Passionate Obssession [R-18 S...

By rosequeen21_

804K 18.8K 1.1K

WARNING! Rated SPG! This book contains mature themes, strong languages, and scenes which are not suitable for... More

⚠️Author's Note⚠️
💞PROLOGUE💞
☢️CHAPTER 1☢️
☢️CHAPTER 2☢️
☢️CHAPTER 3☢️
☢️CHAPTER 4☢️
☢️CHAPTER 5☢️
☢️CHAPTER 6☢️
☢️CHAPTER 7☢️
☢️ CHAPTER 8☢️
☢️ CHAPTER 9☢️
☢️ CHAPTER 10☢️
☢️ CHAPTER 11☢️
☢️ CHAPTER 12☢️
☢️ CHAPTER 13☢️
☢️ CHAPTER 14☢️
☢️ CHAPTER 15☢️
☢️ CHAPTER 16☢️
☢️ CHAPTER 17☢️
☢️ CHAPTER 18☢️
☢️ CHAPTER 19☢️
☢️ CHAPTER 20☢️
☢️ CHAPTER 21☢️
☢️ CHAPTER 22☢️
☢️ CHAPTER 23☢️
☢️ CHAPTER 24☢️
☢️ CHAPTER 25☢️
☢️ CHAPTER 26☢️
☢️ CHAPTER 27☢️
☢️ CHAPTER 28☢️
☢️ CHAPTER 29☢️
☢️ CHAPTER 30☢️
☢️ CHAPTER 31☢️
☢️ CHAPTER 32☢️
☢️CHAPTER 33☢️
☢️ CHAPTER 34☢️
☢️ CHAPTER 35☢️
☢️ CHAPTER 36☢️
☢️ CHAPTER 37☢️
☢️ CHAPTER 38☢️
☢️ CHAPTER 39☢️
☢️ CHAPTER 40☢️
☢️ CHAPTER 41☢️
☢️ CHAPTER 42☢️
☢️ CHAPTER 43☢️
☢️ CHAPTER 44☢️
☢️ CHAPTER 45☢️
☢️ CHAPTER 46☢️
☢️ CHAPTER 47☢️
☢️ CHAPTER 48☢️
☢️ CHAPTER 49☢️
☢️ CHAPTER 50☢️
☢️ CHAPTER 52☢️
☢️ CHAPTER 53☢️
💞Epilogue💞
Author's Note

☢️ CHAPTER 51☢️

10.6K 290 15
By rosequeen21_

Huminga ako ng malalim bago binalik ang tingin sa magarang bahay na nasa harapan ko ngayon. Ang bahay na naging tirahan ko ng ilang linggo at ang bahay na tinakasan ko noon.

Sa tabi ko, tahimik na hinihintay ni Krypton ang magiging reaksyon ko. Nagawa niya akong kumbisihin na bumalik dito. After our lovemaking a while back, he wanted to get us back here immediately. At ngayon, andito na ako sa hrapan niya ulit at pinagmamasdan ang kabuuan nito. It is still the same huge house with its magnificent design and structure.

Naramdaman ko ang pagpisil ni Krypton sa kamay ko. “Please don’t change your mind.” Nangungusap ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

Nginitian ko siya. Nakapag-isip na ako at napagpasyahang bumalik sa bahay na ito kung saan nakaukit ang mga alaala namin ni Krypton.And besides the tinutupad ko ang usapan namin na babalik ako pagkatapos ng cool off namin.

It took him a great deal to trust me and give me the key to this house and I would also take a step forward and do my part.

Nangako akong hindi babalik sa bahay na ito kung ikukulong din lang ako pero ngayon na hawak ko ang susi na bigay ni Krypton, I feel at home now.

Napatingin ako sa main door nang bumukas ito at lumabas si Manang Flor.

“Twilight, hija!” isang malawak na ngiti ang gumuhit sa maamo niyang mukha nang makita niya ako. Pinakawalan ni Krypton ang kamay ko at niyakap ko si Manang Flor.

“Kamusta naman po kayo, Manang Flor?” masiglang tanong ko sa kanya.

“Okay naman, hija. Nagagalak ako at andito ka na.”

Bumaling siya kay Krypton at tinanguan ito. “Nakahanda na po ang hapunan ninyo. Tara na sa loob at nang makakain kayo.”

At dahil lugaw lang ang kinain ko kaninang umaga at napasabak sa biglaang eherisiyo sa kama, naramdaman ko agad ang gutom kaya sumunod agad kami ni Krypton at pumasok ng bahay.

