The Guy Who Likes Me(ON-GOING)

De MarlouTemplado

10.4K 573 686

After having sex with Kalyx once, Hiro never thought na masusundan pa iyon ng isa pa na nasundan pa ng nasund... Mais

Prolouge
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter 15
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Not An Update
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen

Chapter Nine

392 24 45
De MarlouTemplado

"Naiinis talaga ako sa Kalyx na 'yun."

Ungot ni Aira habang naglalakad kami papunta sa sunod naming klase matapos naming magpaalam kay Kalyx.

"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya, magkasalubong ang mga kilay ko.

Nagkibit-balikat siya." Hindi ko din alam. Para bang pakiramdam ko walang mabuting maidudulot sayo yung ulopong na 'yun-teka nga! Bakit ngiting-ngiti ka?" Puna sa akin ni Aira.

Napatingin ako sa kanya tapos sa hawak kong plastic bag na binigay ni Kalyx. Hindi ko alam pero natutuwa talaga ako na may binigay si Kalyx sa akin. Parang ang saya-saya sa loob ko.

"Hoy! Alam ko 'yang nga ngiting ganyan, ha! Naku, Hiro! Sabi ko na nga ba, e!" Sigaw ni Aira. Sinaway ko siya kasi napatingin sa amin yung mga tao.

" Wala 'to. Natuwa lang talaga ako na may binigay siya sa akin. Ikaw ba? Kapag may nagbigay sayo ng milktea hindi ka matutuwa? " Sabi ko kay Aira.

"Matutuwa. Pero iba yung ngiti mo, e! Hindi lang 'yan basta dahil sa tuwa. Mas malalim pa, " aniya ni Aira.

Pinaningkitan ko siya ng mata." Tigilan mo nga ako! Ang dami mong hinuha!" Sabi ko tapos nauna akong maglakad sa kanya.

Nagulat naman ako ng may mabunggo ako.

"Aiden?" Sabi ko sa taong nabunggo ko na si Aiden pala.

"Uyy, Hiro!" Bati sa akin ni Aiden.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Ah, dito din ako nag-aaral," sagot ni Aiden.

Napatango ako tapos naalala ko si Aira, ipapakilala ko siya kay Aiden. Kaso nqng tignan ko si Aira nagtaka ako kasi nakatulala siya. Nakanganga pa siya at parang nawala na sa katinuan.

Kumunot ang nuo ko tapos nagpatunog ako ng daliri sa harap niya. Mukhang gumana dahil napapiksi siya.

"Nangyare sayo?" Tanong ko. Nakakunot pa rin ang nuo.

"Ah, wala!" Aniya ni Aira tapos umiling-iling pa. Lumapit siya sa akin tapos bumulong. " Sino 'yan?" Tukoy niya kay Aiden.

"Si Aiden," sabi ko tapos bumaling ako kay Aiden." Aiden si Aira," pagpapakilala ko kay Aira.

Ngumiti si Aiden tapos naglahad siya ng kamay kay Aira." Hi," bati ni Aiden. Nakalabas yung dimple niya.

Nagtaka naman ako kasi may nalaman pa si Aira na pahawi-hawi ng buhok niya bago inabot ang kamay ni Aiden. Para bang nagpapacute siya dito.

"Aira," sabi ni Aira na may kasama pang maharot na tawa pagkatapos.

Nagkamayan sila. Si Aiden na ang unang bumitaw dahil parang nawala na naman sa mundo si Aira, tuloy-tuloy pa rin ang pakikipagkamay niya kahit wala na yung kamay ni Aiden.

Nangunot ang nuo ni Aiden at napatingin kay Aira na parang weird na weird siya dito. Natawa naman ako at hinila ko na si Aira papunta sa gilid ko bago niya pa mas ipahiya ang sarili niya kay Aiden.

"Pag pasensiyahan mo na 'tong kaibigan ko. May sakit kasi 'to sa pag-iisip," natawa ako sa sinabi ko tungkol kay Aira.

"Mukha nga," aniya ni Aiden. "By the way Hiro, you haven't accepted my friend request yet," nakasimangot na sabi ni Aiden.

