Owned By Him

By BLACIRE

323K 7.4K 579

Sabi nila kapag tahimik ang bagyo mas nakakatakot, mas mabagsik at mas nakakapaminsala. Then what if a man wh... More

Owned By Him
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Epilogue

Chapter 20

9.6K 234 18
By BLACIRE



Chapter 20
_______






Isinugod nila sa hospital si Stephanie. Kumakabog nang matindi ang puso niya at nanginginig ang kamay niya sa kaba.

Hanggang ngayon ay gulat pa din siya sa ginawa nito. Ngayon lang nagsink in sa isip niya kung ano iyong bagay na inilagay nito sa sarili nitong pagkain.

Ang hindi niya lang maintindihan ay kung paano nito iyon nagawa sa sarili nito. Paano nito nagawang kumain nang bagay na maaring maging dahilan nang pagkawala nang sarili nitong anak. Bakit nito iyon ginawa?

Nagulat din nang sobra ang mommy niya nang makitang dinudugo ito. Sobrang natataranta ito habang tinatanong kung anong nangyari. Siya man ay hindi niya alam ang sasabihin dito. Sobrang bilis nang pangyayari at hindi niya inaasahan na hahantong sa ganito.



Hindi pa din siya makapagsalita kahit na anong tanong nang mommy niya. Si Larry naman ay tulala. Bukod yata sa kaniya ay mas lalo itong nagulat at kinakabahan sa nangyari.

Dumating na din ang Daddy niya at si Phoenix. Sabay na dumating ang dalawa nang tawagan ni Manang Rosie ang mga ito.

Agad siyang yumakap sa asawa pagkadating nito. Tumugon naman ito sa yakap niya at hinalikan siya sa noo bago bumuntong hininga.

"Ang anak mo Phoenix, baka anong mangyari sa kaniya. Diyos ko." naluluha siya. Maging ang asawa niya ay walang alam sa nangyari. Tanging sila lamang ni Larry ang nakasaksi sa ginawa ni Stephanie.


Ilang oras pa ay lumabas na ang doktor. Agad silang lumapit dito para tanungin kung ano ang kalagayan nang dalaga.

Mas lalo siyang nanlumo nang makitang umiling ito tanda na isang buhay ang nawala dahil sa isang kamalian na nagawa.

Napaiyak siya. Maging ang ina ay ganoon din. Tanging ang mag-ama lang ang hindi pero nakita niya ang pagyuko ni Phoenix. Maging ang kanilang bodyguard na si Larry ay nakita niyang naluha matapos marinig ang kompirmasyon nang doktor kanina sa nangyari sa dapat sanang anak ni Stephanie.

Marahil ay isa din ito sa nagdamdam sa nangyari dahil bukod sa kaniya ay nasaksihan din ito ang walang awang pagpatay ni Stephanie sa sariling anak.

"Kasalanan ko ito." mahina man ay rinig niya ang mahinang ani ni Larry habang nakayuko ito at tumutulo ang luha sa mga mata.

Nalito siya sa sinabi nito pero baka dahil iyon sa wala itong nagawa sa nangyari kanina.

Ilang oras pa sila sa sitwasyong iyon bago pumasok si Phoenix sa kwartong tinutuluyan ni Stephanie. Nailipat na ito at pinayagan na rin sila nang doctor nito na pumasok sila. Nauna lang munang pumasok si Phoenix dahil ito daw ang hinahanap ni Stephanie na ngayon ay gising na.

Naghintay muna sila nang ilang minuto para daw makapag usap ang dalawa.

Sabay-sabay silang pumasok sa loob nang kwarto.

Doon nga ay nakita niya si Stephanie na gising na habang nakaupo sa kama nito.

Nasa gilid nito nakatayo si Phoenix.

Sabay na tumingin sa direksiyon nila ang dalawa pero dahil nasa likod siya nang mga magulang ni Phoenix ay hindi agad siya nito nakita. Nasa tabi lang din niya si Larry na ngayon niya lang din napansin. Ito ang pinaka pinagkakatiwalaan ni Phoenix sa lahat nang bodyguards nito kaya hindi na siya nagulat nang makita ito.

