My Guardian Devil

By iamsograce

11.5K 183 39

He is the man who has good looks, oozing with sex appeal, came from upper class... almost perfect, but with d... More

Prologue
Chapter 1 -- I See Fire
Chapter 2 -- Eye Of The Tiger
Chapter 3 -- A piece of cake
Chapter 4 -- Pretty Boy
Chapter 5 -- Punishment
Chapter 6 -- Saved By The Angel
Chapter 7 -- The Date Wrecker
Chapter 8 -- Fearless
Chapter 10 -- Sleeping On A Lion's Den
Chapter 11 -- The Devil And The Angel
Chapter 12 -- Runaway
Chapter 13 -- Brannigan
Chapter 14 -- Truculent attitude
Chapter 15 -- The Menace
Chapter 16 -- A Song For The Brokenhearted
Chapter 17 -- The Call
Chapter 18 -- The Preparation
Chapter 19 -- A Dark Masquerade Ball Part I
Chapter 20 -- A Dark Masquerade Ball Part II
Chapter 21 - Enticement
Chapter 22 - The Game Between Love And Death
Chapter 23 -- Music Box
Chapter 24 -- Start Of Something New
Chapter 25 -- Status: Its Complicated
Chapter 26 -- Confessions Of A Broken Heart
Chapter 27 -- The Cry Of A Pleading Heart
Chapter 28 -- Stealing Kisses
Chapter 29 -- Reality Is Better Than Dream
Chapter 30 -- Green-Eyed Monster
Chapter 31 -- Love And Hate
Chapter 32 -- When Fire Meet Gasoline
Chapter 33 -- Everyone's Anguish
Chapter 34 -- Whisphering Stained Heart
Chapter 35 -- Harmonizing Relationships
Chapter 36 -- Let The Flames Begin
Chapter 37 -- The Dagger In You
Chapter 38 -- An Acrimonious Tiff
Chapter 39 -- Breaking Fences
Chapter 40 -- Burning Lights
Chapter 41 -- Days Of Melancholy
Chapter 42 -- New Horizon
Chapter 43 -- Moments Between Intensities
Chapter 44 -- Still Into You
Chapter 45 - The Intoxicated Truth
Chapter 46 -- Cold Blood, Warm Heart
Chapter 47 -- A Mealymouthed Felicity

Chapter 9 -- The Devil's Hug

352 5 0
By iamsograce

CHAPTER 9 -- THE DEVIL'S HUG





HELAENA'S POV


Tanging pahinga ko na lang sa pang aasar ni Brylle ay tuwing weekend. Langyang 'yon wala ng ibang nakita kundi ako. Ganun ba talaga kalaki ang kasalanan ko sa kanya? Eh ang tanging nagawa ko lang naman ay ipagtanggol ang sarili ko sa kanya at kalabanin siya. Haist! Adik talaga 'yon. Ang sama ng ugali.



Kaya sinasanay ko na lang ang sarili ko sa presensya niya at patuloy na ina-absorb na ng sistema ko ang mga pang aasar at pang gugulo niya sa'kin. No choice eh, ako favorite niyang asarin. Parang bakla, pumapatol sa babae. Pero siyempre hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na para siyang bakla, baka bigla halikan niya 'ko. Ayoko ngang mapunta sa kanya ang 1st kiss ko. Over my gorgeous and sexy dead body.



Another day on Duncanville of course panibagong pang aasar o pang gugulo na naman ang mararanasan ko sa Prinsipe nila slash devil na si Brylle. Ano pa nga ba ang magagawa ko? I should be used to it. Pssshhh!



"Hoy, Brylle bakit ba naka upo ka lang diyan? Pwede ba tulungan mo'ko ditong maghanap ng mga poems and stories ni oh-so-great Shekespeare?" I said in high tone pitch. Naiinis na kasi ako sa kanya.



Kung hindi dahil sa kanya wala kami sa library ngayon at naghahanap ng mga pinapahanap ng Literature Prof namin. Kaasar kasi siya. Siya ang may kasalanan nito.



"Kaya mo na yan, matalino ka naman diba?" Kalmadong sabi niya sakin. Nakaupo lang siya at nakatungo sa table na parang natutulog na.