Napatakip naman ako sa bibig ko nang maalala ko nga. "Oo nga! Sorry! Wait-" aniya ko tapos nilabas ko yung cellphone ko, binuksan yung facebook tapos hinanap ko sa friend request list yung pangalan ni Aiden. In-accept ko agad siya. "Yan, naaccept ko na," nakangiting sabi ko.

" Cool. Thanks. Nasa bar ka ba ulit mamaya?" Tanong ni Aiden.

Tumango ako." Oo," sagot ko." Pupunta kayo ulit?"

" Yeah."

" Hoy! Masama yung gabi-gabing nagiinom, ha," sabi ko kay Aiden.

" Hindi naman ako iinom ng marami. I'll just go there to see you," sabi ni Aiden bago siya nag-iwas ng tingin at nagkamot ng ulo.

" Sus! Sige. Basta 'wag kayo uminom palagi. Maaga niyong papatayin mga sarili niyo, e." Sabi ko tapos biglang tumunog yung bell hudyat na magsisimula na ulit ang mga klase.

Nagpaalam na ako kay Aiden tapos hinila ko na si Aira papunta sa klase namin. Mabuti naman at hindi kami nalate.

Pagkaupo namin tsaka lamang nabalik si Aira sa reyalidad. Napatingin siya sa paligid tapos tinanong niya ako kung paano daw kami nakapunta sa classroom namin. Sabi ko nagteleport kami.

"Talaga?" Sabi ni Aira. Naniwala nga.

Nasapo ko tuloy ang nuo ko.

Anong nangyari sa babaeng 'to?

-
Pasado alas ostso na ng gabi at nasa bar na ako. Busy ako sa pagtatrabaho ng bigla akong may mamukhaan sa isa sa mga upuan sa counter. Agad akong lumapit sa taong iyon.

"Hoy! Anong ginagawa mo dito,ha?" Tanong ko kay Aira pagkalapit ko sa kanya.

Mukhang hindi niya ako narinig at nakatulala lang siya. Sinundan ko kung saan siya nakatingin at nakita ko doon sina Aiden. Nangunot ang nuo ko at binatukan ko si Aira para mawala siya sa pagkakatulala. Gumana naman dahil napatingin na siya sa akin habang nagkakamot pa ng ulo. Napalakas ata yung pagkakabatok ko sa kanya.

"Aray!" Ungot ni Aira.

"Anong ginagawa mo dito? Nagpaalam ka ba sa mga magulang mo?" Hinanap ko kung may iniinom ba siya. Wala akong nakita. Sa pagkakaalam ko kasi mabilis malasing 'tong babaeng ito kaya kung umiinom man siya ay hindi ko alam  kung paano ko siya babantayan gayong nagtatrabaho ako. Mabuti na lamang at mukhang hindi naman siya uminom.

Nagiwas ng tingin si Aira bago niya ako sinagot. "Umiinom," sabi niya na halatang nagsisinungaling naman siya. Alam ko kasi na ayaw niyang umiinom dahil nga mabilis siyang malasing. So, bakit nga ba siya nandito?

Pinaningkitan ko siya ng mata. Nakatingin na naman siya sa malayo at ng sundan ko na naman kung saan siya nakatingin ay sa gawi na naman nina Aidan ako nahinto. Bigla akong may narealize!

Nahampas ko sa balikat si Aira. "May gusto ka kay Aidan?" Tanong ko sa kay Aira na may halong mapang-asar na ngiti.

Napatingin siya sa akin."Ha? Pinagsasabi mo? Wala!" Pagtanggi niya.

Hindi ko siya na pinaniwalaan. Kaya pala kanina nung pinakilala ko silang dalawa sa isa't isa ay bigla na lamang siyang nawala sa sarili niya. Jusko! Inlababo na pala ang best friend ko!

"Naku! Wag mo ng itanggi dahil tingin mo pa lang kay Aidan parang inaangkin mo na siya," pang-aasar ko kay Aira.

"Wag ka ngang maingay, baka marinig tayo!" Saway sa akin ni Aira. Umamin rin siya!

Natawa ako. Tapos mas lalo ko siyang inasar gamit ang ngiti ko. "Inalababo ka na pala,ha," sabi ko sabay tawa ng malakas. Maingay naman dito sa bar kaya hindi ko na pinansin kung may makarinig man sa malakas kong tawa.

