Owned By Him

By BLACIRE

323K 7.4K 579

Sabi nila kapag tahimik ang bagyo mas nakakatakot, mas mabagsik at mas nakakapaminsala. Then what if a man wh... More

Owned By Him
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Epilogue

Chapter 15

10.9K 258 22
By BLACIRE

Chapter 15
_______






"Kaninong bahay ba ito?" tanong niya sa asawang nakapulupot ang kamay sa bewang niya.


Nakasiksik ang mukha nito sa leeg niya at inaamoy-amoy siya. Nakikiliti naman siya sa ginagawa nito at mahinang napapahagikhik. Kanina ay pilit niyang tinatanggal ang mukha nito sa leeg niya pero ibinabalik lang din naman nito kaya naman hinayaan niya na lang.



Kung makakapit kasi ito sa kaniya ay tila ba ito bata na ayaw siyang mawala sa paningin. Masyado itong clingy ngayon.

"Hmm.. you smell so good Hon. How I loved those perfume that you are making, especially your natural scent." mahinang ani nito at mas lalo pang humigpit ang yakap sa kaniya.

Hindi niya mapigilang mapangiti at kiligin. Hindi niya alam kung aware ba ito sa pagiging sweet sa kaniya. Natural naman talagang sweet ang asawa niya kahit na hindi halata sa mukha nito.

"Tumigil ka nga Phoenix. Nagtatanong ako sayo. Kaninong bahay ba ito?" pasungit na tanong niya dito.

Hindi niya dapat na ipakita dito na masyadong malakas ang epekto nito sa kaniya. Nakatalikod naman siya kaya sa tingin niya ay matagumpay niyang maitatago ang tunay na nararamdaman.

"Oh that. This is yours honey.." parang wala lang na sambit nito bago paulit-ulit na pinatakan nang halik ang leeg niya.

Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi nito. Agad niyang iginala ang tingin sa paligid. Nasa terrace sila ngayon at kitang kita niya ang baba. Napaka lawak nito. Kung tutuosin ay para itong isang hacienda dahil sa dami nang puno. Mula rito ay tanaw niya din ang mangilan-ngilang lalake na para bang nagmamanman sa paligid. Tila ba nagmamatyag sa kung sino man ang maaring mangahas na pumasok na hindi imbitado.

Agad siyang nagpumiglas sa pagkakayakap ni Phoenix sa kaniya. Nakita niya ang pagkunot nang noo nito dahil sa kaniyang ginawa.

"Are you crazy? Tumigil ka nga diyan Phoenix. Wala akong naalalang bumili ako nang ganito lalo na at hindi ko ito afford." Sita niya dito.

Baka gumamit nang ipinag babawal na gamot ang asawa niya kaya naman kung ano-ano ang naiisipan nito.

Nawala ang kunot nang nuo nito at napalitan nang halakhak. Siya naman ngayon ang kumunot ang noo at humalukipkip sa harapan nito. Mukhang napansin naman nito na hindi siya natutuwa sa ginagawa nito kaya umayos ito nang tayo sa harapan niya bago tumikhim.

"I'm not crazy Hon and I'm not joking. This whole thing was yours." seryosong ani na nito bago tumingin sa ibaba nang bahay kung saan nandoon ang mga kalalakihan. Nakatayo ang mga ito na parang mga poste. Ilan sa mga ito ay walang kagalaw-galaw habang ang iba naman ay umiikot sa paligid.

"Paano naman nangyari iyon?" nagtatakang sambit niya.

Tumingin ulit ito sa kaniya at sa pagkakataong ito ay ngumiti ito nang matamis. Hindi niya maiwasang mag-init ang pisngi dahil sa ngiti nito.

Shit lang, ang gwapo.


"Lahat nang bagay na meron ako ay hindi ko na pag-aari. Lahat nang ito ay sa iyo na." ani nito.

Bago pa man siya makapagsalita ay dinugtungan na nito ang sinasabi.

"You are my wife, all of the things that I have was yours too. And even before that we are not married yet, I am already doing everything for you."

Hindi niya talaga minsan maintindihan ang tumatakbo sa utak nang asawa. Sa palagay niya ay kinakailangan niya nang napakahabang pasensya at pang unawa dito. Nai-stress siya dito sa totoo lang.

Makalipas ang ilang linggo ay naging okay naman ang lahat. Nanatili lang naman siya sa loob nang napakalaking bahay na ito. May pinagkakaabalahan naman siya kaya hindi naman siya nabobored. Isa pa ay nakakausap niya naman ang mga katulong nila.

