Sapat na ang minsan mo akong...

By Iam_Sorowenpein

2.1K 167 7

Kwento ng kambal na pinaglayo ng tadhana. Ang isa ay lumaki sa karangyaan at ginhawa. Habang ang isa naman ay... More

SNAMMAI 01
SNAMMAI 2
SNAMMAI 3
SNAMMAI 4
SNAMMAI 5
SNAMMAI 6
SNAMMAI 7
SNAMMAI 8
SNAMMAI 9
SNAMMAI 10
SNAMMAI 11
SNAMMAI 12
SNAMMAI 13
SNAMMAI 14
SNAMMAI 15
SNAMMAI 16
SNAMMAI 17
SNAMMAI 18
SNAMMAI 19
SNAMMAI 20
SNAMMAI 22
SNAMMAI 23
SNAMMAI 24
SNAMMAI 25
SNAMMAI 26
SNAMMAI 27
SNAMMAI 28
SNAMMAI 29
SNAMMAI 30
SNAMMAI 31
SNAMMAI 32
SNAMMAI 33
SNAMMAI 34
SNAMMAI 35
SNAMMAI 36

SNAMMAI 21

43 3 0
By Iam_Sorowenpein


Sa loob ng kotse na minamaneho ni Brix ay tahimik lang si Rylie na nakamasid sa bintana at pinapakiramdaman ang kanyang amo.

'san kaya kami pupunta? Grabe, bakit kaya parang ang init ng ulo ni sir Brix?' sa isip ni Rylie at pasimpleng sinulyapan si Brix kahit kinakabahan.

Napagmasdan lang ni Rylie ang napakagwapo at seryosong mukha ni Brix na nakatuon lang sa kalsada.

Hindi niya namalayan na parang naaliw na siyang pagmasdan ito na agad namang napuna ni Brix.

"bakit? May dumi ba sa mukha ko? Alam kong di pa ako naliligo pero di ko naman kinalimutan mag toothbrush at maghilamos" si Brix na nanatili pa ding nakatuon ang mata sa kalsada habang nagmamaneho.

"wala po sir Brix, nagtataka lang po ako kung san tayo pupunta? Di ba po kakadating lang ng mga magulang niyo po?" si Rylie na namula at talagang kinakabahan.

'grabe, tama pala si Dianne, minsan ay tinotopak nga si sir Brix, pero totoo kayang nagiging halimaw siya?' pahabol ng isip ni Rylie.

Sa pagkakadinig ni Brix sa pagbangit ni Rylie ng kanyang magulang ay bigla namang humigpit ang kapit nito sa manebela.

"sa condo ko" malamig na tugon ni Brix na tila pinilit niyang walang emosyon na lumabas sa kanya at nanatili pa ding nakatuon sa kalsada.

Napalunok na lang si Rylie sa malamig na trato sa kanya ni Brix at muli nalang itong humarap sa bintana.

'sabi ko nga, tatahimik na lang ako' sa isip-isip ni Rylie.

************

Sa bahay ng mga matsuda. . .

Alalang alala naman si madam Yumi kay Harajima dahil sa parati nalang itong inuumaga ng uwi at minsan ay sobrang lango pa sa alak, kaya agad niyang kinompronta ito.

"Harajima, i wanna talk to you" si madam Yumi pagkakita palang kay Harajima na nakatambay sa terrace at tila masakit pa ang ulo.

"about what lola? Parang wala naman pong dapat pag usapan" si Harajima at agad naupo.

"Harajima, tell me, is there something wrong? Araw araw na lang anung petsa ka na kung umuwi, tapos minsan sobrang lango ka pa sa alak, di ka naman ganyan hijo" si madam Yumi na umupo kaharap ni Harajima.

"its nothing la, just personal problems" maigsing tugon ni Harajima.

"personal problems? Come on Harajima, tell me, i know you, halos ako na ang tumayong ina mo, gusto lang kitang mapabuti" pag aalala ni Yumi.

"its not that big deal, i just want to have some fun thats all" palusot nalang ni Harajima.

Nagdududa naman si madam Yumi sa tugon ni Harajima, pero naisip niya nalang na hindi pa ito handang magsabi ng mga suliranin nito.

"if thats what you insist, pero dont forget about your obligations, about our family business, alam mo naman na ikaw ang gusto kong mamahala sa kumpanya natin kaysa sa koji na yun" paalala ni madam Yumi.

"kahit naman po gustuhin ko na ako ang susunod na magpatakbo ng negosyo natin ay hindi naman ipagkakatiwala sa akin yun ni uncle, tsaka si Koji ang mas may karapatan sa aming dalawa, nag iisang anak siya ni Uncle, sino ba naman ako diba? Ni hindi ko nga alam kung talagang kabilang ako sa pamilyang to, ni hindi ko nga nakilala man lang ang mga magulang ko, malay ko ba kung napulot lang ako" si Harajima na tila unti unting namumuo ang luha sa kanyang mga mata.

