It all started with a handker...

besseyah által

4.5M 54.4K 6.3K

Si Kathryn ay isang nerd na nangangarap na mapansin ng kanyang ultimate crush sa school na si Daniel Padilla... Több

It all started with a handkerchief ♥ (KathNiel)
Chapter 1. - The beginning :)
Chapter 2. - His handkerchief :">
Chapter 3. - They are back
Chapter 4. - The makeover
Chapter 5. - Magkakilala sila?!
Chapter 6. - Announcement
Chapter 7. - The time
Chapter 8. - Totoo kaya?
Chapter 9. - OPDK. Step 1.
Chapter 10. - AC party
Chapter 11. - ^___^ --> -___-
Chapter 12. - Barkada time
Chapter 12. [1] - Notebook
Chapter 12. [2] - Feelin'
Chapter 12. [3] - Crush
Chapter 12. [4] Jealous?
Chapter 13. - Siya'y nagbabalik
Chapter 14. - Unexpected
Chapter 15. - First move
Chapter 16. - Intrams (Part 1)
Chapter 17. - Intrams (Part 2)
Chapter 18. - Siya nga?
Chapter 19. - Presentation
Chapter 20. - WOW! O.o
Chapter 21. - Yes
Chapter 22. - Iloveyou
*authors note*
Chapter 23. - deal?
Chapter 24. - Official
Chapter 25. - Phone Convo.
Chapter 26.1 - Boracay (Part 1)
Chapter 26.2 Boracay (Still part 1)
Chapter 26.3 Boracay (Part 2)
Chapter 27. Boracay (Part 3)
Chapter 28. - T_T
Chapter 29. - Unforgettable day :)
Chapter 30. - Sino ba talaga siya?
Chapter 31. - Similarities
Chapter 32. - The promise and forever Iloveyou
Chapter 33. - She saw them
Chapter 34. - (wala akong maisip na title sa chapter na 'to. -_-)
Chapter 35. - Answers
Chapter 36. - Engagement party.
Chapter 37. - Past is past.
Chapter 38. - "Everything happens for a reason" -Kath
Chapter 39. - I wanna grow old with you...
Chapter 40. - Hindi 'to panaginip!!!
Chapter 41. - Know
Chapter 42. - The day after Tomorrow...
Chapter 43. - art of letting go
Chapter 44. - Goodbye KC.
Chapter 45. - EK.
Chapter 46. - "Gwapo ako! Hindi cute!"
Chapter 47. - Spread Love.
Chapter 48. - Sorry.
Chapter 49. - Kath. Intayin mo ako.
Chapter 50. - Katapusan na ng mundo ko. - Daniel
Chapter 52. - Time to give up?
Chapter 53. - One guy will cry out of sadness and one guy will cry out of joy.
Chapter 54. - The story
Chapter 55. - We're back
Chapter 56. - Christmas
Chapter 57. - Promise.
Chapter 58. - Don't say goodbye....
Chapter 59. - Final Chapter?
The ending. (Chapter 60 and Epilogue)
IASWAH Special Chapter - 1
IASWAH Special Chapter - 2
MAHAL MO KATHNIEL? BASAHIN MO 'TO. ;)
ANNOUNCEMENT

Chapter 51. - Blurred memories.

48.6K 551 32
besseyah által

A/N: New Book cover. :DD Thanks to Johnzel. Thank you siiis sa pag eedit para sakin. Love lots. :**

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MORNING.

AT SCHOOL

=DANIEL'sPOV=

  

"Wala po kayong klase sir? 9AM na po." Napatingin ako kay yaya. Nginitian ko na lang siya at hindi pa sumagot. Hindi na rin siya nagtanong pa.

Hindi ako nakatulog buong magdamag kaiisip kay Kath (teka ano bang bago dun, lagi namang si kath ang nasa isip ko, anyways...) 

"Aaaahhhhh!"

"Naku sir! Ayos lang po ba kayo? Jusko. Anong nangyayari sa inyo? Jusko!"

