His Story To Tell (R-18)

By darlinreld

555K 19K 8.4K

How will you correct the mistake that you've done because of your past? More

Teaser
HSTT - 1
HSTT - 2
HSTT - 3
HSTT - 4
HSTT - 5
HSTT - 6
HSTT - 7
HSTT - 8
HSTT - 9
HSTT - 10
HSTT - 11
HSTT - 12
HSTT - 13
HSTT - 14
HSTT - 15
HSTT - 16
HSTT - 17
HSTT - 18
HSTT - 19
HSTT - 20
HSTT - 21
HSTT - 22
HSTT - 23
HSTT - 24
HSTT - 25
HSTT - 26
HSTT - 27
HSTT - 28
HSTT - 29
HSTT - 30
HSTT - 31
HSTT - 32
HSTT - 33
HSTT - 34
HSTT - 35
HSTT - 36
HSTT - 37
HSTT - 38
HSTT - 39
HSTT - 40
HSTT - 41
HSTT - 42
HSTT - 43
HSTT - 44
HSTT - 45
HSTT - 46
HSTT - 47
HSTT - 48
HSTT - 49
HSTT - 50
HSTT - 51
HSTT - 52
HSTT - 53
HSTT - 54
HSTT - 55
HSTT - 56
HSTT - 57
HSTT - 58
HSTT - 59
HSTT - 60
HSTT - 61
HSTT - 62
HSTT - 63
HSTT - 64
HSTT - 65
HSTT - 66
HSTT - 67
HSTT - 68
HSTT - 69
HSTT - 70
HSTT - 71
HSTT - 72
HSTT - 73
HSTT - 74
HSTT - 75
HSTT - 76
HSTT - 77
HSTT - 78
HSTT - 79
HSTT - 80
HSTT - 81
HSTT - 82
HSTT - 83
HSTT - 84
HSTT - 85
HSTT - 86
HSTT - 87
HSTT - 88
HSTT - 89
HSTT - 90
Epilogue

HSTT: Special Chapter 1

7.5K 280 338
By darlinreld

Reginy's POV

"Kuhanan mo 'ko ng pinya. Gusto ko 'yung walang mata."

"Walang mata?! Ano ba naman 'yan, Reginy? Alien ka ba?!" Bulyaw niya sa akin at parang nandidilim ang paningin ko sa pag sagot sagot niya sa akin. Ang kapal ng mukha nito! Iniinis niya nanaman ako!

"Binuntis buntis mo 'ko tapos ngayong naglilihi ako nag rereklamo ka?!" Sigaw ko rin sakaniya.

"Aba't kasalanan ko ba kung competitive 'yang sperm kong 'yan at pinasok ang egg cell mo?" Pangangatwiran niya and I swear he's getting into my nerves.

"Lagi mo nalang akong inuutusan! Ilang buwan mo na akong pinapahirapan!" Dagdag pa niya.

"Walanghiya ka!"

Binato ko sakaniya ang yakult na nasa tabi ko pero mabilis niya itong nasapo. Ofcourse, he can easily catch it. Sisiw lang sakaniya 'yan.

"Kung ayaw mo, edi huwag. Ako nalang kukuha mag isa."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko atsaka siya inirapan. I started walking at hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko na ang mga bisig niyang nakayakap sa akin. I bit my lower lip to stop myself from smiling.

"Joke lang. Ako na ang hahanap. Upo ka na ron." Malambing na sabi niya atsaka niya ako hinarap sakaniya. He kissed my forehead and hugged me again.

"Papaluin ko sa pwet 'yang anak natin kapag lumabas na siya. Ang daming hanap sa buhay. Ba't hindi nalang niya isipin kung paano niya idedevelop ang sarili niya sa loob ng tiyan mo."

"Baliw."

Humiwalay siya mula sa pagkakayakap niya sa akin and he cupped my face.

"Ganito ka rin ba noong ipinagbubuntis mo si Ivan at Cole?" Malumanay na tanong niya at tumango na lamang ako.

Kung anu ano ang hinahanap ko noon at madalas ay umiiyak na lamang ako dahil walang kukuha ng mga pagkain na gusto ko. Noong buntis ako kay Ivan si Kuya Red lang ang kasama ko pero madalas naman siyang wala noon kaya bumabawi lamang ako kapag kasama ko na siya. Same with Cole too. Kuya Raine was busy that time dahil kay Ryoga kaya wala rin akong mautusan.

