Queen of the Vampire King

By xytine_

109K 3.2K 460

Ano na kaya ang mangyayari sa buhay ni Scarlet pagkatapos niyang maging isang ganap na bampira? May mga panib... More

Lady A 💛
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Main Characters' Portraits
Chapter 68
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Happiest 200k and 38k!!! ✨
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Not An Update!
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Epilogue
Letter from Ms. Xytine ❤️

Chapter 69

1.1K 34 2
By xytine_

This chapter is dedicated to all my sweeties who patiently waited for this new update! I can't mention you all, but I truly appreciate your patience with me. Love lots! 💛

Mabilis na nagtungo sina Gwen at Scarlet sa magubat na parte ng university, dito kasi pinatayo ng mga Royalties ang underground facility na magtatago at magpo-protekta sa mga mortal na estudyante ng Sun Campus kapag may ganitong pangyayari.

Huminto sila sa gitna ng gubat, nilingon-lingon muna nila ang kanilang kapaligiran para makasiguradong walang nosferatu o sanguine vampires ang nakasunod sa kanila. Pinakiramdaman rin ni Scarlet ang paligid nilang dalawa sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan bilang isang bampira.

Nang masigurado nilang walang nakasunod sa kanila, agad na hinawi at tinanggal ni Gwen ang mga nakakalat na mga dahon sa isang pintong bakal na lagusan na nasa lupa. Bago ito bumukas ay kinakailangan na muna ang fingerprint ng kahit na sinong Royalties, nilagay ni Scarlet ang kanyang hinlalaki sa scanner at automatiko itong bumukas.

Hindi nila binigyan ng awtoridad ang mga Vanguards sa underground facility na kanilang pinagawa, kaya tanging mga Royalties lang ang may access sa buong facility.

"Sino-sinong mga Vanguards ang nag-iikot sa Sun Campus ngayon?"

Panimulang tanong ni Scarlet kay Gwen, pagkababa at pagkapasok nilang dalawa. Habang awtomatiko namang nagsara agad ang bakal na pintuan.

"Sina Dale at Josh po, Queen. Gusto nga po sana naming dalawa ni Jenn na tulungan silang dalawa sa pag-iikot, ngunit ipinag-utos ni Dustin na tulungan nalang namin sina Lauren at Cindy dito sa underground facility."

Pagsagot agad ni Gwen sa kanyang tanong.

Nilalakad nila ang isang hallway na puro gawa sa bakal ang paligid. Ang bawat pader, bubong, at sahig nito ay gawa sa napaka-kapal na bakal. May mga kwarto rin dito at ang iba ay mga laboratory.

"May kasama ba silang Royalties?"

"Yes po, meron. Kasama po nilang dalawa sina Dustin at Kelly, para mabilis silang makapasok dito sa underground facility kung sakali man na matapos sila sa taas."

Pagtango-tango na lamang ang nagawa ni Scarlet habang nangunguna siya sa paglalakad. Malalim ang kanyang iniisip ngayon, marami ring gumugulo sa kanyang utak.

Iniisip niya kung bakit ngayon pa nangyari ang ganitong kaguluhan kung kailan ang araw ng pag-alis ni King, hindi niya tuloy maiwasang isipin rin na parang planado ng kung sinuman ang gulong ito.

Maya-maya pa ay narating na nila ang isang napaka-lawak at napaka-laking na kwarto, halos kasing-laki at kasing-lawak nito ang open field ng kanilang university.

Nilibot ni Scarlet ang kanyang paningin sa lahat ng estudyanteng nasa loob. Lahat ay may takip na itim na tela sa kanilang mga mata, tahimik lamang ang mga ito at hindi nagpa-panic. Hindi na siya nagulat dahil alam niyang ginagamitan ni Cindy ng kanyang kapangyarihan ang lahat ng estudyante, ginagamitan niya ito ng mind control.

"What happened while I was gone? Hindi pa nawawala ng isang araw si King pero ito na agad ang dumating na kaguluhan dito sa university. Alam niyo ba kung saan nagsimula ang lahat ng ito?"

Bungad ni Scarlet kina Lauren at Cindy.

