Owned By Him

By BLACIRE

323K 7.4K 579

Sabi nila kapag tahimik ang bagyo mas nakakatakot, mas mabagsik at mas nakakapaminsala. Then what if a man wh... More

Owned By Him
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Epilogue

Chapter 18

9.4K 265 5
By BLACIRE

Chapter 18
________



Nandito pa din siya ngayon sa bahay nang mga magulang ni Phoenix. At sa mga oras na ito ay kasama niya na ang asawa at katabi sa upuan habang nasa harapan nila ang mga magulang nito.

Kasalukuyan silang kumakain.

Kanina nagulat siya nang makita itong naandito na rin. Bakas ang pag-aalala nito sa kaniya. Galit na galit pa ito kanina nang malaman ang ginawa sa kaniya ni Stephanie.

Tumawag pala dito kani ang isa sa guard niya na si Harold para ibalita dito ang nangyari kanina.

Hindi na dapat ito nalaman pa nang asawa dahil alam niyang mag-aalala lang ito pero wala na siyang nagawa nang ireport nang bodyguard niya ang nangyari sa kaniya kanina.

Akala niya rin ay magagalit ito sa kaniya dahil pumunta siya sa bahay nang mga magulang nito nang walang paalam.

Pero sa halip na mainis ito sa kaniya ay bakas pa sa mukha nito ang tuwa nang malamang sinabi niya sa mga magulang nito ang totoong relasyon nilang dalawa.

Sa wakas daw ay nagkaroon na siya nang lakas nang loob na sabihin sa mga ito ang totoo. Akala daw nito ay wala na siyang balak na sabihin pa sa mga magulang nito ang totoo nilang relasyon.

Siya na lang naman daw ang hinihintay nitong magsabi sa mommy at Daddy nila dahil ayaw siya nitong pangunahan at iginagalang nito ang desisyon niyang itago na muna ang patungkol sa relasyon nilang dalawa.

"Dito na kayong dalawa matulog. Pwede niyong gamitin ang kwarto ni Pheonix tutal ay mag-asawa na din naman kayo at alam naman namin na ginawa niyo na iyon." nag-init ang pisngi niya sa sinabi nang Daddy nila.

Narinig niya pa ang mahinang paghagikhik nang Mommy niya. Parang gusto niya tuloy lumubog sa hiya lalo na at ang walang hiya niyang asawa ay kinindatan pa siya.

"Nahihiya ang asawa ko Dad." ani nito sa ama pero bakas sa boses nito ang panunukso sa kaniya. Inirapan niya lang ito bago sumubo nang kanin na may ulam.

"Ano ba kayo, wag na dapat kayong mahiya pa. Alam naman na natin ang totoo." panunukso nang Ginang sa kanila.

Tumawa naman ang asawa niya.

"I have a request sana. Kung pwede dito muna kayo tumira. Para naman makabonding ko din si Xiarra." biglang ani nang Mommy Lea niya na ikinatingin niya sa asawa.

Sa totoo lang ay gusto niya rin iyon.

"There's no problem with that. Madalas naman ay nasa opisina ako at alam kong mabobored lang ang asawa ko sa bahay namin. Mabuti iyong may kasama naman siya at mas mapapanatag ako kapag nandito siya sa bahay at kasama ninyo." sambit nang asawa kaya naman napangiti sila nang Ginang.

Sa wakas mukhang nababawasan na ang pagiging mahigpit nang asawa pagdating sa kaniya.



Pagkatapos kumain ay nag paalam na ang magulang nang binata na mauuna nang matulog. Siya naman ay pinauna ang asawa sa kwarto nito kung saan sila matutulog. Sinabi niyang may kukunin muna siya sa dati niyang kwarto pero ang totoo ay tumulong na muna siya sa mga katulong sa pagliligpit nang mga pinag kainan nila kahit na mahigpit ang pagtanggi nang mga ito.

Sinabi na lang niya na gusto niya magpababa nang kinain. Tutal ay hindi naman siya makakatulog agad kaya gusto niya na munang tulungan ang mga ito.

Si Phoenix ay siguradong abala nanaman iyon. Alam niyang marami pa iyong gagawing trabaho at ayaw niya muna itong abalahin.

Ayaw niya namang sabihin dito na tutulong na muna siya sa mga katulong dahil siguradong hindi iyon papayag.

Gusto niyang makatulong naman kahit papaano sa mga gawaing bahay habang nandirito sila sa bahay nang mga magulang ni Phoenix.


Nakakahiya naman sa mga magulang nito lalo na at ngayon ay asawa na siya nito.

"Naku Ma'am, hindi po talaga ako makapaniwalang dating magkapatid ang turingan niyo ni Sir Phoenix. Sa ganda niyo po talagang hindi makakatiis si Sir at aasawahin kayo." napangiti siya sa sinabi ni Janice. Bago itong kasambahay sa bahay. Ang sabi nito ay hindi na sila nito naabutan pa noon.

Ibig sabihin ay dumating ito noong wala na sila ni Phoenix at nakatira na sa bahay nang asawa.

Halata dito ang pagiging makulit at madaldal. Naiintindihan niya naman dahil halatang napakabata pa nito. Siguro ay sixteen years old lang ito.