Nang matapos kaming maghapunan, nagpahinga ako habang si Krypton naman ay pumunta sa study room niya dahil may aasikasuhin siya trabaho.

May pasok pa ako ng 3 PM kaya isang oras lang pahinga ko. Naligo na ako at nag-ayos nang biglang pumasok sa kwarto si Krypton na nakakunot ang noo nang makita akong nakabihis.

“Papasok ka?” Hindi makapaniwalang tanong niya.

I nod.

“Twilight, you’re still sick.”

Umiling ako at nginitian siya. “Okay na ako. Sinisipon lang at kaya ko naman. Sisiw lang ito, malayo sa bituka.” Tumawa ako ng mahina pero tinignan niya ako ng masama.

“Twilight, you can’t go to work in that damn condition.” He’s practically glaring at me.

Napabuntung-hininga ako. “Krypton, papasok ako ngayon. Andami ko nang leave kaya hindi pwedeng mag-absent ako ngayon. Atsaka, kayang-kaya ko naman.”

Marahas siyang napabuga ng hangin bago lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. “Twilight, baka mabinat ang katawan mo. Mapupuyat ka pa dahil sa oras ng duty mo—”

Hinalikan ko ang labi niya. “Stop worrying, Krypton. I’m stronger than you think.”

Matiim niya akong tinignan at bago pa ako mapakurap, bigla niya akong hinila hanggang sa maglapat ang aming dibdib at ilang pulgada ang pagitan ng mukha namin.

"How can I refuse you when you suddenly kiss me like that.  .  ."

Tahimik niya akong tinitigan at malalim na nag-iisip. After a while, he exhales and kisses my forehead. “Okay, but promise me when you feel unwell, you will call me immediately to fetch you right up.”

Ngumiti ako. “Okay, deal.” At least hindi na siya nagpupumilit sa gusto niya at napakahalaga ng progress niyang ito para sa akin. See? Pwede naman pala naming pag-usapan ang mga bagay-bagay.

Hinatid niya ako sa hospital at panay ang text niya nang nasa duty ako para tanungin kung okay lang ako. I sigh, his obsession will not instantly disappear but at least, he’s improving.

Sinundo niya ako pagkatapos ng duty ko at hindi siya tumigil sa pag-aalaga sa akin. Malapit nang maghatinggabi pero gising na gising ang diwa niya. Pinaghandaan niya ako ng steam bath at inayos ang pajama na isusuot. Siya pa ang nag-blower sa basa kong buhok.

“Okay, sleep time, baby.” Sabi niya nang matapos niyang i-blower ang buhok ko.

We went to bed and cuddled together until we fell asleep.

Kinaumagahan, nagising ako na wala siya sa tabi ko. Napansin kong 9 AM na pala kaya bumangon na ako at naghilamos bago lumabas ng kwarto.

Pagbaba ko ng hagdan, may naririnig akong boses ng lalaki na nagsasalita sa may kusina.  Hindi naman ito boses ni Krypton kaya kumunot ang noo ko.
Nadatnan ko si Manang Flor at isang lalaking may edad na nag-uusap.

“Twilight! Gising ka na pala. Good morning!” masiglang bati sa akin ni Manang Flor at sinenyasan niya akong lumapit sa kanila.

Nginitian ko siya pabalik at kinakabahan na lumapit. Ramdam ko ang masuring titig  sa akin ng hindi ko kilalang matandang lalaki.

“Good morning din po, Manang Flor.” Bumaling ako sa matandang lalaki na ngayon ay nakangiti na sa akin.

“Good morning din po.” bati ko sa kanya

“Twilight, hija,” inimuwestra ni Manang Flor ang kamay niya sa gawi ng lalaki. “si Sir Manuel Ferrante, ama ni Sir Krypton. Sir Manuel, si Twilight Dane Medina.  .  . ”

Hindi ko na narinig ang katuloy ng pagpapakilala sa akin ni Manang Flor dahil nabingi ako sa lakas ng pintig ng puso ko.

Shems! Tatay ni Krypton ito? Seryoso? Andito na sila? Nasaan naman ang Lolo nito?

Doon ko napansin ang pagkahawig nila ni Krypton. No doubt, Krypton got his eyes from him. Hindi maikakaila ang taglay nitong kagwapuhan noong kabataan niya na talaga namang minana ni Krypton. They also exude the same authorative aura that serious businessmen possess.

