Carrying The Billionaire's Ba...

By _Itsme_Purple

137K 6.4K 841

Pinagmamalupitan sya at ang pinaka masaklap ay pinang bayad utang sya ng sariling ama. Sya si Lisa Lei Manoba... More

I N T R O D U C T I O N
P R O L O G U E
Chapter 1: The Billionaire
CHARACTERS
Chapter 2: The Poor Girl
Chapter 3: Pay Back Time
Chapter 4: Heaven or Hell?
Chapter 6: Health Condition
Chapter 7: Offer
Chapter 8: Happiness
Chapter 9: Result
Chapter 10:Changes
Chapter 11: She's mad
Chapter 12: HER
Chapter 13: The Wife
CHARACTERS (2)
Chapter 14: The Truth
Chapter 15: Missing or Leaving?
Chapter 16: Can't find her
Chapter 17: Save me
Chapter 18: Hariette Sun
Chapter 19: Hopeless
Chapter 19.1
Chapter 20: Hope
Chapter 21: I've Got You
Chapter 22: Summer's Revenge
Chapter 23: Home
Chapter 24: Jealous?
Chapter 25: Hariettes's Birthday
Chapter 26: First Date
Chapter 27: To Forever
Chapter 28: Changes
Chapter 29: Rush
Chapter 30: She's Back
Chapter 31: The Truth
Chapter 32: Battle Of The Wives
Chapter 33: Reconcile
Chapter 34: Second Chance
Chapter 35: New Life
Chapter 36: Until The End

Chapter 5: Application

3.4K 166 21
By _Itsme_Purple

Lei's POV

Tinutulungan ko si Rina sa pag hahanda ng hapunan dito sa dining area. Isa sya sa mga kasambahay dito sa bahay ni Jennie. Mabait silang lahat, pero mas kasundo ko si Rina kasi halos magkasing edad lang kami.

Isang linggo na halos nung dito ako tumira sa bahay ni Jennie. Hindi na rin ako nakarinig ng kahit na ano tungkol kay Tatay.

Madalang kong makita si Jennie dito sa bahay, sobrang busy'ng tao daw nun sabi ni Yaya Nimfa. Sa pananatili ko dito ng isang linggo, medyo nasasanay na rin ako. Tumutulong ako minsan sa mga gawaing bahay pero madalas ayaw nila akong payagan dahil baka sisantihen daw sila ni Jennie. Hindi ko gets kung bakit pero sumusunod na lang ako kesa naman mawalan silang trabaho.

"Pero pangarap ko talagang makapag aral. Yun nga lang, hindi kaya ni Nana na pag aralin ako." Sabi ni Rina habang naglalagay ng baso. 

"Bakit hindi mo sinubukan mag working student?" balik tanong ko sakanya habang inihahain ko naman ang mga ulam. Kare-kare at adobong manok na maraming patatas. Request daw ni Jennie.

"gusto ko sana kas~~"

"Oh, tapos na kayo Rina?" pagputol ni Yaya Nimfa sa sinasabi ni Rina.

"Patapos na din po, ya." sagot ko sakanya.

"Naku, hija, hindi kana dapat tumulong dyan. Baka makita ka ni Summer at tyak na magagalit yun."

"Hindi naman po siguro. Tsaka bakit naman ho sya magagalit? Tumutulong lang naman ho ako kasi wala din naman akong ginagawa."

"Basta, sumunod na lang tayo." Sagot sakin ng matanda at kinuha sakin yung hawak kong mangkok na may lamang ulam.

Sya namang pag pasok ni Jennie dito sa dining area.

Mukhang kararating lang din nya galing trabaho dahil nakasuot pa sya ng pang opisina. Hindi ko maiwasan na pag masdan sya.

Maputi ang mga balat nya. Mukhang malambot kahit hindi mo mahawakan.Yung mukha nyang sobrang kinis, na mismong tigyawat na ata ang mahihiya na tumubo sakanya. Ang mga mata nyang parang mata ng mga pusa at mga labi nyang mapupula kahit walang lipstick. Mukhang masarap din halika~~~ ayst ano ba tong iniisip ko. Nakakahiya ka Lei.

"Earth to you, lisa." doon lang ako parang natauhan nung nag snap sya sa harap ko. "h-ha?" jusko. Parang gusto kong batukan yung ulo ko sa nasagot ko sakanya. Nahuli nya ata akong nakatulala sakanya. Sya at ang magulang ko lang ang tumatawag sakin ng 'Lisa'. Kahit sabihin kong 'Lei' na lang ang itawag nya sakin ay hindi naman nya ako sinusunod. Pag gusto nya, gusto nya. Kaya naman Jennie din ang tawag ko sakanya. Mas bagay yun sakanya kesa sa 'Summer', mainitin na nga ulo nya, mainit pa pangalan nya.

