Left in the Dark (Savage Beas...

Por Maria_CarCat

6.8M 239K 80.8K

In darkness, I found peace Más

Left in the Dark
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 42

71.6K 2.9K 872
Por Maria_CarCat

Walk






"Gertie!" sigaw na tawag sa akin ni Tita Elaine, dahilan para sa pagkakapikit ay mapadilat ako.

Mas lalo akong naiyak, I can't even shout for help dahil sa malaking kamay na nagtatakip sa bibig ko.

"Magtawag ka na! Tawagin mo na sila!" utos ng lalaking nakahawak sa akin, sa kanyang kasama.

"Papunta na ang mga iyon. Armado ang mga tauhan ng Herrer, alam na nila yon!" natataranta pang sabi ng iba.

Sinubukan kong magpumiglas. His grip on my right arm goes tighter, parang mababali na ang braso ko sa pagkakahawak niya sa akin.

"Aray! Puntangina talaga!" galit na sigaw ng lalaki ng muli kong kinagat ang kanyang kamay.

Dahil sa pagkakakagat ko sa kanya ay nabitawan niya ako. Nagkaroon ako ng chance na tumakbo palayo sa kanya, napasigaw pa ako nung una dahil mas lalong tumindi ang palitan ng putok ng baril sa kabilang gawi ng aming Villa.

"Ouch!" sigaw ko ng hinablot ako nito sa pamamagitan ng aking buhok.

"Let me go! Let me go! That hurts" sigaw ko.

Sinubukang pagpapaluin ang lalaki ng manlaki ang aking mga mata ng lumipat ang kamay niya sa aking leeg mula sa buhok.

"Kanina ka pa!" sigaw niya sa pagmumukha ko.

Napaubo ako dahil sa pagkakasakal niya. Hindi pa siya nakuntento sa isang kamay, dalawang malaking kamay niya ang nasa leeg ko. He's really true to his words na he will kill me.

"Gago ka! Pag yan napatay mo!" sita sa kanya ng mga kasama.

Naputol ang paguusap nila ng tuluyang makalapit si Tita Elaine sa amin. Kaagad siyang dumiretso sa akin para tulungan ako.

"Bitawan mo si Gertrude!" sigaw niya sa lalaki.

Galit siyang tiningnan ng lalaking nakahawak sa akin. Nagpumiglas na din si Tita ng ang isa sa mga kasama nito ay hinawakan na din siya.

Sinigawan niya ang mga ito hanggang sa magulat ako ng bitawan ako ng lalaki at itinulak papunta kay Tita dahilan para sabay kaming bumagsak sa lupa. Narinig ko ang daing nito na nadaganan ko kaya naman kahit hirap ay kaagad akong kumilos.

"Tita Elaine" umiiyak na tawag ko sa kanya.

Bago ko pa man siya mayakap ay hinila nanaman ako ng isa paharap sa kanya at muling sinampal. Napasigaw ako dahil duon kasabay ni Tita. Nang muli niya akong bitawan ay kaagad na akong sinalo ng yakap ni Tita Elaine.

"Tama na, tama na. Ibibigay naman lahat ng gusto niyo" pakiusap niya sa mga ito habang nakayakap sa akin.

Humigpit din ang yakap ko sa kanya sa takot. Ang hawak ni Tita sa akin ay para bang hindi niya na hahayaang masaktan pa ako ng mga lalaki. Sa pagkakayakap niya ay para bang handa siyang saluhin ang lahat para sa akin, para hindi ako masaktan.

Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. She really treats me like her child. Ina na handang protektahan ang anak niya.

"Tita Elaine, I'm sorry" umiiyak na sabi ko habang nasa bisig niya.

Naramdaman ko pa ang paghaplos niya sa buhok ko. Pareho pa din kaming nakasalampak sa lupa.

"Shh...everything's gonna be ok, Anak" pagaalo niya sa akin kaya naman napahagulgol na ako.

"Punyeta! Dito pa talaga kayo nagdrama sa harapan ko!" sigaw ng isa na kanina pa inis sa akin dahil sa dalawang beses kong pagkakakagat sa kamay niya.

"Dalhin na lang natin ang dalawa yan. Ipatubos na lang yan" kantyaw ng isa.

Bago pa man sila makapagdesisyon ay lalo ng nagkagulo ng matagpuan na kami ng mga tauhan kasama si Tito Darren.

