Linus Academy: School Of Elit...

By rrrrrylleism

497 63 4

"Welcome, to Linus Academy!" Date started: February 01, 2021 Date ended: 00/00/00 More

Disclaimer
Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22

Chapter 7

16 2 0
By rrrrrylleism

Chapter 7: Who is he?

Nang bandang dismissal, uwian, ay na sa parking lot si Solo habang inaayos ang helmet niya. Susuotin na niya sana 'yon pero naramdaman niyang nagvibrate ang cellphone niya na nasa loob ng blazer niyang uniporme. Kinuha niya 'yon at tiningnan ang caller ID. Nang makita ang pangalan ni Zon ay kaagad niya 'yong sinagot.

"Oh?"

"Guess what I have for you. I'm sure this will make you happy and complete your day as well."

"Chess board?"

Zon sighed from the other line. "Of course, not." Then he rolled his eyes.

"Ano na naman ba 'yan?" Iritadong tanong niya saka nagkamot ng batok.

"Clue, part of our mission." Sagot naman ni Zon hanggang sa narinig niya ang matunog nitong pagngisi.

"You gotta be kidding me."

"Ah - huh, nope. No, I am not."

"Jax!" Halos sabay pang sigaw ng dalawa saka parehong humalakhak.

"Oo, haha! Ang dali lang naman pala nito. Tsk. Tsk. Tsk. Wala na masyadong thrill ang misyon nating 'to." Mayabang pang sabi ni Zon.

Ngumisi si Solo, "Look after him. I'm on my way home." Paalam nito saka binaba ang tawag.

Saglit pang tumitig si Solo sa screen ng cellphone niya at ngumisi. Kaagad siyang kumilos. Nang maibulsa na niyang muli ang cellphone niya ay saka siya nagsuot ng helmet. Sumakay na rin siya sa motorsiklo niya, binuhay ang makina no'n saka humarurot pauwi.

Mula sa labas ng bahay nina Solo at Zon ay amoy na amoy ang mabangong adobo na siyang niluluto ni Zon. Sa loob ng bahay ay unang bubungad sa'yo ang isang lalaki na siyang nakatali sa isang silya, na nakapwesto sa sala. Kasunod naman ng sala ang kusina kung saan nagluluto si Zon ng adobo.

"Ang bango, 'no?" Tanong ni Zon. Nakasandal siya sa may lababo habang nakatingin kay Jax na ngayon ay sobrang sama ng tingin sa kaniya. "Nakakagutom, 'diba?"

"Fuck you, asshole! Pakawalan mo ako rito! Sinabi ng hindi ako si Jax, eh! Jack ang pangalan ko! Jack!" Sigaw nito saka nagpumiglas.

Well, kampante naman si Zon. Dahil kahit na anong pagpupumiglas ang gagawin nito ay alam niyang hindi 'to makakatakas. Tinali lang naman niya 'to gamit ang medyo makapal na lubid at halos balutin na rin ng duck tape. Oo, duck tape at lubid.

Tumawa si Zon, "Hahaha. Simot-simotin mo muna 'yong niluluto ko. Gutomin ka lang diyan, okay lang 'yan. Parating naman na si Solo. Tapos kakain na kami ng hapunan tapos siyempre ikaw, manonood lang. Haha."

"Fuck you, hindi ako patay gutom!" Asar na asar nitong sigaw. "Pakawalan mo sabi ako rito, eh!"

"Nah, baka dukutin mo pa ang ulam namin, delikado. Paborito ko pa naman ang adobo."

Tatawa na sa ulit si Zon pero nang marinig ang pamilyar na tunog sa motorsiklo ni Solo ay kaagad siyang umayos ng tayo. Lumabas pa siya ng bahay para salubungin si Solo na ngayon ay naghuhubad ng helmet.

"Mabuti naman at dumating ka na." Aniya saka ngumisi pa. "Ang galing ko talagang magtrabaho. Tsk."

Umirap si Solo sa kaniya saka hinagis dito ang helmet niya. Nilagpasan lang siya ni Solo saka ito dumiretso papasok. Dahil excited na rin si Zon sa pagyayabang dahil nga nagawa na niya ang trabaho niya ay kaagad rin siyang pumasok sa loob.