"I'm sorry. I wasn't there for you on those times." Malungkot na sabi niya.

Nginitian ko na lamang siya. First time niya 'to, dahil ngayon ko lang siya makakasama na buntis ako.

"It's fine. Ngayon ka bumawi kaya lumabas ka na. Kumuha ka na ng pinapakuha ko."

"Opo boss."

Iniwan niya ako atsaka siya lumabas ng bahay namin. Umupo ako sa sofa kung nasaan kami kanina and I rested myself there. I focused my eyes on the television at nanood na lamang. Hinawakan ko ang tiyan kong malaki na ang umbok at hinimas himas ito. Ang bilis lumaki ng baby ko. Months from now ay lalabas na siya. I just can't wait to see my baby girl. And yes, babae ngayon ang anak namin.


"Mommy!"

I looked back and I saw Cole running towards me. Nakasunod si Coleen at Ivan sakaniya. They just came home from school. Hapon na rin naman at sumasakay lamang sila sa school bus. Nag i school bus silang tatlo dahil nga buntis ako kaya hindi na sila nasusundo ni Ryoga. OA kasi ng asawa ko at gusto niya magkasama lang kami lagi. At isa pa, naka school bus din sila Aster, Dwayne at ibang mga kaibigan nila. Gusto nila sama sama silang papunta at pauwi ng Rockwell. Umupo agad si Cole sa tabi ko at hinawakan niya ang tiyan ko.



"Hello baby. Nakauwi na ang Kuya mong pogi." He talked to my tummy.

Bigla namang gumalaw si baby sa tiyan ko at humagikhik si Cole dahil doon. Ivan sat on my other side habang si Coleen naman ay nasa harapan ko habang nakangiti.

"Ang laki na ni baby, Mommy." Coleen said.

"Oo nga. I'm so excited to see her, Mom." Ivan said too.

"Wait niyo lang siya lumabas mga Kuya at Ate ha?"

"'Yung crush ko nga hinihintay ko tuwing uwian, si baby pa kaya?" Maloko na sabi ni Cole atsaka ko siya piningot sa tenga. Loko loko talaga 'to. Hindi na nagbago.

"Anyway Mom, where's Dad?" Tanong ni Ivan.

"Umalis at may pinabili lang ako."

"Sus! Pinahirapan mo nanaman ang asawa mo." Pangbabash ni Cole sa akin. "Sana kapag nagkaasawa ako hindi siya maarte kapag naglilihi kung hindi ibabalik ko siya sa nanay at tatay niya." Tumatawa na sabi niya at mabilis siyang binatukan ni Coleen.

"Ang bata bata pa natin Kuya tapos ganyan na ang nasa isip mo. Tumigil ka nga."

Buti pa 'tong si Coleen, matino. Well Ivan too. Ewan ko ba ba't nagkaganito 'tong Cole na 'to.

"Ano pong pinabili niyo sakaniya, Mommy?" Coleen asked.

"Pinya na walang mata."

"What? Where he can find that kind of pineapple, Mommy? You're unbelievable." Seryoso na sabi ni Ivan.

"Bahala siyang maghanap. Diskarte niya na 'yon."

"Ayan. Buntis pa more." Cole said while laughing and he stood up. "Maliligo lang po ako, Mommy."

"Magpahinga ka muna ng thirty minutes before taking a shower."

"Okie dokie yoke!" He answered while dancing the steps on it. Ganyan 'yan e. Pabida masyado.

"You two, Ivan and Coleen. Go upstairs and take a shower. Rest muna ha?"

"Yes, Mommy." Sabay na sagot nila.

Umakyat silang tatlo sa taas at naiwan ako ritong mag isa. Gosh! Wala pa pala kaming dinner. Umalis si Ryoga at walang magluluto. Siya ang nagluluto ng mga pagkain namin dahil ayaw niya akong pakilusin sa bahay. Tumayo na lamang ako at dumiretso ng kusina because I don't have any choice but to cook. Nandirito na ang mga bata. I opened the refrigerator and I scanned the frozen meat. Ano naman kayang lulutuin ko?