"Elaine, Gertrude!" tawag nito sa amin.

Bumagsak kaagad sa lupa ang tatlong kalaban at nakipagbuno sa mga tauhan ni Tito Axus. Tangkang lalapit si Tito Darren sa amin ng makawala ang isa at sinugod siya.

"Kuya Darren! Magingat ka!" sigaw ni Tita Elaine.

Sa sobrang takot at pagkabila sa mga nangyayari ay hindi na namin nagawa pang makagalaw sa aming pwesto. Narinig din namin ang pag dating ni Louie ng tawagin niya si Tito Darren.

"Marami pang parating!" sigaw ng isa sa nga tauhan ni Tito Axus.

"Elaine, tumakbo na kayo ni Gertrude! Umalis na kayo dito!" sigaw na utos ni Tito Darren sa amin habang nakikipagbuno sa kalaban.

Natatarantang tumayo si Tita kahit nahihirapan.

"Tara na, Gertrude! Tara na" yaya niya sa akin.

Wala ako halos makita dahil sa aking pagiyak. Basta ang alam ko lang ay nilagay ko sa kapahamakan ang buhay ng lahat. Kasalanan kong lahat ito.

Lakad takbo ang ginawa namin ni Tita. Nahirapan pa kaming dalawa dahil hindi ko kaagad nakuha ang balanse ko dahilan para hindi ako makapaglakas ng maayos. Napasigaw kaming dalawa ng makarinig ng putok ng baril.

"Tay!" sigaw ni Louie.

Napahinto kaming dalawa at nilingon iyon. Nakita naming tumakbo si Louie sa gawi ng tumumbang si Tito Darren dahil sa pagkakabaril dito.

"Tito" umiiyak na sambit ko.

Narinig ko din ang pagiyak ni Tita Elaine na tinawag ang kanyang kapatid. Mas lalong bumigat ang dibdib ko dahil sa nangyari.

"Kuya Darren!" madiing tawag ng Tita Elaine.

Buong akala ko ay tatakbo kami pabalik ngunit muli niya akong hinila palayo doon.

"Paano po si Tito?"

"Hihingi tayo ng tulong" matigas na sabi niya sa akin. Ramdam ko ang tapang sa kanyang boses, desididong makaalis kami ng ligtas doon.

"Yung anak ni Montero, hanapin niyo! Patayin niyo!" rinig naming sigaw ng mga lalaki hindi kalayuan.

Nanginig ang katawan ko dahil sa takot. Mas lalong humigpit ang hawak ni Tita Elaine sa akin. Diretso ang tingin niya sa daan palabas, ramdam ko ang proteksyon niya sa akin. She won't let me get hurt, hindi niya ako hahayaang mapahamak.

Mas lalong bumilis ang takbo namin palabas ng Villa ng marinig naming may paparating ng pulis patrol.

"Sina Yaya Esme at Afrit na iyon" sabi ni Tita. Ramdam ko na ang pagasa sa kanyang boses.

Even she is at age, she still manage to do all of this. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala si Tita Elaine, kung wala silang lahat. Kung hindi sila dumating ay baka wala na ako ngayon. Desidido ang mga lalaking iyon to kill me. They want me gone.

"Malapit na, Anak. Malapit na" pagaalo niya sa akin kaya naman tumango ako.

Binilisan ko din ang lakad at takbo hanggang sa makalabas kami ng Villa at mapunta sa may kalsada. Nakakita kami ng paparating na sasakyan. We have a high hopes na tulong iyon kaya naman kaagad naming kinawayan for help. We are in the middle of the road.

"Tulong!" sigaw naming pareho.

Halos masilaw kami sa ilaw ng sasakyan. Napahinto si Tita Elaine ng mapansin niyang mabilis ang takbo nito papalapit sa amin.

Hinagilap niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon.

"Takbo, Gertrude. Takbo!" sigaw niya at hinila ako.

Tumakbo kami palayo sa sasakyang iyon hanggang sa halos makita na namin ang anino namin sa madilim na kalsada dahil sa ilaw nito.

"No! Tita Elaine!" sigaw ko bago ako nagpagulong gulo sa gilid ng kalsada ng itulak niya ako.