Hindi ko inakala na siya ang tatay ni Krypton dahil hindi naman ganon katanda ang itsura niya. Mas maniniwala pa ako kung nakatatandang kapatid siya ni Krypton. Walang bakas na puting buhok sa ulo niya at hindi masyadong kapansin-pansin ang mga kulubot sa mukha niya.

“Ah, finally. My son’s girl.  .  .” He gave me a warm smile and extended his arms for a hug. I shyly hugged him back.

“Umupo ka, hija.” Nang maghiwalay kami, tinuro ni Mr. Ferrante ang bakanteng upuan sa harapan niya at sumunod ako.

“May pinuntahan lang saglit si Sir Krypton. Babalik daw siya mamaya.” Imporma ni Manang Flor sa akin.

Oh, okay. Sana hindi siya magtagal.

Bumaling ako kay Mr. Ferrante nang magsalita siya. “Nakatulog ka ba ng maayos, hija? I heard you just came from duty last night.”

“Uhm, yes po. Nakatulog naman po ako ng maayos.” Because your son was cuddling me.

Bumaba ang tingin ko sa kamay ko. Shems, hindi ko pinaghandaan ito. Naka-pajama pa  ako at kagigising lang. Okay ba ang buhok ko? Wala ba akong muta sa mata? Naghilamos naman ako diba? Bakit antagal ni Krypton?

“I’m sure you’re hungry already, dear.” Bumalik ang tingin ko kay Sir Ferrante na bumaling kay Manang Flor at agad namang tumayo si Manang Flor para ipaghain ako ng pagkain.

“So, Twilight, hija,” napaigtad ako at hinanda ang sarili na makinig nang mabuti. “kamusta kayo ng anak ko? Is it going well between the two of you? I know sometimes he’s an asshole and a lot to handle.”

Hindi ko napigilang matawa ng mahina sa huling sinabi niya. “Uh, sorry po.” Sinara ko agad ang bibig ko pero ngumiti siya.

“You seem to agree with what I said.” Nakangiting sabi niya at kumalma ako, unti-unting nawawala ang kaba.

“Uhm, okay naman po kami ngayon. He’s sweet and caring pero minsan po talaga nakaka-ewan ang pagkaposse—”

I stopped, suddenly embarrassed. Tama bang magreklamo ako tungkol sa anak niya? Pakiramdam ko tuloy para akong bata na nagsusumbong sa tatay ng kalaro ko.

Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Mr. Ferrante. “I know, dear. My son has that possessive and obsesseive side of him that is sometimes irritating.”

Tuluyan na akong kumalma at naglaho ang kaba. Mr. Ferrante is not that bad at all.

Saktong natapos maghain si Manang Flor at umalis kaya naiwan kaming dalawa ni Mr. Ferrante.

“Kumain na po ba kayo?” tanong ko sa kanya at umiling siya.

“I had a cup of coffee.”

Ayokong kumain lang mag-isa sa harapan niya. Ang awkward kaya. Hindi ko alam pero mukhang nabasa niya ang nasa isip ko at nagsalita siya ulit.

“On second thought, makikisabay na akong kumain sayo. Gusto ko pa kitang makakwentuhan, hija.”

Napangiti ako at agad na tumayo para kumuha ng isang plato at inilapag ito sa harapan niya.

“Salamat, hija.”

Nagsimula na kaming kumain at naging komportable ako sa harapan niya. He’s not that dificcult to talk with. Kinuwento niya ang ibang alaala niya kay Krypton nung ito’y bata pa at panay ang ngiti ko habang nakikinig sa kanya.

“Even before, nung bata pa yang si Krypton na ‘yan, nahahalata ko na medyo possessive talaga siya sa mga bagay-bagay na pagmamay-ari niya." Patuloy na pagkwento niya at taimtim akong nakikinig.

"He had a pet once and he became obsessed with it, bringing it everywhere with him, always checking on it, always playing with it. Doon namin napansin ang sobrang pagkapossessive na pag-uugali niya.” Mr. Ferrante’s eyes twinkle as he reminisces the past but then a sudden sorrowful look dawned on his face. “But when my wife died, his possessiveness and obsession intensified.”

Napaawang ang labi ko. “Oh, I'm sorry po.” Bakas ang kalungkutan at pagkabalisa sa mga mata niya.

