WANTED : PERFECT HUSBAND (on...

By yellowgreen_nayi

15.1K 327 177

This is a story of a 28 years old woman whom will be 29 in five months, whom is pressured because among her f... More

Panimula
Unang Kabanata : The Advertisement
Ikalawang Kabanata : My Long Time Crush!
Ikatlong Kabanata : Kelangan Landiin??? ^_^
Ikaapat na Kabanata : The Picture Scandal
Ikalimang Kabanata : Si Vince
Ikaanim na Kabanata: Ms. Perfect Wife???
Ikapitong Kabanata : A Perfect not a Fake Husband!!!!
Ikawalong Kabanata : When He Cries
Ika-9 na Kabanata : Asawa... Ako??? ( Simula ng Pagpapanggap)
Ika-10 Kabanata : Unexpected Visit (O.O)
Ika-11 Kabanata : Dream comes true! >_< (Ang Pagsasama)
Ika-12 Kabanata : Our First Date ^_^
Ika-13 Kabanata : Kilig much! ^_^
Ika-14 na Kabanata : Veronica's Return...
Ika-15 Kabanata : Ang sakit.. Sobrang sakit... ;-(
Ika-16 na Kabanata : Athena Vs. Veronica
Ika-17 Kabanata : Crying in the Rain....
Ika-18 Kabanata : THE TRANSFORMATION-Part 1 (The Way to Beauty)
Ika-19 na Kabanata : THE TRANSFORMATION-Part 2 (The Beginning)
Ika-20 Kabanata : THE TRANSFORMATION-Part 3 (The Grand Make-over)

Ika-21 Kabanata : First Kiss

935 37 27
By yellowgreen_nayi

FIRST KISS

{VINCE’s POV}

Maaga akong dumating sa party ni daddy.

Hinanap ko agad ang aking asawa…

Huh??

Si Athena pala.

Wala pang gaanong tao sa venue.

Hanggang ngayon malabo pa rin sakin ang lahat. Hindi ko alam kung para san ang lahat ng ito.

Two weeks ago, dad kidnapped Athena for a secret reason. Now, two weeks passed and still, she’s not here.

I can’t wait to see her again.

San ka na nga ba Athena? Bakit  ba kasi ang tagal mo?

“Vince!” sigaw ng isang lalaki sa may front door.

Napalingon ako sa kanya dahil sa lakas ng pagkakasigaw nito.

Ah! Si Leon pala at si Rodrigo, mga barkada ko.

“Ui pare musta ka na?” si Rodrigo. Sabay kamayan at akapan.

Si Leon nama’y mahinang tapik sa balikat ko bilang pagbati.

“I’m okay bro. How ‘bout the two of you?”

“Just okay? Yun lang? Wala bang kwento jan? Musta na kayo nung fake wife mo?” ani ni Leon.

“Hey! Konting hina naman pare. Mamaya nyan marinig ka ni daddy.”

“Ooops… I didn’t mean it. Sorry. Kasi naman ikaw pre eh, ilang lakad na natin yung nireject mo dahil jan sa…… alam mo na, tapos hindi ka pa nagkwekwento. Ano na bang lagay nyo?”

“Anu bang lagay lagay dyan ang pinagtatanung mo Leon? Do you think something will happen to them? Pre.. don’t you remember? It’s just a show. Nothing will happen. And besides Vince really loves Veron. At tsaka tingin mo ba magkakagusto siya dun sa babaeng yun? Dun sa PANGET na yun?” biglang sagot ni Rodrigo na pinagdidiinan pa yung salitang yun.

“Shut up Rodrigo!” pagalit na sabi ni Vince.

“Hey! Galit ka pre? May dapat ka bang ikagalit?”

“Huwag mong babastusin si Athena. At kahit kelan huwag mo siyang sasabihang panget!” sabay mahinang tulak ko sakanya.

Medyo na paatras sya ng konti sa ginawa ko.

“hey! What’s your problem? Di ba sayo naman nanggaling yun?” pagalit na sagot din ni Rodrigo sabay ganti ng tulak sakin.

Medyo napikon ako sa kanya kaya akmang hahawakan ko na ang polo shirt niya ng biglang inawat kami ni Leon.

“Stop it guys! Ano bang problema nyo? Hindi nman kayo nakainom ah! Rodrigo, watch your words. Respect Athena.  And you Vince, calm down. Wala mangyayari sa init ng ulo.”