Takot akong dumilat matapos kong marinig ang malakas ng tunog. They hit her, rinig ko kung paano malakas na pumreno ang sasakyan matapos nilang matamaan si Tita Elaine. She was lying in front of a black SUV with blood on her head.

"Tita Elaine" umiiyak na sambit ko.

Mas lalong lumakas ang police sirene. Muling nagkapalitan ng putok hanggang sa maramdaman ko na ang pagdating ng tulong.

Inipon ko ang natirang lakas ko para makatayo. Masakit ang katawan ko dahil sa pag gulong ko sa gilid ng kalsada ngunit kailangan kong lapitan si Tita.

Bago pa man ako makahakbang ay nauna na siyang nalapitan ng mga nasa ambulansya, maingat siyang binuhat ng mga ito para ilipat sa stretcher.

"Senyorita Gertrude!" sigaw ni Yaya Esme.

Kaagad kong naramdaman ang kanyang yakap sa akin. Dahil sa init ng yakap ni Yaya ay muli akong napahagulgol. Rinig ko din ang iyak ni Tita Afrit habang sinusundan ang stretcher ni Tita Elaine.

"Kasalanan ko po. Kasalanan ko po ang lahat" sumbong ko kay Yaya Esme.

Mabilis siyang bumitaw sa yakap at hinarap ako. Ikinulong niya sa kanyang magkabilang palad ang aking pisngi.

"Walang may gusto sa nangyari, Senyorita" pagaalo niya na mabilis kong inilingan.

No words can make me feel not accountable for all of this. This is all my fault.

Sandaling napahinto si Yaya Esme habang nakatingin sa mukha ko. Kumunot ang noo niya hanggang sa nakita ko ang galit dito.

"Pinagbuhatan ka ng kamay? Sinong gumawa?" galit na tanong niya. Hindi ako sumagot, hindi na ako nakasagot dahil sa gulo ng isip ko. Hindi ko alam kung anong uunahin ko.

Sa sobrang galit niya ay napagdiskitahan niya ang lalaking hawak ng pulis na galing sa sasakyan. Pinagpapalo niya ito, hinila ng buhok at pinagsasampal.

"Bakit niyo pinagbuhatan ng kamay!? Sinaktan niyo! Mga walanghiya kayo!" sigaw ni Yaya habang sinasaktan ito.

Pinigilan na lamang siya ng isa pang pulis. Ni hindi na nga din ako nakatulong pa sa pagpigil kay Yaya Esme dahil sa pagod, dahil sa takot. Ang isip ko ay nakay Tita Elaine.

"Bakit ka kasi nag puntang magisa dito, Senyorita? Gertie naman!" galit na suway ni Yaya Esme sa akin. Hindi na niya napigilan ang emsyon ay bumuhos na din ang luha.

Marahan akong umiling. Hindi ko din alam, masyado akong nagpadala sa emosyon ko.

"Paano kung napahamak ka ha!? Paano ako? Ang Papa mo!?" galit na tanong niya sa akin bago ako hinila at mahigpit na niyakap.

Nang masiguradong nahuli na ang lahat ay sumunod na din kami ni Yaya Esme sa hospital. Kasama namin ang ilan sa tauhan nina Tito Axus papunta doon.

"Diyos ko, si Ma'm Elaine" naiiyak na sabi ni Yaya Esme. Mahigpit ang hawak niya sa kanyang rosary, paulit ulit siyang pumipikit at bumubulong ng dasal.

Napasinghap ako at mas lalong naiyak sa takot. Hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na may hindi magandang mangyari may Tita Elaine.

"Alam na ni Sir Axus at Sir Eroz. Pauwi na sila ngayon dito" rinig kong sabi ng isa sa mga tauhan na nasa may front seat.

Mas lalo akong nakaramdam ng takot. Napakagat ako sa aking pangibabang labi. Kanina pa namumula at halos magsugat na ang likod ng palad ko dahil sa pagkakakurot ko dito. Doon ko binuhos lahat ng takot.

Sa labas ng emergency room ay naabutan namin ang umiiyak na si Tita Afrit at ang nakatulalang si Louie. Mabilis na tumakbo si Tita Afrit para yumakap kay Yaya Esme.

Dahan dahan akong lumapit sa nakatulalang si Louie. Nasa loob ng emergency room sina Tita Elaine at Tito Darren. Maiintindihan ko kung magagalit si Louie sa akin, maiintindihan ko kung magagalit silang lahat sa akin.

