Lagim

Por DyslexicParanoia

1.3M 29.7K 2.3K

Standalone [Completed] Language: Filipino Gaano katibay ang panananpalataya mo? [Editor's Note] Writer: A... Mais

Lagim
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
EPILOGO

KABANATA 30

29.7K 741 71
Por DyslexicParanoia

Pagkasambit na pagkasambit ko sa mga katagang iyon, ginulantang na lang kami ng isang napakalakas na lindol. Isa itong matinding pagyanig na hindi ko pa nararanasan sa tanang-buhay ko. Sa lakas nga nito, walang hindi tumilapon sa aming lahat. May ibang napasubsob, may ibang napadapa, may iba rin namang napatihaya.

Agad kong hinanap ang kinaroronan ni Nathaniel. Natanaw kong kapsa silang nakalupagi ni Eduardo sa sahig at lumilinga-linga ang mga ito sa paligid. Salitan din nilang tinitingnan ang itaas at ibaba. Habang ako nama'y tinatanaw lamang ang asawa ko sa aking pagkakadapa.

"Victoria!" Pagtawag nito nang magtagpo na ang aming mga mata.

Nahihirapan mang magbalanse, pinilit nitong tumayo upang makalapit sa aking kinaroroonan. Ngunit bago pa man ito makatatlong hakbang ay nahila ito ni Eduardo sa magkabilang paa. Agad itong napadapa. Bagaman agad din naman itong nakabawi na sinundan ng kanilang matinding pagbubuno at pagsusuntukan.

"Anong nangyayari?" naiiyak na tanong ng isa sa limang natitira sa aking mga kasamahan. Isa itong madre na wala nang belo. Maaaring nalaglag na ito sa aming pagtakbo.

"H-hindi ko po alam." Sagot ko.

Nagsimula nang magsipaglaglagan ng mga adobe, kahoy, bakal at konkreto mula sa kesame.

"Diyos ko po! Nabibiyak ang lupa!" Bulalas ng isa sa aking mga kasamahan. Isa itong batang Pastor na lalaki.

Tiningnan ko ang lupang tinutukoy nito, at saka ko pa lang napansin ang unti-unting pagbibiyak ng kongkretong sahig at ang paghihiwalay ng mga lupa na naglikha ng animo'y mga pulo-pulong isla.

Nagsigawan ang aking mga kasamahan. Nagsipagsiksikan ang mga ito sa aking likuran. Halos gano'n din naman ang nakikita kong pangyayari sa kabilang panig.

"Nathaniel!" Nang mapansin kong nabibiyak na rin ang aming pagitan.

Napatingin ito sa akin. Nakapuslit tuloy ng isang suntok si Eduardo sa mukha nito. Napakagat-labi na lang ako sa pagkakamali ko.

"Nathaniel, anak ko!" Pagtawag 'yun ng Mama ni Nathaniel sa kabilang panig. Takot na takot itong nakatingin sa malaking biyak ng lupang malapit sa kanya.

Sandali kong iginala ang aking mga mata sa kanilang panig, hanggang sa tumama na nga ang aking paningin kay Marco. Hindi ito nakatingin sa akin, sa halip ay kalmado itong nakatitig sa mas lumuluwang na paghihiwalay ng mga lupa.

"Nathaniel, bilisan mo!" Natatarantang pagtawag ko. Mas lumalaki na kasi ang agwat ng mga biyak sa aming pag-itan. "Lumiban ka na rito!"

Akmang liliban nang muli si Nathaniel nang nahila na naman ito ni Eduardo. Muli silang tumumba at napatihaya. Muli na naman silang nagpambuno at nagsuntukan.

"Nathaniel!" Umiiyak na ako. Dumating na kasi sa puntong imposible na itong makaliban. Masyado na kasing malaki ang agawat ng naghiwalay na lupa, na sa tantya ko'y nasa limampu hanggang animnapung talampakan na ang layo.

Ilang tao na kabilang panig ang nagsisilaglagan sa agwat ng lupa. Kasama na rito ang Mama ni Nathaniel na tinawag pa rin ang pangalan ng kanyang anak habang nalalaglag sa malaking pag-itan ng biyak.

Tila tambol naman sa kaba ang dibdib ko habang pinagmamasdan ko ang aming kinalalagyan. Anim kaming nagsisiksikan sa gitna ng lupang nabiyak na ang palibot. Para tuloy kaming nasa isang maliit na pulong napalilibutan ng malalim na balon. Gano'n din ang kinaroroonan nina Eduardo at Nathaniel, sampu ng mga nakahilatang bangkay. Gayun din naman ang iba pa sa kabilang panig kung nasasa'n ang mga Satanista at ang mga dating kasamahan naming kumampi sa kanila.