Dinig ko ang pag ring ng cellphone ko mula sa living room at bumalik ako ron. I saw Kuya Luke's name on my screen and I answered it.





"Hello, Kuya?" Sagot ko.

"Anong ginagawa ni Ryoga? Bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko? Nagtatampo pa rin ba siya sa akin?"

"Nagtatampo?"

"Oo. Nagtampo siya noong isang araw dahil hindi ko siya nasamahan bumili ng gusto mong kainin e."

Ba't hindi ko alam 'yon? May tampuhan palang nangyari sakanila?

"Wala siya rito, Kuya. Pinabili ko ng pinya."

"Ah sige. Pupunta nalang pala ako riyan. Aayain ko sanang uminom. Susuyuin ko lang."

"Sige Kuya. Hintayin kita at ikaw nang magluto ng dinner natin, ha?" Masaya na alok ko sakaniya. Miss ko na rin ang luto niya e.

"Sige. Walang problema. Tawagan ko lang si Raine."

"Okay! Ingat!"




I waited for Kuya Luke to come and he came after thirty minutes. Masaya ko silang winelcome at kasama niya si Aster. Sunod ding dumating si Kuya Raine at kasama naman nito si Dwayne. Kasing edad lang ni Dwayne si Cole kaya tropa tropa rin sila. Sila nila Aster.

"Mommy, kami muna manonood sa TV ha. Kanina ka pa nanonood e." Cole said at hawak hawak na nito ang remote. Ba't pa siya nagpaalam ano?

"Sige lang."

"Rej, what food do you want?"

I looked back and I smiled because it is Kuya Luke who is asking me. Medyo kinikilig ako dahil crush ko pa rin siya hanggang ngayon. Ni hindi siya nagbago kahit may asawa't anak na rin siya. Sa totoo lang niyan e mas lalo pa siyang gumwapo ngayon. I can say that he is a good husband and a father too.  

"Anything Kuya Luke. Surprise me."

"Okay."

Bumalik siya sa kitchen at tinoon ko na lamang ang atensyon ko sa mga bata. Ivan and Coleen are talking about their swimming training habang ang tatlo naman ay busy'ng busy sa pinapanood nilang music video. Fanboys sila ng Twice, ni Hyuna at Jessi. Lalong lalo na si Cole! Nagpabili ba naman ng mga albums sa tatay niya. 

Natawa na lamang ako nang makitang sumasayaw na silang tatlo at sumasabay sa choreo ng I Can't Stop Me ng Twice. Ang cucute nila!



"Hello mga bakla!"

I looked back when I heard a kid's voice. Automatic na nawala ang ngiti ko nang makita kung sino ito. Anong ginagawa niya rito? Hindi naman siya invited ah?

"Bryle, come here." Ivan said at tumakbo siya papunta kay Ivan. He sat beside him at nang makaupo siya ay nginitian niya ako na nagpa inis sa akin kaya inirapan ko na lamang siya.

"Grabe Auntie, kailan ka ba manganganak? Ang sungit mo pa rin sa akin."

"So?" Sagot ko sakaniya.

"Iintindihin kita sa abot nang makakaya ko hanggang mailabas mo 'yang bata sa tiyan mo."

"Kasama mo Daddy mo?" Coleen asked him.

"Oo, nasa kitchen na kasama sila Uncle Luke at Uncle Raine." 

Minsan nakokonsensya nalang ako sa nararamdaman kong inis kay Bryle pero hindi ko kasi mapigilan e. Isa siya sa mga pinaglilihian ko kaya madalang nalang siya magpunta rito sa amin dahil lagi akong nagagalit sakaniya. Buti na lang at naiintindihan niya ang kalagayan ko.

"Tairah! Halika rito!" Sigaw ni Cole at napalingon nanaman ako.

I saw Tairah together with Kuya Jayden. Kuya Jayd smiled at me and I just smiled back. I think may inuman session nanamang mangyayari ngayon na silang magkakasama. Nandirito sila e.

"Nasa kitchen sila, Kuya." Sabi ko sakaniya.

"Sige. Puntahan ko lang. Tai, doon ka muna sakanila."

"Okay."




Halos mabingi na ako sa ingay ngayon sa living room. They are all playing video games and I am just watching them. Tili ng tili si Cole at para siyang babae kung makasigaw. Kaunti na lang talaga kukuha na ako ng tape para mapatahimik siya.

