Linus Academy: School Of Elit...

By rrrrrylleism

478 63 4

"Welcome, to Linus Academy!" Date started: February 01, 2021 Date ended: 00/00/00 More

Disclaimer
Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22

Chapter 5

13 4 0
By rrrrrylleism

Chapter 5: Justine

“Bakit hinayaan mo siyang ganiyanin ka niya ng basta basta?” Bungad na tanong ni Gun kay Solo nang makabalik ito sa mesa nila.

“Ang alin?” Takang tanong ni Asla na siyang walang alam sa nangyari kanina.

Bumuntong hininga si Solo saka naupo sa tabi niya. “Dahil hindi dahilan ‘yon para mainis ako.”

“So mataas ang pasensiya mo?”

“Hindi.”

“Uh, excuse me? What are you talking about? Could someone enlighten me?”

“Pero kahit na, dapat hindi mo pa rin hinayaan si Dexi na bastusin ka ng gano’n. Ngayong hinayaan mo lang siya, mas lalo pa ‘yong mang-aasar sayo dahil alam niyang hindi ka aangal. At isa pa, class 1/8 ka. Wala dapat ni sino man ang basta bastang mangbastos sa‘tin.” Usal ni Newt.

Kalmadong nagbaling ng tingin si Solo sa kaniya. “Gusto kong malaman kung hanggang saan ang kaya niyang asarin ako. Gusto kong malaman kung hanggang saan niya kayang maglaro.”

“Si Dexi? Na naman? Bakit? Ano bang ginawa niya kay Solo?” Kuryoso talagang tanong ni Asla.

Bumuntong hininga si Solo. “Wala.”

“What?”

“Wala.” Ulit ni Solo. “Hindi naman ‘yon big deal sa‘kin.”

Matapos niyang magsalita ay saka siya kumuha ng isang slice ng pizza na siyang inorder ni Asla kanina. Hindi na lang din umimik ang iba saka kumain na lang din.

Hindi rin sila gaanong nagtagal doon sa snack bar. Malapit ng mag-nine kaya naman kailangan na nilang bumalik sa classroom nila, kung hindi ay baka malate pa sila sa susunod nilang subject.

*****

“Kilala niyo po ba kung sino ‘to?”

“Pasensiya na hijo, hindi ko kilala ang taong hinahanap mo.”

“Sige po, salamat.”

Napabuntong hininga si Zon saka kaagad na pinunasan ang pawis niyang kanina pa tumutulo pababa sa leeg niya. Sumilong na rin muna siya sa isang sari-sari store para roon magpahinga ng pansamantala.

Kanina pa siya nagtatanong sa mga taong napapadaan pero kahit ni isa ay walang nakapagbigay ng impormasyon sa kaniya. Ang taong hinahanap niya ay si Jaxson Medina, ang taong makakatulong sa kanilang dalawa ni Solo para matapos ang misyon nilang dalawa.

Pero sa kasamaang palad ay wala siyang mahanap na impormasyon sa taong iyon. Hindi nila alam kung saan ito nagtatago, hindi rin niya alam kung saan ang lungga nito.

Medyo mataas na ang sikat ng araw kaya naman bumili na muna ng isang bottled mineral water si Zon para mawala ang uhaw niya.

“Manang, isang coke in can nga.”

Napasulyap sa relos niya si Zon nang matapos siyang uminom ng tubig, sobrang konti na nga lang ang natira no’n dahil sa sobrang uhaw niya. Tumayo siya at lumapit sa isang basurahan, pero imbes na itapon ang hawak niyang bote ng tubig ay natigilan siya nang makita ang lalaking kasalukuyang umiinom sa isang coke in can.

Kaagad niyang binuksan ang cellphone niya saka tiningnan ang litrato ni Jax, saka siya muling tumingin doon sa lalaki. Si Jaxson ‘yon! Bingo!

Lumapit ng bahagya si Zon doon saka hinarap ang cellphone niya rito, saka niya ito tinanong. “Ikaw ‘to, ‘diba?”

Gulat na napatingin ang lalaki sa kaniya saka napalunok. Kaagad itong tumalikod saka umakmang tatakbo, pero sadyang alerto si Zon kaya naman nahawakan niya ang damit nito.

“Huli ka sa‘kin ngayon — ah!”

Kaagad na namilipit sa sakit si Zon nang bigla ay tinuhod siya ni Jaxson sa tiyan, hindi niya inaasahan ang atakeng ‘yon.

“Hoyyy — ah, bwesit!”