Halos sabay-sabay ang paghiyaw ng mga nalalaglag, at yaong mga nasa bingit bangin. Nakapagtataka naman na sa kanilang panig lamang unti-unting natatapyas ang lupa, sukat na kanilang ikalaglag.

Habang lumalaki ang agwat ng mga lupa, napasilip kami kung ano ang mayroon sa ibaba. Sa pinasukdol ng lupa sa ibaba, sa lalim na hindi ko na matantya ay walang iba kundi ang tila walang hanggang balon ng kadiliman. Hindi man namin maaninag kung ano ang nakakubli sa kailaliman, nakapanghihilakbot naman ang alingawngaw ng mga nadidinig naming mga panaghoy na nagmumula ro'n.

Hindi man gano'n kalakasan ang mga tinig mula sa ilalim, nauulinigan pa rin naman namin ang tila sabay-sabay na pag-iyak ng paghihinagpis at labis-labis na pagdurusa ng hindi mabilang na mga tao. Wala man silang malinaw na salitang nasasambit, nababasa ko naman sa tindi ng kanilang pagdaing ang walang kaparis na pagdadalamhati at paghihirap.

Muling nagsigawan ang ilan sa muling pagkatibag ng malaking tipak ng lupa sa kabilang panig. Sinundan 'yun ng mas marami at malakas na hiyawan habang nalalaglag ang mga ito isa-isa.

Isa-isa, hanggang sa naubos na sila. Maging si Marco'y wala na sa huling pinagkakitaan ko sa kanya kanina. Mas malamang sa hindi, na nakasama na rin ito sa mga kasamahan nitong nauna nang nalaglag.

Napatigil na sa pagbubuno nina Nathaniel at Eduardo, dahil kasi sa lalong paglawak ng mga biyak, mas lalo na rin silang napapalayo sa amin

Bakas sa mga mata ni Eduardo ang matinding takot. Lalo na nang mapansin nito na nag-iisa na lamang s'ya. Nagkatinginan kaming anim. Kasama na ang nagtataka at nagtatanong na ekpresyon sa aming mga mukha, sa kung papa'nong nangyari na naubos sila sa kabila, ngunit wala ni isang nabawas pa sa aming panig. Maging ang mga bangkay ng mga naging tapat sa Diyos ay naro'n din lamang lahat at nakahandusay sa ibabaw ng lupa.

"Tawagin mo na ang diyos mo Eduardo." Nakangising pangungutya ni Nathaniel kay Eduardo habang nakatalikod ang demonyo kong ama sa kanya. Nakasilip kasi si Eduardo sa bangin kung saan nalaglag ang lahat ng kanyang mga kasamahan.

Galit na galit na lumingon ito kay Nathaniel. Susugod pa sana itong muli, ngunit naunahan na ito ni Nathaniel. Sinalubong ito ng asawa ko ng isang malakas na pagsipa diretso sa dibdib nito, na s'yang dahilan upang malaglag ito sa bangin

Yumayanig pa rin ang aming kapaligiran. Bagama't napapangiti na kami sa isa't-isa sa muling naglalapit at nagdudugsong-dugsong ng mga lupa.

"Victoria..." Mangiyak-ngiyak na pagyakap sa akin ni Nathaniel, matapos nitong makatalon sa aming panig. "Mahal ko." Pinupog nito ako ng halik na humantog din naman sa pagdadait ng aming mga labi.

Isang makapal na puting usok ang unti-unting bumalot sa buong paligid. Napatanga ako nang bigla na lamang nag-iba ang hitsura ng lugar na aming kinaroroonan. Nagtataka rin ako kung bakit sa isang iglap ay mag-isa na lamang ako sa isang napakagandang Paraiso.

Napakaliwanag ng paligid, matingkad na berde ang mga damuhan, maging ang mga dahon ng mga puno't halaman. Matitingkad din ang mga pula, dilaw, asul at iba pang mga kulay na makikita sa bawat bunga ng mga punongkahoy, baging at mga palumpong. Ang buong kalangitan ay may iba't-ibang kulay na matatagpuan sa isang bahaghari. Habang ang malaking liwanag nama'y maihahalintulad sa araw na may sinag na tila nakapagpapakalma sa aking diwa.

