Adrianna Rose Campbell POV
Habang naglalakad kami sa hallway ay may malakas na sigawan ang nangyari. Lahat ng mga estudyante ay pumunta sa gate kaya pumunta rin ako. Nakayuko lahat ang mga estudyante pati na rin ang mga royalties.
"What the hell is happening?"-takang tanong ko habang pinagmamasdan silang nakayuko.
Napatingin ako kay Roselyn at Prim na nakatayo lang gaya ko.
"All hail to the Queen and King of Soul Kingdom!" Sigaw nang kung sino kaya napatanga ako.
Andito sina Mommy and Daddy?!
So matagal nang pumupunta sina Mommy at Daddy dito?
Napatingin sa akin sina Prim at Roselyn. Nagkibit-balikat lang ako. Hindi ko naman alam kung anong gagawin nila rito.
Nakita kong tumigil ang karwahe at lumabas si Mommy, sumunod si Daddy habang bitbit Baby Sai gamit ang damit nito. Sumunod naman na bumaba si Angelica na nakayuko.
"Sai?"- sabay sabay na bulong ng mga royalties at pasikretong tumingin sa akin. Nag fake cough lang ako at saka tumingin sa malayo.
Damn....
"Arrghh! Let me go, you old man!!"-sigaw ni Baby Sai habang nagpupumiglas.
Tumatawa lang nang mahinhin si Mommy habang pinagmamasdan sina Daddy at Baby Sai.
"Stop that already Darling"-mahinang saad ni Mommy kaya binitawan agad ni Daddy si Baby Sai.
"Grrr. I hate you old man!!"-sigaw ni baby Sai habang pinagsisipa nang mahina si Daddy.
"Go baby! Sipain mo lang siya! Ipaghiganti mo ang Daddy mo!!"-mahinang cheer ni Prim habang pinapanood si Baby Sai na sinisipa pa rin si Daddy.
Hinawakan ni Daddy ang mukha ni baby Sai at nilayo sa kanya.
"Stop that brat"-umiiling na saad ni Daddy kaya nagpapapadyak si baby Sai.
Tumigil sa pagpapapadyak si Baby Sai at saka tumingin sa paligid.
"Ohh! Anong tinitingin-tingin ninyo?! Gusto niyo bang makipaglaro sa akin ha?!"-sigaw niya kaya binatukan siya ni Mommy.
Kawawa naman baby Sai ko sa mga magulang ko. Tsk.
"Stop that sweety. You are a Princess, so act like a princess"-seryosong saad ni Mommy kay baby Sai kaya tumigil si Baby Sai at tumingin sa buong paligid.
"Princess?!"- mahinang bulong nila at tumingin ulit sa direksyon ko kaya umiwas ulit ako.
Tumingin ulit ako kay Baby Sai at saktong nagtama ang paningin namin ngunit umiwas agad siya at saka yumuko na parang isang princesa.
"Magandang umaga sa inyong lahat. Salamat sa ma-init na pagbati. Kami ay nagagalak. Pwede na kayong tumayo nang matuwid"-magalang na saad ni Baby Sai kaya napabungisngis ako.
Ahahha only Mommy can do that to her.
Pinagmasdan ko si Baby Sai hanggang sa nag roll eyes ito. Kaya mas lalong napabungisngis ako.
"Adrianna Rose Campbell and aso I mean Prim Daxton Howard. I want the two of you in Hm Office."-seryosong saad ni Daddy habang nakatingin sa pwesto namin.
Napatingin sa amin ang mga estudyante habang may pagtataka sa kanilang mga mata. Lalo na ang mga royalties.
Yumuko kaming pareho ni Prim sa kanila.
Well hindi pa alam ng mga royalties na isa rin akong prinsesa.
Umalis na sila Mommy, Daddy, baby Sai at si Angelica. Umalis na rin ang mga estudyante. Parang balik sa dati na puro bulungan at hiyawan para sa mga prinsipe at mga prinsesa.
Pero seryoso lang ang mga Prinsipe at Prinsesang nakatingin sa amin ni Prim kaya umubo ako saka hinila si Roselyn at tumakbo nang matulin. Ganon din ang ginawa ni Prim.
"Hoy!!!"-rinig naming sigaw nila kaya tumakbo lang kami papalayo.
***
Nanatili lang kami sa garden hanggang sa naisipan naming pumunta na sa Hm office.