Namumula na si Aira pero inasar-asar ko pa siya tungkol sa pagkakagusto niya kay Aidan. Kaso bigla akong nahinto ng may maalala ako.

Shit! May gusto nga pala sa akin si Aidan. Hala! Paano ko ngayon sasabihin iyon kay Aira?

Napahawak ako sa aking bibig. Napatingin ako kay ay Aira at kay Aidan. Napangiti ako kasi para sa akin bagay silang dalawa. Ang problema ko na lang ngayon ay sa akin may gusto si Aidan at liligawan pa daw niya ako. Teka! Gusto ko din ba si Aidan? Hindi naman,e. At sabi niya pa hindi niya naman daw ako pinipilit na gustuhin ko siya. So, ibigsabihin pwede ko siyang patigilin sa panliligaw sa akin para magkaroon pa ng pag-asa na madagit siya ni Aira.

Napa 'Yes!' ako sa isip ko dahil sa ideya kong iyon.

"Hoy babae! Wag kang uminom,ah!" Banta ko kay Aira bago ko siya iniwan doon. Tumango naman siya sa akin.

Nagpunta ako sa pwesto nina Aidan at tinanong ko siya kung pwede ko ba siya makausap. Agad naman siya na pumayag. Nagpunta kami sa may hallway papunta sa mga cr.

"So, anong pag-uusapan natin?" Tanong ni Aidan, ngiting-ngiti pa siya. Bigla tuloy akong nag-alangan kung sasabihin ko pa ba sa kanya yung balak kong sabihin.

Huminga ako ng malalim bago ako nagsimulang magsalita. "Aidan, una sa lahat walang mali sayo. Tandaan mo 'yan. Kaso–" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng patigilin ako ni Aidan.

"Binabasted mo ba ako?" Seryosong tanong ni Aidan sa akin.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at napatango. Tapos binigyan ko si Aidan ng nagiguilty na tingin.

"Sorry, Aidan," paghingi ko ng tawad sa kanya.

"It's okay," aniya ni Aidan. Binigyan niya ako ng ngiti pero yung ngiti niyang iyon may halong lungkot. Nakita ko iyon sa kanyang mga mata.

Mas lalo tuloy akong naguilty.

"Can I atleast get a hug?" Request ni Aidan.

Ngumiti ako."Oo naman! Hug lang pala,e!" Sabi ko tapos ako na mismo ang yumakap sa kanya. Parang nag-aalangan pa kasi siya.

"Sorry talaga Aidan,a," paghingi ko pa ng tawad habang magkayakap kami.

"Ayus lang talaga. Tell me, may iba ka bang nagugustuhan kaya binasted mo ako?" Tanong ni Aidan habang magkayakap pa rin kaming dalawa. Sobrang higpit ng yakap niya sa akin kaya hindi muna ako humiwalay sa kanya. Nagiguilty talaga ako na binasted ko siya kaya ito na lang yakap ang gagawin kong pambawi sa pananakit ko sa feelings niya.

Nangunot ang nuo ko. "Wala naman," sabi ko pero nagtaka ako kasi nung sinabi ni Aidan kung may iba ba daw akong nagugustuhan ay biglang pumasok sa isip ko si Kalyx. Hindi ko alam kung bakit. Bumilis pa ang tibok ng puso ko na mas lalong ikinakunot ng nuo ko.

Habang magkayakap pa rin kami ni Aidan bigla akong nagulat ng biglang may humila sa akin palayo kay Aidan. Tapos mas ikinagulat ko pa kasi bigla na lang bumagsak sa lapag si Aidan ng may sumuntok sa kanya.

"Kalyx!" Saway ko kay Kalyx ng akmang susugurin niya pa si Aidan na nakaupo sa lapag at pinapahidan ang nagdugong bibig.

Hinili ko palayo si Kaylx kay Aidan at mabuti na lamang at bigla rin na dumating si Aira na agad naman na sumaklolo kay Aidan. Tinulungan niya itong tumayo.

"What the hell, Pare! Why'd you punched me?" Tanong ni Aidan kay Kalyx habang pinapahid pa rin ang dugo sa gilid ng kanyang labi.

