Listen To My Song

De wistfulpromise

4.8M 75.9K 6.2K

(The First Installment of G-Clef Song Trilogy) Sa isang tinig, sa isang himig. Sa isang saglit, isang alaalan... Mais

Paunang Salita
LTMS: Prologue
Chapter 1 ♬ Façade Emotions
Chapter 2 ♬ Welcome to the Band
Chapter 3 ♬ Quit or Go?
Chapter 4 ♬ So Different
Chapter 5 ♬ Painful Memories
Chapter 6 ♬ Unusual You
Chapter 7 ♬ What was that all about?
Chapter 8 ♬ At War with Mr. Cold
Chapter 9 ♬ Music Camp
Chapter 10 ♬ He's Strange
Chapter 11 ♬ Phobia
Chapter 12 ♬ Hidden Music
Chapter 13 ♬ You Captured Me
Chapter 14 ♬ Thoughtlessly Falling
Chapter 15 ♬ Officially One of Us
Chapter 16 ♬ In Search of the Voice
Chapter 17 ♬ G-Clef
Chapter 18 ♬ The Voice
Chapter 19 ♬ Capable Of Love Again?
Chapter 20 ♬ Battle of the Bands
Chapter 21 ♬ Blow Gun Twins
Chapter 22 ♬ Sorry
Chapter 23 ♬ Friend or Foe?
Chapter 24 ♬ His Secret
Chapter 25 ♬ Mr. Sungit
Chapter 26 ♬ What you mean to me
Chapter 27 ♬ Lady Magdaleine
Chapter 28 ♬ Behind the Shadows
Chapter 29 ♬ Arnis Fighter
Chapter 30 ♬ Broken Song
Chapter 31 ♬ Unexpected Visitor
Chapter 32 ♬ The Start
Chapter 33 ♬ Glissando Sisters
Chapter 40 ♬ Hide and Seek
Chapter 40.5 ♬ Hide and Seek
Chapter 41 ♬ Serendipity Gang
Chapter 42 ♬ Broken Law Continuation
Chapter 43 ♬ Nathan's Dare
Chapter 44 ♬ Puzzle Pieces
Chapter 45 ♬ His Love
Chapter 46 ♬ Putting Up The Pieces
Chapter 47 ♬ The Revelation (Orion's Story)
Chapter 47 ♬ The Revelation (Orion's Story part II)
Chapter 47 ♬ The Revelation (Family's Secret)
Chapter 48 ♬ Finally! *sigh* with a Smile =)
Chapter 49 ♬ New Found Love
Chapter 50 ♬ A Surprise for You
Chapter 51 ♬ Girls Fight
Chapter 52 ♬ Naughty Date
Chapter 52.5 ♬ Naughty Date
Chapter 53 ♬ Conflict
Chapter 54 ♬ Her Guardians
Chapter 55 ♬ Answered Puzzles
Chapter 56 ♬ One's Nightmare
Chapter 57 ♬ Exchange Students
Chapter 58 ♬ Where She Rules
Chapter 59 ♬ Surprise! Surprise!
Chapter 60 ♬ Lost Pendant
Chapter 61 ♬ He's One of the Bad Guys
Chapter 62 ♬ Confession
Chapter 63 ♬ Unspoken Truth
LTMS: Christmas Special
Chapter 65 ♬ The Encounter
Chapter 65.5 ♬ The Encounter
Chapter 66 ♬ Meeting the Allies
Chapter 67 ♬ Face Off
Chapter 68 ♬ The Countdown...
Chapter 68.5 ♬ The Countdown. (Regretful Mistake)
Chapter 69 ♬ Close to End
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (First Part)
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (The Fight)
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (One Final Blow)
LTMS: Epilogue
A Letter To The Reader ♥

Chapter 64 ♬ Love or Responsibility?

42.6K 662 45
De wistfulpromise

Chapter 64

(Revised & Edited.)

Serene's POV



“I don’t want to lose you…”

Dati naguguluhan ako kung bakit kailangan nyang paulit ulit na sabihin ‘to sa akin. Ngayon alam ko na kung bakit.


"Serene pay attention!" may narinig akong kalabog na nakapagpatalon sa akin mula sa kinauupuan ko. Naku patay! huli na naman ako sa pagdadaydream ko! Este pag-iisip pala ng mga problema na hindi na matapos tapos.