Hinabol niya ang tumatakbong si Jax. Sobrang bilis nitong tumakbo kaya naman mas binilisan din niya ang hakbang niya para lang mahabol ito. Lumiko silang dalawa sa isang masukal na eskinita habang naghahabulan pa rin.

“Hoy — gago, sandali!”

“Sino ka ba?! Tantanan mo ako dahil hindi kita kilala!” Sigaw rin ni Jax habang patuloy na tinatakasan si Zon.

Inis na tumigil sa pagtakbo si Zon. Kaagad niyang nilabas ang baril niya mula sa suot niyang leather jacket, saka walang pagdadalawang isip na binaril ang isang trashcan malapit kay Jax.

“Freeze! Or else I’ll shoot you!” He warned him while pointing his gun towards the latter’s direction firmly.

Kaagad na tumigil sa pagtakbo si Jax saka itinaas sa ere ang dalawang kamay. Dahan-dahan, habang habol-habol ang kaniyang hininga ay humarap siya kay Zon. “No, please. Don’t shoot.”

Habang naglalakad palapit si Zon dito ay saka naman niya kaagad na niligpit ang baril niya. Nang makalapit siya kay Jax ay saka niya ito kinwelyuhan at tinulak doon sa may pader.

“Sasama ka sa‘kin.”

*****

“Class dismiss. You can now take your lunch.” Saka lumabas ang guro matapos sabihin ‘yon.

“Tara lunch! Manlilibre na naman ako!” Kaagad na sigaw ni Asla habang may ngiting abot tenga.

Napailing si Solo habang inaayos ang mga gamit niya. “I’ll treat myself.”

“Pero—”

“No buts.”

Asla sighed, “Okay then.” Bumaling siya kay Gun na ngayon ay nakangiti na sa kaniya. “Magpapalibre ka?”

“Chai khraaaaap.” Anito pa.

“Yeah, sure.” Sinilip nito sa likuran si Techno. “How about you?”

“No, thanks.”

“As expected. Tara, cafeteria.”

Halos sabay na lumabas ang buong class 1/8 kaya naman sabay na rin silang sumakay sa elevator papunta sa ground floor ng main building.

Habang na sa loob sila ng elevator ay saka naman kinausap ni Gun si Solo. “By the way, we will do a roving inside the campus after lunch.”

“Hmn,” ‘yon lang ang sinagot ni Solo.

“I don’t really expect that you’ll passed the examination and worst, you even perfect it.” Bigla na lang ay nagsalita si Rin kaya naman nilingon siya ng lahat, lalong-lalo na si Solo. “I just felt sorry for belittling you that day.”

“Ha? Bakit? Ano bang ginawa mo?” Tanong ni Gun. “Don’t tell me napagtripan niyo ni Meen si Solo?”

“Uh, that’s kinda the thing.”

“What now? Kinain niyo rin ‘yong mga sinabi niyo? Lalong-lalo ka na Meen. Kaya bagay na bagay sayo ‘yang pangalan mo, eh.”

“Yeah, whatever.” Anang Meen saka umirap. “Tsk.”

“Forget it.” Solo answered.

“Thank you. And uh, I hope we can be friends as well.” Saka ngumiti si Rin.

“Oo naman,”

“Hey — what?!” Umangal kaagad si Meen saka sinamaan nang tingin si Rin. “Don’t tell me pinagpapalit mo na ako sa rookie na ‘yan? What the hell?!”

“Of course, not. You’re still my best friend, okay? I just want to be friends with her.” And then Rin smiled.

“Errr, I smell something fishy in here.” Sumingot-singot pa si Gun.

“Plasticity.” Bigla na lang ay sinabi iyon ni Minrod kaya naman kaagad siyang sinamaan ng tingin noong dalawa. “Use your brain to choose your opponent that match the both of you. And yeah, you better choose wisely.”

“What the hell?!”

Saktong bumukas ang pintuan ng elevator kaya naman naunang lumabas ang tatlong student personnel, saka naman sumunod sina Gun, Techno, Asla, at Solo.

“Minrod just burnt them, you know.” Saka mayabang na ngumisi si Gun.

Natawa si Asla, “Good for them tho. Hahahaha.”

“Magka ano-ano sila Newt at Luna?” Bigla ay mahinang tanong ni Solo.

“They are twins.” Techno asnwered. “The Imperial Siblings of class 1/8.”

“Oh,”

Nang makarating sa loob ng cafeteria ang apat ay saka sila dumiretso roon sa may pila.