"Tanggapin mo ang Espiritu ng Diyos, na siyang gagabay sa 'yo sa habang panahon."

Mensahe 'yun mula sa 'kaisipang', muling dumalaw sa aking isipan.

"Binibiyayaan n'yo na po ba ako ng sariling kaluluwa?" Naiiyak na tanong ko sa aking isipan.

"Ang lahat ng nabubuhay sa mundo'y mayroong kaluluwa (1)." Sambit ng isang matangkad na lalaking lumalapit na sa kinaroroonan ko. Kulay olandes ang kulot na buhok nito, matangos ang ilong at kulay asul ang mga mata. "Ngunit hindi lahat ay may Espiritu ng Diyos (2)."

"Bakit po? M-magkaiba pa po ba ang Kaluluwa at Espiritu? (3)"

"Oo." Anito. "Ang lahat ng may hininga ng Diyos (1), masama man o mabuti, ay may kaluluwa, ngunit hindi lahat ng may kaluluwa ay may Espiritu N'ya na tulad ng Espiritu ng karunungan at ng kaunawaan, ang Espiritu ng payo at ng katibayan, at ang Espiritu ng kaalaman at takot sa Panginoon (2)."

"Kung gayon po ba'y hindi po totoo na wala akong kaluluwa?"

Hindi ko na narinig pa ang kasagutan nito. Malamang ay dahil nasagot na nito ito sa mga nauna nitong sinabi sa akin.

Bigla na naman itong naglaho.

Sa dakong medyo malayo'y natanaw ko ang mga namatay kong kasamahan. Silang mga pinatay ni Eduardo at ng kanyang mga alagad. Maging yaong mga nasaksihan kong pinahirapan nila hanggang sa mamatay sa buong panahon ng aking pagkabilanggo.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Nakangiting kumaway ang mga ito sa akin, bago nagkani-kaniya ang mga ito sa pagtakbo na tila mga batang paslit na nagtatawanan at naghahagaran sa iba't-ibang dako. Ang saya-saya nila. Sila kasama ng napakaraming pang iba.

Ilang saglit pa, naramdaman ko na lamang ang sariwang hangin na bumalot sa aking katawan. Isang banal na hangin na animo'y nililinis ang aking buong pagkatao. Isang malinis na hininga ng Diyos, na nagduyan sa aking kamayan, hanggang sa unti-unti nang nanumbalik ang aking kapaligiran sa realidad ng mundo.

***

"Umh." Nakagugulat na paghalik ni Nathaniel mula sa aking likuran. "Ang bango naman ng mahal ko bagong ligo." Inaamoy-amoy nito ang balikat ko, habang pasimpleng iginagala nito ang kanyang mga kamay, na tila babinabalak nitong tanggalin an tuwalyang nakabalot sa katawan ko.

"Ano ka ba naman Nathaniel, nakakagulat ka naman!" Tatawa-tawang hinampas ko ang malilikot nitong nga mga kamay.

Hindi ito natinag, bagkus ay pinupog ako nito ng mga halik sa aking batok, balikat at leeg.

"Nathaniel ano ba?" Pinipilit kong makawala sa napanuksong paghaplos n'ya sa aking balat "Ang laki-laki na ng tiyan ko gusto mo na namang makaisa ha." Tumatawa ako. Natawa rin naman ito.

"Sa wakas, nakasal din tayo sa simbahan." Anito. Tinataniman naman nito ng mga halik ang aking kanang panga.

"Ang kaso, siguradong ang taba-taba ko sa mga litrato natin." Nakasimangot na pagmamaktol ko.

"Ano ka ba?" Natatawang reaksyon n'ya, "Buntis ka, hindi ka mataba." Kumalas ito sa pagkakayakap nito sa aking likuran.

Hinawakan muna ako nito sa kaliwang kamay at saka ako nito hinatak papunta sa gilid ng aming kama; kung saan ay umupo muna ito, bago nito ako ikinalong sa kanang hita nito, paharap sa kanya.

"Hindi ka ba napapangitan sa 'kin? Wala na nga akong korte oh."

"Anong walang korte? May korte ka naman ah, pabilog nga lang." Humalakhak ito.

Hindi ko nagustuhan ang biro n'ya kaya piningot ko ito sa tenga.

"Ano ka ba? Nagbibiro nga lang ako eh." Reaksyon nito sa pamimingot ko sa kanya.