"You're zoning out again. Are you ok?"

"a-ah oo, o-ok lang ako."

Wala na syang sinabi at naupo na sya sa kabisera ng pang labing dalawahang lamesa. "tutunganga ka na lang ba dyan o uupo ka?" parang nauubusan nyang pasensya. Umupo na lang din ako sa bandang kanan nya.

Isa pa 'to, iba ang pakikitungo nya sakin kumpara sa mga kasambahay. Dapat nga ay inuutus utusan nya din ako dahil pinang bayad utang ako sakanya ng tatay ko. Dapat pinapahirapan nya ako pero hindi ganun ang nakikita ko. Masungit ang tingin sakanya ng iba pero hindi ganun ang nakikita ko. Madalas lang syang naka poker face na akala mo ay walang pakielam sa paligid nya.

Kahit sa pagkain ay may postura pa rin sya. Nakakahiya, samantalang ako ay subo lang ng subo minsan.

Patapos na sana kami kumain ng biglang may mga dumating na tatlong mga nag gagandahang nilalang.

"yow! Makiki....." napatigil sa pag pasok dito sa dining area yung babaeng nauuna maglakad kaya naman sumubsob sa likid nya yung dalawa pa. Maiksi ang buhok nya na hanggang batok. Matangkad at astig din sya kung kumilos. "kain kami" pag papatuloy naman nung isang babaeng mahaba ang blonde nyang straight na buhok. Maganda din sya at tulad nung isa ay ang astig nya pumorma.

"Tabi nga kayo. Mga ugok" sabi nung isa naman na medyo singkit. Hindi naman sya ganun katangkaran, actually mukhang mas matangkad ako sakanya. Grabe sobrang gaganda nilang lahat. Mukha akong katulong siguro pag sila ang kaharap o kasama ko. Diretso syang umupo sa kaliwa ni Jennie.

"what now, devils?" taas na kilay ni Jennie sa mga bagong dating.

"Eto naman, akala mo lageng ano eh" sabi nung may maiksing buhok. Doon lang sila nagsiupo sa katabi naman nung naunang naupo.

"Makikikain nga kasi kami." sabi nung babaeng may straight na buhok.

"Tsk, bakit? Wala ba kayong mga bahay at pagkain huh?"

"Meron, pero mas masarap dito eh."

"Libre"

"kayo talagang mga bata kayo. Oh sya sige na, kumain na kayo" si yaya Nimfa na yung naghain ng mga plato nila.

"Salamat, Ya. Naaamoy kasi namin na may masarap na ulam dito eh." Sabi nung katabi ni Jennie. Naka masid lang ako sakanila. Ang gaganda kasi nila pero syempre, hindi naman ako nagpapahalata.

"Grabe ya, ang sharap tayaga ng yuto mo" Sabi nung mahaba ang buhok.

"Gross, Destiny. Lunukin mo muna yang nasa bibig mo." Si Jennie yan. Habang iniiripan yung mga kaibigan nya.

"Nako Hija, hindi ako ang nagluto nyan. Si Lei." Sabi ni Yaya Nimfa. Napatingin tuloy sakin si Jennie. Nakakahiya kaya yumuko na lang ako habang nilalaro ang mga daliri sa kamay.

Napatigil silang tatlo sa pagsubo at saka parang doon lang ulit nila naalala na may ibang tao dito. Lahat ng mata nila ay nasakin na nakatutok.

"Uuyy Dude, hindi mo manlang ba kami ipapakilala sa sakanya? C'mon, don't be rude."

Inirapan muna sila ni Jennie bago ako pinakilala. "Lisa, meet the 3 idiots~~"

"Heeey we're not idiots" sabi nung mahaba ang buhok.

"Whatever"

"Hi! I'm Jisoo Bryle Kim" hindi halata pero pinsan ko tong masungit na 'to." tukoy nya kay Jennie. Kaya pala medyo hawig sila.

"Ako naman si Kristen Louis Stewart, but you can call Kristen or Louis its up to you." naka ngiti nyang sabi sakin.

"I'm....your destiny~~ ouch why you do that?" tanong nya kay Jennie na sya palang nagbato sakanya ng isang pirasong mansanas. "I know your style, bitch" sagot naman sakanya ni Jennie. Napakamot lang naman siya sa ulo nya. "Destiny Gray Rogers. But you can call me mine" nakangiti nyang sabi sakin at hindi na pinansin yung matatalim na tingin sakanya ng kaibigan niya.

"I'm Lisa Lei Manoban." nakangiti kong sabi sakanila. "Pero Lei na lang".