"I'm back!"

I looked back and smiled when I saw Ryoga holding a big plastic bag. Napatingin ako sa plastic na dala dala niya at mabilis siyang lumapit at umupo sa tabi ko.

"Hoy mga bata. Ba't nanaman kayo nandirito sa pamamahay ko? Nandirito nanaman ba ang mga tatay niyong panget?"

"They are in the kitchen." I said." Buksan na natin 'yan." Excited na sabi ko.

"Ivan, kumuha ka nga ng plato ron saglit at kutsilyo. Magdahan dahan ka ha." Utos niya sa panganay namin.

Ivan ran going to the kitchen at binuksan ko na ang plastic. Lumapit si Bryle sa amin dahil ano pa nga ba ang aasahan mo riyan? May alagang dragon 'yan sa tiyan e.

"Bakit po ganyan ang itsura ng pinya?" Nagtataka na tanong niya at pati ako ay nagtaka dahil sa itsura nito.

"Ayaw kasi ng Auntie mo na may mata kaya ayan. Nilagyan ko ng stickers. Ilong na ngayon 'yan." Tumatawa na sagot ni Ryoga.

Natawa nalang din ako dahil shet! He put literally stickers around the pineapple! At ilong ang mga stickers! Jusko! Bakit ba ganito magisip ang asawa ko?

"Huwag ka na umapela, Reginy. Hindi na 'yan mata. Ilong 'yan. Kainin mo nalang 'yan."

Nang dumating si Ivan ay inalis ni Bryle ang mga stickers na nilagay ni Ryoga. Ryoga sliced the pineapple at naghati hati kaming lahat na nandito at kumain. He went to the kitchen afterwards at sunod ko na lamang narinig ay ang mga hiyawan nila Kuya sa kusina. Ang saya naman yata nila masyado?




"Reginy!" Kuya Luke called my name.

"Bakit?"

"Sawayin mo 'tong asawa mo!" Inis na sabi niya habang nakasunod sakaniya si Ryoga na tawang tawa.

"Why? What happened?"

"Come on, Luke. Ang KJ mo! Hindi ka naman ganyan dati. Nagbago kana talaga."

"Tangina mo. Magtampo ka nalang sa akin habang buhay pero hindi ko gagawin 'yang gusto mong gawin ko. Gago!"

"Ano ba 'yun?"

"Wala!" Sigaw ni Ryoga at hinila niya si Kuya Luke papasok ulit ng kitchen. Baliw talaga 'tong mga 'to kahit kailan.







Months have passed by at medyo nahihirapan na akong kumilos sa laki ng tiyan ko. Kabuwanan ko na at medyo kabado na ako dahil mararanasan ko nanamang umiri at sumigaw sigaw sa sobrang sakit.

"Okay ka lang?" Tanong ni Ryoga sa akin habang pababa kami ng hagdan. Inaalalayan niya ako parati at lagi siyang nakabuntot sa akin.

"Oo. Okay lang ako." Sagot ko sakaniya.

We walked going to the living room and we sat there. Sinandal ko ang likuran ko ron at naginhawaan ako dahil kanina pa ako nangangawit actually. Tinaas niya ang mga legs ko at pinatong sakaniya. He started to massage my legs.

"Hindi pa rin nawawala 'tong manas mo. Nakakatakot na ang mga binti mo." Nag aalala na sabi niya.

"Okay lang 'yan. Mawawala rin naman 'yan."

"Sabihin mo agad sa'kin kapag may masakit sa'yo ha?"

"Opo."

"Kinakabahan ako pucha."

Natawa ako sa itsura niya pati sa tono ng boses niya. Simula nang tumuntong ako sa pagka eight months ng pagbubuntis ko ay lagi nalang siyang kinakabahan. Lagpas isang buwan na siyang kabado.

"Alam mo mas kabado ka pa yata kaysa sa akin." 

"E sa ngayon ko lang naramdaman 'to e. This is my first time being with you while you're pregnant. Nag aalala ako sa'yo lalo na sa bata."

"Kalma ka lang. Nakadalawa na nga tayo 'di ba? Pangatlo na 'to kaya kayang kaya ko 'to. Relax ka lang."

"Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo at mararamdaman mo kaya mas lalo akong ninenerbyos. Kakakape ko rin siguro 'to. Hindi na nga ako mag i-Starbucks."

"Just trust me. I got this."

"Wow. Ang yabang."

"Dito ka nga sa tabi ko."

Umusog ako at binigyan siya ng space. Humiga siya sa tabi ko at yinakap ako. I massage his arm to calm him down. Nag alala na rin kasi ako sakaniya dahil hindi na siya masyadong makatulog nitong mga nakaraang araw kaka bantay sa akin. Hindi niya naman ako kailangang bantayan pero ginagawa niya pa rin. Natatakot daw kasi siya na baka bigla na lang akong manganak at wala siya sa tabi ko.

"This would be your first time seeing me to give birth and I want you to know that I can handle this well. Kung sapalagay mo mahirap na 'to, it would be harder once the baby is here with us."

"Why?"

"Mas mahirap mag alaga ng sanggol at palakihin ito."

"You're really a srong woman baby. You handled giving birth of our two sons without me. You raised them well too without me. Paano mo nagawa 'yon?"

"I was just thinking of you the whole time. You weren't with me so I have to be stronger."

"Inaatake mo naman yata ang pagkukulang ko noon?"

"Hindi ah. Ang gusto kong sabihin, nakaya ko 'to noon nang wala ka sa tabi ko kaya mas kakayanin ko 'to ngayon dahil nandirito ka na."

"Umi Eden ka na ha. Ang cheesy ng mga linyahan."

"Well, I'm just telling the truth!"

I know I'll do well because I have him now. He'll be my source of energy.







Ryoga's POV

Kanina pa ako hindi mapakali habang hinihintay ko ang pagdating nang napakabagal kong bayaw slash bestfriend na si Raine a.k.a pagong! Putragis na lalaking 'to. Ano kayang ginagawa niya at hindi pa rin dumarating hanggang ngayon?

"Nabibwisit na ako sa kapatid mo ha!" Pikon na sabi ko habang nandirito kami sa kwarto namin sa St. Mary. Sinugod ko na siya rito sa hospital at pina admit.

"Kumalma ka nga." Inis na sabi ni Rej sa akin.

"Kumalma? Paano ako kakalma e kailangan ko na siya ngayon?!"

"Dad, ang oa mo." Sabi ni Cole habang naglalaro ito sa ipad niya.

"Manganganak na ang nanay mo tapos sasabihan mo 'kong oa? E kung ikaw kaya ang ipasok ko pabalik sa tiyan niya?"

"Edi unge unge."

Binatukan ko siya nang mahina dahil napakaloko talaga ng batang 'to.

"Daddy, heto na po si Uncle Raine."

Napalingon ako at saktong kakapasok palang ni Raine kasama si Luke. Agad ko siyang nilapitan at sinampal ko ang mukha niya.

"Tangina mo inaano kita?" Inis na sabi niya.

"Gago ka kanina pa kita hinihintay!"

"Anong kanina pa?! Wala pa ngang ten minutes nang tawagan mo 'ko. Demanding ampota!"

"Ten minutes palang ba? Akala ko ten hours na ang lumipas."

Kinakabahan kasi ako punyeta! Hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang sarili ko simula nang gisingin ako ni Reginy kaninang alas dos at sinabing sumasakit na ang tiyan niya.

"Ihahatid ko na 'tong mga bata sa amin. Iuuwi ko muna. Doon nalang muna sila sa amin." Luke said.

"Sige. Daan nalang kayo sa bahay para kumuha ng mga damit. Ivan, Cole at Coleen, sama muna kayo kay Luke. Doon na muna kayong tatlo sakanila. Huwag kayong makulit lalo ka na Cole." 

"Ako nanaman. Favorite mo talaga ako no, Daddy?"

"Tae mo favorite. Umalis na nga kayo. Mas lalo akong ninenerbyos sa mga pagmumukha niyong tatlo."

"Ryoga niyo kabado masyado." Cole said at pinitik ko ang tenga niya saka lamang siya tumawa.

"Ge na man. Alis na kami. Balik nalang ako kapag naihatid ko na 'tong mga 'to sa bahay."

