Owned By Him

By BLACIRE

323K 7.4K 579

Sabi nila kapag tahimik ang bagyo mas nakakatakot, mas mabagsik at mas nakakapaminsala. Then what if a man wh... More

Owned By Him
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Epilogue

Chapter 14

9.7K 242 21
By BLACIRE

Chapter 14
________








Nahinto siya sa pag iisip nang mga mangyayari nang biglang may na realised siya. Ngayon niya lang napansin na mukhang iba na ang daang tinatahak nang taxi na sinasakyan niya.

Ang pagkakaalam niya ay hindi naman kalayuan ang Terminal na pupuntahan niya at lalong hindi ang daan na siyang tinatahak nila.

"Ahm manong? Mukhang mali po ata ang pinupuntahan natin. Sa Terminal po nang bus ang punta ko. Baka po hindi kayo nagkaintindihan nang kaibigan ko." nagtataka niyang tanong sa driver.

Pero binalot siya nang kaba nang makalipas ang ilang minuto ay hindi pa din ito nagsasalita. Patuloy lang ito sa pagmamaneho at hindi pinansin ang tanong niya. Pero pinanatag niya ang isip dahil baka hindi lang siya nito narinig.

"M-manong?" Mas malakas niya nang tawag sa pansin nito pero hindi pa rin ito lumingon.

Tiningnan nya ang mukha nito at napakapit siya sa bag niya nang marealised na naka mask ito at cap kaya hindi niya makikita ang kabuoan nang mukha nito.

Kinakabahan na siya lalo pa at mas lalong bumilis ang takbo nang sasakyan.

"Sa-sandali po dito na lang ako." ani niya pero wala pa din siyang narinig na sagot.

Mas lalong humigit ang hawak niya sa bag niya at napatingin siya sa paligid niya. Kailangan niyang makababa. Baka kung saan siya nito dalhin. Natatakot na siya.

Hinawakan niya ang pinto nang sasakyan at tiningnan kung mabubuksan niya ito. Pero pakiramdam niya ay namutla siya dahil naka locked ito at kahit anong pilit niya buksan ito ay hindi niya magawa.


"Ma-manong ano ba! Bababa na po ako. Itigil niyo na po ang sasakyan." naiiyak na siya.

Saan ba siya dadalhin nito. Ano bang kailangan nito sa kaniya. Diyos ko ayaw niya pang mamatay. Andami niya na ngang iniisip tapos mukhang may binabalak pa nang masama ang driver nang sinasakyan niya. Kung bakit na naman kasi masyado siyang tulala at hindi na napansin na malayo na ang nararating nang sinasakyan.

Napatingin siya sa lugar na dinadaanan nila. Wala na siyang nakikitang bahay, puro nalang puno ang nakikita niya. Mukhang napakalayo na nga nila.

Nabaling ang tingin niya nang lumiko ang taxi. Doon niya nakita ang isang malaking gate kahit na medyo malayo pa ito. Sa laki noon ay talaga namang makikita iyon agad.

Napakagat siya nang labi. Nasaan sila? Hindi kaya ay ito iyong lugar kung saan dinadala ang mga taong dinudukot. Tapos papatayin nila kukunin ang organs? O baka naman isa itong bahay aliwan? Jusko miserable na ang buhay niya. Ayaw na niyang dagdagan pa. Kailangan niyang makatakas. Pero paano? Hindi niya mabuksan ang pinto at natatakot siyang baka saktan siya nito.

Tuluyan na nga silang nakarating sa tapat nang malaking gate. Pagkatapat pa lang nila ay unti-unti na agad itong bumukas kahit na hindi pa man bumubusina ang sinasakyang taxi. Para bang inaasahan na nang mga ito ang pagdating nila.

Pagkapasok nang sinasakyan ay umandar pa ito palapit sa isang napakalaking bahay. Medyo may kalayuan ito sa gate.


Ilang saglit pa ay huminto din ang sinasakyan.


Nararamdaman niya na ang panginginig nang mga kamay niya lalo na nang makitang may mga kalalakihan ang sumalubong sa kaniyang sinasakyan. Lahat nang mga ito ay mapapansing may nakalagay na baril sa kanilang mga tagiliran. Malalaki din ang mga katawan nito na lalo niyang ikinasindak.