Isang mapait na ngiti ang binalik ni Mr. Ferrante sa akin bago siya  nagpatuloy. “Krypton was young at that time and his level of thinking was simple. To prevent another loss, he always make sure to check and keep an eye on any loved one he cherishes.  .  . like how he kept his pet in a cage and prevented it from going out anymore.”

Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakikinig sa kanya. He did the same to me. Pakiramdam ko noon, nakakulong ako sa bahay na ito at hindi pwedeng lumabas.  But now I understand he was only trying to protect me, in the only way he knew.

Naramdaman ko ang mahinang pagpisil ni Mr. Ferrante sa kamay ko bago niya ito pinakawalan nang bumalik ang attensyon ko sa kanya.

“Ten years ago after he met you in that kidnapping incident, you were always in his mind. Gusto niyang bumalik dito at hanapin ka pero hindi ko siya pinayagan. He was still a teen at that time and I cannot risk his safety here. I forbidded him to know your name and your face because I know how obssessive he can be once he puts his mind into something. You were the only woman in his heart and he never entertained anyone."

Whoa. Sobra akong namangha sa katapatan ni Krypton at nag-uumapaw sa hindi maipaliwanag na kasiyahan ang puso ko. Sa dami ng mga babaeng mas maganda, mas maputi at mas matangkad kesa sa akin, pinili niya ako.

"Krypton doesn't know how to give up, he begged me to let him come back here.  He strived hard everyday and willingly took over the company at the States to show me how he is ready to live here in the Philippines. Narating niya ang posisyon niya ngayon dahil sa matinding pagpursigi niya. I guess it was to make himself powerful enough to protect and keep you safe once he finds you. And now that he found you.  .  ."

May nabubuong luha sa mga mata niya habang nasisiyahang nakatingin sa akin. "Laking pasalamat ko sayo, Twilight, hija at pinili mong manatili sa tabi niya despite his overly obsessive behavior."

"Uhm," umiwas ako ng tingin. "Sa totoo lang po, muntikan ko po siyang sukuan.  .  ." Tumingala ako para tignan ang reaksyon ni Mr. Ferrante pero wala akong makitang pag-aakusa sa mga mata niya kaya nagpatuloy ako.

"Humingi ako ng space para makahinga at makapag-isip-isip kami pero ngayon po,"
Matapang kong tinignan sa mata ang ama ni Krypton. "We decided to be by each other's side to teach and guide each other as we compromise for the sake of our relationship."

May kakaibang ningning sa mata ni Mr. Ferrante at isang malawak na ngiti ang gumuhit sa labi niya.

"Thank you, dear. Thank you so much at hindi mo tuluyang sinukuan ang anak ko. He thinks that being obsessed and overly-possessive of someone is the same as protecting. Sa ganoong paraan ang alam niya para ma-protektahan ka. He has that obsession to keep you safe lalo na at may karanasan kayo sa kidnapping."

Napatango ako at naintindihan ang sinasabi niya. "Sa ngayon naman po, nakikita kong nag-a-adjust siya."

"Talaga?" Kuminang sa tuwa ang mga mata niya.

"Opo. Nararamdaman ko naman po na hindi na po siya ganon kapossessive gaya ng dati. We still have a long way to go though, pero at least po ngayon, pinapakinggan at naiintindihan niya ang side ko."

"Ah, thank goodness!" Nakahinga ng maluwag si Mr. Ferrante at hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi.

"Hey."

Pareho kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses at nakita si Krypton na naglalakad palapit sa amin.

Ah, speaking of the devil.

---



'Till the next update po ulit😅hehe
Thank you so much po sa patuloy na pagbabasa niyo. Your comments and votes motivate me to write more🥰 but unfortunately, last 2 or 3 chaps na lang po 😭😅😭🥰😭😂 mixed emotions😅

Anyways, thank you again and stay safe po tayong lahat❣️

Continue Reading

You'll Also Like

37.8M 1.1M 68
Deadly assassins Allegra and Ace have been trying in vain to kill each other for years. With a mutual enemy threatening their mafias, they find thems...
171K 4.2K 55
WARNING: RATED SPG | 18+ This story has matured content that's not suitable for childrens. DISCLAIMER!! This story is a work of fiction. One month va...
617K 15.3K 35
"Kitty please get out of the way. Or else-" "Or else what?" I was confident in myself. "Fine. You asked for it." With that he picked me up bridal sty...
123K 1.9K 50
Warning: MATURED CONTENT | R-21 Where are you? Please buy me a condom." "Condom my butt! I'm your bodyguard, not your slave!" "Who said you were a...