"Aish! Ya! Okay lang ako." 

"Ah sige po sir." Umalis na ulit si yaya. Haaay! Napahawak na lang ulit ako sa ulo ko, sisigaw na sana ulit ako kaso naalala ko baka magalala na naman si yaya. Hay! 


Daniel! Ano ng gagawin mo ngayon?! Uupo ka na lang ba dito at walang gagawin?! Hahayaan mo na lang bang mawala ang lahat na parang bula?! 

Napatayo ako, tama! Kailangan may gawin ako! Hindi ko hahayaang mabura lang ako sa isip niya. Alam kong kilala pa rin ako ng puso niya. Alam ko. Alam na alam ko.


Nagtatakbo ako papunta sa kwarto, naligo at nagbihis ng uniform. Pagdating ko sa school, dumeretso agad ako sa dean's office. Kakapalan ko na ang mukha ko, kahit na late enrollee ako, magpapalipat ako ng block. Kung nasan si Kath.

Kung hindi ko pa 'to gagawin ngayon, takot ko na lang na makalimutan niya ako... habangbuhay.


At dahil madali kaming nagkasundo ng dean ng department ko, pinayagan niya ako na lumipat sa ilang subjects. Dalwa ata 'yua pwede kasi full na lahat ng section. Pagkatapos ko sa Dean, nagderetso ako sa registrar para maayos na 'tong documents.

Tiningnan ko ang second class ko ngayong araw, hindi na kasi ako abot sa first class ko. 1PM room 207. 

Kahit hindi pa ako naglulunch, dumeretso na ako sa room ko. Makita ko lang si Kath, busog na ako.

Corny man sa inyong paningin, gwapo pa din.

-------------

"Oh em geeee! Ang pogi girl! Siya ba si Daniel? 'Yung transferee from Manila?!"

"Oo nga! Siya nga ata 'yun! Kaso BF ata siya ni Chandria."

"What?! Eh hindi naman siya kilala ni Chandria eh. Girl, may pagasa tayo!"


Napatigil ako sa paglalakad ng magtagpo ang mga mata namin ni Kath. 

And she just gave me a smile.

That smile! 


Hindi ko siya nginitian pabalik, umupo na lang ako sa vacant seat sa likod niya... para matitigan ko siya... kahit sa malayo.


Ang dali na pero hirap ng sitwasyon namin. Madali dahil mas mapapalapit ako sa kanya ngayon, at mas madali kong maibabalika ng alaala niya, mahirap dahil hindi ko alam kung pano ako magsisimula.

-----

"Next week will be midterms week. So I'll be discussing lessons....."


Kinuha ko na lang ang headset at phone ko. Ang boring naman ng prof ni Kath. Tss. 

Habang nakaheadset ako, kay Kath ako nakatingin. Napapalingon siya at nginitian ako. Gustong gusto kong sabihin sa kanya na wag siyang ngumiti ng ganyan. Maraming pwedeng mabihag sa ngiting 'yan. Marami akong pwedeng makaagaw...


"Mr. Padilla? Mr. Padilla?"

"Huy! Huy!" Nagulat ako ng may magtanggal ng headset sa left ear ko. 

"What?!" Tanong ko sa kanya.

"Uhh? Yes sir?"

"I'm asking you Mr. Padilla, can you differentiate marketing from business?" Tss. Nananahimik ako eh. Inalis ko ang headset ko at tumayo. Napatingin ako kay Kath... at binigyan niya ako ng thumbs up.

Nang dahil dun bumalik ang mga salitang isasagot ko sana sa prof ko.

"Mr. Padilla?" Kay Kath lang ako nakatingin. Kahit alam kong buong klase hinihintay ang sagot ko.

"Ahh um. Sir!" Naalis ang tingin ko kay Kath nang bumaling ang tingin ng klase sa katabi ko kanina. "Can I help him?"

"Uh.. Yes, Ms. Panopio."