Ngumiti si Stephanie sa mga magulang ni Phoenix.

"How are you iha?" lumapit ang mommy niya dito na naging dahilan para makita siya ni Stephanie.

Nakita niyang naningkit ang mga mata nito sa kaniya bago tumalim. Ilang sandali pa ay tumingin ito sa mommy niya na parang nagmamakaawa.

"What is she doing here?! She's the reason why I had miscarriage!" sigaw nito at parang natatakot na bata na yumakap sa sariling tuhod.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Anong? Paanong siya ang may kasalanan eh ito mismo ang gumawa nito sa sarili nito. Ito ang walang pusong ina na kumitil sa sariling buhay nang walang muwang na bata.

"A-ano bang pinagsasabi mo diyan Stephanie? Nababaliw kana ba? Ikaw mismo ang gumawa niyan sa sarili mong anak tapos ako ang sisihin mo?" gulat na ani niya dito.

"At bakit ko naman papatayin ang sarili kong anak? Hindi ako baliw! Ikaw ang gumawa noon. Pinilit mo akong  pakainin nang cupcake na gawa mo dahil plano mo siyang patayin. Naiinggit ka kasi buntis ako at magkakaanak na kami ni Phoenix kaya mo iyon ginawa?" humagulhol pa ito.

Tumingin siya sa Mommy at Daddy niya na nakatingin lang sa kaniya na walang reaksyon.

Nang lingunin niya ang asawa ay nakita niya itong lumapit sa dalaga. Hinawakan nito si Stephanie. Agad namang yumakap ang babae dito at siniksik ang sarili habang sumisinok pa.

Isiniksik nito ang mukha sa tiyan nang asawa niya. Nakita niya pang tumingin ang babae sa kaniya at ngumisi.

Napayukom ang kamao niya at napaiwas nang tingin sa mga ito.

Ang sakit lang sa mata. At ang sakit lang sa dibdib makita na parang naniniwala pa ang mga tao sa paligid niya sa sinasabi nito.

Pakiramdam niya, biglang hindi siya makahinga sa sobrang sakit.

"Do you really think that I would believe in you?" muli siya napatingin sa direksyon kung nasaan sina Phoenix nang marinig ang malamig nitong boses.

Hindi na nakayakap sa katawan nito ang babae. Medyo dumistansya na ito at ngayon ay nasa sariling bulsa na ang dalawang kamay habang walang buhay na nakatingin ang malalamig nitong  mata sa dalaga.

Nakakunot naman ang noo nang huli. Parang nagmamakaawa at humihingi pa din nang simpatya ang tingin nito sa kaniyang asawa.

"W-what do you mean? Naniniwala ka pa rin sa babaeng iyan?" saglit na dumapo ang matalim na tingin nito sa kaniya at itinuro pa siya. "She killed our baby. She want to get rid of me." ani pa nito.

Masyado talaga itong magaling mang imbento nang kwento. Bakit kaya hindi na lang ito nag artista. Mukhang mas bagay ito doon kesa sa maging model.

Sa pagkakataong iyon ay lumapit dito ang asawa niya. Nakita niya naman ang dahan-dahang pag atras nang babae palayo sa asawa niyang ngayon ay matalim na ang tingin dito.

"You're still gonna lie huh? Do you think I'm an idiot that could easily be fooled." seryosong ani nito sa dalaga. Hinawakan pa nito nang mahigpit ang braso nito at mariing pinisil.

"What are you talking about? Why can't you believe me? Why can't you love me? Why? I gave you everything Phoenix. I loved you to the point that I treated you like my king." narinig niya ang pagpiyok nang dalaga. Unti-unting umagos ang luha sa mga mata nito.

Sa pagkakataong iyon ay alam niyang hindi ito peke. Alam niyang nasasaktan ito sa trato nang asawa niya.

