!" masayang sabi ko saka niyakap yakap ang cd!

---

:>

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

7.3M 303K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
3K 136 26
Ang storyang ito ay hindi base sa totoong buhay, pangalan, lugar at pangyayari ay kathang-isip lamang ng may akda. TAGALOG 🇵🇭 Isang grupo ng kabat...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...