"Marketing is the organization of the sale of a product. While business is work relating to the production, buying, and selling of goods  or services. That's all sir."

"Thank you, Ms. Panopio. And you Mr. Padilla, you may seat down." Umupo na din ako. Hindi na ako ulit nilingon ni Kath.

"Okay lang 'yan." Napatingin ako kay Ms. ano nga ulit apelyido neto? At saka bakit niya nga pala ako tinulungan? Anyways, papasalamatan ko na lang siya dahil tinulungan niya ako sa pagsagot sa tanong(?) ni sir.

"Uh thanks." 

"You're welcome." Nginitian ko na lang siya.


"That's all for today. Dismissed." Lumabas na ng room si sir at kasunod nya si... Kath!


"Ka--"

"Treat mo 'ko ngayon dahil may kasalanan ka sakin kahapon!" Sabi ni Kath kay JC habang naglalakad palabas ng room.

"Sure!" Sagot naman ni JC.


"Hi. San next class mo?" Susundan ko na sana si Kath ng may kumulbit sakin kaya napatigil ako sa paglalakad.

"S-sa room PL1."

"Talaga? Pareho pala tayo eh! Tara!"


Nang makarating kami sa PL1, walang tao, sabi nung isa wala daw prof kaya umalis na din kami. Hindi ko alam kung san ako pupunta dahil nawala sa paningin ko si Kath. Hindi ko din alam kung san siya hahanapin dahil hindi ko pa masyadong kabisado ang campus na 'to.


"Uhmm.. San ka galing school sa Manila at bakit ka lumipat dito?" Naalala ko, may kasama nga pala ako.

"Uhh, kilala mo ba si Ka-- I mean Chandria?" Tumango naman siya.

"Hm. Yep." Napatigil siya sa paglalakad ng may itinuro siya, "Oh 'yun pala siya oh. Chandria!" Sinundan ko ang tingin netong babae at nakita ng aking mga mata ang nagiisang Kathryn Bernardo ng buhay ko.

"Celine!" Lumapit si Chandria dito sa babae at nakipagbeso. Napangiti naman ako. Makikipagbeso na din sana ako ng bigla siyang lumayo. Naalala ko...

"Uhhh..." Sabi niya sakin.

"S-sorry Ka-- Chandria."

"O-okay lang Daniel." Daniel... Daniel... Daniel... Kath, diba DJ ang tawag mo sakin?

"Uh Chandria! May sagot ka na ba sa seatwork natin sa math? Paturo naman."

"S-sure.." Nagcling siya sa braso ni Kath. Ngayon ko lang 'to naramdaman... Ngayon lang ako nakaramdam ng inggit.. Gusto ko rin siyang lapitan.. at akbayan..


Kaya bumalik ng magisa si Kath magisa ay dahil inihatid niya si JC sa gym. May practice siya ng basketball. At dahil don binigyan ako ni Lord ng sign para masolo ko si Kath.

Pagkatapos ng klase, bago pa siya mawala sinundan ko na agad siya.


"Kath! I mean, Chandria."

"Uy! Ikaw pala Daniel. Bakit?" 

"Pauwi ka na ba? Hatid na kita. Dala ko na car ko."

"Ah, no thanks. Magcocommute na lang ako pauwi." Sabi niya. Paalis na sana siya ng hawakan ko ang braso niya.

Napatingin siya sa kamay ko, agad ko namang inalis 'yun. "Hatid na kita? Maggagabi na oh. Delikado na sa daan." 

Ngumiti muna siya bago sumagot, "Sige, sabi mo eh."


At dahil sa naging sagot niya napa 'yes' naman ako. Napatawa naman siya sa naging reaction ko.

Kahit magsimula tayo sa panimula noong kinausap kita ayos lang. Maibalik ko lang 'yung dati...


--

"Uhm DJ, pwede bang huwag mo muna akong ihatid sa bahay? May dinadaanan pa kasi ako bago umuwi eh."

