(Paalala para hindi malito. This scene ay nauna muna bago umalis sina Roselyn at Daxton para iligtas ang mga Prinsipe. Inuna ko muna ang bagbakan ng mga royalties bago ang scene ni Daxton kasama ang Daddy ni Adrianna.)
Adrianna Rose Campbell POV
"You wolf!"-sigaw ni Daddy at saka malakas na sinipa ang nasa gitna ni Prim kaya napasigaw ito at napaluhod sa lupa habang sapo ang kanyang birdy.
"Argghhh! Ouch naman Daddy"-namimilipit na saad niya habang gusto nang magpagulong-gulong sa lupa.
"Daddy your face. Pulbusin kaya kitang aso ka? May pahalik ka pang nalalaman"-hindi nasisiyahang saad ni Daddy at saka mabilis na lumapit sa akin saka pinunasan ang labi ko.
"May germs 'yon baby"-nakangusong saad ni Daddy habang pinupunasan ang labi ko. Parang kulang na lang lagyan na niya ng alcohol yung panyo.
"Baka gusto mo na ring lagyan ng alcohol yang panyo mo Daddy"-suggestion ko kaya napatigil siya at tumingin kay Mommy.
"Honey, bigyan mo ako ng alcohol"-seryosong saad ni Daddy kaya binigyan siya ng malakas na batok ni Mommy.
"Manahimik ka jan!"-sigaw ni Mommy at saka tumingin sa namimilipit pa rin na si Prim.
"Sofa"
Pagkabigkas ni Mommy ay naging sofa si Prim.
Kita ko yung mata ni Prim habang siya ay isang sofa. Ahaha nakakatawa siya.
"My flower help me"
Napapahagikhik lang ako habang pinagmamasdan sina Mommy at Daddy na nakaupo sa sofa. Poor Prim.
Word of magic, 'yan ang tawag sa kapangyarihan ni Mommy. Ang cool! Yung sasabihin mo lang magkakaroon o 'di kaya sabihin ang gusto mong gawin sa ibang bagay o tao ay matutupad na. Pero may limitations. Hindi niya mababago ang mga nasa prophecy like wars and death.
Tumingin ako sa kanila na tumatalon sa sofa kaya nahihirapan na si Prim.
Tumingin ako kay Prim na patuloy na iniinda ang ginagawa nina Mommy at Daddy.
"Mommy, Daddy. Stop that already"-mahinang saad ko kaya napatingin sila sa akin. Tumigil sila sa pagtalon at umupo nang maayos.
"You know baby, ganito dapat ginagawa ng mga magulang. Pinapahirapan para makita kung hanggang kailangan nila matatagalan, para malaman din kung gaano kalalim ang pagmamahal nila sa'yo."-mahinahong saad ni Mommy at hinawakan ang kamay ko at pinaupo sa tabi niya.
"You okay Prim?"
Tanong ko sa isip niya habang nakaupo.
"I'm okay my flower. Tama sila. Dapat kong paghirapan na makuha ka. Hindi ibig sabihin na meant to be tayo, akin ka na agad. Dapat paghirapan muna kita para mapatunayang karapat-dapat ako sa'yo. I'll do everything just to prove to them that I am the only man who deserve you. I promise that I'll court you forever."
Nagulat ako sa mga binitawan niyang salita. Napatingin ako sa tabi ko kung nasaan ang labi at mga mata niya.
Ang daming mga kwento nina Mommy at Daddy pero nanatili akong lutang dahil sa mga sinabi niya.
"Mommy, ibalik mo na ako"-seryosong saad ni Prim kaya naunawaan naman nina Mommy at Daddy iyon.
Bumalik sa dati si Prim at tumingin sa isang direksyon.
"Ang mga prinsipe nasa panganib"-seryosong saad niya kaya napatango kami.
Mabilis kong binigay ang impormasyon kina Persephone at Roselyn gamit ang telepathy.
Mabilis na nagpalit ng anyo si Prim na isa na ngayon Black Fire Wolf. Mabilis siyang tumakbo patungo sa direksyon kung nasaan ang mga royalties.
Ginamit na rin ni Persephone ang kapangyarihan niya para hanapin si Roselyn na ngayon ay naglalakad papunta sa kinalalagyan ng mga royalties.
"Nakita ko na siya"- seryosong saad ni Persephone.
"Do it now" - ustos ko sa kanya.
"Baby, we have to go. May mga class S pa raw na sumasalakay sa iba't ibang kaharian at mundo. Kailangan muna namin silang mapaglaho sa mundo."
Hindi pa ako nakakasagot, bigla na lang silang nawala.