"Tadaaaaa!"

Kumunot ang noo ni Solo nang mapansin ang sitwasyon ni Jax. Mukha 'tong kakapusin ng hininga dahil sa sobrang ginawang pagtali ni Zon.

"Jaxson Medina is in the house! Yehey!" Tuwang-tuwang sabi ni Zon saka pumalakpak pa.

"Gago! Sinabi ng hindi ako si Jax, eh! Ang bobo mo, ampota! Pakawalan mo nga ako rito!"

"Sus, huwag kang makikinig diyan, Solo. Nagugutom lang 'yan at gustong makikain ng adobo. Haha."

Mas lalong kumunot ang noo ni Solo nang may mapansin siyang mali sa tenga ni Jax. Kaagad siyang lumapit dito saka marahas na tinabingi ang ulo nito. Wala siyang makitang nunal sa tenga nito kung saan ay meron naman talaga dapat. Tiningnan at sinuri na niya ang dalawang tenga nito pero wala talaga siyang mahanap na nunal. Hindi siya 'to!

"Solo, anong ginagawa mo?"

Inis na nilingon ni Solo ang huli. "Zon, hindi si Jax 'to! Si Jack 'to, Zon. Si Jack! Na kakambal ni Jax!"

"Ha?! May kakambal siya?!"

"Anak ng - hindi mo alam?!"

"Hindi mo sinabi!"

"Tarantado, lumayo ka sa'kin at talagang masisipa kita!" Inis na inis na banta ni Solo.

Napalunok si Zon saka binalingan ng tingin ang ngingisi-ngising si Jack o si Jax. Nilapitan niya ito saka inis na kinwelyuhan.

"Sino ka ba talaga?" Seryosong tanong niya rito gamit ang kaniyang malalim na boses.

Bumuntong hininga ito saka umismid, "I already told you, I am Jack and not my brother Jax."

"Nasaan si Jax ngayon kung gano'n?" Nakacross arms na tanong ni Solo.

Nagkibit-balikat si Jack, "I don't know where he is right now. Hindi naman na kami nagkikita dahil matagal na siyang hindi umuuwi."

"At hindi ka man lang nag-abalang hanapin ang kakambal mo?"

"What for? Malaki na siya, alam na niya kung kailan siya uuwi at kung saan ang uuwian niya."

"Teka, sigurado ka talagang hindi si Jax 'to?" Kunot noong tanong ni Zon habang nakaturo pa kay Jack.

Sinamaan lang siya ng tingin ni Solo kaya naman napakamot na lang ito sa batok niya. Si Solo naman ay seryosong binalingan ng tingin si Jack.

"Hindi ako naniniwalang wala kang ideya kung nasaan ang kapatid mo. Sinong niloloko mo?"

"Eh kung meron? Ano naman ngayon sa inyo? Sino ba kayo, ha? Isa ba kayo sa mga nakalaban na niya rati? Sa mga tutugis at magpapatumba sa kaniya?"

Walang umimik kina Zon at Solo kaya naman napabuntong hininga na lang si Jack.

"Medyo may nalalaman ako tungkol sa kaniya pero hindi gano'n karami. At tsaka isa pa, magtatatlong buwan na rin simula no'ng huli naming pagkikita, hindi na 'yon naulit pa. Siguro lumalayo na 'yon para hindi ako madamay sa mga katarantaduhan niya since magkamukha nga kaming dalawa."

Napangiwi siya. "Bakit? Ano bang kailangan niyo sa kaniya? May atraso ba 'yon sa inyo?" Nang walang umimik sa kanilang dalawa ay muli itong nagsalita. "Kung wala naman pala ay pakawalan niyo na ako at hayaan akong makauwi."

Nang sabihin niya 'yon ay roon lang nagkatinginan sina Zon at Solo. Tumaas pa ang isang kilay ni Zon na para bang hinihingi niya ang permiso ni Solo.

"We can't let him go, we won't."

"Ano? Tsk! Bakit na naman? Pakawalan niyo na lang kasi ako total ay hindi rin naman ako magsasalita. Ano bang pakialam ko sa inyo, ha?" Bumaling ito kay Zon. "Ang ayos-ayos kong umiinom ng coke kanina tapos mangdi-distorbo ka? Oh, eh anong napala mo?"