Napatingin ako sa kanya, "Saan naman?"

"Don sa park malapit sa house namin."

"Turo mo daan ha, hindi ko alam eh."

Napatawa naman siya sa sinagot ko. Hindi ko alam pero parang tumigil ang oras. Muntik pa kaming mabangga dahil sa pagtawa niyang 'yun.

----

"Thanks Daniel." Sabi niya bago isara ang pinto ng kotse. Pinaandar ko na ang kotse ko pero hindi pa ako nakakalayo ng hilahin ako ng isang anghel palapit kay Kath.

At ngayon nasa likod niya na ako. 

"Kath.."

"Omygod!"

"Ginulat mo naman ako Daniel." Ngumiti na lang ako bago umupo sa tabi niya.

"Okay lang naman siguro? Wala kang katagpo?" Umiling naman siya.

"Lagi ka bang nandito after school?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya nakatingin sakin habang sinasagot ang tanong ko.

"Hindi ko alam eh. Ewan ko. Feel ko lang. Lagi na lang akong dinadala ng paa ko sa park." 

"T-talaga?" Tumingin siya sakin at tumango. Lagi siyang dinadala ng paa niya sa park? Hindi ba sa park... niya ako sinagot noon? Sa di malaman na dahilan napapangiti ako sa oras na ito. Hindi ako naaalala ng isip niya, pero naaalala ako ng puso niya..

"Bakit ka nga pala nag transfer ng school? Magaganda na ang Universities sa Manila ah?"

"Because of someone." 

"Ang swerte naman ng someone na 'yun. Sinundan mo pa talaga siya."

"Yes. But now... she doesn't know me." Kita ko sa peripheral view na napalingon siya sakin.

"Hindi... ka niya kilala?"

"Naaksidente siya dahil sakin causing her to have amnesia. She doesn't remember me."

"Aww. I feel sorry for you Daniel.."

"No." Tumingin ako sa kanya, at nagtagpo ang mga mata namin, "Don't say sorry dahil alam kong .... maaalala mo din ako."

1....

2....

3....

4...

5... seconds. Limang segundo ang itinagal ng pagtitinginan naming 'yun... pero 'yun na ata ang pinakamatagal na pagtingin niya sakin pamula noong nagkita ulit kami.

"A-ako?"

Ngumiti ako at tumingin sa malayo, "Yan sana ang gusto kong sabihin sa kanya ngayon."

"A-aahh.. S-sorry.. Akala ko kasi ako. Hehe. Sige, tara na? Gumagabi na eh." Agad siyang tumayo at naglakad palayo. Pero naiwan ako dito, tinitingnan ko lang siya maglakad palayo.


Hindi ko alam kung pano ko maiibalik ang alaala niya. Mahirap oo, pero kakayanin ko. Dapat kayanin ko.


"T-tara na!" Sigaw niya sakin mula sa malayo. Napangiti naman ako kasi hindi siya makatingin ng deretso sakin. Para siyang nagbublush. Namiss ko 'to. Namiss ko ang ganyang Kathryn.


Tumayo na ako at nilapitan siya, "Ang cute mo." Sabi ko sabay pinch sa cheeks niya.

"Aray naman DJ!"


Yung ngiti ko biglang nawala. Anong sabi niya?! D-DJ?! Tinawag niya ako sa pangalang DJ?! P-pano niya nalaman?! Hindi... hindi ko naman sinabi 'yun diba? 

Nang dahil sa gulat hinawakan ko ang magkabilang braso niya, "D-DJ? Bakit mo ako tinawag na DJ? Naaalala mo na ako? Kath, naaalala mo na ako?"

"A-aray Daniel, nasasaktan ako.."

"Kath naman, kung ginogood time mo lang ako please, itigil mo na."

"Hindi kita.. A-araaay--" Nagulat ako ng muntik na siyang matumba. Nakahawak siya sa ulo niya.