"Wag mo na nga akong tawaging Ma'am, Ate Xiarra na lang. At tyaka hindi naman ako maganda eh." ani niya dito.

Exaggerated na nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya.

"Ang ganiyan pong histura hindi pa ba iyan maganda? Jusko paano na lang pala ang face ko eh parang patay na kuko niyo lang po ako sa paa, na siguradong wala naman."

Natawa siya sa sinabi nito.

Napaka cute tingnan nang reaksiyon nito kaya naman hindi niya napigilang panggigilan nang pisngi nito. Nakalimutan niyang may sabon ang kamay niya dahil sa paghuhugas nang plato.

Gigil niyang pinisil ang pisngi nito kaya naman napaaray ito.

Nanlaki ang mga mata niya at hindi niya napigilang mangilid ang luha nang makitang talagang nasaktan ito.


"Naku, pasensya na. Hindi ko sinasadya. Sorry.." tuluyan nang tumulo ang luha niya dahilan para ito naman ang manlaki ang mga mata.


"Hala Ate. Wag po kayong umiyak. Hindi naman po masakit oh." pinisil-pisil pa nito ang sariling pisngi sa harapan niya para ipakita sa kaniya na hindi ito nasasaktan.

Pero hindi siya naniniwala lalo na at hindi nito maiwasan ang ngumiwi.

Tuluyan na siyang napahikbi kaya naman nataranta na ito.

"Ate, naku po wag po kayong umiyak. Patay ako nito kay na Sir pag naabutan kayong umiiyak." ani nitong naiiyak na rin sa pagkataranta.


Bakas sa mukha nito ang takot nang hindi siya mapapigil.

Sya naman ay gustuhin mang tumigil sa pag-iyak ay hindi niya magawa. Parang gripo na kusang umagos ang luha niya. Nagsimula na siya suminok.



"Jusko po. Anong gagawin ko? Tumingin-tingin ito sa paligid at ilang sandali pa ay nakita niya itong pumunta sa refrigerator at kumuha ito doon nang tubig.



Inabot nito iyon sa kaniya. Siya naman ay unti-unti nang napakalma ang sarili.

"Iyakin po pala kayo Ate." hinagod nito ang likod niya.

Tuluyan na itong nakahinga nang mapansing hindi na siya umiiyak.

Siya naman ay pinunasan na ang mga luha niyang malapit nang matuyo. Ipinunas niya na muna ang kamay sa damit dahil basa din ang kamay niya.

"Hindi naman ako iyakin. Naluha lang ako nang makita kitang nasaktan kanina. Sorry ah?" ani niya dito na ikinatawa naman nito.


"Naku Ate wala po iyon. Sanay naman na akong pinanggigigilan ang pisngi kong mataba eh." Natawa naman siya sa sinabi nito.


"Sige na Ate matulog kana po. Pupunasan na lang naman po ang mga pinggan kaya ko na po iyan." tumango naman siya dito at nagpaalam niya. Nakaramdam na din naman siya nang antok.

Umakyat na siya at tumungo sa kwarto ni Phoenix na siyang magiging kwarto nila nito habang nandirito sila sa bahay nang mga magulang nito.

Pagkapasok niya ay naabutan niya itong nakaupo sa kama habang nakasandal sa headboard. Nasa hita naman nito nakapatong ang laptop nito.

Natigilan siya nang makitang nakasuot ito nang salamin. Tinitigan niya ang asawa.

Bakit ba napakagwapo nito. Ang dami tuloy gustong umagaw dito. Halos biniyayaan ata ito sa lahat nang bagay. Gwapo na matalino pa.

Nakita niyang tumigil ito sa ginagawa at tumingin sa direksyon niya. Ilang sandali pa ay tinanggal nito ang laptop sa hita nito at sinenyasan siyang lumapit.

Lumapit naman siya dito.

Sinabihan siya nito na maupo sa hita nito na siya namang walang pag aalinlangan niyang ginawa. Ipinaikot nito ang braso sa bewang niya habang siya naman ay niyakap din ito at isiniksik niya ang ulo sa leeg nang asawa.

Wala sa sariling inamoy-amoy niya ang asawa na siyang namang ikinasinghap nito.

Ramdam niya ang pagbuntong hininga nito pero kalaunan ay niyakap din siya nang mahigpit.

Inaantok na siya sa amoy nito at sa sarap nang pakiramdam habang yakap nito.

Ilang sandali pa ay tuluyan na siyang iginupo nang antok. Pero bago siya tuluyang makatulog ay naramdaman niya ang paghalik nang asawa sa kaniyang buhok.







"I love you so much Xiarra."




















Continue Reading

You'll Also Like

26.9K 327 14
Makapagtapos ng pag-aaral. Iyon ang goal ni Sybil sa buhay. And then the biggest opportunity of her life came, Ang maging scholar sa isang training c...
329K 12.5K 44
Rival Series 1 -Completed-
184K 2.8K 45
ON-GOING Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid...
451K 9.7K 45
Warning: SPG/R-18 (Slight lang!) KOLEHIYALA 2 Paisley Ellineth Diaz, 20 years old, college student, governor's temptress?