Araw-araw ay ginugugol niya sa pag experimento nang bagong pabango. Tutal ay wala naman siyang ibang ginagawa at hindi naman siya makapagtrabaho dahil ayaw ni Phoenix. Kaya ginugugol niya na lang ang oras dito at nagbabalak na magtayo nang sariling negosyo nang mga pabango.

Nagi-enjoy siya sa ginagawa at nagpapasalamat siya sa asawa na suportado ang hilig niya. Ito pa mismo ang bumibili nang mga kinakailangan niya sa paggawa nang pabango.

Madalas din naman nasa bahay lang nila ang asawa. May sarili itong office dito at dinadala na lang nang secretary nito na si Mr. Julios ang mga kinakailangan nito. Umaalis lang ang asawa kapag may mga meetings na kinakailangan nang presensya nito.

Kung wala naman ay nananatili lang ito sa bahay nila at doon ginagawa ang mga gawain nito.

Sa office lang din naman siya nito gumagawa nang pabango. Ang nakakainis lang kasi ay gusto nitong kung nasaan ito ay nandoon din siya. Kaya naman ang mga kagamitan niya sa paggawa nang pabango ay nasa loob lang din nang office nito. Parang hati sila sa opisina nito. Ang gusto kasi nito ay nakikita daw siya sa kung ano man ang ginagawa niya.

Literal na gusto nitong laging nakikita siya dahil ultimo pagkuha lang nang inumin ay inuutos na lang nito sa mga kasambahay para daw wag siyang umalis sa tabi nito. Kung hindi nga lang kinakailangang umalis ay hindi talaga ito aalis. Minsan ay gusto pa siyang isama na siya namang tinatanggihan niya dahil meeting iyon. Nakakahiya namang kasama siya nang asawa eh hindi naman siya nito secretary.

Nabaling ang tingin niya sa pinto nang biglang may kumatok doon. Napatingin siya sa asawang nakatingin na ngayon sa pinto habang nakakunot noo.



"Come in" ani nito.


Ilang saglit pa ay pumasok ang isa sa mga katulong nila na si Marie. Nakangiti ito nang matamis habang diretso ang tingin sa kaniyang asawa. Sa lahat nang mga kasambahay nila ito ang masasabi niyang may kakaibang pag uugali. Hindi siya manhid kaya alam niya may gusto ito sa asawa niya.

Medyo hinila nito ang damit pababa dahilan kung bakit lumitaw ang dibdib nito. Kumagat pa ito sa labi bago nagsalita.

"Sir.. Nandito po ang mga kaibigan mo." ani nito at tumitig nang malagkit sa asawa niya na ngayon ay nakatingin lang sa kaniya. Ni hindi nito napansin ang ginagawa nang kasambahay.

Mas lalong kumunot ang noo nang asawa. Tinanggal nito ang eyeglasses nito at sumandal sa inuupuan habang hinihilot ang noo.

"What the fvck are they doing here.." mahinang sambit nito na para bang sa sarili lamang gustong itanong pero ang epal na kasambahay nila ay nagsalita pa. Dahilan kung bakit napataas ang kilay niya.

"Baka gusto ka lang bisitahin Sir. Namimiss kana ata."

Kung makapagsalita ito ay para bang close na close ito kay Phoenix.

Tumingin saglit si Phoenix dito.

"You may leave now. I'm not asking you." malamig na ani nang asawa kaya naman agad din lumabas ang katulong. Napahiya ata ito dahil nagmamadali itong umalis na kamuntik nang maging dahilan nang pagkakatalisod nito.

Siya naman ay napailing habang sinusundan ito nang tingin.

Nabaling ang tingin niya sa asawa nang tumunog ang kinauupuan nito. Nakita niyang nakatayo na ito at palapit sa kaniya.

"Let's go?" tanong nito sa kaniya na siyang ikinatanga niya dito.

"Huh?"

"Let's go. My friends are here and I want you to join us." ani nito bago siya hinawakan sa kaliwang kamay.

Naibaba niya ang hawak na bottle at napatayo sa kinauupuan. Marahan siyang hinila nang asawa patungo sa pinto.

Ano naman bang gagawin niya doon? Baka naman may importanteng pag uusapan ang mga ito. Makakaabala lang siya kapag nagkataon.

Pero alam niyang wala naman siyang magagawa, lalo na at ayaw nang asawa na nawawala siya sa paningin. Napailing na lang siya at sinundan ito sa paglalakad.

Ngayon lang na naman niya muling makikita ang mga kaibigan nito.