"I'm sorry Steph." seryosong ani nang asawa niya. "I know how much you loved me but I cannot do anything to reciprocate your feelings for me. I know it was all my fault. I can't give you the attention and the love that you want that's why you almost ruined your life. You goes around with different men and enjoy each others company. I know everything." ani nito.

Nakita niyang napahinto saglit ang dalaga. Lumuluhang tinitigan nito ang lalaki.

"Kahit pa sinabi kong buntis ako, hindi mo pa rin ba talaga maibigay ang gusto ko? I thought carrying your child would make you love me." suminok pa ito.

"How many times do I have to tell you that I was not the father of your supposed to be child."

"You are! May nangyari saatin noong umuwi ako galing Bar kasama ka. You were with me and we made love the whole fvcking night!" sigaw nito.

Umiling naman ang asawa niya. Ang mga magulang naman ni Phoenix ay dahan-dahang lumabas para ata bigyan sila nang privacy. Ang tanging natira nalang sa kwarto ay siya, ang asawa niya, si Larry at si Stephanie na lamang.

"We aren't. There's nothing that happened between us. We never did it. It wasn't me." ani nang asawa niya na siyang ikinalaki nang mga mata nang dalaga.

"What?"

"You're with Larry that night. He was the one who fetched you to the bar and drives you home. Yes, I was also in that bar but I only talk to you once. That was the time before you passed out because of being drunk. Inutusan ko nalang si Larry noon. And the morning after. Larry told me that he unexpectedly had sex with you."

"Oh my God!" maging siya ay napanganga sa sinabi ni Phoenix.

"No it can't be!" nagwawala na si Stephanie pero walang sinuman sa kanila ang pumigil dito.

Tumingin siya kay Larry na nanatili pa ring tahimik. Nakita niyang tumulo ang isang butil nang luha nito sa mata bago pumikit nang mariin.

Bumuka ang bibig nito at kahit mahina ay narinig niya ang sinambit nito.


"Ang anak ko. Pinatay niya ang anak ko..."

Dama niya ang sakit na nararamdaman nang binata. Napakahirap dito ang makitang pinatay mismo sa harap niya ang sana'y anak niya.

Kanina ay nagtataka pa siya. Akala niya ay nandito lang si Larry sa hospital dahil sa utos ni Phoenix. Hindi niya alam na ito pala mismo ang ama nang batang dinadala ni Stephanie.

Kaya ba itinatanggi nang asawa niya ang sinabi ni Stephanie na buntis ito at si Phoenix ang ama?

Nabaling ang tingin niya sa asawa nang lumapit ito kay Larry. Nakita niyang tumitig ito sa binata bago ito tinapik sa balikat.

"I'm sorry for your loss" rinig niyang sambit nito.

Tumango naman si Larry at tumingin din sa amo.

"Masakit Boss.. Pero hindi ko kasi inaasahan na gagawin niya iyon. Alam kong may plano siyang masama kay Ma'am Xiarra pero hindi ko inaasahang makakaya niyang kitilin ang sarili niyang anak dahil lamang sa galit niya kay Ma'am. Nandoon ako eh. Nandoon ako pero wala akong nagawa." bakas sa boses nito ang pagsisisi.

Alam niyang sinisisi nito nang  sobra-sobra ang sarili. Maging siya man ay nagsisisi. Napakatanga niya para maniwalang wala itong gagawin na masama.

Ilang sandali pa ay lumabas na si Larry. Sumunod din dito ang asawa niya habang siya ay nagpaiwan.

Hindi niya alam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit siya nagpaiwan sa kwartong ito kasama si Stephanie.

Napatingin siya sa dalaga. Nakabaluktot ito nang higa habang ang dalawang palad nito ay nasa tenga.

Umiiyak ito habang paulit-ulit sinasabi ang salitang 'tama lang iyon'

"Tama lang ang ginawa ko. Dapat siyang mamatay.."