"I'm sorry, Louie. Because of me, napahamak si Tito Darren and Tita Elaine" paghingi ko ng tawad.

May tumulong luha sa kanyang mata na mabilis niyang pinahiran. Kaagad din siyang nagiwas ng tingin sa akin.

"Walang may gustong mangyari ito, Ate Gertrude" seryosong sabi niya sa akin, ni hindi niya magawang harapin ako. And I understand that.

Natahimik na lang din ako sa kanyang tabi.  Matapos ding yakapin ni Tita Afrit si Yaya Esme ay lumapit siya sa akin. Naiyak na lang din at mahigpit akong niyakap.

Tahimik ang lahat. Nakatulala lang ako sa may sahig habang patuloy na sinasaktan ang sarili ko sa pamamagitan ng pagkurot sa likod ng aking mga palad. Halos mamanhid na din iyon. Sinadya kong itago sa lahat, lalo na kay Yaya Esme.

Nakapikit si Yaya Esme na nakaupo sa aking tabi. Hawak pa din ang rosary niya at nagdadasal.

Nagulat ako ng biglang tumayo ang katabi kong si Louie.

"Tito Axus, Kuya Eroz" tawag niya sa mga ito.

Nagangat ako ng tingin. Ni wala akong lakas ng loob na salubungin silang dalawa. I miss Eroz so much, hindi ko inexpect na ganito ulit kami magkikita na dalawa.

Mabilis silang lumapit kay Tita Afrit para itanong ang kalagayan nina Tita Elaine at Tito Darren. Pareho pa silang naka business attire. Halatang mula sa trabaho ay dumiretso sila dito.

Napaiktad ako ng galit na sumigaw si Tito Axus at malakas na hinampas ang pader. Mas lalong nanginig ang katawan ko sa takot, mas lalo kong diniinan ang pagkakakurot ko sa aking kamay. Hanggang sa halos mapapikit na ako dahil sa sakit nuon.

"Hindi mo ginusto ito, walang may gusto nito" bulong na pagaalo sa akin ni Yaya Esme.

Takot man ay dahan dahan akong tumingala para muling tingnan si Eroz at Tito Axus. Kitang kita ko ang galit sa mukha ni Tito Axus, para bang sa galit niya ngayon ay kaya niyang patayin ang gumawa nito kay Tita Elaine with just his bare hands.

Mula kay Tito ay nasalubong ko ang titig ni Eroz sa akin. Wala akong galit na nakikita sa tingin niya sa akin, it was just full of dismay. Dismayado niya akong tiningnan, hanggang sa mapabuntong hininga siya at marahang umiling. He seems hopeless.

Ilang minuto pa bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na tumayo at lumapit sa kanilang pwesto. Sinubukan pa akong pigilan ni Yaya Esme, sinabi niyang ipagpabukas ko na lang iyon dahil masyado pang mainit ang ulo ng lahat. Pero, being sorry for everything has no rigth time. As much as I can, I will ask for their forgiveness. Kasalanan ko naman lahat ito.

Si Eroz lang ang tumingin sa akin. Nanatiling nakapikit at nakayuko si Tito Axus, but I know he will hear me.

"Tito Axus, Eroz. I'm sorry, kasalanan kong lahat ito. I made an impulsive descision kaya ito nangyari, kaya napahamak si Tito Darren and Tita Elaine" paguumpisa ko at pumiyok pa.

Nanatili ang titig ni Eroz sa akin. Wala akong makita duon, blanko ang kanyang ekspresyon.

"If I can take their...kalagayans, I would take it. Kasi kasalanan ko naman. Tita, saved me for the ragging car and sa mga bad man na nanakit sa akin. She never leave me..." kwento ko at tuluyan ng naiyak.

Narinig ko ang pagsinghap ni Tito Axus. He seems imagining the things that happend to us. Hindi niya kinakaya ang mga naisip niya. Ang pagtakbo namin ni Tita Elaine para lang mabuhay, ang pagtulak niya sa akin para iligtas ako. Ang pagkakasaga ng sasakyan sa kanya.

Mariing naikuyom ni Tito Axus ang kanyang kamao.

"Kasalanan ko to, dahil wala ako dito. Wala ako nung panahong kailangan ako ni Elaine" galit na paninisi niya sa kanyang sarili.