"Shut up," iritang sabi ni Zon.

Muling nagbaling ng tingin si Solo kay Jack, "Alam kong wala ka ng tinitirhan ngayon dahil pinalayas ka sa apartment mo dahil hindi ka na nakakapagbayad ng upa. So, ibig sabihin, kailangan mo ng bagong matitirhan."

"Oh, tapos?" Sarkastikong tanong ni Jack kay Solo sa sinabayan pa niya ng isang pailalim na tingin.

"You'll live with us."

"What?! No!" Angal naman kaagad ni Zon. "Ikaw naman ngayon ang mag-aampon? Hell no! No way! I won't let him live in my house! Hindi na ako mag-aampon ng bago!"

"Zon, mapapakinabangan natin siya." Napapabuntong hiningang sabi ni Solo.

"Alam ko 'yon. Pero hindi pwedeng dito siya tumira. Kailangan niya ng sarili niyang matitirhan."

"Ikukuha mo siya ng apartment? Okay 'yon, basta ikaw ang magbabayad."

"Ha?! Edi mababawasan na naman ang pera ko? Tsk!"

"Alam niyong dalawa, bakit niyo ba ako pinoproblema, ha? Sinabi ko naman sa inyo na pakawalan niyo na lang ako rito at hayaan na mamuhay ng tahimik. Pinapangako ko ring hindi ako magsasalita tungkol sa kung ano mang nangyari ngayon."

"Patirahin mo 'yan sa hacienda."

"Kina Papa?!" Hysterical na tanong ni Zon. "Bakit doon?"

"Bakit ba ang dami mong angal, ha?" Iritang tanong ni Solo. "Baka nakakalimutan mong ikaw ang pumalpak sa parte na 'to?"

"Hoy, kayong dalawa, itigil niyo 'yang bangayan niyo. Tsk, ang iingay niyo." Singit ni Jack. Tiningnan nito si Zon. "Hoy ikaw, 'yong adobo mo, nangangamoy sunog. Halatang humupa 'yong sabaw."

"Anak ng - argg! Kairita!" Reklamo nito saka tinalon ang sofa na siyang pumagitna sa kusina at sala nila.

"Baka naman gusto mo rin akong kalagan dito, ano?" Sarkastikong baling naman ni Jack kay Solo.

Tinaasan ng kilay ni Solo si Jack. "Bakit ako? Ako ba nagtali sa'yo?"

Minsan pa niya itong inirapan saka siya pumanhik sa ikalawang palapag ng bahay nila, kung nasaan ang kwarto niya.

"Baka naman gusto mong tanggalin 'tong duck tape na halos ibalot mo na sa'kin, 'no? Tsk, nangangalay na ako rito."

"Kahit manigas ka pa riyan, wala akong pakialam." Sagot naman ni Zon.

"Wala kang pakialam o sadyang hindi lang inutos noong babae?" Tanong nito ulit.

"Pareho."

"Tsk. Sino ba 'yon? Girlfriend mo? Kung oo, edi ayos. Akalain mo 'yon? Nagkakasundo kayong gumawa ng mga masasamang bagay. So sinong impluwensiya? Ikaw, o siya?"

The next thing that happened was quite fast. Huli na nang mapansin ni Jack ang mabilis na pagkilos ni Zon. Hindi nito kaagad napansin ang pagdampot nito ng baso, saka ito binato tungo sa deriksyon niya. He manage to avoid it but because of his position, he lose balance. Kaya naman tumumba siya ng patagilid.

"Ah!" Sigaw niya nang naunang tumama ang ulo niyo sa may paa ng sofa. "Potang ina! Pakawalan mo ako rito!"

Napatingin sa hagdanan si Zon nang marinig niya ang lumalagubong tunog galing sa mga paa ni Solo, na ngayon ay magmamadaling bumaba ng hagdanan para tingnan kung ano ang nangyayari.

"Bakit hindi mo pa kinakalagan 'yan?" Kunot noong tanong ni Solo kay Zon.

"Hindi mo sinabi."