“I never say Athena is ugly.” Pabulong na sabi ko na narinig naman ng dalawa.

“Sorry bro. Masyado lang akong nadala. Leon is right, I should respect her. She’s a great help to you. I’m really sorry Vince.” Sabay offer ng right hand nya as a sign of peace.

I accepted his peace offering.

Ilang sandali pa dumating na si daddy at mommy pero wala pa din si Athena.

Nilapitan kami nila. Nakipagkamay kina Leon at Rodrigo.

“Leon, I’m so glad you came. Where’s Dante?” ani ni dad kay Leon.

“Yes of course tito, kayo pa, eh malakas po kayo sakin.” Sabay akap sa dad ko.  “ Wala pa po sila. Sabay daw po sila ni mama pupunta.”

“Ganun ba? Anyways, I want both of you to enjoy this party, okay?”

“Yes tito. We’ll enjoy your party. And one more thing, welcome back. We’re happy to have you here.”

“Thanks Leon.” Sabay akap muli nilang dalawa.

Kahit kelan talaga itong si daddy at si Leon.

Dad and Leon’s dad were a great friend. Kaya nga pati kami dinamay na.

Siguro kung naging babae itong si Leon malamang pinagkasundo na kami ng dalawang yan. Buti na nga lang at naging lalaki siya. Naging ninong nalang tuloy si daddy ni Leon.

“Dad, let’s start your party. Madami ng bisita oh.” Bulong ni mommy kay daddy.

Nagpaalam na samin sina daddy para simulan na ang party.

He went to the mini stage made for the party and begun to talk.

First, dad thanks all the visitors who came and then so on and so on…

Habang nagsasalita si daddy biglang bumulong sakin si Leon.

“Vince, nga pala, hindi mo ba ipapakilala samin si Athena?” aniya.

“Huh?”

“Ang sabi ko, kung di mo ba ipapakilala samin si Athena? Gusto naman naming makilala ang savior mo di ba?”

“Oo nga Vince. Where is she? Yung nag-iisang babaeng naging dahilan ng muntikang away natin.” Pangiting sagot naman ni Rodrigo.

“Ahhh kasi, wala pa siya eh hanggang ngayon. Pati nga mga ate ko wala pa.”

“Ah, oo nga noh? Ngayon ko lang din napansin na wala pa yung mga ate mo.” Si Leon.

“Yup. Ganun na nga.”

________________________

Patuloy pa din sa pagsasalita nya si daddy.

Mukhang magiging mahaba tong partyng toh ah! Halos lahat kasi binabati pa nya.

There are so many visitors.

Top peoples in and out of the country.

Habang tumatagal, padami pa ng padami  ang mga tao. Buti nalang malaking yung venue.

The venue is in a five star hotel. Fully decorated and organized.

Foods are prepared by the top chefs in the Philippines.

Isang malaki at malawak na bulwagan sa hotel na napapaligiran ng window glass ang setting ng party.

Sa labas, may isang malawak na open porch na pwedeng pagpalamigan ng mga tao.

Five doors ang pwedeng pasukan at labasan ng mga tao including the door sa taas ng venue.

Actually, the place was built in line with the design of those which can be seen in the fairy tale books.

Ito yung tipong lugar na may hagdanan sa gitna para sa mga grand entrance ng mga matataas na tao.

Ewan ko ba, bakit kaya ganitong place yung kinuha ni daddy?

Then, dad talks again.

“Ladies and gentlemen, I want you to meet my three daughters.”

People claps.

“Hey Vince, kelan pa naging tatlo ang mga ate mo?” ani ni Leon.

“Nope, maybe it’s dad’s mistake.”

“Of course not. He is a perfectionist. Hindi siya pwedeng magkamali sa sinasabi niya.”

At unang lumabas si Reena.

Habang bumababa siya ng hagdanan isang spotlight ang nakatapat sa kanya.

Beautiful. Ang ganda ni Reena, para siyang prinsesa habang bumababa sa hagdanan.

Next is Kathy.

Beautiful. Para talagang mga prinsesa tong mga ate ko sa mga suot nila.

Lahat tuloy ng mga tao’y napapahanga sa kanila.

“Pare, sino kaya yung huling anak ng daddy mo? Di kaya anak sa labas yun?” pabirong sabi uli ni Leon.