"Alam mo bang pwede kang mamatay kung lutang ang utak mo habang nakikipaglaban? Listen!"

Sabi na nga ba hindi magiging madali ang training ko with Lady Magdaleine. Araw araw na namin itong ginagawa,

"Ngayong nalaman nyo na ang basic moves para dito... Niel stand up." tumayo naman si Niel. Bilang guardian ko sya ang kasama ko sa pagtratraining. 

"You two need to practice. Alam kong magaling na kayo at kung tutuusin hindi na kailangan ng training pero sana maalala nyo na marami pa kayong hindi alam dito mundo kaya yun ang pag-aaralan nyo maliwanag? Now move! In a count of three... start!"

Magkaharap na kami ni Niel ngayon, nag-iisip kung dapat ba naming gawin yung pinapagawa ni Master Magdaleine. Deadly moves lang naman ng eskrima* ang tinuro nya sa amin (eskrima* isang uri ng martial arts na originally 'ours' haha tatak pinoy!) Anu 'to? hindi pa kami humaharap sa tunay na laban magpapatayan na kami sa harap nya? ngek?

Yumuko muna kami saglit sa isa't isa at saka umatake si Niel sa akin gamit ang unang style na itinuro sa amin. Naharangan ko ito ng aking kamay bago ko ginamit ang moves na ginamit nya. Yun nga lang agad nya itong nailagan at saka nahawakan ang isa kong kamay. Kung tutuusin pagkakataon nya na 'to para matalo ako at maka big "A" mark kay Master… pero hindi nya tinuloy.

 "Niel anong ginagawa mo? Can you two put more energy? now repeat!" pagpapalakpak nya para simulan namin ulit. 

Naulit ulit ang nangyari kanina pero ngayon ako naman ang nanalo pero hindi talaga namin binibigay ang full energy namin dito. Mahirap na kasi baka kapag nanggigil kami mapatay pa namin ang isa't-isa. At isa pa, wala rin ako sa mood para dito.

"More energy! Repeat!"

 Paulit-ulit na routine pero alam namin na ayaw naming masaktan ang isa't-isa. Bakit kasi si Niel pa ang pagprapraktisan ko? pwede bang iba na lang? at saka seryoso ba talaga si Master Magdaleine dito?

"Niel!" galit na sambit ni Master Magdaleine. "Gusto mo bang mabuhay si Serene?"

"Opo." walang pakundangan nitong sagot.

"Then be serious! sa totoong labanan walang oras ang paglalaro. Kung hindi nyo seseryosohin ang bagay na 'to, dito pa lang wala na kayong tyansa na makaligtas. Now repeat!"


May point din naman si Master Magdaleine kaya sa pagkakataong ito nagseryoso na kami. Mas malaki si Niel kaysa sa akin pero hindi ibig sabihin nun ay wala na akong tyansa na manalo. Wala sa sukat o laki ang basehan kundi sa bilis. Speed will always be the key. 

"Good." Finally! 

Lumipas ang maraming araw na puro training lang ang inaasikaso namin. Minsan nakakapagod pero kailangan eh.

"Master I just heard a new report that another attack had happened to our nearby cities. Most of the known gang leaders in there was reported to be dead." Tumango na lang ako ng pasasalamat sa isa kong gang member na naghatid sa akin ng balita.

Dead. As in dead. Seryoso ba talaga sila? at talagang nakakataas pa na opisyales ang tinitira nila ah. Ito na ang ang pang-apat na balita na narinig ko sa loob lamang ng tatlong linggo na isang gang leader ang pinatay o di naman kaya'y nawawala. Hindi lang yun, madami ring balita sa nagdaang linggo na kaguluhan na nagaganap dito sa napakatahimik naming lugar. 

Naghahari hariang gang? Definitely. At mukhang sa mga tinitira nila hindi sila basta basta. Hay, ano na bang nangyayari sa mundo ngayon? mukhang naglipana na ang mga masasamang loob. Buti na lang ngayon hindi na ako sinisi. Balang araw talaga malilinis ko rin ang pangalan ko.

"What do you have in mind?" si Julian, habang busy sa hinihigop na tsaa sa tabi ko. 

"Whoever gang that was behind this mess was definitely a 'pro' and have some serious motive to do the killings."