Doon na sumeryoso ang mukha ni Solo, saka ito pumeywang. "Ey, Zon-"

"-Oo na, oo na. Ito na, kakalagan na."

Kumuha ng gunting si Zon mula sa kusina. Nang makuha ang hinahanap niya ay saka niya nilapitan si Jack na ngayon ay literal na hindi makagalaw.

Una nitong pinutol ang lubid na siyang nakatali kay Jack sa upuan. Sinunod naman nitong putulin ng dahan-dahan ang duck tape na siyang binalot niya rito.

"Ayusin mo 'yang pagtanggal mo sa duck tape dahil kapag nagkasugat ako, masisipa ulit kita. Makikita mo." Banta pa nito kay Zon.

Nagmake face na lang si Zon saka nito muling pinutol ang duck tape na binalot niya rito. Natanggal na niya ang ilan no'n, at ngayon ay ang base na lang ang natira. Which is 'yon ang pinakamahirap tanggalin dahil nakadikit ito sa binti niyang mabalbon.

"Kapag 'yang balahibo ko nalagasan, malilintikan ka talaga sa'kin. Ayusin mo 'yang trabaho mo."

"Puro ka banta, tsk."

"Matagal pa ba 'yan?" Humihikab na tanong ni Solo. "Nagugutom na ako."

"Sandali na lang 'to." Sagot naman ni Zon habang dahan-dahang hinihila ang duck tape.

"Ayusin mo talaga 'yan." Utos na naman ulit ni Jack habang hindi makatingin sa binti niya.

"Tsk, ako na."

"Ahhhhh!"

Parehong nagulat ang tatlo nang bigla ay walang pagdadalawang isip na hinila ni Solo ang duck tape sa mabalbon na binti ni Jack. Sa lakas ng sigaw na 'yon ni Jack dahil sa sakit ay halos umabot iyon sa kapitbahay. Halos maiyak din siya nang maramdaman ang paghapdi ng binti niya.

Takang inangat ni Solo ang hawak niyang duck tape saka kunot noong sinuri ang mga balahibong dumikit dito.

"Ay, ba't sumama?" Inosenteng tanong niya, na para bang hindi niya inakalang posible pala ang gano'n. "Ayaw na niya yata sa binti mo kaya sa duck tape na dumikit 'yong mga balahibo mo."

"Potang ina mo. Gago." Reklamo ni Jack na ngayon ay nakadikit na ang mukha sa sahig at pinipigilan ang sariling maiyak. "Bwesit, ang s-sakit."

"Ayos rin 'yang ka-ignoratehan mo, Solo. Dahil diyan, napapadali mo ang trabaho. Haha." Gatong naman ni Zon saka umiling-iling pa.

"Kumain na tayo, Zon. Nagugutom na ako." Ani Solo saka pasalampak na naupo sa pwesto niya sa hapag.

"Hmn, maghahanda muna ako." Sagot naman niya saka lumapit sa kusina para maghanda ng makakain nila.

"Bangon diyan, Jack. Kakain na tayo." Aya ni Solo kay Jack na hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang posisyon.

"Potang ina mo. Huwag mo akong kausapin." Sagot naman nito.

Bumuntong hininga si Solo saka tumayo mula sa pagkakaupo. Naglakad siya papunta kay Jack saka niya ito nilapitan. Patingkayad naman siyang naupo sa tabi nito, saka nito bahagyang tinapik ang balikat ng huli.

"Pasensiya na, hindi ko kasi talaga alam na gano'n ang mangyayari, eh."

"Sarkastiko lang?"

"Hindi sarkastiko 'yan." Ngingisi-ngising sumingit si Zon. "Sadyang ignorante lang talaga ang batang 'yan." Saka niya 'yon binuntutan ng mahinang tawa.

"Tayo ka na riyan, kakain na tayo."

Doon na humarap si Jack kay Solo. "Paano ako tatayo eh ang hapdi-hapdi nga ng binti ko!" Sigaw niya rito.

Napalunok si Solo saka bahagyang napaatras palayo kay Jack. "Paa mo naman 'yong gagamitin sa paglalakad, eh. Hindi binti."

"Tang ina mo! Bobo ka ba?!"