"Kayong dalawa lang naman ang sinabing pumunta ah! Bakit kailangang sumama pa ako sa inyo?!"-inis na sabi ni Roselyn habang nagpupumiglas sa hawak ko.
"Samahan mo lang kami"-giit ko naman sa kanya kaya ngumuso siya.
"Ano ako bodyguard?"-tanong niya sa sarili niya.
"Parang ganon na nga"-kibit-balikat na sagot ko.
"Pakyu sagad Adrianna"-gigil niya kaya napatawa ako.
"Watch your words."-seryosong saad ni Prim. Kaya nagroll eyes lang si Roselyn sa kanya.
"Tanggalin mo na nga yang maskara mo!"-saad ni Roselyn pero umiling si Prim.
"Edi dapat mag mask din si Adrianna! Para walang umagaw sa kanya, sa'yo"-suggestion ni Roselyn kaya napatingin ako kay Prim na tumigil sa paglalakad habang nakatingin sa akin.
"No, kung si Adrianna na mismo ang possessive hindi ko na kailangang mag-alala. Alam kong ako lang wala nang iba."-seryosong saad niya kaya nag roll eyes si Roselyn sa kanya, kaya napangiti ako.
Habang naglalakad kami ay bumungad sa akin ang mga royalties sa harap ng Hm Office habang nakatingin sa pwesto namin.
"Come on Adrianna, kanina ka pa nila hinihintay"-nakangiting tawag sa akin ni Elisana kaya napatampal ako sa noo.
Wala na kaming nagawa kundi ang lumapit sa kanila. Papasok na sana kami ni Prim pero humarang sina Elisana, Tenleigh at Persephone.
"No, you can't lakad lakad to enter this office! Bigyan mo us ng answer sa question namin"-napatitig ako kay Tenleigh at saka tumingin sa mga royalties na may pagtataka.
"Don't mind her. As always naman hindi naiintindihan yang babaeng yan"-umiiling na saad ni Persephone kaya nagka-initan na naman sila ni Tenleigh.
"So, who are you Adrianna Rose Campbell?"-tanong ni Elliott kaya impit na tumili si Roselyn sa likuran ko.
"Gosh! Ang hot niya! Pero mas hot kung pangalan ko ang sinabi niya"-nakangusong sabi ni Roselyn kaya napa-iling kami.
"Sino ka?"-sabay sabay na tanong nila sa akin. Nang biglang bumukas ang pinto.
"Mommy!"-sigaw ni Baby Sai pagkabukas sa malaking pinto at saka yumakap sa akin.
You save me, baby Sai!
"Interrupting a conversation is unappropriate for a Princess. Mavis Sai Howard"-seryosong saad ni Mommy kaya mabilis na yumakap si Baby Sai sa akin.
Yumuko naman ang mga royalties sa kanila.
"Mom, stop that already"-hindi natutuwang saad ko. Alam kong ginagawa lang nila iyon for her good. Pero kung pinipilit nila, that's not good already.
Seryosong tumingin sa akin si Mommy.
"What a sharp tongue you have, Adrianna Rose Campbell."-seryosong saad ni Mommy. Sharp tongue sinasabi mo jan Mommy. Psssh.
"My sweetie!"-sigaw ni Daddy at mabilis na yumakap sa akin. Hindi niya pinansin ang palitan namin ni Mommy ng mga salita.
Kumalas sa pagkakayakap si Daddy sa akin at tumingin kay Prim.
"And the dog is here too with his new outfit"-giit ni Daddy habang tumatawa kaya napa-iling ako sa kalukuhan ni daddy.
"You are the one who summoned me"-seryosong sagot ni Prim kaya tumawa si Daddy.
"And the royalties are here too. Wag na kayong yumuko mga prinsipe at mga prinsesa ng iba't ibang kaharian. Ako'y nagagalak dahil naging kaibigan kayo ng aking anak"-nakangiting saad ni Daddy kaya ngumiti ang mga Royalties ngunit nagtataka pa rin sila.
"Introduce yourself, my sweetie"-nakangiting saad ni Daddy kaya tumingin ako sa mga royalties at yumuko.
"I'm Adrianna Rose Campbell, thread manipulator, The Soul Keeper and the princess of Soul Kingdom"
✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨
Sorry parang ang pangit nito huhuhu
God bless you and keep safe always