Owned By Him

Per BLACIRE

322K 7.4K 579

Sabi nila kapag tahimik ang bagyo mas nakakatakot, mas mabagsik at mas nakakapaminsala. Then what if a man wh... Més

Owned By Him
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Epilogue

Chapter 17

9.3K 259 12
Per BLACIRE


Chapter 17
________




Tulala siya habang iniisip ang mga napag-usapan nila ni Kath kanina. Nasa loob siya nang kotse habang nakatingin sa tanawin sa labas.

Tumingin siya sa cellphone niya nang tumunog ito. Pilit siyang napangiti dahil sa kaba nang makitang ang mommy Lea niya ang nagtext.

Napasandal siya at napapikit. Hawak niya nang mahigpit ang cellphone habang iniisip ang gagawin.

Makikipagkita siya sa mommy at daddy ni Phoenix ngayon. Napag desisyonan niyang kausapin ito at sabihin ang totoo. Lalo na  ang relasyon nila ni Phoenix.

Pagod na siya. Pagod na siyang matakot sa kung ano man ang mangyayari. Pagod na siyang maging mahina at laging nakaasa lang kay Phoenix. Alam niya ginagawa nito ang lahat para sa kanila.

Panahon naman na siguro para harapin niya ang consequences nang mga nagawa.

Ngayon na lang siya nakalabas at susulitin niya nang gawin kung ano ang dapat na matagal niya nang ginawa.

Iyon ay ang kausapin ang magulang ni Phoenix.

Napaayos siya nang upo nang huminto ang sinasakyan sa tapat nang bahay nang mga magulang ni Phoenix. Ang bahay na siyang kinalakihan niya. Ito din ang bahay kung saan niya naramdaman ang pagtanggap kahit na hindi niya kadugo ang mga nakatira dito.

Medyo malayo nga ito sa lugar kung saan siya dinala ni Phoenix.

Kanina hindi pa nga sana siya papayagan nang bodyguards niya na pumunta dito kung hindi niya lang sinabi na magulang ni Phoenix ang pupuntahan nila.

Sinabi nang mga ito na hindi daw alam ni Phoenix na pupunta siya dito. Ang sabi na lang niya ay gusto niyang sorpresahin ang magulang nang asawa at hindi na nito iyon dapat pang malaman.

Wala nang nagawa ang mga ito kung hindi ang sundin ang utos niya lalo na at sinabi niyang kapag hindi siya nang mga ito sinunod ay ipapatanggal niya ito. Hindi niya naman iyon gagawin pero alam niyang kung hindi niya iyon sasabihin ay mas lalong mahihirapan siyang kumbinsihin ang mga ito na pumunta dito.

Palabas na siya nang buksan nang isa sa mga Bodyguards niyang si Larry ang pinto nang kotse.

Lumabas na lang siya at nagpasalamat. Kanina ay sinabihan niya ito na wag na siyang ipagbukas nang pinto pero hindi naman nito ginawa.

Pinakatitigan niya ang bahay. Hindi naman siya masyadong matagal na nawala kaya wala naman itong pinagbago. Lahat ay dati pa rin.

"Ay totoo nga.. Akala ko ay nagbibiro lang si Ma'am nang sabihin niyang pupunta ka dito." nakangiting mukha nang mayordoma nila ang sumalubong sa kaniya.

Hinawakan nito ang kamay niya at ngumiti nang matamis sa kaniya. Nakita niya pa ang pagsilapitan nang mga bodyguards niya pero pinandilatan niya nang mata ang mga ito.

Bumaling siya kay Manang Rosie.

"Namiss kita Manang, kamusta po kayo?" nakangiting tanong niya dito. Simula noong dinala siya dito nang nanay niya ay nandito na ito. Isa rin ito sa gumabay sa kaniya kaya naman itinuturing niya na rin itong parang ina.

"Heto at maayos naman ako iha. Medyo malungkot lang dahil wala kayo nina Phoenix at Phoebe dito. Bakit naman kasi umalis ka dito. Mas gusto mo atang kasama si Phoenix kesa saamin eh."

Kinabahan siya sa sinabi nito. Sa totoo lang ay wala siyang paalam na umalis nang bahay. Kaya hindi niya alam kung anong magiging reaksyon nang mga magulang ni Phoenix.

Nagulat nga siya dahil nang tumawag siya kanina sa mommy Lea niya ay mukhang hindi naman ito galit. Nang sabihin niyang bibisitahin niya ang mga ito ay masayang-masaya naman ito.

"Ahm.." hindi niya alam ang sasabihin dito.

"Ay pumasok kana Iha at kanina ka pa hinihintay nang Mommy at Daddy mo." hinawakan nito ang kamay niya at iginiya siya papasok.

"Nasa Garden sina Sir nagkakape. Mag-aalas singko na din naman. Maagang umuwi ang Daddy mo nang malaman na pupunta ka ngayon dito."

Naglakad sila patungo nang Garden at doon nga ay nakita niyang masayang nag-uusap ang mga magulang ni Phoenix. Magkatabi ang mga ito.