"Hoy!" salubong ang kilay na sumingit si Zon. "Huwag mong masigaw-sigawan 'yan dahil talagang tatablahin kita!"

Napabuntong hininga na lang si Solo saka siya bahagyang nagkamot ng sintido. "Awat na. Halika, tulungan na kita."

Ayaw man ay walang nagawa si Jack kung hindi ang hayaan si Solo'ng tulungan siyang makatayo. Hinawakan nito ang balikat niya saka siya hinila patayo.

Napapangiwi pa siya habang pinipilit ang sariling makatayo. Nang makatayo na siya ay inalalayan pa rin siya ni Solo sa paglalakad papunta sa hapag.

"Kain na tayo."

Sabi ni Zon nang mailapag niya ang dala niyang kanin sa lamesa. Umupo na rin kaagad siya sa upuan niya saka sumabay kina Jack at Solo.

"Iuwi niyo na ako pagkatapos nito." Seryosong sabi ni Jack sa kalagitnaan ng pagkain nila.

Bumuntong hininga si Solo, "Hindi pwede 'yon."

"Pero nangako naman na akong hindi ako magsasalita, 'diba? Akala ko ba pumapayag kayo roon?"

"Wala kaming sinabi." Sagot ni Zon saka kumagat sa ulam niyang nakatusok sa tinidor.

"Anak ng - ano bang mahirap intindihin doon? Okay na 'yon, 'diba? Pakakawalan niyo ako tapos hindi ako magsasalita-"

"Hindi naman kasi gano'n kadali 'yon. Sinabi mo na rin kanina na may iilang detalye kang nalalaman tungkol sa kakambal mo at kailangan naming malaman kung ano 'yon. At tsaka isa pa, magagamit ka rin namin pagdating ng araw."

"Magagamit saan?"

"Sa misyon namin."

Inis na nagbaling ng tingin si Jack kay Zon. "Alam mo, kasalanan mo talaga 'to, eh! Bwiset ka!"

"Oo na, oo na. Pinapamukha mo talaga sa'kin 'yan, 'no? Paulit-ulit mo masyado, kairita ka na."

"Kumain na nga muna kayo." Anang Solo kahit na sobrang puno ng bibig niya.

Napailing na lang si Zon saka kumain na lang din. Si Jack naman na siyang kumakain din ay masama naman ang tingin kay Zon.

Nang matapos kumain ang tatlo ay napagdesisyonan nina Zon at Solo na dalhin si Jack sa hacienda para roon kako patirahin. Ayaw pa nga sanang sumama ni Jack pero wala siyang nagawa nang sapilitan siyang pinasakay ng dalawa sa motorsiklo ni Zon.

Hindi umabot ng ilang minuto ang biyahe nila papunta sa hacienda dahil hindi naman 'to gano'n kalayo. Habang pumapasok sila sa isang higanteng gate ay hindi maiwasan ni Jack na mamangha sa nakikita niya sa paligid.

"Hacienda de Tejero." Hindi mapigilang basa ni Jack sa pangalan na siyang nakaukit sa malaking gate. "Sinong may ari nito?" Tanong niya kay Zon.

"Amo namin."

"Amo niyo? Bakit? Ano bang trabaho niyo?" Puno ng kuryosidad nitong tanong.

"Malalaman mo rin."

Napairap na lang sa kawalan si Jack saka hindi na rin nagtanong pa kay Zon. Sa halip ay ibinaling na lang niya sa paligid ang atensiyon niya.

Tumigil sa pagmamaneho si Zon, gano'n rin si Solo na siyang nakasunod lang din sa kanilang dalawa. Hindi na naman niya mapigiling mapatingin sa napakalaking fountain sa gitna.

Napatingin siya sa isang modern mansiyon na siyang nakatayo sa harapan niya. Sobrang laki ng bahay na iyon at tiyansa niyang kakailanganin niya ng mapa dahil kung hindi ay literal na maliligaw siya.

"Bilyonaryo ba ang may ari nitong hacienda na 'to?" Ayon na naman si Jack na hindi matigil kakatanong.

Pumeywang si Solo, "Sigurado kang ayaw mong tumira sa bahay na 'to?" Ngumisi pa ito na parang inaakit niya si Jack sa napakalaking bahay.

"Tang ina mo."