"Eh sino bang may kasalanan kung bakit nandito tayo ngayon?" Ang mokong hindi man lang sumagot. Tss! Basagin ko kaya ang pagmumukha nito? Kaasar.


May activity kasi kami kanina sa Literature at sa pagka malas-malas ko siya pa ang naka partner ko. Ang saya lang diba? Kailangan naming gumawa ng 3 poems at isang essay about Nature. Ang ungas hindi man lang ako tinutulungan at kung ano-anong kalokohan ang ginagawa niya sa kanyang tablet. Kaya ayun sinigawan ko siya hanggang sa magsigawan kaming dalawa. At ang ending? Ang punishment namin? Hanapin ang mga works ni Shakespeare sa mga libro, no internet base, dapat book base. At written pa, hindi pwedeng itype. Titles lang naman ng mga gawa niya at hindi buong story. Dami kaya nun. Ang saya grabe. At ang mokong na'to hindi man lang ako tinutulungan. Ang sarap tusukin ng mga mata niya. Haist!



"Baka nakakalimutan mo nasa library tayo kaya pwede ba huwag kang maingay? Maghanap kana lang diyan. Nakakaistorbo kana sa pagtulog ko."




Kumuha ako ng Literature books sa bookshelf at linapitan si Brylle at pabagsak na nilapag ko ang mga libro sa harapan niya. "Ayan, maghanap ka diyan." Inis na sabi ko sa kanya.




Napabangon siya sa pagkakatungo at tinignan ako ng pagkasama-sama na akala mo lalamunin ako. "Masyado mong pinahihirapan ang sarili mo. Maghanap kana lang sa internet. Hindi na malalaman ng Prof natin 'yon. At kung malaman man niya, wala na'kong paki alam. Maliwanag?"



Ibang klase din talaga ang taong 'to. Ang taba ng utak. "Wow ha, salamat sa suggestion mo. It really helps me a lot." I said in a sarcastic tone. "Hoy, Brylle, babasahin mo lang naman ang mga librong 'yan, mahirap bang gawin 'yon? Ang dali-dali na nga lang ng pinapagawa ko sa'yo."



"Hay... Oo na, oo na. Nang matahimik ka lang. Akin na 'yan." Kinuha niya yung libro sa mesa. Aba himala, buti na lang at napasunod ko ang devil na'to. Bwahaha iba na talaga ang powers ko.



Nagtungo na ulit ako sa mga book shelves at naghanap pa ng ibang mga libro. Infairness binabasa nga niya yung mga librong binigay ko sa kanya. How I wish makatulong nga siya para mapadali ang punishment naming ito.



END OF HELAENA'S POV


-------------

BRYLLE'S POV


Ano'ng feeling ng Helaena na 'to? Babasahin ko ang buong librong 'to? In her dreams. Kunwari nakatingin ako sa libro pero ang totoo naglalaro lang naman ako sa tablet ko. Siya talaga ang gusto kong maka partner kanina sa Literature class, kasi alam ko matalino siya at hindi niya hahayaang wala kaming maipasa. Kaya hinayaan ko na lang na siya ang gumawa ng lahat. 



Nabigla na lang ako ng bigla niya 'kong sinigawan kanina sa classroom, aba siyempre sinigawan ko din siya. Kaya ayun pati prof namin nakisali sa sigawan at pinarusahan kami. Mas mabuti nga yung nangyari. Makakatulog ako ng tahimik sa library kesa makinig sa boring na prof namin. Kaso mas malakas palang manermon at manigaw ang Helaena na'to kesa sa Prof namin. Kairita lang.



Ilang oras na kaming nandito sa Library at itong si Helaena kanina pa sumusulat at ang dami ng libro na kinuha niya. Ang sipag talaga masyado ng babaeng 'to. Takot yata makakuha ng mababang grades. O takot lang maparusahan ulit?



Magtatakip silim na eh bukas pa lang naman ang deadline. Seriously, I'm starting to get bored. Halos kami na lang dalawa ang naiwan sa library plus the librarian pala. Mukhang lalakas pa yata ang ulan. Kanina pa kasi umaambon.