“Ah, I’m craving for some carbonara today.” Si Asla saka hinimas-himas ang tiyan niya. “Yummy. Ikaw, Gun? Anong gusto mong kainin ngayon?”

“As usual.”

“Ano po’ng sa inyo, Ma’am?” Tanong noong tindera nang sila na ang oorder.

“Two sets of carbonara and coke in can nga po, and Gun’s usual lunch as well.”

Tumango ang tindera saka hinanda ang order ni Asla. Matapos makuha ang order nila ay saka naman sumunod si Solo. “Isang porkchop, tatlong siomai, isang yakult at isang rice po.” Anito sa tindera.

Tumango ang tindera saka kaagad na kumilos. Nang makuha na ni Solo ang order niya ay saka siya nagbayad, kaya naman sumunod kaagad si Techno. Habang hinihintay si Techno na matapos ay nakatayo naman sa gilid ang tatlo para roon na maghihintay.

Hindi nagtagal ay natapos na rin si Techno kaya naman ay umalis na roon ang apat saka pumwesto roon sa may bakanteng mesa. Magkatabing naupo sina Asla at Solo, habang sa tapat naman nila sina Gun at Techno.

“Hmn, by the way. Solo anong facebook account mo? Para ma-add kita sa group chat ng class natin.” Tanong ni Asla.

“Ah, Solo Elis.” Sagot nito.

“Hmn, sige. Wait. E-accept mo ako para ma-add kita roon.”

“Accept mo rin ‘yong akin.”

“Iyong akin na rin. Para makagawa ako ng group chat nating tatlo ni Brandon.” Si Gun.

“Hmn, saglit lang.”

“Ayan, okay na.”

Asla Martinez added you to Class 1/8.

Gun Wansathorn added you to Violence Committee of Linus Academy.

“Ayan, ngayon, magiging updated ka na sa buong section natin.”

“Nandito rin ba si Sir?”

“Hmn, wala. Ayaw niya kasi ng maingay ang messenger, eh. Haha. I mean, medyo makulit din kasi kami sa gc at kung ano-ano pinag-uusapan namin.”

“Ah, kumain na lang tayo.”

“Mabuti pa nga. Gutom na rin ako, eh.” Segunda naman ni Gun.

Tahimik lang na kumakain ang apat doon hanggang sa isang lalaki ang lumapit doon sa lamesa nila. Na sa likuran ang dalawa nitong kamay habang medyo nahihiyang nakatingin kay Solo.

“Ah, hi. I am Justine, your senior. And ah, I heard that you’re the new member of grade-11’s class 1/8. Would you mind if I ask your name? I just want to be your friend.”

Still focused her attention on the food she’s eating, without even looking at him, Solo said, “I am not interested.”

Justine stilled while staring at Solo. Napakapa pa siya ng sasabihin dahil medyo nakakahiya ‘yon. Well, sinong hindi mahihiya? Tatlo sa student committee ng buong school ang nakakita at nakarinig no’n. At hindi lang ‘yon, halos lahat na malapit sa kanila ay malamang na narinig ‘yon.

“I’m just being friendly here.”

Tumigil sa akmang pagsubo niya si Solo. Bumuntong hininga siya saka binitawan ang hawak niyang kutsara, saka nito kalmadong binalingan ng tingin si Justine.

“So?”

Kumunot ang noo nito. “So? What?! Are you crazy?!”

“No.”

Muling binalingan ng tingin ni Solo ang pagkain niya. Hahawakan na sana niya ang kaniyang kutsara pero medyo nagulat siya nang bigla ay may humawak ng kanang pulsuhan niya, saka siya nito marahas na itinayo.

“Eyyy, shiaaaa.” React kaagad ni Gun dahil sa ginawa no’ng Justine.

Hindi naman mapigilang mapatayo nina Asla. They’re worried, but seeing the calm expression of Solo, they all know that she’s fine.

Gustong-gustong umeksena ni Gun pero aksidenteng nagtama ang mga mata nilang dalawa ni Newt na ngayon ay kasama sina Jade at Minrod sa iisang lamesa. Malalim ang tingin nito sa kaniya habang iniilingan siya. He even mouthed, “Let her handle it.”

“Is that the right way to treat me as your senior? Ha?!” He bursted out.

Napatingin si Solo sa pulso niyang hawak pa rin nito. “And is this the right way to treat me as your junior too?”

“You’re—”

“You can be friends who you wanted to be friends with. You can introduce yourself to those who’s interested and to those who's willing to know you. You just can’t be friends with me without asking me if I wanted the same thing too. You can’t just do what you want just because you wanted to, you have to ask my side too. And yeah, I’m not interested.”