Lumabas na silang apat at naiwan kaming tatlo ni Raine at Reginy rito. Umupo ako sa sofa habang chinicheck ni Raine ang kapatid niya.


"Masakit na masakit na ba?" He asked Reginy at napatayo ako sa pagkakaupo ko. Lumapit ako kay Reginy at hinawakan ko ang kamay niya.

"Kaya ko pa naman 'yung sakit, Kuya."

"Medyo malayo pa si baby. Tayo ka muna. Lakad lakad ka muna rito."

Inalalayan naming tumayo si Reginy at kumapit siya sa akin nang makatayo na ito. Hawak hawak ko siya at alam kong masakit na ang nararamdaman niya dahil sa higpit nang pagkakakapit niya sa akin.


"Hoy Raine! Sigurado ko bang palalakarin mo 'tong kapatid mo? Baka biglang lumabas 'yung pamangkin mo at malaglag. Wala pa man din siyang soot na panty na pang salo."

Hinampas ni Reginy ang braso ko pero duh?! Naninigurado lang ako no! Baka mamaya biglang lumabas edi gumulong siya sa sahig.

"Tatahiin ko 'yang bibig mo e." Sabi ni Red pero inirapan ko lamang siya.



Sinamahan ko nalamang na maglakad si Rej at para kaming tanga na paikot ikot dito sa loob ng kwarto. Para akong aatakihin sa puso habang nakikita ko ang pamumutla ng labi niya.

"Hoy Raine! Nawawalan na yata ng dugo 'to!"

"Ang ingay mo kumakain ako." Sagot ng gagong doctor na 'to. Kalmado na kalmado ang pota samantalang ako nanlalambot na!

"Mabulunan ka sana hayop ka."

Tumagal ng dalawang oras ang paglalakad namin hanggang sa mag aya munang umupo si Reginy. Pinunasan ko ang pawis na nasa noo niya at bigla niya akong yinakap. Binaon niya ang mukha niya sa leeg ko.

"Baby, kaya mo pa?"

"O-oo." Nanghihina na sagot nito.

Yinakap ko siya pabalik habang hinahagod ko ang likuran nito. Hinalikan ko ang ulo niya nang paulit ulit habang binubulong ko sakaniya kung gaano ko siya kamahal. Baka kailangan niya ng mga malalanding salita ko para magkaroon siya ng panibagong lakas.

"A-aray ko." She whispered and my heart started to beat so fast. She started sobbing while her face is still on my neck.

"B-baby you okay?"

"Ang s-sakit na Kuya Ryoga."

Tinignan ko si Raine na kumakain naman ngayon ng cake sa tabi. Binato ko siya ng tsinelas ko atsaka siya tumingin sa akin.

"Ano ba?!" Galit na sigaw niya. "Kanina ka pa ah!"

"Gago masakit na raw!"

"Malayo pa 'yan. Hayaan mo muna."

"Putangina mo. Ilabas mo na 'yong bata para hindi na siya masaktan!"

"Paano ko ilalabas e malayo pa nga?! Gusto mo i CS ko?"

"Ayoko! Ayoko nun!" Sigaw bigla ni Reginy.

"Oh edi maghintay muna tayo ng ilang oras pa. Parte ng labor 'yan. Normal lang 'yan." Kampante na sabi niya.

Inalis ko ang mukha ni Reginy sa leeg ko at kita ko ang mukha niyang puno ng luha. I wiped her face and I kissed her lips.

"Kaya mo 'yan baby. Sabi mo kaya mo 'yan e. I trust you. Huwag kang scammer."

Tinanguan niya ako at yinakap muli. Tumayo kaming dalawa habang magkayakap pa rin. Nakakapit siya sa akin nang mahigpit na para bang ako ang kinukuhanan niya ng lakas.

"Hinga ka lang nang malalim." I whispered and she did what I have said.

Pareho kaming humihinga nang malalim dahil sinusundan niya ang paghinga ko. Pakiramdam ko pati ako manganganak e.





"Rej, higa ka ulit. Checheck ko." Sabi ni Raine pagkatapos nang dalawang oras.

Inalalayan ko si Reginy na humiga ulit sa kama at hinayaan kong gawin ni Raine ang trabaho niya. At oo, si Raine ang magpapa anak sakaniya. Siya ang nagpaanak sakaniya noon kay Cole kaya siya nanaman ngayon. Hahanap pa ba ako ng iba?

