ANG KUKO NI HILDA (GODDESS SE...

By BLACKxNEON

1.6K 453 255

MINSAN, LAGI NATING SINASABI NA 'SANA HINDI NA TAYO MAKARANAS NG KAHIRAPAN'. KAPAG NAGING SAKIM KA SA YAMAN... More

NOTE:)
PROLOGUE!
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
EPILOGUE!

KABANATA 5

52 18 6
By BLACKxNEON



KABANATA 5

AMOY


"M-mama, p-pwede bang itigil na natin t-to?" Nanginginig na pakiusap ni Hilda sa kanyang ina. Hirap na hirap na sya.


Ganunpaman. Ayaw nyang iwan ang mga ito. Ito ang buhay nya. Ang mga magulang nya.


"Ano ba, Hilda! Mabuti nga't nakakain na tayo. Tatlong beses sa isang araw! Saka ka pa aayaw! Akin na! Akin na kamay mo!" Padaskil na hinigit ng kanang kamay ni Hilda.


Mariin ang kapit ni Hilda sa kanyang tuhod. Ayaw nyang maulit pa. Sobrang sakit na.


"Ahhh..." Sakit! Tumulo ang dugo patungobsa kanyang tuhod.


Kay samang tingnan ng kanyang mga daliring walang kuko. Nakakakilabot. Para syang may sakit. Nangangangayat na rin hindi na mahawakan ang kubyertos sa pagkain. Madalas si Hildo ang nagpapakain sa kanya.


"Tangina... Hanggang kailan ka magtitiis, Hilda? Hanggang kailan?" May riing tanong ni Hildo sa kanya habang pinapakain sya ng gabihan. Silang dalawa lamang ang nasa kanyang kwarto.


May mga nagsusugal sa kabilang kwarto kaya madalas sa kwarto nya lamang sya kumakain.


Padaskol na binaba ni Hildo ang pagkain sa gilid ng kanyang kama. Queen size bed ang kanyang kama. Malinis at maraming libro sa gilid sa tuwing nababagot sya'y nagbabasa ito, kasama si Hildo.


Napabaling si Hilda sa kanyang kamay na kinuha ni Hildo sa kanyang kandungan. Nilagay iyon sa kandungan ni Hildo at tinanggal ang nakapalibot na bandage don.


Napabuntong hininga si Hildo. Madilim ang ekspresyon ng mukha. Baka sa oras na may sabihin sya'y mas lalo itong magalit.


Napatingin sya sa kinuhang ointment ni Hildo sa kanyang bulsa. Dahan-dahan nyang pinahidan ang mga sugat doon.


"Ah!..." Mangiyak-ngiyak na puna ni Hilda dahil sa sakit.


"Akin na yang paa mo. Lalagyan ko..." Walang pag-aalinlangang hinarap ni Hilda ang dalawang paa sa kanya. Ngunit napailing sya. Sabay abot sa ointment kay Hildo pero inilayo nya yon sa kanya.


"Ako na m-maglalagay... M-masakit..." Si Hilda.


Umiling si Pedro. Hindi sang-ayon sa suhestiyon ni Hilda "Dadahan-dahanin ko. Sorry... Ako na."


Napaiwas ng tingin si Hilda ng tanggalin ni Hildo ang medyas sa magkabilang paa.


Nilagyan iyon ni Hildo. Awang-awa si Hildo kay Hilda.


Sa oras na makatapos ako at magkaron ng sariling pera. Kukunin ko si Hilda dito at hindi na ibabalik. Mas nasasaktan akong nakikita syang ganito...


"Hindi ka ba nagtataka kung bakit ka may ganito?" Biglaang tanong ni Hildo sa kanya.


"Hindi daw alam nina Mama... Uh..."


Dumaloy sa kaliwang mata ni Hildo ang luha. Hindi nya nakayanan kaya agad itong napaluha sa nangyayari sa kanyang matalik na kaibigan.


"Hildo..." Hinawakan ni Hilda ang magkabilang pisngi nya. Sandali silang nagkatitigan at ngumiti si Hilda para ipakitang ayos lang sya. Pinalis nya ang luhang bumagsak kay Hildo.


Umiwas ng tingin si Hildo at sinamahan si Hilda hanggang sa makatulog ito. Madalas samahan ni Hildo si Hilda sa kanyang kwarto. May bodyguards din sa labas ng pinto nya. Walang bintana o kahit anong malulusotan sa kanyang kwarto, kahit na hindi naman sya tatakas.


Hindi na nya nakilala ang kanyang Mama at Papa. Nagbago na. Ang laki ng pinagbago. Akala nya, kapag naging maayos ang buhay nila ay mas magiging masaya sila. Ngunit ang lahat ng kanyang akala ay hindi nangyari.


Araw ng Byernes kung saan huling araw nya sa klase. Wala man lang syang kaibigan sa Ateneo. Walang gustong makipagkaibigan dahil balot na balot sya. Kahit tirik ang araw ay naka hoodie sya. Naka medyas at suot ang converse shoes. Skirt at blouse uniform. Nakalugay ang mahabang buhok na itim na itim ang kulay.