Pinagmasdan niya ang mga ito. Bakas ang saya sa mukha nang mga ito habang nag-uusap. Tumatawa pa ang Daddy Edward niya na palagi niyang makita noon kapag kausap nito ang asawa.

Masaya ang mga ito ngayon pero paano kapag nasabi na niya sa mga ito ang gustong sabihin. Matutuwa pa kaya ang mga ito?

Tinawag nang Mayordoma ang pansin nang dalawa na siyang ikinalingon nang mga ito sa direksiyon nila.

Mas lalong lumawak ang ngiti nang mga ito at sineyasan niyang lumapit.

Lumapit siya sa mga ito at nagmano. Ang Mayordoma naman ay agad na ding umalis.

Niyakap siya nang Mommy Lea niya. Napapikit siya nang maramdaman ang pamilyar na init nang yakap nang isang ina.

"Xiarra Iha, naku mabuti naman at naisipan mong bumisita dito sa bahay natin. Nagulat ako nang malamang umalis ka nang bahay. Mabuti na lang at sinabi ni Phoenix na isinama ka nito sa bahay na ipinatayo niya. Sabi nito ay ipapasok ka daw sa company niya at hindi ka na mahihirapan dahil malapit lang ang bahay niya doon." ani nito bago siya sinabihan maupo sa harap nang mga ito.

Iyon pala ang sinabi ni Phoenix sa mga ito. Kaya pala mukhang maayos lang ang mga ito.

Nginitian niya ito pero nangingilid na ang luha niya sa takot. Sobrang kaba ang nararamdaman niya sa mga oras na ito. 

Hindi siya handa sa maaring maging reaksiyon nang mga ito. Pero kailangan niya nang makausap ang mga ito.

"Mommy.."

Napansin ata nito ang pagiging balisa niya kaya naman mas tumitig ito sa kaniya. Nagtatanong ang mga mata.

"Ma-may sasabihin po ako sainyo." ani niya sa mahinang boses.

Ganoon pa man, alam niyang narinig siya nang mga ito.

Tumitig sa kaniya ang Ginang gamit ang malamlam nitong mga mata. Mas lalo lamang siyang nakokonsensya kaya naman iniiwas niya ang tingin dito at tumingin na lang sa basong nasa harapan niya.

Hindi niya alam kung paano sisimulan ang sasabihin dito. Kanina pagkatapos nilang mag-usap ni Kath ay mas tumibay ang loob niya na sabihin sa mag-asawa ang totoo. Katunayan habang nasa sasakyan siya kanina ay iniisip niya na ang mga sasabihin dito. Pero ngayong nasa harapan niya ito. Naduduwag nanaman siya.

"Ano iyon Iha, bakit parang kinakabahan ka? May problema ba? Ayos lang ba kayo ni Phoenix?" rinig niyang ani nang ginang.

Huminga siya nang malalim.

"Wala pong problema sa amin ni Phoenix. Sa katunayan ay masaya naman po kami. K-kaya lang may dapat po kayong malaman tungkol saamin."

Inangat niya ang tingin sa mag-asawa. Nakasalubong niya nang tingin ang Daddy Edward niya na ngayon ay seryosong nakatitig lamang sa kaniya habang nakasandal sa upuan. Iniiwas niya ang tingin dito at bumaling na lang sa Ginang.

"M-may r-relasyon po kami ni Phoenix." tuloy-tuloy niyang ani dito.

Nakita niya ang unti-unting pag kunot nang noo nang Ginang.

"Katunayan po ay a-asawa ko na po siya. Halos limang buwan na po. Hindi po totoong sumama ako kay Phoenix para magtrabaho sa company niya. Ang totoo po ay magkasama kami dahil mag-asawa po kami." pagpapatuloy niya sa sinasabi.

Napatingin ang Ginang sa asawa nito. Nabaling din ang tingin niya sa Daddy Edward niya na hindi man lang nagbago ang reaksiyon.

"P-paanong- " hindi pa man tuluyang nakakapag salita ang Mommy niya ay nang bigla na lang may humila sa buhok niya.

"You bitch!!"


Narinig niya pa ang sigaw nang Mommy niya pati na rin ang pagkalampag nang inuupuan niya nang bigla siyang sumalampak sa damuhan habang ramdam niya ang bigat nang isang taong halos nakaibabaw na sa kaniya habang sinasabunutan siya.

"Napakakati mo!"

Napaaray siya sa sakit.

"Oh my God Stephanie!" rinig niyang sigaw nang Mommy niya.

Pilit niyang tinatanggal ang kamay na humihila sa buhok niya.

Pero mahigpit pa din iyon.

Dinig na dinig niya ang mga mura na umaalpas sa bibig ni Stephanie. Napapaluha na siya sa sakit na nararamdaman niya. Ang higpit nang kapit nito at pakiramdam niya ay matatanggal na pati ang anit niya.

Nakahinga lang siya nang tuluyan nang maramdamang nawala ito sa pagkakahawak sa kaniya.

Napamulat siya habang nakasalampak pa din sa damo.