"Ikaw rin."

"Tara na, mga bangayan niyo. Tsk. Wala namang mga saysay."

Naunang naglakad papasok sa napakalaking mansiyon si Solo, habang nakasunod naman sina Jack at Zon sa kaniya na hanggang ngayon ay nagbabangayan pa rin.

"Solo! Kuya Zon!"

Napalingon sa grand staircase ang dalawa kung saan nanggaling ang sigaw na 'yon. Mula sa pinakaunang baitang ng hagdanan sa itaas ay roon nakatayo si Hunter.

Si Hunter ay isang binata na kung saan ay ka-edad lamang ni Solo. Si Hunter Tejero ay anak ng amo nilang si Jiex Tejero. While Zon, is the adoptive brother of Hunter.

Malapad ang ngiti nito habang tinatakbo niya ang hagdanan pababa. Nang tuluyan na siyang makababa ay saka niya unang nilapitan si Solo.

Ngumiti pa siya rito saka ito tinapik sa balikat, "Na-miss kita." Nang sinabi niya 'yon ay talagang sinabayan niya pa 'yon ng paghila sa buhok nito, dahilan para magulat si Jack.

Malamang na hindi rin naman magpapahuli si Solo. Kaagad niyang hinawakan ang tenga ni Hunter saka niya ito hinila pababa, dahilan para mapaluhod ang isa na sinabayan pa niya ng isang malakas na sigaw.

"Ah! Kuya Zon! Tulong!"

"Awat na, tama na 'yan." Kalmadong saway ni Zon sa dalawa.

Doon pa lang bumitaw si Solo kay Hunter. Umayos naman ng tayo ang isa saka nito sinamaan ng tingin si Solo.

"Tapang mo, ah?" Anang Solo, nang-aasar. "Tapang mong sumigaw."

"Nasaan si Papa?" Tanong ni Zon kay Hunter.

Hinimas ni Hunter ang tenga niya saka sumagot, "Nandoon sa opisina niya."

Bumuntong hininga si Zon saka bumaling kay Solo, "Ako na lang ang kakausap sa kaniya."

Solo nodded. "Uhm. Kapag nagka-problema tawagan mo kaagad ako." Bilin niya rito.

Tumango na lang si Zon saka nito sinenyasan si Jack na sumunod kamo sa kaniya. Nang maka-alis na ang dalawa ay roon naman naiwan sa sala sina Solo at Hunter.

Ngumisi si Hunter saka nito inakbayan si Solo. "Tara, training room."

Hindi na umangal si Solo nang hilahin siya ni Hunter papunta sa training room sa mansiyon na 'yon. Dahil sa totoo lang ay namimiss na rin niya ang lugar na 'yon. Namimiss na niyang makipaglaban kay Hunter at patumbahin 'to.

Nang makarating sila sa training room ay saka pumasok ang dalawa. Hindi pa man nakakaimik si Solo ay gumalantang sa kaniya ang isang malakas na sipa sa likuran niya dahilan para mapadapa siya sa sahig.

Hindi niya mapigilang mapangiwi sa sakit. Aminado siyang hindi niya inaasahan ang atakeng 'yon ni Hunter. Napadila siya sa pang-ibabang labi niya saka siya tumayo. Nang makatayo naman siya ay roon niya nilingon si Hunter na ngayon ay nakangisi sa kaniya.

Hindi nagyayabang ang ngisi niyang 'yon. Alam niya kung ano ang ipinapahiwatig no'n. Kaya gano'n na lang ang ngisi ni Hunter ay dahil natutuwa siyang maglalaban silang dalawa ulit ni Solo. Dahil sa wakas ay magkakaroon na rin siya ng pagkakataong ipatumba 'to, na kung saan ay hindi niya pa nagagawa noon.

Hindi na bago sa dalawa ang maglaban sa tuwing napapadalaw sina Solo at Zon dito sa mansiyon ng mga Tejero. Kaya naman hindi na rin bago sa dalawa ang maglaban na minsan ay umaabot pa sa puntong sakitan.

Minsan pa nga ay umaabot pa sa puntong nagsusuntukan ang dalawa, parehong nakakakuha ng galos at sugat, pero sa huli ay walang personalan. Sa huli ay magkaibigan pa rin ang dalawa.