"Malapit na 'to. Dalhin na natin siya sa delivery room, man." He told me at tumango na lamang ako. Hindi ako makapagsalita dahil kinakabahan ako! Potaena!

"Rej, katulad lang ng dati kay Cole ha? Sundin mo lang ang mga sasabihin ko then we're good."

Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Luke. Pota! Pakiramdam ko nanlalamig na ang buong pagkatao ko.

"Sorry natagalan ako. Dinaanan ko pa si Luther e. Ano lalabas na ba?" Tanong niya sa akin pero hindi ako makasagot. "Huy! Napipi ka na ba?"

"Oo man. Manganganak na siya. Dadalhin na namin sa delivery room. Pakitawag 'yung mga nurse sa labas." Sagot ni Raine.

Lumabas si Luke at ilang sandali lamang ay may dumating na mga nurse. Inalalayan nila si Reginy at sunod na lamang na nangyari ay dinadala na namin siya sa delivery room.




"Man, okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Luke habang papunta na kami.

"Taena man. Para akong nanghihina." Pag amin ko sakaniya at bigla siyang natawa.

"Kinakabahan ka ba?"

"Oo gago. Pinagpapawisan ako nang malamig at malagkit."

"K-Kuya Ryoga." Tawag sa akin ni Rej at napatingin ako sakaniya.

"Yes baby? Ano? Masakit ba? Anong gusto mo? Gusto mo suntukin ko si Raine? Sabihin mo lang. Lahat gagawin ko para sa'yo."

Biglang lumakas ang pag iyak niya na mas lalong nagpakaba sa akin dahil may kaunting sigaw na ang iyak nito.

"Huwag ka ngang umiyak! Pucha! Mas lalo akong kinakabahan!" Sigaw ko sakaniya. Bigla namang tumawa si Raine at Luke at parang gusto ko silang suntukin sa mukha.

"Ryoga nerbyoso ampota."

"Doc, okay na po ang lahat sa loob." Sabi ng nurse na nagbukas ng pintuan ng delivery room.

"Ryoga man, baka mamaya maging pasyente ka na rin imbes na kapatid ko lang." Pang aasar niya sa akin. 

"Suntukan tayo bukas. Namo ka."

Pumasok kami sa loob at halos maubusan na ako ng lakas. Nilipat nila si Reginy sa kabilang kama habang namimilipit na ito sa sakit.

"Raine! Ano ba 'yan?! Ang kupad mo naman! Nasasaktan na oh!"

"Palalabasin kita. Manahimik ka nga." Bawal niya sa akin.

"Kuya R-Ryoga!" Tawag nanaman ni Reginy sa akin.

Mabilis akong lumapit sakaniya at pumwesto sa tabi niya. Hinawakan ko ang kamay nito at kumapit siya sa akin. She's sweating at mabilis kong pinunasan ang pawis niya gamit ang Chanel silk handkerchief ko. Sosyal ako. Alam niyo naman. 

"Baby, mag smile ka nga. Ayoko ng facial expression mo na 'yan."

"Aaahh!" Sigaw niya at nanlaki ang mga mata ko.

"Raine, ano na?!" Sigaw ko sa kaibigan ko.

"Iri pa, Rej. The head is coming out."

"Aahh! Ang sakit! Kuya Ryoga!" Umiiyak na sigaw niya.

"Push it more baby." Raine said and Reginy followed what he has said.

"Nice baby. One more!"

Hindi ko na maintindihan ang mga salitang naririnig ko. Para akong nahihilo! Putangina! Nandidilim ang paningin ko!

"Aahh! Ayoko na!" Sigaw nanaman ni Reginy at nanlalambot na ang mga tuhod ko.

"Don't hold it back, Rej. Push it!" Sigaw ni Raine. "One, two, push!"

"Aaahhh!" Mahabang sigaw niya at para na akong mahihimatay.

Sunod ko nalang narinig ay ang pag iyak ng isang bata. Napangiti ako at kasabay nun ay ang tuluyang pag ikot at pandidilim ng paningin ko.

"Holy shit, Ryoga!" Dinig kong sigaw ni Raine hanggang sa mawalan na ako ng malay.