Doon ay nakita niya si Stephanie na hawak nang guard niya na si Larry. Hawak nito si Stephanie sa bewang at pilit na pinipigilang lumapit sa kaniya. Nanlilisik ang tingin nang dalaga sa kaniya habang mura pa rin nang mura.


"You bitch. Ang kapal nang mukha mong agawin saakin Si Phoenix. Napakalandi mo! Mang-aagaw ka. Hindi ka na naawa sa magiging anak namin. Sigurado akong nilandi mo lang si Phoenix. Inakit mo siya! P*tangina ka!" nagwawala pa rin ito.

"Hindi totoo iyan. Nagmamahalan kami ni Phoenix. Kasal na kami bago ko pa man malaman na buntis ka." depensa niya dito.

Pinipilit niyang maging mahinahon dito dahil alam niyang buntis ito.

Ayaw nyang may mangyaring masama sa magiging anak nito. Anak pa din iyon ni Phoenix.

"No. You planned all of these. Plano mo ang lahat nang ito. I knew it, unang kita ko pa lang talaga sayo sa party alam kong nilalandi mo na si Phoenix."

"Stop it." napatingin siya sa Daddy niya nang mag salita ito. "Mahiya naman kayo sa harapan namin nang asawa ko." seryosong ani nito.

Nakita niyang sinenyasan nito si Larry na ilabas si Stephanie.

Gulat namang napatitig dito si Stephanie. Bakas sa mukha nito ang pagtutol.

"Tito why me? I'm pregnant. If there is someone who deserves to get out of here. It should be her." tinuro pa siya nito. "Wala siyang utang na loob. Hitad siya. Pinalaki niyo siya na parang anak and then ito lang ang isusukli niya? Sisirain niya lang ang pamilya niyo."

Napayuko siya sa sinabi nito.

"You have no rights to says that in front of us. The day that we adopted her. We already accept her as our daughter. Yes you are pregnant with Phoenix's child but you can not change the fact that she's married with Phoenix." sambit nang Daddy niya.

Napaluha siya sa sinabi nito. Sa kabila nang ginawa niya ay nasasabi pa rin ito nang taong nagpalaki sa kaniya.

"Oh my God! I can't believe this." bumaling ulit ang matalim na tingin nang dalaga sa kaniya. "It's all your fault. I'll make sure that I'll make your life's miserable. You will not be happy cause Phoenix is only mine!"

Inis na tinanggal nito ang pagkakahawak ni Larry sa bewang nito.

"Don't touch me. You're hands is dirty. It's kadiri!" inirapan nito ang bodyguard niya bago ito padabog na umalis sa harapan nila.

Naramdaman niya naman ang paglapit nang mag-asawa sa kaniya. Hinawakan nang ginang ang mga kamay niya at dahan-dahan siyang inalalayang tumayo.


Napatingin siya sa mga mata nitong naluluha din habang nakatitig sa kaniya.


"My poor baby girl.." napahikbi siya sa sinabi nito.

"H-hindi po ba kayo galit saakin? Napakasama ko po. Tinulungan niyo po ako. Inalagaan tapos ito lang ang igaganti ko sa inyo." mahinang sambit niya dito.

"No, of course not. You were such a nice lady and I know that, kasi ako ang nagpalaki sa iyo. Sa totoo lang ako dapat ang humingi nang pasensya sayo." gulat na napatingin siya dito.

"Po?"

"Alam kong masakit para sa iyo iyong pagpilit ko na ipakasal si Phoenix at Stephanie. Kung sinabi niyo lang nang mas maaga edi sana nalaman ko agad. Noong biglang tumawag siya saakin at sinabing buntis siya at si Phoenix ang ama. I was so overwhelmed, I was happy cause I thought Phoenix loves her and finally my son would have his own family. But I was wrong." ani nito.

"Pero paano po si Stephanie. B-buntis po siya."

"Don't worry about it. Phoenix can handle it. Siya ang may gawa niyan. Kaya siya din ang makakalutas nang problema niya." rinig niyang sagot nang Daddy niya.

Mas lalo siyang napaiyak at niyakap ang mga ito.


Napaka swerte niya. Sobrang swerte dahil nakatagpo siya nang pamilya na handang umintindi sa kaniya. Pamilyang alam niyang mahal na mahal siya.

















Continua llegint

You'll Also Like

62.4K 1.8K 30
Kristel Marie Simera is a 23 years old, half korean woman who is working under Domestica International Agency. She is working as a maid. Since her m...
37.9K 2K 36
Aldrake Buenaventura is known as demon. Halos lahat ng estudyante sa BCU natatakot na banggain siya. Alam nilang ang pag-bangga sa isang Aldrake ay p...
274K 5.5K 22
"May dalawang uri ng tao sa mundo, baby. The innocent and the damned. You belong to the first, I to the latter."
26.9K 327 14
Makapagtapos ng pag-aaral. Iyon ang goal ni Sybil sa buhay. And then the biggest opportunity of her life came, Ang maging scholar sa isang training c...