"Oh gosh! Good thing you're finally here, Scarlet! Kabadong-kabado ako kasi hindi ko alam kung paano ang gagawin kanina, buti nalang nandito na rin si Lauren nung biglang nagkagulo."

Stress na stress na sambit ni Cindy habang nakasimangot ang kanyang mukha.

Tinanguan lamang siya ni Scarlet at binalingan ng tingin si Lauren.

"Mabilis kong nautusan ang lahat ng i-evacuate ang lahat ng estudyante sa Sun Campus, hindi talaga namin alam kung saan at kanino nagsimula ang gulo na ito. Naglilibot ngayon sina Dustin at Kelly, kasama nila ang dalawang lalakeng Vanguards. Iimbestigahan narin nila kung saan nagmula yung mga nosferatu at sanguine vampires para masulosyonan na agad natin 'tong gulo."

Paliwanag ni Lauren kay Scarlet na nililibot ang kanyang paningin sa lahat ng estudyanteng nasa harapan niya.

Malalim rin ang kanyang iniisip at halo-halong problema ang pumapasok sa kanyang isipan ngayon. Kinakabahan rin siya kasi naiisip niya na baka nauulit na naman ang dati, ang pinagkaiba lang ay wala si King ngayon.

Ayaw rin naman niyang sabihin kay King ang kasalukuyang nangyayari ngayon sa university, iniisip niya kasi na baka bigla itong mapauwi agad dahil sa pag-aalala.

"Sasabihin ba natin kay King itong nangyayari, Scarlet?"

"Hindi."

Simpleng tugon niya kay Cindy.

"Why? He deserves to know, Scarlet."

Wika naman ulit ni Lauren.

"Kakaalis lang niya ngayong araw, baka bigla nalang siyang umuwi agad at hindi niya magawa yung inuutos ng ama niya sa kanya. Ayoko namang mangyari yun. I know we can solve this situation, I believe in you. And, you guys are going to help me, right?"

Tugon ni Scarlet kay Lauren habang nakatitig sa kanya.

"Of course, we're here to help you. Us, the duchesses as well as the dukes of the Royalties, are here to help you."

"The Vanguards are also willing to help you, Queen."

Seryosong wika nina Lauren at Gwen, tumango naman sina Cindy at Jenn bilang pagsang-ayon sa sinabi ng dalawa.

Bahagyang napangiti si Scarlet dahil sa sinabi nila. Ayaw man niyang ilihim kay King ang kasalukuyang problema pero kailangan niyang gawin, kasi ayaw niyang maging hadlang ang problemang ito sa pagsunod niya sa utos ng kanyang ama.

"Thank you so much. I owe you guys a lot."

Nakangiting wika niya.

Habang busy sila Scarlet sa underground facility, busy rin naman sina Dustin, Kelly, Dale, at Josh sa pag-iikot sa buong Sun Campus. Kailangan nilang libutin ang buong campus para masiguradong wala nang natira kahit isang estudyante.

"I think we need to split-up, we won't be able to finish this task if we're going to stick with each other."

Suggestion ni Dustin sa tatlo niyang kasama. Tinanguan naman siya ng tatlo.

"Kami ni Dale ang pupunta sa east wing, habang kayong dalawa ni Kelly ang sa west wing. Okay ba yun sainyo?"

Muling suggestion ni Dustin sa kanila habang tinuturo kung sino ang magkakasama.

"Alright, it's okay with me."

"Kung sakali man na kayong dalawa ni Kelly ang mauna, mas magandang pumasok na agad kayo sa baba para hindi na kayo makita pa ng kung sinuman sa paligid. Lagi niyong tatandaan na dapat hindi malaman ng kung sinuman ang lugar kung nasaan ang underground facility, tanging Vanguards at Royalties lang ang nakakaalam kung nasaan ito. Understood?"

Seryosong paalala sa kanilang tatlo ni Dustin.

Totoo naman ang sinabi niya. Dapat walang makaalam na may pinagawa silang underground facility sa loob ng Sanguis University, ayaw kasi nilang magtiwala sa kahit na sino. Lalo na't ang UF ang tinuturing nila main headquarter ngayon, kaya sikreto ito sa lahat maliban sa Royalties at Vanguards.