Napasiksik siya lalo sa kinauupuan nang makitang binuksan nang isa sa mga lalaki ang pinto sa gilid niya. Hindi siya lumabas at hindi rin naman ito lumapit sa kaniya. Talagang binuksan lang nito ang pinto nang sasakyan.

Mula sa gilid nang mga mata niya ay nakita niyang bumaba ang driver nang taxi na sinasakyan niya nang pinagbuksan ito nang pinto. Doon niya lang napansin na malaking lalaki pala ang kasama niya kanina. Sa totoo lang ay pamilyar ang katawan at tangkad nito sa kaniya.

Pinagmamasdan niya ang driver hanggang sa lumapit ito sa pwesto niya. Dumungaw ito sa pinto at walang sabi-sabing hinablot ang kamay niya at marahas siyang hinila palabas.

Nagpupumiglas siya at pilit na tinatanggal ang kamay nito sa kaniya. Pero para lamang siyang nagtatanggal nang bakal sa kaniyang kamay sa sobrang higpit nang pagkakahawak nito.

Wala na siyang nagawa nang kaladkarin siya nito papasok sa bahay na hindi niya gaanong napagmasdan. Ang alam niya lang ay nagsisiyukuan ang mga kalalakihan habang dumadaan sila.


Hindi niya alam kung anong gagawin nito sa kaniya. Lalo na kung anong ginagawa nila rito. Mas lalo siyang natatakot lalo na kapag naiisip niyang baka ibenta siya nito o kaya naman kunin ang lamang loob siya. Hindi nakatutulong ang pagiging praning niya sa sitwasyon.

Pilit niya pinabibigat ang lakad. Umaasa siyang kapag napuno ang lalaking may hawak sa kaniya ay pakawalan na lang siya bigla. Na siya namang alam niyang kabaliwan lalo na at siguradong hindi iyon mangyayari. Pero gusto niya pa ring subukan. Kahit na alam niyang walang wala ang lakas niya kumpara dito.

Pagkapasok nila ay sinalubong sila nang apat na katulong na siyang agad din namang nagsipagyukuan nang makita ang pagdating nila.

Kanina pa siya nagtataka sa mga nangyayari.


Pero wala siyang magawa kung hindi ang magpahila na lamang sa lalaki. Umakyat sila nang hagdan hanggang sa nakarating sila sa tapat nang isang pinto. Binuksan nito iyon at agad siyang hinila papasok. Itinulak siya nito sa kama na nasa loob at napapikit siya nang bigla nitong itinaas ang kamay.

Ilang segundo na ang nakalilipas pero wala siyang naramdamang kamay na dumapo sa kaniyang pisngi. Ang akala niya ay sasaktan siya nito. Unti-unting iminulat niya ang mga mata at biglang nanlaki ang kaniyang mga mata nang mapagtanto kung sino ang nasa harapan niya.


"A-anong?" wala na itong takip sa mukha kaya kitang-kita niya na ang buong mukha nang asawa. Lalo na ang mga matatalim nitong tingin sa kaniya.

Bigla siyang napaatras lalo na nang lumapit ito sa kaniya.

"Teka! P-paano ka.." hindi niya maituloy ang sasabihin. Sobrang nagulat siya sa kaalamang nasa harapan niya si Phoenix.

Nanlilisik ang mga tingin nito sa kaniya. Namumula ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya.


"Did you really think that I'll just let you get away from me? G-ganyan lang ba talaga sa iyo kadali na iwan ako?"

Napahawak siya sa kaniyang bibig nang makitang pumatak ang luha mula sa mga mata nito.

"Phoenix..." nanghihinang sambit niya.

"You don't know how scared I am the moment I've seen your room without any trace of you."

Napaluha siya nang makitang sunod-sunod na ring pumatak ang luha nito. Yumuko ito na para bang ayaw ipakita sa kaniya ang pagiging mahina nito. Pero kitang-kita niya ang pag alog nang balikat nito at ang mahihinang pagsinghap nito.

"I-I was so scared.." sambit nito. "Para akong mababaliw kapag hindi kita nakita. I was so afraid that I might not see you again."


Hindi niya na napigilang mapahagulhol nang unti-unti itong dumausdos sa harapan niya. Bigla ay nakaluhod na ito sa harapan niya habang nakayuko.

Napatayo siya at lumapit dito para patayuin ito pero yumakap lamang ito sa bewang niya. Isiniksik nito ang mukha sa tiyan niya. Para itong bata na humihingi nang kapatawaran sa maling bagay na nagawa.