"I've been waiting for this moment to come. It's been months since the last time we've met. And as a welcome party, let's have a fight."

"You really don't get sick of losing, do you?" Bored na tanong ni Solo kay Hunter.

Tumawa naman ang huli, "You are underestimating me. I've been practicing everyday and I can assure you that I'm way better than you today. Watch me how I'll defeat you."

"You talk to much, coward."

Solo didn't say that to underestimate Hunter. But to trigger him so that he'll fight more. Solo wanted Hunter to prove his self to her. And this is her way of doing that.

"You always say that you can defeat me but not even doing a single move. If you really want to defeat me, then you shouldn't give me the chance to stand. Dapat doon pa lang, inatake mo na ako."

Kaagad na nagsalubong ang mga kilay ni Hunter nang sabihin 'yon ni Solo sa kaniya. Para kasing sinasabi nito na roon pa lang, mali na kaagad ang galaw niya.

Hunter attacked Solo by doing a spurn. He even do a round kick but Solo's reflexes was fast enough to avoid his attack. Dumampot siya ng isang dagger na nandoon sa isang lamesa kasama ang iilan pang armas, saka niya ito walang pagdadalawang isip na binato sa deriksyon ni Solo.

"Move turtle!" Solo shouted that trigerred Hunter more. "You can't kill me with a dagger!"

"Shut up!" Irita namang sigaw ni Hunter na ngayon ay naiinis na.

Pumulot pa ito ng napakaraming dagger saka niya ito binato sa deriksyon ni Solo. Solo did nothing but to avoid those attack. But she missed one and didn't even noticed a flying dagger that was rushing into her direction.

The last thing she noticed is that, a red liquid was flowing beneath her eyes down to her cheeks.

Hunter laugh because of the satisfying feeling inside him. It's not enough to defeat Solo but he knew that he did great on that part.

"I told you a dagger can't kill me." Solo muttered and then smirked.

Seeing how Solo smirked despite of the cut she got, makes Hunter triggered more. Ni hindi man lang nito pinahid ang dugong ngayon ay umaagos na pababa sa damit niya.

Minsan pa itong tumawa ng mahina saka naglakad palapit kay Hunter. "Is that how you defeat your enemy? You shouldn't be relying with weapons because it's not them who can help you defeat your enemy, but your skills when it comes to fighting."

"You shouldn't be proud of yourself because of want you did to me right now. This cut doesn't mean that you're a good fighter enough. This doesn't mean that I'm already defeated. And you shouldn't have done this," tumigil siya sa paglalakad isang hakbang malayo kay Hunter. ". . .because you only give me a reason to do a revenge."

Matapos no'n ay saka niya inatake si Hunter. Pailalim niya 'tong sinuntok na sinundan niya pa ng isang malakas na sipa sa panga. That caused Hunter to panic. Kumuha pa 'to ng baril kahit na wala namang magasin, pero sa huli ay natapon din dahil sa malakas na sipa ni Solo.

Muling sinipa ng sobrang lakas ni Solo si Hunter dahilan para matumba ito at mapadapa sa sahig. Bago pa man ito makatayong muli ay mabilis siyang kumilos saka pinilipit ang dalawang braso nito sa likuran, dahilan para mahirapan 'tong gumalaw.

"I surrender!" Sigaw ni Hunter sa kalagitnaan ng posisyon niya.

"Again? Wala na ba akong ibang maririnig sa tuwing natatapos ang laban nating dalawa? I thought you'll prove me that you're way better than me?"

"Just . . . l-let me go!"

"That's your problem, Hunter. Sa pakikipaglaban, dapat hindi ka lang dapat basta-bastang lumalaban. You should have a strategy. Alamin mo ang susunod na galaw ng kalaban mo. Dapat alam mo kung anong susunod mong gagawin. At dapat kalkulado ang lahat ng kilos mo. With that, you'll surely win a fight."

Matapos 'yong sabihin ni Solo ay saka niya nilingon si Zon na ngayon ay nakatayo lang sa pintuan, kasama si Jack. Alam niyang kanina pa roon ang dalawa at napanood nito ang laban nila.