Pasimple lang sya tumango at inoffer sa akin ay tsaa na hinigupan nya. Binigyan ko lang sya ng weird na look nung hinigop nya pabalik yung iniinum nya. Halatang nagpapainggit dahil alam nyang paborito ko ang green tea. 

“Uh yeah by the way,” binaba nya ng bahagya ang tasa sa mesa “I sent some of our gangmates to spy and to gather more information to whoever are enemy might be. So I guess for a few days from now, we have the information we need.”

Tumango ako pero nanatiling nakatanaw sa malayo.

"They are moving up to the North here in our location. Do you feel threatened?" kunot noo nyang tanong matapos akong biglang natahimik.

"Why would I?"

"'Coz you know, most of the people that they were up to are the 'gang leaders'" air qoute nya sa huling salita. "And those gang leaders are obviously 'us'. But wait, if they are killing higher officials in a gang, and they are moving from place to place... it seems to me that they are looking for something or maybe someone. What do you think?"

Hmm. May point sya.

"I guess you're right. But who or what will that be?" nag-isip pa ako sandali ng mga maaring posibilidad bago sya nakitang nagkibit balikat lang sa tabi ko. Waaw so helpful. "Okay research time! We will going to find out the reason before they even got a foot on our territory."

"Wait! I'm not done with my tea yet." reklamo nya na may nakakalokong ngiti bago humigop ulit sa hawak na tasa. 

"We don't have enough time left so come on!" hinila ko yung kamay nya pero ayaw nyang tumayo. Nakangiti pa rin ang loko, asar! Problema nito?

Kung gaganyan ganyan talaga sya mamamatay kami ng di oras. Kaya ang ginawa ko tinapik ko ng konti yung ilalim ng tasa habang umiinom sya. Ang labas, naibuhos ng wala sa oras yung tsaa sa damit nya kasunod ang sunod sunod na ubo na nangagaling sa kanya. I'm so proud of myself.

"Now you're done, so let's go?" sapilitan ko syang hinihila patayo sa inuupuan nya. 

"Urgh! This isn't fair. Why do I even have an evil bestfriend like you?" patuloy nyang reklamo. 



"Ate!" -- "Master!" sabay na tawag nila Nyree at Kelly na nakapagpapukaw sa aking atensyon.

"O Kelly, Nyree bakit?"

"Wala naman po pero tumawag si Lady Magdaleine kanina at gusto kang makausap" Oh great.



Paglabas ko ng bahay bumungad sa akin ang tatlong magarang kotse. May isang lalaking pinagbuksanan ako sa passenger's seat at pagkapasok ko tumambad sa akin ang naghihintay na Lady Magdaleine. 

"Err yes La-- Master Magdaleine?"

"I'm here because I'm concern about you.” Tumingin sya sa akin “Lately, medjo wala ka sa mood sa tuwing may training at minsan nahuhuli kitang lumilipad ang utak mo. Do you know how important this is to our family? To our Clan? You need to put a hundred percent of your attention to the training and to not think of anything else. Kung itutuloy mo pa ang pagiging ganyan, I'm afraid you won't fit to become our next Gangster Queen." 

Napayuko na lang ako. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin.

"Is it about… him?" tanong nya matapos walang makuhang sagot mula sa akin "If it is, you should know by now that his the enemy. Kalimutan mo na sya."

Iniangat ko ang tingin sa kanya pagkatapos marinig yun. Sa tingin ba nila ganun lang kadali yun?

"Madali nga pong sabihin pero napakahirap gawin." may tawang kumawala sa aking bibig, tawa na hindi man lang umabot sa mga mata ko. "Kung siguro isang lobo lang ang puso maari pang mangyari yun. Puputukin ko lang, tutusukin o kaya uupuan para pumutok. Pagkatapos nun wala na, pumutok na, wala ka ng mararamdaman. Pero hindi ko naman pwedeng gawin yun sa puso di ba? Imposible."


"But you should also remember na dapat unahin mo ang mas nakararami kaysa sa sarili mo. Are you willing to sacrifice your love for him and leave all your gangmates to be killed by his gang one by one? You should ask that to yourself before thinking anything stupid. Sa panahon ngayon dapat utak ang pinapairal at hindi puso. Dahil kung puso lang lagi madali kang lulubog at mahihirapang makaahon." 