"Hindi ko gusto ang biro mo. Kita mo na ngang nai-insecure na 'ko eh." Nakangusong wika ko, "Kita mo ikaw, ang sexy-sexy mo pa rin, tapos ako, daig ko pa ang nakalulon ng pakwan. Tapos 'yung ilong ko lumaki. Tapos 'yung mga braso ko, tumaba. Tapos 'yung mga hita ko, pwede nang kiluhing katumbas ng Crispy Pata."

Tinawanan lang ako nito. Pagtawang nakadadala kaya napatawa na rin ako.

"Mahal." Bulong ko habang nakayapos ako sa leeg nito.

"Ano 'yun?"

"Totoo kaya 'yung sinabi sa atin no'ng batang Pastor na nakasama natin sa pagtakas?"

"Mas nauna itong nakulong do'n kaya posible."

"Pero posible ring hindi di ba?"

"Mas posible ang totoo." Sagot ni Nathaniel, "Bakit naman kasi ito magsisinungaling?"

"Malay mo, kasabwat din siya, pero nagpapanggap lang."

"Bakit naman siya magsisinungaling sa mga gano'ng bagay?"

"Ewan ko ba. Napa-paranoid na siguro ako." Sagot ko. "Simula nang nangyari ang lahat, parang nahihirapan na akong basta-basta na lamang magtiwala sa mga tao. Lalong-lalo na kapag animo'y mga banal at maka-Diyos ang mga ito."

"Kung totoo man ang sinasabi ng Pastor na 'yon, na hindi na si Eduardo at si Marco na talaga ang bagong pinuno ng samahan ng mga ito, ano ba ang ipinag-aalala mo? Parehas na naman silang wala na, hindi ba?"

"'Yun na nga mismo ang ipinag-aalala ko, Nathaniel. Hindi ko naman nakitang nalaglag si Marco nang katulad ng kay Eduardo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko siya nakitang nalaglag sa bangin."

"Ha? Paanong--"

"Bigla na lang kasi itong naglaho, Nathaniel. In-assume ko lang na baka nalaglag na rin ito kasama ng mga kasamahan nito, pero hindi ako sigurado eh. Hindi ko kasi ito nakitang nalaglag."

"Sinasabi mo ba na baka buhay pa si Marco?"

"P-parang gano'n na nga." Sagot ko, "P-pero p-papaano nga kung buhay pa s'ya? Sa tingin mo, uumpisahan kaya niyang muli ang nasimulan ng aming ama?"

Hindi na sumagot si Nathaniel. Ikinunot na lamang nito ang kanyang noo na tila nag-iisip ng malalim; pag-iisip na may halong makailang beses na pagbubuntong-hininga.

***

Footnotes:

(1) The Soul (Breath of life, Physical Life, Mortal Life). "All" living creatures have souls. Biblical basis: Genesis 1:30, 2:7, Ecclesiastes 3:19-20, Job 12:10, Acts 17:25

(2) 7 Spirits of God: [Isaiah 11:2 enumerated The seven spirits of God]:

-----1. Spirit of the LORD,

-----2. Spirit of wisdom (Karunungan),

-----3. Spirit of understanding (Kaunawaan),

-----4. Spirit of counsel (Payo),

-----5. Spirit of power (Kapangyarihan),

-----6. Spirit of knowledge (Kaalaman),

-----7. Spirit of the fear of the Lord (Takot sa Panginoon).

Also mentioned in: Revelation 1:4; 3:1; 3:1 4:5; and 5:6 All living creatures have a Soul (Physical/Mortal/Breath of Life) but not all creatures have the Spirits of God (Eternal Life).

(3) Soul and Spirit though often used interchangeably are separate and distinct from each other. [Tagalog: Ang Kaluluwa at ang Espiritu, bagaman madalas na napagpapalit ay magkabukod at magkaiba] Hebrews 4:12, 1 Thessalonians 5:23

[Itutuloy]

Continuar a ler

Também vai Gostar

1.9M 19.1K 46
I'm not your princess, this ain't a fairytale ~ A story where you'll fight for the real purpose why you live in this world, To be followed or to be...
39K 4.1K 45
Ang pakikipagpaligsahan ng mga tao sa alon ay nakakabilib kung minsan. Hindi nila tinitigilan ang paghahanap ng tatalo sa akin, ilang libong taon man...
460K 19.5K 54
Standalone [Completed] Language: Filipino Ang matinding takot ay may pangalan. [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Class...
16.8M 481K 54
(Reagan Series #1) "My baby hates milk but he savors the taste of that red thick fluid we call 'blood'." --- Aaliyah Lopez Book cover by Aliza Mendo...