"Ahhh.. Araaaay! Araaaay! Ang sakit! Ang sakit ng ulo ko, DJ." Sabi niya habang hawak hawak niya ang ulo niya. Sht. Dapat pala di ko na lang sinabi!

"Teka. Kath. Anong nangyayari sayo?" Nagpapanic na 'ko dito! 

"Daniel. Ang sakit. Ang sakit......." 

"Kath! Kath!! Kath!!! Gising!" Sigaw ko. Bigla na lang siyang hinimatay. Buti na lang nasambot ko siya. Binuhat ko siya papunta sa sasakyan ko at saka ako nagdrive papunta sa pinakamalapit na ospital.

--

HOSPITAL.

Nasa tabi ako ngayon ni Kath. Hawak hawak ko ang kamay niya. Hangang ngayon kasi, hindi parin siya nagkakamalay.

"Chandria? Chandria? Anak ko." Nagmamadaling lumapit si tita Min kay Kath at agad niyang niyakap.

"Anong nangyari sa anak ko Daniel?" Tanong niya sakin. 

"Tita. Nasa may park po kami, naguusap ng bigla siyang nawalan ng malay." Sabi ko.

*tok tok*

Napatingin kami pareho ni Tita Min sa pinto.

"Doc. Kamusta na po ang anak ko?" Tanong ni tita Min sa doktor.

"Ayos naman po siya misis. It's a headache. Ayon sa examinations, her brain is slightly damaged causing her to forget some of her memories, or amnesia? Did you know it already?"

Napatingin si Tita Min sa nakahigang si Kath, "Yes doc.."

"Hmm... I can't really say that she'll remember all those.."

"P-pero po doc bakit po siya nahimatay dahil sa sakit ng ulo? A-ano pong ibig sabihin nun.."

"She wants to remember her forgotten memories but her brain can't cooperate. I can only recommend to not stress her too much. Pwede po itong makapagpalala sa kalagayan niya. Hayaan po nating maalala niya yun ng kusa. Pero may instances na, hindi niya na po maalala... Pero magtiwala pa rin po tayo." Pagkasabi nun ni Doc, tumango na lang si tita Min. Lumabas na ng room si doc. Naiwan kaming dalwa ni tita min at si Kath.

Bakit ganun? Kung kelan malapit na. Kung kelan hawak kamay ko na saka naman unti unting mawawala. Hindi pwedeng hindi niya na ako maalala. Hindi ko kakayaning habang buhay niya akong hindi kilala.


"Tita. Alam po ba ni Kath na may amnesia siya?" Tanong ko kay Tita.

"Hindi. Hindi niya alam na may amnesia siya. Ang alam niya, dito talaga siya lumaki, dito siya tumira. Wala siyang alam."

"Bakit hindi niyo po sinasabi?"

"Hindi na kailangan pa." 

--

Pagkagising na pagkagising ni Kath sinigurado kong ako ang una niyang makikita. Nakailang tanong ako kung okay lang siya pero tango lang ang kaya niyang isagot. Siguro nagulat ko siya kanina.. 

Kahit na unti unti akong nawawalan ng pagasa, hindi ako susuko. Gagawin ko ang lahat para kay Kath. Gagawin ko lang ang mga bagay na makapag papaalala kung ano ako sa buhay niya.


Pinaalis na din ako ni tito at tita dahil malapit na mag umaga, tumatawag na din sina mama kinakamusta na kung may improvement daw ba. Kahit ako hindi ko alam kung meron... meron nga bang improvement 'tong ginagawa ko?

--

SATURDAY.

=JC's POV=


"Chandria? Alam mo ba ang kulay ng mga shokoy?"

"Huh? Ano?"

"Edi Shokolet."

Sa halip na sumagot siya sa korni kong joke, kumuha siya ng piso sa wallet niya at binnigay sakin, "Eto piso, hanap ka ng kausap mo."

"Chandria naman!" Napatawa naman kami parehas.

