Avoiding Mr. Professor (UNDER...

By Trisisisha

476K 10.2K 539

Maria Idalia Crosti, she didn't believe in love at first sight, but when she met a handsome, strict professor... More

AVOIDING MR. PROFESSOR
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
Epilogue

CHAPTER 21

9.8K 224 32
By Trisisisha


Gabi na pero hindi pa din ako makatulog, Iniisip ko yung kanina.

Mag kamag anak talaga si Quira at si Professor Montanier? Sy? Ang real name ni Prof ay Sygred.

Why the world is so small?kinalilimutan ko na nga yung taong puro pasakit lang naging dulot sakin, tapos ngayon malalaman ko na kamag anak niya ang isa sa kaibigan ko? what to do? hindi ko naman pwedeng gawin na wag na makipag kaibigan kay Quira, napalapit na din siya sakin.

Sunod sunod na ang mga nangyayari, Jusko, lord!

Paano to? paano pag nalaman ni Quira na buntis ako? Ipapaalam ko naman sakanila e, pero hindi ko naman sasabihin na yung si Professor Montanier ang ama. Mag iingat ako. Para na din samin ng anak ko.

Naglalakad kami ngayon palabas ng eskwelahan, kasama ko si Mina dahil nauna na ang ibang kasama namin at ang iba naman ay nagpaiwan may tatapusin pa daw, madilim na ang paligid nang makita kong tumatakbo papalapit sa kinaroroonan namin si Quira mula sa kumpol ng mga tao.

"Idalia! Idalia!"

Hinihingal itong huminto sa harap namin, hinawakan nito ang kamay ko at ngumiti sakin. "Pwede ba pag may nakita kang matangkad na lalaki na may cap sa labas ng gate, pwede sabihin mo mauna na siya? kuya ko yon. may inuutos pa kasi sakin si Ms. Montes." anito at binitawan ang kamay ko. Maliit akong ngumiti at tumango.

"Sige," sagot ko.

Muli itong ngumiti sakin. "Salamat talaga!" aniya, bago tinakbo ang faculty.

Sinundan ni Mina ng tingin ang papalayong si Quira.

"Grabe talaga si Ms. Montes, noh?" Iiling iling na sabi nito. "Kaklase ko sa isang sub si Quira, favorite talaga yon ni Ma'am Montes," aniya at umiling muli bago hawakan ang kamay ko at sabay na kaming naglakad palabas.

"Andaming studyante, paano natin makikita yung kuya niya?" ani Mina, habang lumilinga linga.

Iginala ko ang paningin ko.

Oo nga ang daming studyanteng papalabas ngayon.

Iisa lang kasi ang school dito saamin at kahit mayaman ka o mahirap, iisang eskwelahan ang papasukan mo. kaya hindi maiiwasan ang bullying dito, lalo na't magkakasama ang mga hindi angat sa buhay at ang mga angat, kabilang ako doon sa mga simple lang ang estado sa buhay.

Napakapit ako kay Mina nang huminto ito at may itinuro.

"Ayon! Ayon ata ang kuya ni Quira," Aniya, napatingin ako sa itinuro niya hindi ko masyadong makita dahil nakaharang ang ibang studyante at hindi naman ako katangkaran, mahigpit ang pagkakakapit ko kay Mina dahil nakakaramdam na din ako ng pagkahilo.

Masyadong maraming studyante at karaniwan sa mga ito ay mahihirap din, ang mga may kaya sa buhay ay ang tungo ay sa parking lot dahil nga may mga sasakyan sila.

Hinawakan ako ni Mina sa kamay at nag aalalang tumingin sakin nang humawak na ako sa ulo ko, hilong hilo na talaga ako.

"Ida, are you okay? nahihilo ka ba?" Sunod sunod na tanong nito.

Inangat ko ang tingin ko at ngumiti ng maliit sakanya.

"O-oo.." sagot ko. "..Okay lang ako, iwan mo muna ako jan sa may waiting sched at puntahan mo na yung kuya ni Quira." sabi ko at ngumiti sakanya. Tumango ito at napabuntong hininga.

"Sige, pahinga ka lang muna dito. babalikan kita," aniya nang makarating kami sa waiting sched at makaupo na ako. Tumango ako.

Nang makaalis siya ay napahawak ako sa ulo ko at sa tiyan ko, masyadong madaming studyante. malawak ang school pero sabay sabay kaming pinauwi ngayon kasi may meeting ang mga teachers, kaya ganito na lang karami ngayon.

May iilan ding mga studyante na nandito sa may waiting sched.

Nanatiling nakayuko ako at nakahawak sa ulo at tiyan ko nang maramdaman kong may naupo sa tabi ko. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko na labis kong ipinagtaka.

Napahawak ako sa dibdib ko sa lakas ng tibok nito at nanlaki ang mata nang mag salita ang nasa tabi ko.

"Hinihintay pa ni Quinmark si Quira, susunod na kami jan."

Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko.