"Ang ganda ng name mo, Lisa. Bagay na bagay sayo" Sabi ni Destiny kaya naman ramdam kong namula ang mukha ko. Sobrang gaganda nila tapos pupurihin nila ako ng ganun. Para silang mga lumabas sa isnag Magazine.

"Lei. Call her Lei, not Lisa." si Jennie yan.

"tsk, masyado ka pa ring territorial, cous." Sabi ni Bryle sakanya. Hindi ko sila naiintindihan kaya tinapos ko na lang yung pagkain ko.

Mababait silang lahat. Hindi mo makikitaan ng pagmamayabang kahit na talaga namang nakaka angat sila sa buhay. Inalok din ako ni Destiny ng trabaho. Kung gusto ko daw subukan na mag model. Nag mamay'ari pala siya ng isang malaking Modeling Agency.

"Nako, pasensya na. Hindi ko siguro yun kaya." magalang kong pag tanggi sakanya.

"Why don't you try?" nakangiti pa rin nyang sabi sakin. "You're perfect. Maganda ka, matangkad, and you have the best body. And I know~~"

"Drop that, Gray. She's not going to work with anyone. I can provide everything she needs. She don't need to work." malamig pa sa yelo nyang sabi sa kaibigan nya. Nagkibit balikat na lang si Destiny.

Napa maang na lang ako sa sinabi nya. Hindi ko sya maintindihan. Hindi naman nya ako obligasyon. Kung tutuusin, ako pa nga ang may utang sakanya dahil kay tatay.

Pagkatapos mag dinner ay pumunta na sila sa sala. Tinulungan ko na lang din si Rina magligpit pero hindi nya ako pinayagan maghugas ng plato. Takot lang daw nya mawalan ng trabaho.

"Hindi pa pala nauubos tong mga nagpapasa sayo ng mga applications?" dinig kong sabi ni Bryle kay Jennie.

"Not interested tho." Sagot lang nung huli sakanya.

"Hindi kana ba naghahanap? O may nahanap kana?" si Kristen naman yan.

"Si Lisnaksa" hindi ko na narinig yung sinabi ni Destiny kasi bigla akong tinawag ni Rina.

May kinukwento pala sya pero hindi ko naman nabigyan ng pansin. "At ayun nga, kahit mga medical mismo binigay na nila kay ma'am Summer para sila ang piliin"

"h-huh? Anong medical?" naguguluhan kong tanong sakanya. Umupo na lang muna ako dito habang sya ay nagmhuhugas na ng mga plato.

"haayst hindi mo naman ako iniintindi eh."

"Pasensya kana. Ano nga ulit iyon?"

"Kako, matagal ng naghahanap si Ma'am Summer na pwedeng magdala ng anak nya. Madaming nagpapasa ng mga applications, yung iba may kasama pang medical nila pero walang mapili si Ma'am Summer. Aba, sino ba naman ang hindi magkaka interes sa milyon milyong kapalit diba?" Sabi ni Rina habang nagpupunas ng kamay.

Nakwento din nya sakin na isang lesbian si Jennie. Hindi na ako magtataka dahil tulad nung tatlo nyang kaibigan ay may pagka astig din syang kung pumorma at kumilos. Pero ganun na lang siguro sya kayaman para magbayad ng milyon milyon para lang may magdala sa anak nya. Her heir.

Nagpaalam na rin ang mga kaibigan nya at hinatid ko na lang sila sa may pintuan. Hindi ko alam na andun na din pala sa tabi ko si Jennie. Nagpapaalaman sila ng mga kaibigan nya ng maramdaman ko yung kamay nya na nakahawak sa bewang ko. Bigla akong nanigas, hindi ko alam kung naramdaman nya ba iyon. Naramdaman ko din namumula ang mukha ko kaya naman hinawakan ko agad ang mukha ko ng dalawa kong kamay.

Nakaalis na yung tatlo ng hindi ko napapansin.

"Matulog kana, may pupuntahan tayo bukas." yun lang ang sinabi nya at umakyat na sakanyang kwarto.

Pabaling baling ako dito sa higaan ko. Naguguluhan ako sa mga kinikilos ni Jennie. Sa mga gestures nya. Hindi ko din alam kung bakit naaapektuhan ako. Aarrrgghhh Lisa Lei umayos ka huh.

Tbc

Continue Reading

You'll Also Like

115K 1.9K 48
Hanggang saan ang kayang gawin ni Lisa para kay Jennie para makuha nya ito. Enjooooy :) šŸŽ–ļø#5 twice šŸŽ–ļø#6 redvelvet šŸŽ–ļø#11 lesbianstory
26K 65 13
jenlisa filipino one-shots šŸ”ž, all of these are converted credits to the rightful owner warning: mature content Lisa g!pā€¼ļø
38.7K 920 67
"Limang taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon patago pa rin kitang minamahal."