Yan. Nang dahil sa tawag 'yan ko aya ko siya naging crush. Tss! Ang cute cute niya kasi tumawa eh! Kung bakit naman kasi ang bait niya na ang ganda pa. All in one mga bro!


"JC. May ikukwento ako sayo, alam mo ba kahapon, nung naguusap kami ni Daniel. May sinasabi siya sakin. Weird." 

"Ano naman 'yun?" Tanong ko.

"Lagi niyang sinasabi sakin kung nakakaalala na daw ba ako? Bakit? May amnesia ba ako? At saka ang weird weird niya talaga.." 

Huh? Si Daniel? "Bakit niya daw sinabi yun?"

"Hindi ko din alam eh. Wala akong maalala na magkakilala na kami dati. Teka.. diba pinsan mo siya? Bakit ngangayon lang siya nagpakita dito?"

"Sa Manila siya nagaaral. Ewan ko din eh. Bakit hindi mo tinanong kahapon?"

"Sabi niya may sinundan daw siyang 'someone' tapos bigla niyang sinabi na maaalala ko daw siya. Parang ako yung sinasabi niya eh."

"Sus, hindi 'yun. Baka nagkamali lang. Kasi diba, dito ka lumaki, eh si Daniel taga Manila." Sabi ko. Sige pa JC, kahit alam mong meron silang pagtitinginan noon, magkunwari kang walang alam. Ganyan ka naman eh. Sanay ka ng masaktan. Talo ka na naman ng pinsan mo.

Hindi ko na sinabi na Baka nga, may relasyon sila noon. Kasi laging lumalapit si Daniel kay Chandria tapos yun pa sinabi niya. Hindi naman yun marunong magsinungaling.

"Oo nga eh. Yun nga din pinagtataka ko. Ang weird niya. Pero alam mo JC.. Nung bago ako mahimatay kahapon, may nakikita ako pag nakapikit ako. Babae at lalaki. Nakaupo sa bench at nakatingin sa stars. Ako yung babae, yung lalaki, hindi ko kilala. Sobrang labo eh." 

Hindi kaya...

Si Daniel ang lalaking yun?

Lalo pa ata akong nawalan ng pag asa kay Chandria. Haaays.

"Ta-talaga?" Nauutal kong sagot.

"Oo eh. Ewan ko ba. Parang ang tagal ko na siyang kilala. Weird yung feeling." 

Pero kung si Daniel nga yun... Pano na ako?? Pano na ang nararamdaman ko para kay Chandria?

--

=DANIEL's POV=

  

It's sunday kaya napagdesisyunan kong puntahan si Kath sa kanila. Dahil alam naman ni Tita Min ang pinagsamahan namin ni Kath hindi niya na ako pinagbawalan pang bisitahin siya. Pero nung nakarating ako sa kanila, sabi ni Tita Min wala daw si Kath... Kasama si JC.

Ang bilis nilang naging close ni JC. Sana ganun kabilis niya din ako maalala.

Umuwi na lang ako samin, hindi ko na sila pupuntahan, baka may lakad sila eh. Makaabala pa ako. 

Tumambay na lang ako sa kwarto. Nang may nakaagaw ng atensyon ko.

Kumuha ako ng silya at inabot ang isang gitara sa taas ng cabinet ko. PInagpagan ko 'yun. Wow, bass guitar? Kanino kaya 'to? Baka kay papa? Buti na lang marunong pa ako nito. Matagal tagal na din kasi nung huli akong nakahawak ng gitara.


*tok tok*

"Pasok po. Bukas yan."

"Sir. May bisita po kayo." Sabi ni yaya.

"Sino po?"

"Si JC po." Sabi niya at saka sumulpot si JC sa likod ni yaya at pumasok sa kwarto ko.

"Uy JC. Napadalaw ka ata."

"Wala lang." Umupo siya sa tabi ko, napansin niya ang hawak kong gitara, "Marunong ka pala mag gitara." 

"Oo."

"Tamang tama. Naghahanap ako ng bassist para sa banda ko!" 