“Leon, pwede ba, tingnan mo nalang kung sino yun? Kahit ako hindi ko naman kilala kung sino yung pangatlo.”

And lastly….

“Wow….” The crowd said when the third lady appeared.

Isang napakagandang babae ang bumababa sa hagdanan habang naliliwanagan ito ng ilaw ng spotlight.

Actually, hindi sa spotlight galling yun liwanag kundi sa sarili nya mismo.

She’s wearing a black and white dress. Backless that shows her sexy body with slit that separates the black and white cloth and shows her beautiful legs. She’s so sexy. (ayun po sa right yung naging transformation ni Athena after the full make-over wearing the elegant dress.)

------------>

Napakaganda nya. Para siyang anghel na bumaba sa lupa o di kaya’y isang diyosang bumibihag sa mga puso ng mga tao.

Ang ganda talaga niya.

Lahat ng tao nakatingin sa kanya at napapahanga.

Ang mga kalalakihan kulang nalang sambahin nila ito.

Kahit si Leon at Rodrigo napanganga sa kagandahan ng babaeng ito.

At kahit na ako…………..

Binibihag niya ang aking puso.

_________________________________

{ATHENA’s POV}

Hindi ko akalain na magiging ganito ang reaksyon ng mga tao.

Lahat sila’y nakatingin at nakatitig sakin.

Sa di kalayuan, natanaw ko si Vince kasama ng ilang kalalakihan.

Titig na titig din siya sakin.

Yung wine na dapat iinumin nya’y di na nya nainom nung lumabas ako.

Nagandahan ba siya sakin kaya ganun yung naging reaksyon niya?

___________________

{VINCE’s POV}

“Pare, ano kilala mo na ba kung sino siya?” tanong muli ni Leon sabay kabig ng siko nya sa siko ko.

Hindi ko siya pinansin. Ayaw kong malayo ang tingin ko sa babaeng yun.

Baka pagtumingin ako sa iba, maglaho nalang siya na parang bula.

“Vince! Vince!” pasigaw na tawag sakin ni Leon sa harap ng mukha ko mismo.  “Hui pare! Anu ba nangyayari sayo?”

“Huh? Ah, wala.”

“Ano? Kilala mo na ba kung sino yun?”

Napatigil ako at napaisip.

Sino nga ba yun? Sino yung magandang babaeng yun?.....

Teka……

“Athena?”patanong na sagot ko.

“Athena? Teka teka… akala ko ba? Pero bakit?? Vince, siya ba talaga si Athena?” napatigil siya at napalingon muli sa babaeng yun. 

“Napakaganda naman pala ni Athena, kabaliktaran ng lahat ng sinabi mo. Siguro, ayaw mo lang talagang sabihin samin na maganda siya. Ang swerte mo pare, nakajackpot ka ah. Pero buti nalang pagpapanggap lang ang lahat ng ginagawa nyo.” Dugtong ni Leon.

“Yup. She’s so beautiful” sagot ko na tila ba nawawala ako sa sarili.

“I like her.” Biglang sabi ni Leon.

Sa sinabi niyang yon, bigla akong natauhan.

“What?” inis na tanong ko.

“I like her. Liligawan ko siya. Mag-aaply ako sa advertisement na pinost nya.”

“Are you crazy Leon? Bakit mo liligawan ang asawa ko?”

“Yup. Your wife in front of your dad.”

Medyo nagkakainitan na kami ni Leon ng biglang magsalita si daddy.

“Ladies and gentlemen, aside for thanks giving and welcome back party, this is also my son and daughter-in-law’s party. Masyado pong mahabang kwento pero gusto ko lang naman ipakilala sa inyo, my daughter-in-law, Ms. Athena Sandoval-Francisco, Vince’s wife” malakas na pagkakasabi ni daddy sabay palakpakan ang lahat.

WHAAAT????

Is this true? Pinakilala talaga ni daddy si Athena?

Nagkatinginan kaming bigla ni Athena at muli na namang nangusap ang aming mga mata.

“Anung ibig sabihin nito Vince?”

“Hindi ko alam Athena. Wala akong alam dito.”

“Anong gagawin natin?”

“Just go on the flow nalang tayo.”

“Vince, iho. Come here!” tawag sakin ni daddy.

Pupuntahan ko na sana sila ng mapatigil ako.

Hinarap kong muli si Leon.

“In front of my dad??? Or in front of these people?” pangiting sabi ko sakanya sabay talikod at punta ko kina dad.