"Don't call me 'Pare'!" Singhal ni Kalyx kay Aidan bago siya naglakad paalis.

Nagulat naman kaming tatlo nina Aira at Aidan. Bigla akong nainis kay Kalyx dahil bigla-bigla niya na lang na sinuntok si Aidan tapos siya pa ang may gana na singhalan ito.

Humingi ako ng sorry kay Aidan tapos sinabihan ko sila ni Aira na susundan ko lang si Kalyx.

Naabutan ko si Kalyx sa may labas ng Bar papunta sa may parking lot. Binilisan ko yung pagtakbo ko tapos humarang ako sa harapan niya para patigilin siya sa paglalakad. Nang tumigil siya ay hinabol ko muna ang hininga ko bago ko siya tinapunan ng masamang tingin.

"Bakit mo sinuntok si Aidan?" Pagalit na tanong ko sa kanya.

Malamig na tinignan niya lang ako tapos nilagpasan niya ako ng lakad. Agad ko siyang hinanol tapos humarang akong muli sa harapan niya. Binigyan niya ako ng naiiritang tingin kaya binigyan ko rin siya ng 'mas' naiiritang tingin.

"Ang lakas naman ng loob mong magalit! Ikaw na nga itong bigla-biglang nanapak!" Singhal ko kay Kalyx.

Nag-iwas siya ng malayo, nanatiling malamig ang itsura niya. Mas nairita ako sa pinapakita niyang ugali.

"Ano? Hindi ka man lang magsosorry sa tao? Ano bang nagawa sayo ni Aidan at bigla mo na lang siyang sinuntok,ha?" Hindi ko siya tinigilan.

Binalik niya ang tingin niya sa akin. Nagulat ako kasi biglang naging matalim ang kanyang tingin.

"He's hugging you," mariing sagot ni Kalyx.

Nangunot ang nuo ko. "Ano naman? Hindi 'yun rason para suntukin mo yung tao!" Sabi ko.

"I'm jealous!"

Bigla akong nahinto sa bigla niyang sinabi. Napatingin ako sa mukha ni Kalyx. Kahit malamig ang ang tingin niya ay nakikita ko pa rin doon ang inis. Inis na hindi ko alam kung dahil saan.

Napalunok ako ng laway at hinanap ang mga salitang isasagot ko sa kanya pero wala akong nahanap. Nakatayo lang ako sa harap ni Kalyx. Gulat na gulat.

Tinapunan ako ni Kalyx ng naiinis na tingin bago siya naglakad muli paalis. Sa pagkakataong iyon hindi ko na siya nasundan pa dahil kahit ang gumalaw ay hindi ko magawa dahil sa narinig kong lumabas sa bibig niya.

Nagsiselos daw siya?


WAAAAAAA! KUYANG KALYX NIYO NAGSESELOS DAW!

HI EBRIWAN! KAMUSTA KAYO? SORRY NGAYON LANG PO AKO ULIT NAKAPAG-UPDATE:( KAPAG PO KASI GUSTO KONG MAGSULAT BIGLANG NAWAWALA YUNG MGA IDEA SA ISIP KO. MABUTI NA NGA LANG PO AT NAKAPAGSULAT NA ULIT AKO.SADLY MALAPIT NA PO MATAPOS YUNG BAKASYON NAMIN SO MAGIGING BUSY NA ULIT AKO SA MGA MODULES KO:(  

BUT I WILL PROMISE PO NA KAPAG MAY TIME AY MAG-AUPDATE PO AKO!

BTW GUYS NAKITA NIYO NA BA YUNG BAGONG BOOK COVER NITONG 'THE GUY WHO LIKES ME'? IT WAS MADE BY MY SISSY PO. ANG GALING NIYA,NO?

MAY STORY NGA PALA SIYA DITO SA WATTY! READ NIYO RIN. USERNAME NIYA IS : (urunknowndeity)

COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED SO CAN YOU PLEASE LEAVE A COMMENT? THANK YOU ❤️

Continue lendo

Você também vai gostar

373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
64.5K 4.3K 12
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
1.7M 79.1K 56
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...