Agad naman nahabag si Yumi at agad niyakap ito.

"wag mong sabihin yan, hindi ka basta napulot lang okay? Wag kang mag alala, makikilala mo din kung sino ang mga magulang mo, at eto ang tatandaan mo, may karapatan ka din dito sa pamilya na ito hindi lang ang Koji na yun, maliwanag?" paniniguro ni Yumi na labis nag iwan ng katanungan sa isip ni Harajima.

**********

Sa boarding house na tinutuluyan ni Steven. . .

Hawak ang cellphone ay nagdadalawang isip si Dteven kung itetext ba niya si Dianne o hindi.

"pre alam mo isang oras mo nang hawak yang cellphone mo, kahit titigan mo ng matagal yan hindi matutunaw yan, ang mabuti pa itext mo na, kung ayaw mo eh di ako nalang ang magtetext at take note, tatawagan ko pa" biro ni Felix.
.
"loko loko, syempre no, busy na tao si ms.Dianne, baka mamaya eh makaistorbo pa ako sa kanya" tugon ni Steven na nilalaro laro nalang ang cellphone sa kanyang kamay.

"kaya nga po itetext mo muna eh, wala namang masama dun, hina mo talaga" si Felix at napakamot nalang ito sa kanyang ulo.

Sakto naman at bigla nalang nag ring ang cellphone ni Steven, agad niya itong sinagot ng makita na si Dianne ang tumatawag.

"good morning, i hope na hindi ako nakakaabala?" pambungad ni Dianne sa kabilang linya.

"good morning din po ms. Dianne, nako hindi po, napatawag po kayo?" tugon ni Steven.

"uhm kasi, gusto ko sanang itanong kung, ano nga ba ulit ang pangalan mo?" si Dianne.

"Steven po" pagpapakilala nito.

"ah, Steven pala, anyway, uhm may free time ka ba? Gusto kasi sana kitang ayain sa labas eh, sabihin nalang natin na pasasalamat ko ulit ito sayo" si Dianne.

Di na nagdalawang isip pa si Steven na pumayag dahil tamang tama at matatanong na niya ito tungkol kay Reya.

"uhm, meron po ma'm mga after lunch po, pwedeng pwede po ako nun, uhm saan po ba?" tugon ni Steven.

"yehey! Buti naman at pumayag ka, itetext ko nalang sa iyo yung lugar okay? Can't wait to see you, kita kits nalang maya okay? Bye" masayang tugon ni Dianne.

"sige po ms.Dianne" pagtatapos ng usapan nila.

Agad namang naintriga si Felix sa pinag usapan nila Steven.

"what? Niyaya kang kumain sa labas? Pre, ibang level talaga yung kapogian mo, biruin mo sikat na modelo ang nagyaya sayo?" pagkamangha ni Felix.

"grabe ka naman, nilagyan mo agad ng malisya, pasasalamat niya daw yun, tsaka eto na din ang pagkakataon ko para matanong yung tungkol kay Reya" tugon ni Steven.

"asus, pustahan tayo tinamaan sayo yung Dianne na yun, lakas ng appeal mo! grabe pare kaingit ka talaga" pagkantyaw ni Felix.

"hay nako, tumigil ka na nga, buti pa ay mag aayos na ako" nasabi nalang ni Steven.

"sige na, excited ka lang eh" pahabol ni Felix.

************

Di naman nagtagal at nakadating na sila Rylie sa condo ni Brix at talagang namangha siya sa ganda at ayos nito.

Pagkapasok na pagkapasok palang nila ay agad naman na nag alis ng pantaas si Brix (hudyat na maliligo na siya) na labis namang ikinagulat ni Rylie.

Di naalis sa paningin niya ang magandang katawan ni brix na alagang alaga talaga sa gym.

Tila naging estatwa at talagang napalunok nalang si Rylie sa nakita niya na agad namang napansin ni Brix.

"nakalimutan ko kasama nga pala kita (sabay kuha ng bathrobe at isinuot ito) nasanay kasi akong mag isa lang pag nandito, pakiluto naman ako ng makakain, maliligo lang ako" si Brix at agad pumasok sa banyo.
.
Nahimasmasan naman si Rylie at talagang pulang pula sa kanyang nakita.

Bago magluto ay inilibot muna niya ang kanyang paningin sa paligid.

Simple lang ang laki at ayos ng condo, ang ikinamangha ni rylie ay ang kalinisan at kaayusan nito para sa isang lalaking kagaya ni Brix.

Habang nagluluto si Rylie ay nagvibrate naman ang kanyang cellphone at agad naman niyang sinagot ito.

"hello? Dianne? Napatawag po kayo?" si Rylie habang busy sa paghahalo ng kanyang niluluto.