Marahan akong umiling. "It's my fault, Tito. If I could just take it, Sana ako na lang ang..."

"Gertrude!" galit na suway ni Eroz sa akin. Hindi na niya hinayaang matapos ko ang dapat ko sanang sasabihin.

Sandali kaming natahimik bago ako magulat ng hawakan niya ang kamay ko.

"Magusap tayo" galit na sabi niya at tangkang hihilahin ako paalis duon ng humarang ang nagaalalang si Yaya Esme.

"Senyorito Eroz, Wag niyo pong sasaktan ang alaga ko" pigil ni Yaya Esme. Kulang na lang ay kuhanin niya ako kay Eroz at itakbo palayo doon.

"Maguusap lang po kami. Hindi ko po sasaktan si Gertrude" paninigurado ni Eroz sa kanha kaya naman nag give way na si Yaya Esme para makadaan kami.

Mahigpit ang hawak sa akin ni Eroz palayo sa emergency room. Nagpahila ako sa kanya, handa akong tanggapin ang galit at masasamang salitang ibabato niya sa akin because I deserved it.

Tsaka niya lang ako binitawan ng makalayo na kami at makahanap na kami ng hallway na wala masyadong tao.

"Nagusap na tayo. Alam mong delikado, bakit kailangan mo pang pumunta duo?" mahinahon man ay ramdam ko ang diin at galit sa kanyang boses.

Sunod sunod na tumulo ang luha sa aking mga mata. "Because, naguguluhan na ako. I want to know everything. I just wanted to help the magsasaka sana" paliwanag ko.

Umigting ang kanyang panga. "Kaya nga ako lumuwas ng Manila para ayusin ito. Hindi ba't sinabi ko sayong ako na ang bahala. Gertrude, ang pakiusap ko lang sayo magingat" madiing sabi pa niya. Ramdam ko ang gigil. Pakiramdam ko ay kung hindi lang magaling magpigil si Eroz ng galit ay baka kanina pa niya ako nasaktan.

"I'm sorry, Eroz. I know hindi na mababalik ng sorry ko ang lahat. But, trust me hindi ko ito gustong mangyari. Hindi ko gustong mapahamak si Tita Elaine and Tito Darren" paguulit ko.

Nanatili ang tingin ni Eroz sa akin. Kita ko din ang pamumula ng mata niya, kita ko din ang pagaalala sa mukha niya, ang takot para kay Tito Darren and Tita Elaine.

"Hindi mo alam kung gaano ko gustong kuhanin ang situation nilang dalawa ngayon. Na sana, ako na lang ang nabaril at nasagasaan. Sana hindi na si Tita Elaine at Tito Darren..."

"Sana hindi na sila dumating sa Villa. Ako lang naman ang gustong patayin ng mga bad guys, sana ako na lang at hindi na sila nadamay pa!" umiiyak na sumbong ko kay Eroz.

I mean everything that I said. Hindi lang para magpaawa o kumuha ng simpatya.

"Gertrude!" galit na sigaw ni Eroz sa pangalan ko kaya naman natahimik ako.

Malutong siyang napamura bago niya ako hinila at mahigpit na niyakap. Dahil sa nangyari ay napasinghap ako, ginantihan ang mahigpit niyang yakap sa akin at napahagulgol.

Mahigpit niya lang akong niyakap, wala siyang sinabi. Hinayaan niya akong umiyak sa kanyang bisig. Matapos yakapin ay pinagmasdan niya ang mukha ko, mas lalong namuo ang galit sa kanyang sistema ng makita ang pamumula ng pisngi ko, ang bakas ng kamay sa leeg ko at ang gulo kong buhok dahil sa pagkakasabunot.

"They really want me gone" takot na sumbong ko kay Eroz. Dahil duon ay muli niya akong niyakap ng mahigpit.

"Hindi ko papalampasin ito. Magbabayad ang may gawa nito. Mali sila ng kinalaban nila" madiing sabi niya habang nakayakap sa akin.

Nakalabas na ng emergency room si Tito Darren pagkabalik namin ni Eroz. Wala kaming imik pagkatapos non. Mahigpit lang siyang nakahawak sa kamay ko na para bang ayaw niyang malayo pa ulit ako sa kanya.

Bukod sa pagkakabugbog kay Tito Darren at may tama ito ng baril sa kanyang braso. Lumabas na din ang Doctor para sabihing stable na ang kalagayan ni Tita Elaine.