 "Iba si Jace. Hindi nya gagawin yun."

"Then how sure can you be? Matagal na akong sa mundong 'to at kahit kailan wala akong nakilalang kabilang sa Gang na yan na mabait tulad ng tinutukoy mo."

"Pero hin--

"Stop. I don't want to hear anything about him. Kung ano ang puno sya din ang bunga. Kaya ngayon pa lang kailangan mo ng mamili. Is it love or responsibility?"

 

***

Tapos na ang pasko at nalalapit na naman ang pagsapit ng bagong taon. Ganito pa rin ang buhay ko wala ng pinagbago. Napakagulo. 

"Kahit ka pa ba? Late na naman ba ako?" halos mapatalon ako sa last step ng hagdan para lang makaabot sa rooftop ng mas mabilis. Nakangiti ko syang hinarap at syempre tulad ng dati mas nauna na naman sya sa akin ng mas maaga. Nakabulsa ang dalawa nyang kamay at nakasandal sa may pader malapit lang din sa pinto na kapapasok ko. 

Ewan ko ba kung bakit kahit mali paulit-ulit pa rin akong bumabalik sa piling nya. Dito sa rooftop kung saan kami laging nagkikita lagi nya akong sinasamahan at tinutulungan sa pagtugtog ko ng violin. Bakit kaya ganun? Ang tagal kong nabuhay sa galit dahil sa mga taong may kasalan kung bakit nawala si kuya pero ngayong isa sa kanila ay nasa harapan ko bigla bigla na lang nawawala.

Naiinis ako sa sarili ko bakit ganun? Bakit hindi ko magawang magalit sa kanya? Laging nagtatalo ang isip at puso ko sa mga oras na ganito. Kadalasan utak ang mas nangingibabaw -tulad nga ng sabi ni Lady Magdaleine- minsan gusto ko na lang lumayo kay Jace, kalimutan na nakilala ko pa sya at itigil na ang kahibangan ko sa kanya. Pero sa tuwing nakikita ko sya lalo na ang mga ngiti sa labi nya na ako mismo ang may gawa nanlalambot ako bigla, nawawala ang galit sa puso ko at nakakalimutan ko ang lahat kapag kasama ko sya. 

"Swing tayo dali!" hinila ko ang kamay nya nung nakarating kami sa park. Katatapos lang ng session namin sa rooftop kaya enjoy muna. Gusto ko munang kalimutan ang lahat ng responsibilidad ko kahit sa napakaikling oras lang. Hindi ko kasi alam kung kailan magtatagal ang kasiyahang nadarama ko ngayon. 

"Sige paunahan!" sabi nya. Nag-unahan kaming tumakbo pero makakamit ko na sana ang tagumpay ng pagkapanalo ng may mabunggo ako bigla. 

"Aray ang sakit." ang lakas din nun ah! ang sakit sa pwet.

"Panalo ak-- Serene!" tumakbo agad sa tabi ko si Jace at tinulungan akong tumayo. Pagkatapos, hinarap nya yung lalaki na nakabunggo sa akin. Ang laking tao! kaya pala hindi ko agad napansin eh -.-

"Tss. Ano ba yan miss bulag ka ba? Kita mo na nga kasing dumadaan ako takbo ka pa ng takbo ng hindi tinitignan ang dinaraanan mo." sabi ni kuya. 

"Hindi ka naman nya mababangga kung hindi ka tumatambay sa gitna ng daan." malamig na sagot ni Jace sa lalaki

"Aba at ako pa ang may kasalanan ngayon? Ingat ka sa sinasabi mo boy." tinulak nya si Jace ng konti na parang nanghahamon. Naku patay!

Minsan ko lang nakita si Jace na nakipag-away at hindi naging maganda ang kinalabasan. Idagdag mo pa na alam ko na na myembro sya ng B.S.G walang laban si kuya sa kanya. 

"Jace tara na." hinila ko yung braso nya nung nakita ko nang nagbuo sa kamao ang mga kamay nya. Nanatili lang ang eye to eye competition na nagaganap sa kanilang dalawa. "Jace! Hayaan mo na. Tara na!" sapilitan ko syang hinila palayo kahit ayaw nya talagang magpahila.