Hindi sya nakapag-aral ng elementary. Ganon rin si Hildo pero College na sila ngayon. Dahil binayaran ng malaking halaga ng kanyang magulang ang may ari ng Ateneo. Ganon rin si Hildo, binayaran ng kanyang mga magulang dahil nakiusal sya. Ayaw nyang nahuhuli ang kanyang kaibigan. May tutor rin ako nong bakasyon pero nang magkaron ng pasok ay ipinatigil na iyon ni Mama.


"Mama... Yung pera po. Ipatayo nyo nalang ng negosyo---" suhestiyon ni Hilda isang araw.


"Negosyo to, Hilda."


Napapikit si Hilda sabay mulat deritso sa kanyang ina na pinuputolan sya ng kuko sa paa "Hindi yon ang ibig kong sabihin, Mama... Sana hindi ganto. Illegal to, Mama..." Napapakagat labi si Hilda sa sakit. Tumutulo nalang ang kanyang luha sa nakikitang sugat roon. Saka darating si Hildo para gamotin iyon.


Mabilis naman tumubo ang kanyang kuko. Isang linggo ay may one inch nang tumubo ron. Pero agad iyong pinuputol. Minsan pa tumatago sya sa cabinet para lang hindi putolan. Pero wala syang magagawa dahil sa tulong ng mga bodyguards ay nagpapatianod sya sa pagkakahila sa kanya.


Sumusunod naman ang kanyang mga magulang kapag tungkol sa kaibigan nyang si Hildo ang kanyang sinusuhestiyon. Pero kapag sa negosyo na nilang hindi naman maganda ay don umaatras si Maria at Pedro.


Madalas sa sugalan si Pedro dahil sumasali siya sa laro. Si Maria naman ay minsan nasa Beer House na may mga babaeng binubugaw nila.


Isang beses nakapunta si Hilda sa Beer House na iyon. Tinakasan nya ang bodyguards nya. Nakita nya ang mga nagsasayawang mga babae sa isang pole. Nangangakit ang mga tingin. May mga mayayaman naman sa couch para pumili at bumili roon.


Ngunit may humigit sa kanya. Nagpaubaya sya sa mga bodyguards na binuhat sya. May apat syang bodyguards.


Dali-daling tumakbo si Hilda sa sunod nyang subject. Pero laking gulat nya ng may bumangga sa kanyang mga babae. Alam nyang sadya iyon. Napadapa sya kasabay non ang pagtama ng paa nya sa sahig kaya naramdaman nya ang sakit na natamo dahil sa sugat na nandoon.


Nanginginig ang mga paa nya habang kinakalma ang sarili na nakaupo sa sahig. Hindi nya pwedeng tanggalin ang medyas. Maraming makakakita.


Tatayo na sana sya ng bigla syang mapaupo uli. Late nako...


Tatayo ulit sana sya ng biglang may humawak sa braso nya at kinuha pa ang isa. Sinampa sya sa likod ng isang maskuladong lalaki. Medyo napatalon pa dahil sa gulat.


Maraming nagtatanong sa isip nya. Sino to? Prince Charming? Yung mga nababasa ko sa mga libro. Kapag nahihirapan yong prinsesa dadating ang prinsepe nya.


"Where's your room?" Matigas na english na tanong sa kanya.


"Uh..." Medyo kinabahan pero itinuro rin ni Hilda ang room kung saan iyon. Tumango ang lalaki at tinanong uli sya kung saan sya uupo.


Kita ni Hilda ang tinginan at bulongan ng mga kaklase nya sa subject na to. Wala syang kaibigan at parang pinandidirihan sya.


Umalis ang lalaki. Hindi man lang nya nakita ang mukha nito dahil nang ibaba sya nito ay umalis agad ito. Hindi man lang sya nakapagpasalamat.


Gulat pa rin sa nangyari si Hilda. Tila prinoproseso ang lahat ng nangyari.


Ang gaan ng pagkakabuhat sa kanya ng lalaking iyon sa kanya sa likod. Na parang isa lamang syang plastic na lumulutang sa ere sa gaan nito.


Hanggang mag-uwian, gusto nyang hanapin ang lalaki. Basta natandaan lang nya ang amoy nito. Kakaibang amoy at parang pang-mayaman. Hindi pa ko nakakaamoy ng ganong pabango. Sa kanya pa lang.


Mag-isa sa canteen habang kumakain ng break time at lunch time. Mag isa sa isang sulok at walang may gustong kumausap.


Sinubokan nyang makipagkaibigan nong unang araw ng klase pero ayaw ng lahat. Hanggang sa tumigil nalang si Hilda. Kung sana nandito lang si Hildo. Sya yong kaibigan ko matagal na.





BLACKxNEON


Continue Reading

You'll Also Like

876K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...