"Natatawa talaga ako mga men. Kanina pa ako tawa ng tawa. Hindi ko talaga mapigilan." Dinig kong sabi ni Raine. Kilala ko ang boses niyang nakakainis.

"Hinimatay talaga ang gago. Tangina." Sunod namang sabi ni Luke na tawang tawa rin.

"Hayaan niyo na first time niya 'yan." Tumatawa rin na sabi ni Brandon.

"Oo nga." Sagot din ni Jayden na masayang masaya.

Ang saya saya ng mga kaibigan ko ah? Binuksan ko ang mga mata ko at sabay sabay silang tumahimik. Umupo ako sa kama at tinignan ko sila isa isa nang masama.

"Ang galing niyo ha? Mga backstabber."

"Man, ang ganda ng anak mo. Kamukha mo." Luke said.

"Oo nga. Manang mana sa'yo. Malamang maraming paiiyakin na mga lalaki 'yon." Sabi naman ni Jayden.

"Oo. Kahit hindi pa siya nagsasalita o ano, feeling ko matalino rin 'yon e. Mana sa katalinuhan mo." Brandon said.

"Talaga?" Tanong ko sakanila.

"Oo, man. Ikaw ba naman ang tatay e." Raine said.

"Akala niyo mauuto niyo 'ko? Suntukin ko kayong lahat e. Nasaan na ang mag nanay ko?"

"Nandoon sa kabilang kwarto. Umalis muna kami ron dahil baka maistorbo. Nandoroon pa naman tatay mo."

Lumabas ako at pumasok sa kabilang kwarto kung nasaan si Reginy. Naabutan ko si Ritsumi kasama si Dad habang hawak hawak ni Daddy si baby. Reginy is sleeping at sila lamang ang nandirito.

"Gising ka na pala, Ryoga?" Tumatawa na tanong ni Ritsumi. Siguro alam na nila ang nangyari. Tsismoso ang mga kaibigan ko kaya malamang na spread the news na.

"She looks like you, Ryoga." Dad said at lumapit ako sakaniya. Sinilip ko ang mukha ng anak ko at namuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko nang tuluyang makita siya.

"B-baby." I called her and Dad is passing her to me.

"S-sandali lang, Dad. Hindi ako marunong humawak ng bata."

"Marunong ka gumawa ng bata tapos hindi mo alam kung paano hawakan 'to? Matuto ka." Seryosong sabi niya at pinagpatuloy niya pa rin ang pag abot.

Inayos ko ang pagkakahawak ko sa anak ko at tuluyan na akong naiyak. Ang ganda ganda niya! She has Reginy's skin and she's so white.

"Baby, I'm your Daddy." I said.

Automatic na napangiti ako nang bigla itong gumalaw. She showed me a sweet smile that made my heart melts.

"Look at her Sumi and Dad. Nginingitian niya ako." Masaya na sabi ko at lumapit sa akin si Ritsumi.

"Ngingiti ngiti 'yang baby na 'yan ano? Kasi kasama niya na ang Daddy niyang baliw, ano po?" Pang be-baby talk ni Ritsumi sakaniya atsaka ko siya sinamaan ng tingin.

"Bastos ka ah. Lumaki lang 'to nang kaunti, ihahampas ko siya sa'yo."

"What's her name?" Dad asked. "We couldn't ask Rej because she passed out after giving birth."

"Call her Yesha. She is Raven Avenice Yeshikawa Mendoza Sibal."

Pinahirapan ako ng batang 'to noong pinagbubuntis siya ng nanay niya. Hinimatay pa ako sa sobrang kaba at takot dahil sa paglabas niya. Kaya gagantihan ko siya at ang pangalan niya ang ganti ko sakaniya.

Poproblemahin niya kung paano niya pagkakasyahin sa papel ang pangalan niya. Tignan ko lang din kung hindi siya maiyak sa pagsusulat sa haba niyan.

Sabi nga nila, ganti ganti lang 'yan.

Continue Reading

You'll Also Like

25.2M 572K 51
Other women fall for guys. I fall for a gay. The Gay Who Stabbed Me.
10M 24.4K 8
#SAAVEDRASERIES1 Sander Eulesis Saavedra. A young man who spent his life drinking, smoking cigarettes, and playing with girls. He enjoyed life so muc...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
160K 2.9K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...