"Talaga? Ako kukunin mo?" May banda si JC? Sabagay, maganda boses neto eh.

"Oo. Pinsan naman kita eh. Pwede ba?"

"Wow. Talaga?! Salamat!" 

"Tara. Ipakilala kita sa kanila." Sabi niya. Tumayo na ako at nilagay ang gitara ko sa case. Tapos dinala ko at lumabas na ako ng kwarto.

Teka akala ko ba magksama sila ni Kath?

--

  

Pumunta kami sa bahay nina JC. Ang laki pala ng bahay nila. At may sadyang music studio.

Pumasok na kami sa loob.

"Guys. nakahanap na ako ng pwede nating bassist." Sabi niya sa mga ka band mates niya, "Eto nga pala si Daniel. Pinsan ko. Magaling siya tumugtog ng bass guitar." Pakilala ni JC sakin.

"Hi guys." Sabi ko naman sa bandmates niya.

"Hi Daniel. Welcome na welcome ka dito. Ako nga pala si Seth." Sabi ng isang lalaki na kulot ang buhok. Nakipag kamay siya sakin. Nakipag kamay din naman ako sa kanya.

"Hello pare. Daniel." Pakilala ko.

"Hi dude! Ako nga pala si Lester."

"Daniel." At saka kami nagshake hands.

"Hi siiiiiiiiiiiis!! Ako nga pala si Katsumi! Pwede ding Kats. Welcome sis!" Sabi naman netong lalaki na naksalamin. Ang cool niya. Magkakasundo kami. :D

*PAK*

"Aray naman!!! Sinong nambatok!!???" Tanong ni Katsumi kina seth.

"Ayusin mo kasi pagpapakilala. May pa sis sis ka pa jan eh! =_=" Sabi ni Lester.

"Eh yun ang gusto ko eh!!" Sagot naman ni Katsumi.

Tapos ayun, nag away away na sila. Hindi naman as in suntukan, yung biruan lang na away.

Nakakatuwa sila. May mga bago na akong kaibigan.

"Hi Ako nga pala si Katsumi. Nagpapakilala muli." Sabi niya. Tapos tumingin siya kay Lester "SATISFIED? =_="

"Daniel." At nakipag shake hands ako.

"Welcome ka dito sa parking 5, pinsan." Sabi naman ni JC. Ahh parking 5 pala pangalan ng band nila. Pero bakit parking five? Eh 4 lang sila? Weird.

"Salamat sa opportunidad na 'to JC. Salamat guys. May bago na akong mga kaibigan." Sabi ko sa kanilang lahat.

"Wala yun sis. Ikaw pa. Gwapo mo teeeeh!!!" Sabi ni Katsumi sabay wink.

O_O

"EEEEEEEEEEWWWWWWWWWWWWWWW!!!" Lester, JC, at Seth.

"CHE!!" Katsumi.

Napatawa naman ako sa kanila. Bigla ko tuloy naalala ang mga kaibigan ko sa Manila. Sina Neil, EJ, Kiray, Julia at Yen.

Pagbalik ko sa Manila, ipinapangako ko, kasama ko na si Kath. At naaalala niya na ako.

"Tara meryenda muna tayo." Sabi ni JC.

"CHIBUGAAAAAN NAAA!!" Katsumi.

At saka kami kumain.

Mga bagong kaibigan. Maganda 'to para sa muli kong pagsisimula. Sana makahingi ako ng tulong sa kanila para kay Kath.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Olvasás folytatása

You'll Also Like

1.5M 3.6K 6
[I don't believe in love SEQUEL] Si Ella, ang BITTER na BIDA. Ang Cinderella na walang Prince Charming ang drama. Uubra ba ang pagkabitter niya sa la...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1.1M 22.1K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
4.8K 89 9
~Jovial Boys Republic Series~ Book 2 Si Lorraine ay isang babaeng PALABAN at WAIS. Gagawin niya ang lahat ma-impress lamang ang kanyang ama kahit pa...