Tinanguan siya ng tatlo at agad silang nagkasundo na maghiwa-hiwalay na.

Agad na dumiretso sina Dale at Dustin sa east wing, bawat lugar na pwedeng pagtaguan ng kahit na sinong estudyante at bampira ay tinignan nila. Bawat silid ay pinasok nila at tinignan ang loob.

Pagkadating nila sa ikalawang-palapag ng isang building, nakarinig si Dustin ng mahinang pag-iyak sa loob ng isang storage room. Agad niyang sinenyasan si Dale na wag gagawa ng kahit na anong ingay, habang dahan-dahan siyang lumalapit sa pinto.

Inihanda ni Dale ang ginagamit niyang pang-depensang armas habang nakabantay siya sa likod ni Dustin.

Dahan-dahan ring hinawakan ni Dustin ang doorknob ng storage room at biglaan itong binuksan.

Isang babaeng estudyante na puro dugo sa katawan ang kanilang nakita sa loob ng storage room. Gulo-gulo ang buhok nito pati na rin ang damit na suot niya. Ngunit hindi ang mga ito ang ikinagulat nila Dale at Dustin, kundi ang mga mata ng babae.

Sa kaliwa ay pula na ang kanyang mata na katulad sa mga bampira habang sa kanan naman ay ang normal nitong mata. Napansin rin nila ang natuyong dugo na nasa mga kamay at bibig nito.

"P-Please don't.. h-hurt me! I d-don't know w-what h-happened! H-Hinabol a-ako ng isang b-bampira!"

Umiiyak na wika ng babae habang nanginginig pa ito.

Dumako ang kanyang tingin kay Dale at mabilis na lumapit ito sa kanya.

"D-Dale! Kilala m-mo ko d-diba? M-Magkaklase tayong dalawa sa isang m-major subject! Tulungan mo a-ako, parang a-awa mo na.."

Pagmamakaawa ng babae sa kanya habang patuloy paring umiiyak at hawak ang kanang kamay ni Dale.

Totoo naman ang sinasabi ng babae sa kanya, magkaklase nga silang dalawa sa isang major subject nila at madalas niya itong makita kasa-kasama ang mga kaibigan nito.

Ngunit bago pa man makapagsalita si Dale ay agad na hinawakan ni Dustin ang balikat ng babae at bigla nalang itong nawalan ng malay.

"What did you do? What happened to her? Pinatay mo ba siya?"

Sunod-sunod na tanong ni Dale kay Dustin.

"Relax, alright? She's not yet dead, I just took away her consciousness and make her fall asleep. I also think that she's infected or bitten by a sanguine vampire."

Seryosong tugon ni Dustin sa kanya habang tinitignan nito ang buong mukha ng babae. Dumako ang kanyang paningin sa leeg nito at nakita niyang may tatlo itong butas sa leeg na siyang ipagtataka niya.

"Carry her. We're going to take her to our laboratory inside the underground facility so that we can fully examine her and find out what happened to her earlier."

Agad naman siyang sinunod ni Dale at binuhat ang walang malay na babae.

Pinagpatuloy nila ang pag-iikot sa east wing habang buhat-buhat parin ni Dale ang babae. Nang matapos nila ang pag-iikot ay agad silang dumiretso sa underground facility.

Sa kabilang dako naman ay patuloy parin sa pag-iikot sina Kelly at Josh, napuntahan na rin nila ang iba pang building at facilities. May mga nakasagupa silang ilang mga bampira ngunit napapatay naman nila ito agad.

Nagtungo sila sa field dahil ito na ang huling lugar na kanilang kailangang puntahan.

Maraming masalimuot na alaala ang pumasok sa isip ngayon ni Kelly. Bahagya na lamang siyang napapailing at napapatawa dahil sa kanyang naalala.

"Grabe, hindi ko parin makakalimutan yung nangyari dito magda-dalawang taon na ang nakakalipas."

Wika niya habang nililibot ang kanyang paningin sa buong field.

"Siguro sobrang traumatic ng pangyayaring yun sainyong lahat."

Wika rin ni Josh habang nakatingin sa kanya.