Umigting ang bagang ni Justine sa sinabing ‘yon ni Solo dahilan para humigpit ang hawak nito sa isa. Pero imbes na bumitaw na dahil sa hiya, ay nagawa pa nitong hilahin si Solo palabas ng cafeteria. Susunod na sana sina Gun sa kanila pero nang mapansin nito ang sumisenyas na kamay ni Solo ay muli na naman ‘tong natigilan.

“Eyy, saraleo.” Irita nitong sabi.

“I’m worried for her.”

Tumigil sina Solo at Justine roon sa may garden ng school na hindi rin naman malayo roon sa cafeteria. Solo remained calm. Habang si Justine naman ay nakatalikod sa kaniya na medyo hinahabol ang hininga niya.

“I don’t have any friends inside this campus. No one wants to be one because everyone thinks that I am crazy.” Panimula nito. “So I decided to approach you but you’re also one of them!” Sigaw nito bigla.

“Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko? I studied to this school because I thought that I’ll gained more friends. But I didn’t know that this school would be the worst for me.”

“I was discriminated wherever I go. Everyone makes me feel that I’m just an outcast. Even if I make friends, they will just take me for granted. Gusto ko lang naman magkaroon ng kaibigan. ‘Yong sasamahan ako kahit saan, ‘yong makikitawa sa mga kalokohan namin. ‘Yong kakamustahin ako araw araw, ‘yong magtatanong sa‘kin kung okay lang ba ako . . .”

Solo remained silent while listening to Justine’s rant. Nang humarap ito sa kaniya ay roon lang siya natauhan. His eyes were teary. His lips were trembling like he was trying his self not to break down. But,

“B-bakit parang b-bawal? Bakit parang h-hindi p-pwede? Alam mo ba kung gaano ako kainggit sayo, ha? Baguhan ka lang dito pero welcome na welcome ka, tanggap ka na k-kaagad ng lahat. Samantalang ako na halos grumaduate na, outcast pa rin.”

Bigla na lang ay isa-isang tumulo ang mga luha ni Justine. He didn’t planned of crying in front of a student committee, but he just did. He’s been holding his tears for so long and now, he can’t bear with it anymore.

“Let’s go.”

Nagulat si Solo nang bigla ay may humila sa kaniya paalis doon, it was Minrod. Nandoon na rin ang lahat ng mga kaklase niya, na halatang kanina pa nanonood sa kanila.

“Bitawan mo nga ako.”

“No. You don’t have to listen to him. He just wanted your attention. He’s crazy.” Seryosong sagot ni Minrod saka mas lalong humigpit ang hawak sa pulsuhan ni Solo.

Nilingon ni Solo si Justine. Kitang kita niya kung paano ito napahawak sa dibdib niya na para bang nahihirapan ‘tong huminga. Ang kaninang tahimik na pag-iyak nito ay pahikbi na ngayon. Halos malukot na rin ang suot nitong uniporme habang pilit nitong inaabot ang punong malapit sa kaniya.

“I said, let me go!” Bigla na lang ay sigaw ni Solo saka marahas na binawi ang kamay niya kay Minrod.

Nakuha pa nitong samaan ng tingin si Minrod bago niya aligagang nilapitan si Justine na ngayon ay medyo lumalakas na ang paghikbi.

“Anong nangyayari sa‘yo? Justine, okay ka lang? Nahihirapan ka bang huminga? May sakit ka ba sa puso? May inhaler ka ba sa bag mo?”

Solo was never been so concerned for someone before. But seeing someone being like this, reminds her of something.

Kasabay ng umaagos nitong mga luha ay ang tagaktak din nitong pawis. He’s also having difficulty of communicating! What the fuck is happening to him?!

“Okay Justine, calm down. I needed you to breath. Inhale, exhale. Justine, you hear me?” Solo was fucking worried.

Nang hindi niya makausap ng maayos si Justine ay roon na niya inis na nilingon si Minrod na ngayon ay nakatayo lang doon at pinagmamasdan sila.

“He’s having a panic attack! Can you help me here?” Anito.

Nang hindi umimik si Minrod ay saka niya muling binalingan ng tingin si Justine. And seeing him now makes her more worried! Kaya naman muli niyang tiningnan ni Minrod.

“Min, I need your help.” She almost begged the latter, “please, I’m worried.” She added.

Bumuntong hininga si Minrod saka inis na pinikit ang mga mata. “Where’s the fucking committee for the students security?!”