 

Hay salamat at nakalayo rin kami. Kahit na ba inabot pa ako ng ilang beses na pangungumbinsi sa kanya na hayaan nya na lang yung nangyari. Hindi naman ako nasaktan eh kaya okay lang!

"Dapat hinayaan mo na lang akong bugbugin ang lalaking yun." bulong bulong pa nya nung kumakain na kami ng hotdog sa isang sidewalk stand

Aba mabatukan nga 'to. Hindi na nakamove-on sa nangyari eh! "Sira. Bugbugin? Eh kung nasaktan ka?" ginulo ko yung suot nyang sumbrero sabay pisil ng ilong nya

"Aray naman!" reklamo nya "Eh ano kung nabugbog ako? Mas mabuti nga yun eh para magpapa-alaga ako sayo."


Hansaveh?! Itong mokong na 'to! sus pasalamat ka mahal kita eh.

"Aba natuto ka na rin ah!" biro ko sa kanya "Sinong nagtuturo sayo nyan? Si Nathan o Rico?" 


Inakbayan nya ako bigla sabay kiss sa pisngi ko "Nahawa lang ako sayo. Ang cute mo kasi eh." Pinisil pa nya yung dalawa kong pisngi kaya super namula ako ng bonggang bongga to the highest level!! Habang tumatagal talaga mas nagiging kumportable na sya sa akin at masaya naman ako doon. Malayong malayo na talaga sya sa Jace na una kong nakilala. 

Ito si Jace. Alam kong sa piling ko ito ang tunay na Jace. Mali si Lady Magdaleine sa inaakala nyang isa syang masamang tao. Kung kinakailangang baguhin ko sya para mapatunayan ko sa lahat na nagkakamali sila, gagawin ko. That's why me and Lady Magdaleine made a deal; I will change him within a week and if I failed I need to face the concequences. 

Third Person’s POV

F-Clef were here, in the location you sent us”

“Good. Remember to be careful.”

“Yes F-Clef.”

*toot*

 

“Ano nasabi mo na?”

“Oo naman. Tara na?”

Nagsimula na silang maglakad, mga grupo ng mga lalaki na nakikihalubilo sa mga taong nakapaligid. Nandun lang sila- pasimpleng nagmamatyag. Nagtatanong at nangangalap ng mga impormasyon para mayroong maihatid na balita sa kanilang mga pinuno.

Sa bawat parte ng katawan nila- nakatatak ang musikang simbolong ipinagmamalaki nila. Nasa magandang pamumuno at mamumuno ang isa sa mga dahilan kung bakit ang gang nila ang isa sa mga respetadong gang sa buong mundo. Kahit na ba tumiwilag ang dati nilang leader at umuwi dito sa Pilipinas, kahit kailan hindi nawala ang respeto nila para dito. Lumipas man ang panahon at kahit mapalitan man ang pinuno na namumuno sa kanila. Sa puso nila si G Clef lang at wala ng iba.

Flashback

“Hi! I’m Serene. Pinoy kayo di ba?”

Natapos na ang bugbugan at halos lahat ng nakalaban nila ay tumba na kanilang mga paanan. Hinihingal silang punasan ang tumutulong pawis sa kanilang mga noo kaya naman anong gulat na lang nila ng may marinig na boses di kalayuan.

“So what? What do you want? Who the hell are you anyway?!” naiirita nilang sambit sa direksyon ng isang babaeng nakaupo sa may mataas na parte ng pinagpatong na kahoy.

“You know what, you guys do have potentials. Why do you need to use it in such a brutal way?”

“Tsk. Sino ka ba? We decide whatever we want to do. Who cares anyway?”

“I do.”

“Psh. Nonsense. Go home little girl. A place like this was never been for a little girl like you.” Tumalikod na sila dito at nagsimulang maglakad palayo. Bawat isa ay may hawak ng pakete ng sigarilyo o kaya plastik ng illegal na droga na nakalap nila mula sa natalong gang kani-kanilang lang. Ito ang buhay nila at masaya sila dito.

 

“Aren’t you guys are the one who supposed to go home? What would your parents say if they see you like this? Your family will sure be worried.” mahinang pagbagsak ang narinig nila. Senyales na nakababa na ito mula sa mataas na inuupuan kani kanina lang.