Pababa palang sila nang hagdan ay rinig niya na ang mga boses nang kaibigan ni Phoenix. Kung hindi siya nagkakamali ay si Zach ang naririnig niyang mura nang mura. Ito lang naman kasi ang napansin niya noon na mahilig magmura. Kahit yata sa harapan nang simbahan ay nagmumura ito.

"Remove your fvcking hands on me asshole! Damn it! I will fvcking kill you."

Lumapit sila sa sala at doon nga ay nakita niya ang mga kaibigan ni Phoenix.

Tiningnan niya ang mga ito isa-isa. Magkakatabing nakaupo sina Zero, Vixor at Zues sa mahabang upuan pero nanlaki ang mga mata niya nang makita ang namumulang mukha ni Zach habang sakal-sakal ito ni Blake. Halos nakaupo na ito sa lapag habang nakapulupot sa leeg nito ang braso ni Blake.

Naramdaman niya ang paghapit sa kaniya nang asawa.

"What the?! Did you just go here to show us your childishness?" rinig niya ang malamig na ani nang asawa niya sa dalawa.

Nakita niya naman na natigilan ang mga ito at sabay na tumingin sa direksyon nila at ngumiti. Kung ngiti nga bang matatawag iyon dahil sa tingin niya ay ngiwi ata ang kinalabasan.

"Uh.. Hello there my brother-in-law.." rinig niyang bati ni Zach sa asawa. Kita niya pa ang hirap nito sa pagsasalita dahil hanggang ngayon ay hindi pa din ito binibitawan ni Blake.

Inakay siya nang asawa palapit sa mga ito. Umupo ito sa isahang upuan bago siya hinila paupo sa kandungan nito. Nagulat naman siya at agad sanang tatayo pero pinigilan siya nang asawa. Hinawakan nito ang bewang niya. Nakita niya pa ang reaksyon nang mga kaibigan ni Phoenix. Mukha ang mga itong nandidiri sa ginagawa nila.

"Phoenix ano ka ba!" naeeskandalong ani niya sa asawa na tila wala lang pakialam na tumitig sa kaniya at ngumiti.

"Don't worry hon. I think they don't mind." malambing na sagot nito bago tumingin sa mga kaibigan. "Will you?" malamig na tanong nito.

Sabay-sabay naman na nagsiilingan ang mga ito. Si Blake naman ay ibinaba ang tingin kay Zach at mas hinigpitan pa ang sakal dito.

"Tangna! P-papatayin mo ba talaga ako?" nanlilisik na pilit na tinitingnan ni Zach si Blake.

"Oo. Kapag hindi mo binawi ang sinabi mo kanina na under ako nang asawa ko." sagot naman ni Blake.

"Bakit totoo naman ah? Hindi ka pa nga sana papayagan nang asawa mong umalis kung hindi mo pa natapos labahan iyong lampin nang anak niyo. Shit lang. Ang yaman-yaman niyo tapos lampin lang gamit niyo? Ang kuripot mo talaga."


"Bakit? Ginusto ko bang lampin ang ipagamit sa anak ko? Ang hirap hirap kayang maglaba. Si Baby Jam ko lang naman ang may gusto noon eh."



"Oh di sana sinabi mo nalang na hindi ka sasama. Hindi iyong papapuntahin mo kami sainyo tapos gagawin mo lang kaming tagalaba nang lampin nang anak mo. Kung sana lang ay napaglaba mo din sina Vixor at Zues edi wala sanang problema." gigil na ani ni Zach dito.


Teka? Tama ba ang naririnig niya? Nag-aaway ang mga ito dahil sa lampin?


"Stop it you two. You are talking nonsense. If you continue doing that, I'll drag you out of my house." ani ni Phoenix sa mga ito.

Agad naman nagsi-upo ang mga ito sa upuan at parang walang nangyari na nagngitian ang dalawa.

Napailing naman siya.

"Damn. Kung alam ko lang na ganito lang ang mangyayari dito, hindi na lang sana ako sumama. I missed her so much." rinig niyang ani ni Zero habang hinihilot ang ulo.











Continue Reading

You'll Also Like

107K 2.7K 38
Si Brekker Puppert ay isang sikat na Modelo sa murang edad. Siya ay pinagkagulohan dahil sa angking gwapo at talento. Pero siya ay kilala na Babaero...
601K 11.6K 32
Empire Club 1: Keant Keally SPG | R-18 Started: February 08,2019 Ended: September 01, 2019 Source of Photo: Pinterest
200K 4.8K 36
Si Blanco Vladimir Isang Estudyanteng tarantado. Masaya na siya sa naging Buhay niya na nanakit. Masaya na siya na may nakakabugbogan. Pero hindi ni...
1.7M 71.8K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...