Lumapit siya dito at tiningnan ito. Nakuha niya ang pansin nito. Agad itong umupo sa kama. Tumalim ang tingin nito sa kaniya bago ito tumawa.

"Ikaw.." tinuro siya nito. "Ikaw ang dapat sisihin. Kasalanan mo ito lahat."

Umiling siya dito.

"Wala akong kasalanan. Ikaw ang gumawa niyan sa buhay mo." ani niya.

Naaawa siya dito pero hindi niya pa rin nakakalimutan ang ginawa nito.

"Akin dapat si Phoenix. Ako dapat ang minahal niya kung hindi ka lang umekstra. Ikaw ang dahilan nang lahat. Dahil sayo kaya hindi niya ako magawang mahalin. Kahit anong pag papapansin ko sa kaniya hindi niya man lang ako bigyan nang kahit katiting na atensyon. Siya lang ang lalaking minahal ko nang ganito." tumulo ang luha sa mga mata nito bago tumalim ang tingin sa kaniya. "Ikaw ang dahilan. Papatayin kita!"

Napabuntong hininga siya. Hindi niya alam kung bakit hindi na siya natatakot pa sa binabanta nito sa kaniya. Dahil ba sa awa? O siguro dahil sa naiintindihan niya ito. Nagmahal lang naman ito. Nagkataon lang na hindi ito magawang suklian nang taong mahal nito.

May mga bagay kasi talaga sa mundo na kahit anong gawin natin hindi natin makuha. Iyong tipong ginawa mo na lahat pero wala pa rin.

Kagaya niya, noong bata pa siya. Wala siyang ibang hiniling kung hindi ang mahalin nang sariling ama. Nagpapakabait siya at lahat ginagawa niya para lamang makuha ang pagmamahal nito.

Pero hindi nito iyon ginawa. Paulit-ulit sila nitong sinasaktan. Kahit sa may sakit niyang ina wala na itong ibang ginawa kung hindi ang pag malupitan sila.

Pero ganoon pa man. Naniniwala siyang darating ang oras makakamtan din nang isang tao ang ligaya na hinahangad nito. Kagaya niya ngayon. Masaya siya, lalo na at mahal siya nang taong mahal niya. May mga tao din na nandito sa paligid niya na ipinaramdam sa kaniya na mahalaga siya. Minahal siya nang mga ito. Kaya nga nagpapasalamat siya lalo na sa mga magulang ni Phoenix. Kung wala sila, hindi niya alam kung ano na ang nangyari sa kaniya ngayon.

Tumingin siya kay Stephanie. Matalim pa din ang tingin nito sa kaniya. Pero ganoon pa man, nakikita niya ang sakit sa mga mata nito na pilit nitong tinatago. Bumuntong hininga siya.

"Tama na please.. Wag mo nang pahirapan ang sarili mo. Hindi mo ba nakikita? Hindi mo ba napapansin? Ikaw lang naman ang nahihirapan sa mga pinaggagagawa mo. Sarili mo lang din ang sinasaktan at sinisira mo. Ang sarili mong anak. Nagawa mo siyang gamitin at patayin para lamang manira nang iba. Pero anong nangyari? Naging masaya ka ba? Hindi di ba? Bakit hindi mo na lang subukang bagohin ang sarili mo? Iyong pagbabago na makabubuti para sayo. Darating ang araw magiging masaya ka din."
















Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 76.7K 53
Connor Eron Hunstman The Bad Son "You'll be mine forever. The innocent sound of your moans make me want to lock you in my room every day and every ni...
577K 14.7K 38
Walton Series: Harrison Walton-Swift Started: December 23, 2018 Ended: April 13, 2019
107K 2.7K 38
Si Brekker Puppert ay isang sikat na Modelo sa murang edad. Siya ay pinagkagulohan dahil sa angking gwapo at talento. Pero siya ay kilala na Babaero...
38.7K 2K 36
Aldrake Buenaventura is known as demon. Halos lahat ng estudyante sa BCU natatakot na banggain siya. Alam nilang ang pag-bangga sa isang Aldrake ay p...