"Phoenix.. Tumayo ka please.." hindi niya inaasahang iiyak at luluhod ito nang ganito sa harapan niya. Kilala niya si Phoenix bilang malakas at walang kinatatakutan. At ang makita ito sa ganitong sitwasyon ay labis na nakabibigla para sa kaniya. Sino ba naman ang hindi mabibigla kapag nalamang ginawa ito nang isang Phoenix Herrera nang dahil lamang sa kaniya.

"I won't get up here unless you told me that you will forgive me for what  I did. I'm sorry Xiarra. I love you so much honey."

Pinilit niya itong inalis sa bewang niya at nang magtagumpay siya ay hinawakan niya ang pisngi nito at pinahiran ang mga luha nito. Umiwas pa ito nang tingin sa kaniya na tila ba ngayon lang nahiya sa ginawa.

"Look at me hon." tawag niya sa pansin nito.


Tumingin ito sa kaniya at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa pisngi nito.

"Mahal din kita. Hindi ko man matanggap sa sarili ko na.. na-nakabuntis ka at nilihim mo saakin iyon ay hindi pa rin naman magbabago na mahal na mahal kita." humikbi siya dahil sa luhang sunod-sunod na pumatak sa pisngi niya matapos maalala ang dahilan kung bakit sila nandito sa sitwasyong ito.


Tumayo ito at hinawakan nang mahigpit ang kamay niya.

"I'm sorry, hindi mo ba talaga ako mapapatawad kaya binalak mong iwan ako? Paano na ko? Paano na tayo?" namumula na nang sobra ang mga mata nito.

"Hindi naman kasi talaga madaling tanggapin ang ganoon diba? Paano kung ako ang nagpabuntis sa iba. Ano sa tingin mo ang gagawin mo?" hindi niya napigilang sumbatan ito.

Nakita niya ang pagdilim nang mukha nito at ang pagtagis nang mga ngipin nito dahil sa inis.

"Darn it! Don't you dare." gigil na ani nito pero nanatili pa rin namang magaan ang pagkakahawak nito sa kamay niya kahit halata ang gigil sa mukha nito.

"Diba mahirap tanggapin? Iyon ang nararamdaman ko ngayon Phoenix. Masakit para saakin ang malamang niloko ako nang taong mahal na mahal ko." pilit niyang pag papaintindi dito.

"Please Hon don't leave me. I'll do anything to prove to you that Stephanie was not pregnant with my child. That child in her womb was not mine. Please Hon.. Stay with me please." kitang kita sa mukha nito ang pagsusumamo.

Tuluyan na nga gumuho ang pader na pilit niyang binubuo para sa kanilang dalawa. Hindi niya kaya. Aminado siyang hindi niya ito kayang mawala sa kaniya.

Kung sinasabi nito na hindi ito ang ama nang pinagdadala ni Stephanie. Siguro ay iyon muna ang paniniwalaan niya.

Hindi niya pala kayang mawala sa kaniya si Phoenix. At tanga man kung sasabihin pero hindi niya ito pakakawalan kahit na anong mangyari. Tama si Paula. Asawa niya si Phoenix. Mas may karapatan siya dito kumpara sa kung sino man. Kung magkatotoo man na anak talaga ni Phoenix ang bata ay susuportahan nila ito. Handa siyang ituring na parang tunay na anak ang bata. Kahit pa anak ito ni Phoenix sa iba. Mahal niya ang asawa at kahit na pagiging selfish man ang gagawin niya. Hindi niya hahayaang mapunta ang lalaking minamahal kay Stephanie.

















Continue Reading

You'll Also Like

451K 9.7K 45
Warning: SPG/R-18 (Slight lang!) KOLEHIYALA 2 Paisley Ellineth Diaz, 20 years old, college student, governor's temptress?
201K 4.8K 36
Si Blanco Vladimir Isang Estudyanteng tarantado. Masaya na siya sa naging Buhay niya na nanakit. Masaya na siya na may nakakabugbogan. Pero hindi ni...
12.4K 483 20
Empire Club 9: Derek Gordon +18 | Matured Content | R-18 Started: December 20, 2021 Ended: Book Cover Credits to the Rightful Owner Copyright Β© 2021...
3.1M 76.7K 53
Connor Eron Hunstman The Bad Son "You'll be mine forever. The innocent sound of your moans make me want to lock you in my room every day and every ni...