"Why are you looking at me like that?" Naka-angat ang isang kilay na tanong ni Zon kay Solo.

Bumuntong hininga si Solo saka tumayo. Nag-abot naman siya ng kamay kay Hunter para tulungan itong tumayo.

"Anong klaseng training ang tinuro mo sa kaniya?" Tanong nito rito.

Hindi alam ni Zon kung seryoso ba ito sa tanong niya. Nagdadalawang isip din siya kung sasagutin ba niya ang tanong nito o hindi na dahil baka namimilosopo lang 'to.

"Are you underestimating me?"

"I am clearly asking you, Zon." Seryosong anito. Napabuntong hininga na lang siya. "Nevermind. So, how did it go?"

Ngayon ay si Zon naman ang napabuntong hininga. "Pumayag si Papa na rito na raw muna si Jack, until we need his help."

Tumango si Solo saka binalingan ng tingin si Jack na ngayon ay tahimik lang sa isang tabi. Well, hindi pa rin kasi siya makapaniwala sa nasaksihan niya kanina. Halos magpatayan na ang dalawa at wala man lang ginawa si Zon maliban na lang sa matuwa.

"Are you okay with that, Jack?"

"It's as if I have the decision in my hands. Tsk. And you really bother to asked me with that question, huh?"

"Gamutin niyo na muna 'yang mga sugat niyo. Sa kusina muna kami." Anang Zon saka umalis na roon kasama si Jack.

Napabuntong hininga na lang si Hunter saka kinuha ang isang first aid kit mula sa isang lamesa. Nang makuha na niya 'yon ay saka siya naupo sa harapan ni Solo, na kung saan ay nakaupo na rin sa sahig katulad niya.

Kinuha ni Solo ang first aid kit mula kay Hunter. Naglabas na rin siya ng bulak, alcohol, betadine, at band aid. Unang nilinis ni Solo ang mga sugat ni Hunter sa mukha na nakuha niya dahil sa malalakas nitong sipa.

"Alam ko naman na talagang matatalo na naman ako ngayon, sadyang hindi ko lang talaga ma-amin sa sarili ko." Anang Hunter.

Si Solo naman ay tahimik lang sa paglilinis sa mga pasa ni Hunter gamit ang bulak na nilagyan niya ng maraming alcohol.

"Ikaw kasi, puro ka satsat." Reklamo nito saka umirap pa. Kaya naman sinadyang diinan ni Solo ang pagdampi nito sa bulak. "Ah, aray naman. Huwag mo namang sadyain. Tsk."

"You shouldn't be distracted with the words I'm saying. It should be you who's supposed to distract your enemy."

"Oo na, tsk. Dami mo namang alam. Akin na nga 'yan, ako naman ang maglilinis ng sugat mo."

Kinuha ni Hunter ang mga panlinis mula kay Solo. Kumuha siya ng panibagong bulak saka niya 'yon bahagyang nilagyan ng alcohol. Dahan dahan at maingat niyang nilinis ang sugat ni Solo sa pisngi. Una niyang nilinis ang dugo sa pisngi nito saka niya sinunod ang mismong sugat. Nang matapos niya 'yong linisin ay sinundan naman niya 'yong dampian ng betadine.

"Mabuti na lang talaga at maliit lang 'tong sugat sa mukha mo." Anang Hunter habang tinatakpan nito ang sugat ni Solo gamit ang band aid.

"Hunt," tawag pansin ni Solo kay Hunter na ngayon ay nakatuon ang atensiyon sa ginagawa.

"Hmn?"

"Aren't you wondering at all why I'm so good at fighting?" Bigla ay seryoso nitong tanong.

Tinapos muna ni Hunter ang ginagawa niya. Nang matapos siya ay roon niya lang binigyan ng nagtatakang tingin si Solo. "What do you mean?"

"We've been together for almost 3 years now and there are still lots of things that you don't know about me. And I bet, you don't want to know what are those."

©rrrrrylleism

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 85.9K 141
Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's pr...
508K 14.6K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?
1.1M 60.5K 39
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
40.9K 2.8K 24
|ongoing| Ivana grew up alone. She was alone since the day she was born and she was sure she would also die alone. Without anyone by her side she str...