"Under observation pa din siya. But luckly, sa kabila ng severity ng accident ng natamo niya stable na siya sa ngayon" sabi nito.

Tahimik na nakinig si Eroz at Tito Axus sa sinabi ng Doctor. Nanatili lang akong nakayuko at tahimik. I think, I don't deserve ang silence ni Eroz. Mas deserve kong magalit siya sa akin at pagsalitaan ako ng masakit.

"We'll wait sa result ng ibang test" pinal na sabi ng Doctor bago kami iniwan.

Ilang minuto pa ang hinintay namkn bago din malipat si Tita Elaine sa isang private room ni Hindi na kami nakalapit pa ni Eroz ng nauna na si Tito Axus. Halos yakapin niya si Tita, iyon din ang unang pagkakataon na nakita kong umiyak si Tito Axus.

"Baby, nandito na ako. Magsasayaw tayo. Buong araw tayong sasayaw, Elaine" malambing na sabi niya kay Tita.

Napaawang ang labi ko ng maramdaman ko ang pagbitaw ni Eroz sa kamay ko para lapitan ang parengs niya. Hinayaan ko na lang, naiintindihan ko naman.

"Wag mo akong tinatakot ng ganito, Elaine" bulong pa ni Tito Axus.

Lumapit si Eroz para damayan ang kanyang Ama. Nanatili lang akong tahimik sa gilid. Ni wala din akong lakas ng loob na makita si Tita Elaine sa ganuong kalagayan.

Ilang oras din ang itinagal ni Eroz sa loob ng kwarto bago siya lumabas. Napatayo kaagad ako para salubungin siya.

"Umuwi na muna kayo, para makapagpahinga. Kami na ang bahala dito" seryosong sabi niya sa amin ni Yaya Esme.

"Gusto kong sumama magbantay kay Tita Elaine. I can stay here" sabi ko sa kanya.

"Sumama ka na muna kay Yaya Esme, Gertrude. Magpahinga ka na muna" he said and kissed my forehead.

I don't know, but he seems cold.

Napabuntong hininga na lamang ako at sumunod. I don't want to make things difficult for us. Dahil sa katigasan ng ulo ko kaya ito nangyari sa amin.

"Maaga akong pupunta dito bukas to bring breakfast" agap ko pero hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Eroz, baka pagod lang.

"Ikaw ang bahala" tamad na sagot niya.

Matapos tawagin ang ilang makatauhan para ihatid kami pabalik sa mansyon ay tumalikod din siya kaagad sa amin. Nasaktan ako duon, pero naiintindihan ko naman si Eroz.

Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Ganuon din naman si Yaya Esme kaya naman maagad kaming nag prepare ng breakfast para dalhin sa hospital. Nagdala na din ako ng damit para pamalit ni Eroz if kailangan.

Hindi pa kami nakaalis kaagad dahil mas lalong naging mahigpit ang bantay. Hindj sila pumayag na umalis kami hangga't walang go signal ni Eroz.

Tahimik kami ni Yaya Esme papunta sa hospital pero ramdam ko ang makailang beses niyang tingin sa akin. Nagaalala pa din siya para sa akin.

Halos takbuhin ko na ang room kung nasaan si Tita Elaine pagkadating namin ng hospital. Bumagal lang ang lakad ko ng makita kong nasa hallway sa tapat ng room ni Tita sina Tito Axus, Eroz at ang Doctor, mukhang masinsinan ang pinaguusapan.

Kita ko ang galit sa mukha ni Tito Axus ng may sabihin ang Doctor, pinigilan siya ni Eroz kaya naman mas lalo akong lumapit para sana makatulong pero maging ako ay napahinto sa aking narinig.

Marahang umiling ang Doctor. "Napuruhan ang lower body part ng patient. I'm sorry but, She would never walk again"










(Maria_CarCat)

Seguir leyendo

También te gustarán

3.5M 158K 64
This is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
82.5K 5.8K 83
❝Gagawin ulit kitang lalaki, Neiji. Tandaan mo yan,❞ { seulgi x wonwoo epistolary ff } •| e p i s t o l a r y # 5 |• ❄ elliefrappe ; 2016 ❄ #51 in ss...
9.2M 248K 66
The Doctor is out. He's hiding something