I became a living God

Per imrasseruuuu

825 42 6

Genres: Comedy, Demons, Supernatural, Romance, Fantasy, Shoujo Inspired by Kamisama Hajimemashita <3 Més

Where I should belong
Place where I belong
Promise to return to the promised land
Story of forbidden love
My life as Kamisama begins
Life of being a Kamisama
Kamisama go to school
The Kamisama's Familiar
The Guardian
To be a reliable Kamisama
A living Kamisama and a strongest Familiar
Reconnecting ties
Action speaks louder
Promise to keep
Now I do understand
Lola
Written in the stars
Promise is Promise
Starlight
Camping trip 1
Camping Trip 2
Camping 3 - The power of my Kamisama
Issue

My life before I became a God

165 3 2
Per imrasseruuuu

" Tala, halika ka nga ditong bata ka! Ang sabi ko sayo, ayusin mo 'tong lahat." Pagalit na utos sa akin ng aking Auntie Clarise .

"Diba sabi ko rin sayo na magluto ka ng lunch? Nakikitira ka na nga lang dito, pinapalamon ka na nga, tapos napaka tamad mo pa?! Napakamalas naman ng kapatid ko sa inyo ng Nanay mo! Wala kayong dinala samin kundi sakit sa ulo."

Agad kong nilinis ang mga kalat ng mga pinsan ko sa sala dahil hindi na naman nila niligpit ang mga kalat nila. Nang matapos ko na malinis ay agad akong nagluto ng ulam nila.

Ako nga pala si Tala Villa, 15 years old at nakatira sa Manila, dito sa Pilipinas.

Wala na rin akong mga magulang.
Namatay ang aking Mama nang iniluwal niya ako sa mundong ito. Ang aking Papa naman ay nawala sa car accident at ngayon ay nakikitira nalang ako sa Auntie ko.

Bigla akong sinambunutan ng aking Tita nang makalapit siya sa akin.

" Ikaw na bata ka, ang kupad kupad mo!Nakikitira ka lang sa amin-" Kinuha niya ang sandok sa aking kamay at pinag papalo ito sa braso ko. "-Napakawalang-kwenta mo! Manang mana ka sa Nanay mong pabigat! Umalis ka sa harap ko ngayon din kung ayaw mong buhusan kita diyan ng kumukulong tubig na ito! Wag na wag kang lalabas ng kwarto mo hanggat hindi kita pinatatawag!"

"Sorry po Auntie."

Ani ko at dumiretso na ako sa aking kwarto sa attic.

Humiga ako sa kama at hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi umiyak.

"Mama... Bakit mo pa ba ako binuhay kung iiwan mo rin lang naman kami ni Papa? Anong purpose ko sa mundong ito? Ma, bigyan mo man lang ako ng maayos na sagot para maintindihan ko... Bakit mo pa ako binuhay?"

Napahagugol na ako sa iyak dahil hindi ko na kaya ang bigat na nararamdaman ko ngayon.

"Ni' hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang silbi ko dito sa mundong ito. Sana hindi mo nalang ako pinanganak."

----

Nasaan ako? 

Saan ito?

Takang tanong ko sa sarili at inilibot ko ang aking panangin.

Torri ..Gates?

Bumungad sa harap ko ang torri gates.

May isang lalaki na mukhang nasa edad na 40 years old at nakatayo ito sa harap ng Torri Gates, at may kasama rin itong isang matangkad na lalaki  na mukhang nasa 17-18 ang edad. Hindi ko masyadong mamukhaan ang mukha pero na nakasuot ito ng pulang kasuotan at may tenga itong kagaya ng pusa at may mahabang buntot.

Tenga..? Buntot...?

"Kumusta ka Tala anak ni Inari?" Bati sa aking ng lalaki.

"Inari? Kilala mo ang mama ko?... " Takang tanong ko sa kanya.

Ngumiti ito sa akin.

Pakiramdam ko ay napakagaan ng  aking loob sa lugar na ito. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nangyayari. Kung totoo ba ito o hindi.

"Nasaan ako? Bakit ako nandito?"

Hindi ko alam pero hindi ko napapansin na palapit ng palapit ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ang mga paa ko ay naglalakad patungo sa kanya.

"Halika." Anito atsaka inabot nito sa akin ang isang maliit na box.

" Ano po ito..?" Hindi ko mapigilang magtaka.

Ngumiti ito.

"Ang sagot para sa iyong mga katanungan. Maligayang kaarawan sayo, Tala. "

Atsaka ito naglaho sa hangin.

"Te-teka! Sandali!" Pagpigil ko.

---

Bigla akong nagising.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

*Sigh*

Panaginip lang pala.

Pero bakit parang  totoo? Napahawak ako sa dibdib ko at ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko na para bang totoo.

Napansin kong madilim na sa labas dahil nakabukas ang bintana ng kwarto ko. Tatayo na sana sa pagkahiga ko para isarado ang bintana nang biglang may nahulog na maliit na kahon galing sa kama ko.

Nagtatakang pinulot ko ang kahon at bigla kong narealize na ito ang binigay na box sa akin ng isang lalaki sa panaginip ko!

"Totoo nga!" Napasigaw kong sambit.








-To be continued...

https://www.youtube.com/watch?v=mcdO9UP0hp8&list=TLPQMjcwNDIwMjHoirDFs-Qdbg&index=2

Continua llegint

You'll Also Like

280K 5.9K 33
WATTPAD BOOKS EDITION You do magic once, and it sticks to you like glitter glue... When Johnny and his best friend, Alison, pass their summer holid...