Parang leon na umalingaw-ngaw ang boses ni Minrod sa lugar na iyon, dahilan para kaagarang kumilos sina Meen, Rin, at Ada na siyang CFTSS. Kaagad na nilapitan ng mga ito si Justine na ngayon ay nagkaroon ng panic attack.

“We have to bring him to the clinic—”

“I fucking know what to do! Don’t boss me around!” Iritang sigaw ni Meen saka umirap pa at nag–flip hair.

Nang makita kung gaano kaarte kumilos si Meen, at kung paano kabagal sina Ada at Rin ay roon niya na–realize na hindi niya pala kailangan ang tulong ng iba para matulungan si Justine.

“Tabi,” anang Solo saka tinabig ang tatlo. “If you’re going to act like that, then don’t bother to help. The three of you being a turtle, will surely kill someone who’s in a life and death situation.”

Kinuha ni Solo ang isang braso ni Justine saka niya ito inakbay sa balikat niya. Sakto namang nilapitan sila ni Gun na ginaya rin ang ginawa niya.

“Let me help you,” anito.

Hindi na lang umimik pa si Solo at hinayaan ito sa ginawa niya. Nang maayos na ang dalawa ay saka sila nagsimulang maglakad palayo roon. Si Asla naman ay kinuha ang bag ni Justine, saka sila sumunod ni Techno sa tatlo.

“Hang in there, Senior. I guarantee you that you’ll be okay. You don’t have to worry.”

Nang makarating ang tatlo sa clinic ay saka nila pinaupo si Justine sa isang hospital bed na naroroon. Nakarating din naman kaagad doon sina Techno at Asla na nakabuntot lang sa kanila.

“I’ll call a nurse,” anang Gun saka umalis. “Chuay duay!” He yelled, saying ‘help’ in Thai. “Chuay duay khrap!”

Napalinga-linga si Solo sa paligid niya. Nang may makita siyang maliit na ref doon sa may sulok ay kaagad niya ‘tong binuksan. Tiningnan niya ang loob ng freezer nito at mabuti na lang ay may laman ‘yong ice cube.

Kaagad niyang kinuha ‘yon. Bukas na ‘yon kaya naman hindi na siya nag-abalang buksan ‘yon.

“What are you doing?” Tanong ni Techno. “We have to wait for the nurse.”

“I know what to do, Techno.”

Kumuha ng tatlong ice cube si Solo mula roon sa plastic saka niya ‘yon inabot ni Justine. Hindi naman ‘to umangal at kinuha lang din kaagad. I guess he knows what to do. Dahil hindi pa man nagsasalita si Solo ay kinain na nito ang ice cube na ibinigay niya rito.

“What did you do?”

“It will calm him, I swear.”

“How can you say?”

Iritadong lumingon si Solo kay Techno. “Do your own research.”

Ilang minuto lang ay tumigil na sa pag-iyak si Justine, hanggang sa kumalma na nga ito. Ngayon ay stable na rin ang paghinga niya, hindi na katulad kanina.

“Thank y-you,” anito.

“Don’t worry about that. For now, I suggest you to take a rest.” Sagot naman ni Solo saka niya ‘to nginitian ng tipid.

Justine stilled after seeing that small smile from Solo, whom just a stranger to him. He didn’t expected that one. Siguro para sa iba ay maliit na bagay lang ‘yon. But to someone who don’t experienced what real friendship feels like just like Justine, is priceless.

Doon na humiga si Justine sa kama. Nang pumikit siya ay roon na sinarado ni Solo ang kurtina, para hayaang makapagpahinga ito ng maayos.

“He’s here, Nurse.”

Napatingin sila kay Gun na kakarating lang, may kasama rin ‘tong Nurse na halatang naistorbo sa pagtulog. Natigilan si Gun nang makitang kalmado na ulit ngayon si Solo.

“Where’s Justine?”

“He’s taking a rest.” Sagot ni Solo saka sinulyapan ang kurtinang nakatabon sa kamang hinihigaan nito. “Nurse, pakitawag po ako kapag gising na siya. Class 1/8, 12th floor.”

“I will.”

“Salamat.” Minsan pang tumango si Solo sa Nurse bago siya tuluyang lumabas doon.

And now, she have to deal with something.

©rrrrrylleism

Continue Reading

You'll Also Like

919K 81.8K 38
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
160K 2.2K 33
Nagkataon naman na ang dumating na jeep ay lima nalamang ang kasya, kaya nauna ng pumasok si mama sumunod naman sina kuya tanner, mac at kuya Cedric...
975K 22.2K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...
493K 14.2K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?