"Hoy, Helaena, hindi kapa ba tapos diyan?"



"Obvious ba?" Inis na sagot niya sakin.



"Kapag five minutes hindi kapa natapos, iiwanan na kita dito at uuwi na'ko."



"Salamat ha? Salamat sa pagsama. Grabe, nag enjoy akong kasama ka at sobrang nakatulong ka talaga sa'kin." Sarkastikong sabi niya sakin.



5 minutes ..

4 minutes ..

3 minutes ..

2 minutes ..

1 minute ..

And 5 seconds .....



"I'm out.  Gotta go." Tumayo na'ko para umalis.



"Grabe, ang bait mo talaga." She said in a sarcastic tone. "Bahala ka sa buhay mo. How I wish I have a sword to throw on you, exactly on your neck. How lovely"



Natawa ako sa mga sinabi niya. Grabe talaga ang pagkainis ng babaeng 'to. Kaya nga gustong gusto ko siyang inaasar. Kasi ang dali niyang asarin at nakakatawa talaga ang itsura niya lalo nak kapag natatakot na siya sa mga pagbabanta ko.



"Sabi mo nga demonyo ako, kaya kahit saksakin mo'ko, hindi ako mamamatay." Tumalikod na'ko para umalis pero muli ko siyang binalingan. "And oh by the way, thanks for your words. You're such a sweet person." Inirapan lang niya ako at tinuloy na ang kanyang ginagawa. Kaya naglakad na ako palayo.



Hindi pa man ako nakakalayo ay biglang kumidlat ng malakas at biglang namatay ang ilaw. Narinig ko nalang na sumigaw si Helaena.



"Aahhhh..." Sigaw niya. "B-Brylle na-nasan ka?" Nanginginig na ang boses niya na parang takot na takot. Takot ba 'to sa kidlat o dahil madilim?



Narinig ko na lang na may natumbang upuan. Baka nasagi niya sa kanyang pagtayo. Patuloy niya pa ring tinatawag ang pangalan ko. "Brylle, nasa'n kaba? Natatakot ako." Mukha nga talagang takot na takot na siya. Kaya kahit madilim ay pumunta ako sa direksyon na patuloy na kinakapa ang bawat nilalakaran ko.



Kinuha ko yung tablet ko at pinindot  ang torch para magka ilaw. Nakita ko siya na nakaupo sa sahig. Tinatakpan niya ang kanyang tainga sa kanyang mga kamay at nakapikit. Halata talaga sa itsura niya ang takot.



"Helaena." Tawag ko sa kanya. Nagmulat siya ng kanyang mga mata at nakita kong may luha na sa kanyang mga pisngi.



"B-Brylle." Garalgal pa rin ang kanyang boses. Kaya hinatak ko na ang kamay niya at tumayo siya tsaka ko siya biglang niyakap. Nakasubsob ang mukha niya sa chest ko. Habang patuloy niyang tinatakpan ang kanyang tainga. Sunod-sunod kasi ang malakas na kulog at kidlat at lakas pa ng ulan.




Eyes on you by Automatic Loveletter

Hello? Can you hear me?

I've got something to say to you

I was lost, but you saved me

I'll go wherever you want to

'Cause I think that I've got to have you



I've had enough

I'm in love, it's true

So don't, don't take it away

'Cause I've got my eyes on you...




"I'm-I'm scared." She stuttered.



"Sa'n kaba natatakot?"



"I'm-I'm afraid of the dark, takot din ako sa-sa kidlat." She said while her eyes are still close. Ibang klase talaga ang babaeng 'to. Sa'kin hindi siya natatakot pero sa dilim at kidlat natatakot siya. Naramdaman kong lalo pa niyang siniksik ang kanyang katawan sa'kin. It really looks like she's really scared.




"Bakit ba ang tagal bumalik ng kuryente? Tsaka bakit ang tagal nilang buksan ang generator? Hay... mga walang kwenta talaga sila." Naiinis kong sabi. Nasasabing mamahaling University ang Duncanville pero sa mga ganitong paraan nasa'n ang technology na pinagmamalaki nilang meron? Bwisit talaga.



Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nasa ganong posisyon. Basta ang alam ko kailangan kong protekthan ang takot na takot na si Helaena. Kakaiba ang nararamdaman ko. Not the usual.



"Huwag mo'kong iiwan." Narinig ko pa na sabi niya.Sa totoo lang pwede ko naman siyang iwan at pabayaan na lang mag isa. Pero tila may pumipigil sakin at sabihing tulungan siya.



Tinawagan ko ang mga bodyguards ko para sunduin kami sa library. Patuloy ko pa ring inaalalayan si Helaena habang palabas kami ng library. Pinauwi na rin ang ibang mga estudyante dahil sa lakas ng ulan.



Walang imik si Helaena habang nasa loob kami ng sasakyan. Halata parin sa itsura niya ang takot. Lalo na sa tuwing kumikidlat ng malakas. Napapa usog tuloy siya sa akin at napapahawak. Tinuro niya ang daan sa kanila. At sa kamalas-malasan wala ng sasakyan na pwedeng dumaan sa kanila. Dahil bumaha na at maraming puno ang nagbagasakan dahil sa tindi ng ulan.


"Wala na bang ibang daan papunta sa inyo?" Tanong ko kay Helaena.


"Ewan ko, hindi ko alam. Bagong lipat pa lang kami, kaya wala akong masyadong alam sa lugar."



"Akala ko ba matalino ka? Dapat inaalam mo lahat. Para sa mga ganitong sitwasyon alam mo ang gagawin mo." Inis na sabi ko sa kanya.




"Ano'ng akala mo? Na kapag nag search ako sa google lalabas na lahat ng mga alternate ways papunta sa'min? Ang taba talaga ng utak mo eh no?" Sarkastikong sabi niya sakin.



"Ang tapang mo na ngayon ah, pero kanina para kang pusang takot na takot sa aso. May payakap yakap ka pang nalalaman sakin."



"Kung nag rereklamo ka lang din naman edi sana pinabayaan mo na lang ako kanina. Edi sana hindi ka lumapit nung tinawag ko ang pangalan mo. Edi sana hindi ka nagpayakap. Tsaka ikaw din ah, bigla mo'kong niyakap."



"Eh kasi nakakawa ang itsura mo kanina. You look like a dying cat. Pale and lifeless. Pwede ba ?Magpasalamat kana lang dahil tinulungan kita at huwag ka ng dumaldal diyan. Nakaka irita eh."



"Eh sa nakakain----" Hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin dahil kumidlat na naman ng malakas. At syempre napasigaw na naman siya ng mas malakas pa yata sa kidlat at umusog siya sakin at siniksik ang katawan niya sa katawan ko. Tinakpan niya ang kanyang tainga.



"Nagiging habit mo na ang pagsiksik sakin ah. Na aattract kanaba?" I smirk.



"Not even on your nerves!" Tsaka niya'ko tinulak at lumayo siya sa'kin. Habang ako naka smirk pa rin.Tumingin lang siya sa labas. "Te-teka sa'n tayo pupunta?"



"Samaniego's mansion." I smirk again.



"Anooooooo?" Gulat na tanong niya. "Seryoso kaba sa sinabi mo?"



"Kailan pa'ko nagbiro?" Seryosong sabi ko sa kanya at napapa iling nalang siya. Alam kong ayaw niya sa ideyang 'yon, wala lang siyang magawa dahil wala na siyang choice kundi sumama sa'kin.



Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip ko at sinabi kong sa amin na lang muna siya magpapalipas ng gabi. Seriously, kung ibang tao lang ito ay pinabayaan ko na. pero pagdating kay Helaena tila may ibang kumokontrol sakin. Hindi ko alam kung ano.



END OF BRYLLE'S POV



--------------------------




READ

VOTE

COMMENT

AND BE A FAN



FOLLOW THOSE SIMPLE STEPS. THANKS A LOT. SUGGESTIONS WILL DO. BOW. LOL! HAHAHAH :DDD

.............

Continue Reading

You'll Also Like

313K 21.6K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
617K 38.9K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...