Nagkibit-balikat lamang si Kelly at tumingin sa kanya.

"Sa mga immortal, oo. Pero saming mga bampira, siguro pangkaraniwan nalang yung ganung pangyayari. Hindi rin naman kasi maiiwasan talaga yung ganung gulo kapag may bampira talagang puno ng inggit at galit sa puso."

Seryosong tugon niya kay Josh na tahimik na nakikinig sa kanya. Bahagya naman siyang natawa dahil sa pagiging seryoso nilang dalawa.

"Ano ba yan, hindi ako sanay sa seryosong usapan! Hindi bagay sa pogi kong mukha!"

"Nako, baka magsigawan na naman kayong dalawa ni Cindy kapag narinig niya yang sinabi mo."

Natatawang pag-uusap nila.

Nagdesisyon silang dalawa na bumalik na sa underground facility para matulungan na nila doon ang mga kasama nilang babae. Ngunit bago pa man sila makalabas ng field ay may tumawag sa pangalan ni Kelly.

"Kelly!"

Sabay silang napalingon kung sino ito.

"Marcus?"

Nagtatakang tanong ni Kelly sa kanya.

Nakangiti itong lumapit sa kanilang dalawa.

"Pabalik na ba kayong dalawa sa underground facility? Gusto ko sanang sumabay sainyo kung okay lang?"

Nakangiting tanong ni Marcus sa kanilang dalawa.

Tinanguan naman siya ni Kelly habang nakangiti.

"Oo, pabalik na kaming dalawa. Tapos na rin kasi kaming mag-ikot dito sa west wing."

"Buti nalang talaga naabutan ko kayong dalawa! Medyo nakakaligaw rin kasi papunta sa entrance ng underground facility eh."

"Ganun talaga kapag di masyadong pamilyar sa lugar, tara na nga!"

Naunang maglakad sina Marcus at Kelly habang nakasunod naman sa kanilang dalawa si Josh na malalim ang iniisip.

Nagtataka kasi siya kung bakit nandun sa field si Marcus, eh wala naman siyang napansing tao dun kanina bago nila napagdesisyonan na bumalik na sa underground facility at bigla nalang itong sumulpot.

Napailing nalang siya sa kanyang iniisip, ayaw niyang pag-isipan ng masama ang kapatid ni King dahil siya rin naman ang kawawa sa huli. Iniisip nalang niya na bampira rin naman ito at natural na may kakayahan itong mabilis pumunta sa isang lugar ng hindi napapansin ng kahit na sino.

— — —

Author's note:

Hello sweeties!

I'm finally back! I'm very sorry kasi matagal akong nawala, sobrang busy rin kasi sa work at sobrang hectic ng schedule ko. Kaya maraming-maraming salamat sa mga naghihintay ng updates dito sa Season 2 at sa mga patuloy na nagbabasa ng Season 1! :>

About sa Season 1, WE ALREADY REACHED 107K READS! THANK YOU SOOOO MUCH, SWEETIES! 😭💛

Season 2 also reached 16.1k reads! Thank you soooo much talaga! 🥺💛

Hindi ko talaga inaasahan sa maraming magbabasa ng stories ko! Kaya maraming-maraming salamat talaga sainyong lahat! 😭💛

I also want to plug my newest story, His Mafia Queen. Ibang genre naman siya, obviously hehe. But if you want to read it too kahit na ilang chapters palang siya, feel free to check it out. :>

Again, thank you so much to all my sweeties for supporting and loving my stories! Hindi ko talaga inaasahan na aabot sa ganito kadami yung magbabasa ng mga stories ko lalo na't matagal akong mag-update hahaha, kaya maraming-maraming salamat talaga. 🥺💛

Love,
Lady A

Continue Reading

You'll Also Like

26.1K 890 75
Kaya naman sana ni Merielle ang buhay transferee sa isang elite school. Ang hindi kaya ng powers niya, ay ang mga mala-artistang schoolmates, bullies...
14.9M 481K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
4.9M 341K 54
Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia, being honored as the queen and goddess o...
87.4K 2.4K 42
Aeris Ishiel Tyler won't get it easy. Being the new mafia boss, I mean. Mirazaki series: Two