"Rylie, nasan ka na ba? Nag aalala na ko sayo, iniisip ko tuloy na baka nga pinalayas ka nila mom at dad" pag alala ni Dianne.

"sorry po, nandito ako sa condo ni sir brix, bigla niya kasi akong sinama dito kaya di na po ako nakabalik dyan" tugon ni Rylie sabay tikim sa kanyang niluluto.

"sa condo ni kuya? Nako tiyak na nagpapalamig yan ng ulo, pagpasensyahan mo na si kuya ha? Tinopak nanaman eh" si Dianne.

"mukha nga po, pero, hindi naman siguro magiging halimaw si sir b
Brix hindi po ba?" si Rylie na medyo kinabahan.

"ahahaha, ikaw naman Rylie, masyado ka namang kinakabahan kay kuya, siyempre hindi no, wag mong seryosohin yung biro ko kay kuya, ay oo nga pala may sasabihin ako sayo, my gosh Rylie! inimbitihan ko yung lalaking ikwinento ko sayo for a simple date" si Dianne na biglang kinilig.
.
"talaga po? wow, i'm happy for you, may chance na kayo para makilala ang isa't isa" tugon ni Rylie na naimagine kung gaano kakilig ngayon si Dianne.

"and guess what Rylie, alam ko na kung anung pangalan niya, siya si ste***" si dianne ng hindi na marinig ni Rylie ang huli niyang sinabi dahil sa pagtawag sa kanya ni Brix.

"nako sorry po, tinatawag ako ni sir Brix, mukhang may kailangan si sir eh" paalam ni Rylie kay Dianne na naintindihan naman nito.

Agad naman na pinuntahan ni Rylie si Brix sa kwarto nito at nanlaki talaga ang mga mata niya ng makita na nakatapis lang si Brix.

Agad na tumalikod si Rylie at talagang sobrang namula sa kanyang nakitang napakagandang katawan ni Brix na talagang fresh from the shower pa ang datingan.

"bakit Rylie? ngayon ka lang ba nakakita ng ganitong katawan? (napailing at agad kinuha ang bathrobe) ngayon pwede ka ng humarap" si Brix at agad inayos ang kanyang susuotin.

"pasensya na po sir Brix, di lang po ako sanay, may ipag uutos po ba kayo?" si Rylie at inayos ang kanyang sarili pero di pa din gaano makaharap kay Brix ng maayos, ang hot kasi ng wet look na hitsura nito.

"uhm, dito na muna ako mamamalagi sa condo, and to be exact, pati ikaw, kailangan ko ng mag aasikaso para sa akin" paliwanag ni Brix.

"mag aasikaso po?" tanong ni Rylie na tila gusto niyang linawin kung anu ba ang saklaw ng pag aasikaso na iyon.

"oo, busy kasi akong tao kaya wala na akong panahon magluto, mag linis at kung anu pa, besides gusto ko ang mga luto mo" paliwanag ni Brix at na ikinatuwa naman ni Rylie dahil naapreciate niya ang pagluluto nito.

*********

Sa mansion ng mga dela merced....

Nagpapahinga ang mag asawa na sina Marcelo at Luisita habang nanonood ng telebisyon kasama si manang.

"hay nako Marcelo, ilang araw nanaman hindi uuwi dito si Brix niyan" si Luisita habang nakatutok sa telebisyon.

"malaki na yung anak natin, hayaan muna natin siyang mag muni muni, baka sakaling sumagi sa isip niyang balikan si Vanessa" tugon ni Marcelo.

"tama po kayo dyan sir" bigla nalang sabat ni manang na talaga namang ikinagulat nila Marcelo at Luisita.

"teka lang anong ginagawa mo dito manang?" pagtataka ni Luisita.

"sensya na po ma'm nakinood lang po, sabi ko nga po magluluto na ako eh" si manang at agad tumayo pabalik sa kusina, sakto naman biglang tumunog ang doorbell.

Agad na tinugon ni manang kung sinuman ang tao na iyon at di nagtagal ay agad din niya itong ibinalita.

"manang sino iyon?" tanong ni Luisita.

"eh ma'm mapilit po talaga siya eh, kailangan daw po kayong makausap, Martha martinez daw po ang pangalan niya" saad ni Manang.

Sa pagkakadinig ng pangalan na iyon ay labis itong ikinagulat nila Marcelo at Luisita . .

Itutuloy. . .

Continue Reading

You'll Also Like

338K 492 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
1.2M 24.3K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
36.4K 1.1K 40
As a assassin , Charlotte Vinci is best at kill . Shes a college student , currently studying in Medical field. And in her free time , shes studying...
139K 7.4K 59
[ Gay x Straight | Romace | Comedy ] Inis, irita, kapre, lucifer, masama, iyong lahat nalang ng puwede mo masabi kapag nakaharap mo sila? Iyong mapap...