Roselyn Jack POV (Present time)
Nakatayo ako ngayon habang pinagmamasdan ang papalayong Asiamie. Kung si Asiamie man iyon o hindi.
Dahil sa kapangyarihan ni Persephone nakarating agad ako kanina sa kinalalagyan ng mga Prinsipe at sakto rin ang pagdating ni Daxton kanina na mabilis siyang tumalon at kinagat ang ulo ni Caspian saka kinagat ito hanggang sa mahiwalay ang ulo niya sa katawan nito.
Ngayon namang ang proproblemahin ko na lang ay kung hahabulin ko pa ba ang babaeng iyon o uunahin ko muna ang mga prinsipe lalo na ang my loves ko? Syempre uunahin ko muna mga prinsipe lalo na ang my loves ko.
Alam kong hindi rin naman siya makakalayo. Mahahabol at mahahabol ko rin siya.
Una kong ginamot kanina si Accuis kasi siya ang napuruhan at saka si My Loves then si Kegan. Pina-inom ko sa kanila ang antidote na ginawa ko.
"Daxton, pakilagay sila sa silong. May hahabulin lang akong pusa na hindi mamatay-matay."-seryosong saad ko at mabilis na tumakbo papasok sa mga kakahoyan.
Siguro nakalayo-layo na rin ang babaeng iyon.
Pumalakpak ako sa ere hanggang sa lumabas ang flying broom ko.
Nakalimutan ko, may flying broom pala ako. I'm a witch.
Mabilis kong hinawakan ang flying broom ko at mabilis na binuhat ang katawan ko para makaupo agad ako sa lumilipad na flying broom ko.
Mabilis kong pinatakbo ang flying broom ko para maabutan ko siya.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakita ko siya, hinihingal sa may tabi ng ilog.
Tumayo ako sa flying broom ko at tumalon mismo sa harap niya.
"Boo"pang gulat ko kaya mabilis siyang naglakad palayo sa akin.
Isa lang ang napansin ko, the way she look at me. Ibang iba sa Asiamie na nakaharap ko.
Who is this girl?
"Who are you?"-seryosong tanong ko sa kanya na ngayon ay nakatingin sa mga mata ko mismo.
"Asiamie"-saad niya saka huminga nang malalim at tumayo ng tuwid.
"Stop lying bitch, who the hell are you?"-hindi natutuwang saad ko kaya tinignan niya ako sa mata at saka siya tumawa nang tumawa sa harapan ko.
"Why? Nagtataka ka ba kung bakit 'di ako patay?"-nakangising saad niya at saka umiling-iling.
"Dapat isipin mo na, ako nga ba ang napatay mo?"-sunod na tanong niya kaya napatigil ako sa pag-iisip at tumingin sa kanya.
Mabilis siyang naglabas ng mga puppets at saka naghanda.
"You killed my twin sister, her name is Asiamae"- galit na saad niya.
How?!
"Naguguluhan ka. Sa aming dalawa ni Asiamae, ako lang ang may kapangyarihan at siya ay wala. Ako mismo ang kumukontrol sa mga puppets habang naglalaban kayo. Habang naglalaban kayo gumagawa na ako ng lason para sa mga prinsipe."-bigay impormasyon niyang saad at saka tumingin sa balikat ko.
"Hindi ko rin inaakala na maghihilom agad ang sugat mo"-dagdag niya kaya napatingin ako sa balikat ko.
Uminom ako ng healing potion na gawa ko mismo. Mahirap hanapin ang mga ingredients nun kaya 'di gaano kadami ang nagawa ko.
Tumingin ako sa kanya at saka napapikit.
"So, si Asiamae ang kakambal mo ang napatay ko? SAD... Ikaw naman talaga gusto kong patayin hindi ang kakambal mo. Pero alam mo, mas masahol ka pa sa hayop. Hinayaan mong makipaglaban ang kapatid mo para lang sa Caspian na iyon? Ipagpapalit mo ang kadugo mo para sa taong Mahal mo? Wala kang utak! Isa kang hayop!"-sigaw ko sa kanya pero ikinatawa lang niya.
"Why? Ako ba ang pumatay? Ikaw hindi ba? You killed my innocent twin sister!"-galit na sigaw niya kaya bigla akong nanggigil.
"Wag na wag mong ibabalik sa akin ang kasalanan mo! Sa una pa lang alam mo na namalalagay sa panganip ang kapatid mo pero hinayaan mo lang siya at hindi tinulungan! Isa kang walang kwentang hayop! Hayop ka!"-sigaw ko at mabilis na nilabas ang wand ko.
✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨
Hope you like it.
Parang ang gulo🥴 ahahahha
Sorry.
Thank you for reading
Love you guys! Keep safe and God bless you💞