“Oh shut up. Family? What the hell is a family?” tawa nila “Pamilya ba ang nagtatakwil ng sarili nilang anak? Hinahayaan silang mag-isa? Pinapabayaan? Sinasaktan? Tsk. Family is a crap. There is no such thing as family. Nobody cares about us, not even our parents. Kaya why would we care for ourselves anyway? This is our life so deal with it.”

 

Unti unting humakbang papalapit sa kanila ang babae—Serene, pangalang bigla nilang naalala. Kasing kalma ng pangalan nyang ‘serene’ ang pinapakita nyang mukha sa kanila. ‘Hindi ba sya natatakot sa amin?’ salitang umiikot sa kanilang isipan noong panahon na yun.

 

“That’s a ‘crap’ thing to say.” Una nilang nasilayan ang ngiti sa kanyang mukha. “Yan?” turo nya sa mga hawak nilang plastik ng droga “Yan ang buhay nyo? Tsk. What if I tell you that there is so much more to life somewhere else more than that?”

“Psh. Lies.”

“I’m giving you a chance to escape this life  because you deserve so much better...”

Tuloy tuloy lang ito sa paglalakad hanggang huminto sa harapan nila na tila ba walang naririnig sa mga reklamo nila.

“I’m creating a group... a group where we protect each other, a group where no one will ever hurt you again... a group where you could call a family of your own...  I’m offering this once in a lifetime chance because I know you’re all worth it.”

 

End of Flashback

Hindi nila alam kung anong pumasok sa utak nya kung bakit sa dinami rami ng tao sa mundo sila pa ang napili nya. Pero masaya sila dahil nakakilala nila ang isang tulad nya. Wala sila ngayon kung hindi dahil sa kanya. Sila ang mga taong wala ng paroroonan ang buhay noon sa Canada pero nagbago ang lahat ng yun ng makilala nila ito.

Kaya para kay G-Clef gagawin nila ang lahat kahit buhay pa nila ang kapalit.

 

Malinis silang magtabaho lalo na sa mga ganito kadelikadong misyon. Ni minsan sa haba ng panahon na inilagi nila sa grupo na pinamumunuan ni G-Clef ay hindi pa sila pumapalpak. Sinisikap talaga nilang hindi magkamali dahil ayaw nilang mawala ang tiwala at binigay na pagkakataon sa kanila ng kanilang master. Ayaw nilang mawala ang bagong pamilya na ipinagkalaob sa kanila kaya ganun na lamang ang pag-iingat nila.

“Ano may nakalap na ba kayong impormasyon?” tanong ng isa sa kanila. Nagsitanguan ang halos lahat matapos ang halos magdamag na pagmamatayag at pagtatanong sa mga tao. Handa na silang umuwi para ihatid ang magandang impormasyon sa kanilang master ng may bigla na lamang humarang sa kanila.

“Not so fast.” Ngiting aso ng isang lalaki sa kanila. Sunod sunod na dumating ang mga kasama nito. Wala pang ilang sandali napalibutan na sila ng mga ito “Pwede bang malaman kung anong ginagawa ng mga katulad nyo sa teritoryo namin?”

“Hindi nyo ba nakikita? Mga sibilyan kami?” pagmamaang maangan nila sabay taas ng mga kamay para ipakita na hindi sila armado.

‘Hanggat maaiwasan ang away, iwasan nyo. Pwera na lang kung kinakailangan na talaga doon lang kayo lumaban’— isa sa mga salitang natutunan nila kay Gclef. Nanatili silang kalmado dahil dito.

“Psh. Sibilyan nga ba? Tingnan natin.” Nakakatakot na ngisi ng lalaki na unang nagsalita kanina bago tumango sa mga kasama nyang nasa likod na nakasuot ng itim at may tattoo na dragon na bahagyang natatakpan ng suot nilang damit.

Mga myembro ng B.S.G! sigaw ng kanilang mga isipan at agad na nagtinginan sa isa’t-isa. Hindi maganda ‘to.

***

Just so u know ^^ I will probably end this story at Ch.70 para walang butal XD change of plan!! haha 

-G.Jade

Continue lendo

Você também vai gostar

56.5M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
5.3K 239 7
"I hate it when I get pissed. You wanna know why? Nanghahalik ako." - Dr. KKP "I have everything. I get everything I want. Ikaw nalang ang kulang."...
232K 6.1K 59
She loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in...
1.7M 89.7K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...