Nilapitan ko si Athena.

Maraming napahanga samin.

“Your son is lucky to have a beautiful wife.” Sabi nung isa kay dad.

“Vince, congrats. Ang ganda ng asawa mo ah. Ikaw talaga, kahit kelan ang swerte mo sa babae.” Sabi nman ng isa kong kakilala.

“My gaaad.. you’re meant to be talaga. Bagay na bagay kayo. Isang prinsipe at isang dyosa. Ang swerte mo talaga Vince sa asawa mo.” Sabi pa nung isa.

Nakangiti lang akong pinapasalamatan ang mga compliment samin ng tao.

Kung sabagay, ang swerte ko naman talaga eh, ang ganda ng asawa ko.

“Vince, para kang sira.” Bulong ni Athena.

“Bakit naman?”

“Masyado ka kasing ngiting ngiti dyan. Yung ngiti mo abot tenga na.”

“Syempre, masaya ako at nakita ko na muli ang asawa ko.” Pangiting sabi ko sakanya.  “Athena, namiss kita.”

Hindi nakaimik si Athena sa sinabi ko.

Nanlaki ang mga mata nya at namula.

Nakakatuwa talaga siya. Lalo siyang gumaganda sa mga reaksyon nyang ganun.

_______________________

Patuloy sa pagbati samin yung mga tao ng biglang may sumigaw na…

“KISS! KISS! KISS!”

Naggayahan naman ang lahat.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

Hindi ko naman pwedeng halikan siya basta-basta dahil hindi naman talga kami tunay na mag-asawa.

Pero habang tumatagal, lalong lumalakas ang request ng mga tao.

Si dad, nakatingin din samin at nag-aabang.

“Athena, pagbigyan na natin sila.” Bulong ko sa kanya.

“Huh??? Pero??”

“Don’t worry, smack lang ang gagawin ko.”

Napabuntung-hininga siya.

“Okay sige pero smack lang ha?”

Nung pumayag siya, isang mabilis na smack ang ginawa ko sa mga labi niya.

Nagulat siya.

Lumingon uli kami sa mga tao.

“Anu ba yan Vince!? Kiss mo na ba yun? Parang napadaan lang ah!” sigaw nung isang bisita.

“Oo nga nman iho. Kala ko ba matinik ka? Bakit ngayon tila nahihiya ka?” sagot naman ni dad.

Anak ng….

Hindi naman ganung kadali kasi yon dad.

Pasaway talaga oh!

Anung bang ibig nilang sabihin? Isa pa?

Nag-ingay muli sila.

“KISS! KISS! KISS!”

Hindi ko na alam ang gagawin ko ng biglang bumulong si Athena.

“Sige na Vince, gawin na natin ang gusto nila. Wala naman tayong ibang ilulusot dito kundi gawin yung gusto nila.”

“Sigurado ka ba?”

“Oo.”

Nung pumayag si Athena.

Hinawi ko ang mga buhok nya, hinawakan ko ang beywang nya at siya nama’y sa mga balikat ko.

First attempt medyo naiilang pa siya kaya hinawakan ko mukha nya para hindi na siya makaiwas.

Nagkalapit ang mga ilong namin.

Nararamdaman ko ang mabilis na paghinga nya.

At matapos ang ilang sandali, naglapat na ang mga labi namin.

Nung una, ako lang ang humahalik sa kanya pero di katagala’y gumanti na din siya ng halik.

Naghalikan kami sa maraming tao.

Iaalis ko na sana ang mga labi ko sakanyang mga labi ng matanaw ko si Leon.

Binalik ko muli ang mga toh at hinalikang muli si Athena.

Sa pagkakataong yon, mas malalim na halik ang ibinigay ko sakanya.

Gusto ko kasing ipakita kay Leon na hinding hindi nya maagaw sakin ang asawa ko.

Matapos ang ilang sandaling halikan, iniangat na namin ang mga labi namin.

Naglapat ang aming mga noo. Hinalikan ko siya dito.

At sa huli’y binigyan ng isang mahigpit na yakap.

 ___WPH___WPH___WPH___WPH____WPH___WPH___WPH

HAPPY NEW YEAR Everyone!!!!

New year UD ko po para sa inyo!

Thanks po sa mga reads and comment nyo guys!

Let's welcome 2013!!!

More stories to come...

Thanks po ulit!^_^

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...