Gumalaw ito kaya nasagi niya ang siko ko na lalo kong kinatuod. Nanlaki pa ang mata ko.

"M-Miss? are you okay?" Nag aalalang tanong nito.

Hindi, ayokong sumagot. ayokong magsalita.

Pinanatili kong tikom ang bibig ko, Nang marealize nitong wala akong balak na sagutin siya ay rinig ko ang buntong hininga nito.

"Hays, I hope you're okay. may naalala lang ako sayo." anito, rinig ko ang buntong hininga nito bago ko naramdaman na tumayo siya at narinig na lang ang yabag niyang papalayo.

Dahan-dahan kong itinaas ang ulo ko pero damang dama ko pa din ang kaba ko. Agad kong nakita ang mga matatalim na tingin ng mga nakakita.

"Andaming alam, may pa-yuko yuko pa. Montanier na 'yon!" sabi ng isang babae na sinang ayunan ng kaibigan niya.

Inayos muna nito ang buhok bago ako inirapan.

Yes, ang lalaki kanina na umupo dito sa tabi ko ay walang iba kundi si Professor Montanier.

Si Sygred, nalaman ko din na taga dito  ang Montanier at sila ang may ari ng iilan sa mga lupain dito at may sarili silang hacienda. Sobrang yaman ng pamilya ni Professor, Hindi ko nga akalain na magiging close ko si Quira, Gustong gusto ko si Quira kahit na mayaman siya ay hindi siya marunong magyabang at mang maliit ng kapwa.

Dati noong nasa Manila ako, tumatapang ako kahit papaano tapos ngayon nagiging mahina na ako.

Habang lulan ng trycicle pauwi ay hindi matanggal sa isip ko ang nangyari kanina.

Ang boses niya, Ang pagkakadikit ng balat niya na siko ko.

Bakit ba pilit parin kaming pinagtatagpo? Ansakit sakit na ng ginawa sakin ng taong 'yon, lumayo na nga ako. Nabuntis na nga ako, gusto ko na mamuhay ng mapayapa malayo sa mga taong mapanakit, kaso paano? paano ako makakalayo kung pinaglalapit pa din kami?

Malungkot akong nakangiti sa harap ng salamin dito sa banyo, Medyo halata na ang baby bump ko dahil mag dadalawang buwan na ito.

Lalong lalo na't professor ko pa yung nakabuntis sakin, Mapait akong napangiti at hinaplos haplos ang tiyan ko.

Anak, kapit ka lang, ha? kahit si mama lang ang nandito, papalakihin kitang mabuting tao gaya ng pagpapalaki sakin ng mga magulang ko, hindi ako papayag na itong mga nangyari sakin ay mangyayari din sayo balang araw. Hindi man kita mabibigyan ng kompletong pamilya dahil ang ama mo ay may iba ng minamahal, kaya ko namang bigyan ka ng buong pagmamahal.

Napangiti ako, at pinahid ang luha na tumulo sa mata ko.

"Gusto mo?" Nakangiting tanong ni Bruce at inilahad sakin ang burger na hawak niya.

Ngumiti ako at inabot ito. "Salamat!" Nakangiting pasasalamat ko.

Ngumiti ito at naupo sa tabi ko.

"How are you? Minsanan na lang tayo mag kita," aniya, tinigil ko ang pag bukas sa burger at lumingon sakanya.

"Medyo busy e, lahat naman tayo busy na." sabi ko, napatawa ito at tumango-tango.

"Oo nga e, pasyal naman tayo pag may free time na tayong lahat." ani Bruce na tinanguan ko.

Muli kong binuksan ang burger at agad nanuot sakin ang amoy. Mabilis ko itong binalot ulit at binalik kay Bruce agad naman nitong hinawakan.

Mabilis akong tumayo, Naamoy ko palang ang burger parang bumabaliktad na agad ang sikmura ko.

"Bakit?" nag tatakang tanong nito, A
agad akong tumakbo papunta sa likod ng puno na inuupuan namin at doon sumuka, pero wala naman akong masuka. Naramdaman ko ang pag hagod ni Bruce ng kamay sa likod ko.

Napahawak ako sa tiyan ko.

Hindi ko na pinilit na isuka, dahil wala naman talaga ako nasusuka. agad kong inabot ang panyo na inaabot ni Bruce at pinunas sa bibig ko.

"Ida, buntis ka ba? pansin ko palagi ang pag tamlay mo at pagiging maputla," aniya na dahilan para hindi ako makagalaw, ramdam ko din ang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba kasabay ng pag pikit ko ng mga mata ko.

Alam na ni Bruce, ano nang gagawin ko ngayon? ipagtatapat ko na ba sa kanila?

Kinakabahang lumingon ako sakanya. "Y-yes, I'm pregnant."

Continue Reading

You'll Also Like

252K 14K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
2M 80.8K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
42.9K 945 53
Zayara is a type of girl na may medyo kabulastugan. Palamura at gandang-ganda sa sarili, though totoo naman iyon. Lumaki siya sa marangyang buhay per...