Passionate Obssession [R-18 S...

By rosequeen21_

774K 18.6K 1.1K

WARNING! Rated SPG! This book contains mature themes, strong languages, and scenes which are not suitable for... More

⚠️Author's Note⚠️
💞PROLOGUE💞
☢️CHAPTER 1☢️
☢️CHAPTER 2☢️
☢️CHAPTER 3☢️
☢️CHAPTER 4☢️
☢️CHAPTER 5☢️
☢️CHAPTER 6☢️
☢️CHAPTER 7☢️
☢️ CHAPTER 8☢️
☢️ CHAPTER 9☢️
☢️ CHAPTER 10☢️
☢️ CHAPTER 11☢️
☢️ CHAPTER 12☢️
☢️ CHAPTER 13☢️
☢️ CHAPTER 14☢️
☢️ CHAPTER 15☢️
☢️ CHAPTER 16☢️
☢️ CHAPTER 17☢️
☢️ CHAPTER 18☢️
☢️ CHAPTER 19☢️
☢️ CHAPTER 20☢️
☢️ CHAPTER 21☢️
☢️ CHAPTER 22☢️
☢️ CHAPTER 23☢️
☢️ CHAPTER 24☢️
☢️ CHAPTER 25☢️
☢️ CHAPTER 26☢️
☢️ CHAPTER 27☢️
☢️ CHAPTER 28☢️
☢️ CHAPTER 29☢️
☢️ CHAPTER 30☢️
☢️ CHAPTER 31☢️
☢️ CHAPTER 32☢️
☢️CHAPTER 33☢️
☢️ CHAPTER 34☢️
☢️ CHAPTER 35☢️
☢️ CHAPTER 36☢️
☢️ CHAPTER 37☢️
☢️ CHAPTER 38☢️
☢️ CHAPTER 39☢️
☢️ CHAPTER 40☢️
☢️ CHAPTER 41☢️
☢️ CHAPTER 42☢️
☢️ CHAPTER 43☢️
☢️ CHAPTER 44☢️
☢️ CHAPTER 45☢️
☢️ CHAPTER 46☢️
☢️ CHAPTER 47☢️
☢️ CHAPTER 49☢️
☢️ CHAPTER 50☢️
☢️ CHAPTER 51☢️
☢️ CHAPTER 52☢️
☢️ CHAPTER 53☢️
💞Epilogue💞
Author's Note

☢️ CHAPTER 48☢️

9.1K 289 22
By rosequeen21_

Agad na bumuhos ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang sasakyan ni Krypton na paalis. Hindi siya sigurado kung kailan siya makakabalik kaya mas lumalim ang kalungkutan na nararamdaman ko.

Hindi ko inasahan na ganito ang mangyayari sa araw na ito kaya wala ako sa mood na pumasok sa duty. Lumala ang pakiramdam ko dahil sa patuloy na chismis na naririnig ko sa hospital.

"Siya ba 'yun?"

"Ah, yung radtech na iyon?"

"Matagal na ba siyang nagtratrabaho dito?"

"Ay akala ko pa naman matiyaga siya sa trabaho at umaasa sa impluwensya ng boyfriend. . ."

Iilan ito sa mga naririnig ko na kumakalat na chismis. Nagtitimpi na lang ako at pinipigilan ang sarili. Kung ganito na kalala, paano pa kaya kung lumabas ang balita na in-offer ang Chief position sa akin?

Hanggang ngayon, pinag-iisipan ko pa rin ang offer at hindi ako makapagdesisyon ng maayos.

Napahinto ako sa paglalakad nang makalapit ako sa nurses' station. Nagwa-ward ako ng x-ray results ngayon pero mukhang abala ang mga nurses. Abala sa chikahan.

"Kilala mo ba 'yun? Yung matagal ng radtech dito?" dinig kong sabi ng isang babae.

"Yung isa sa mga paborito ni Doc Mark?" pabalik na tanong ng isang lalaki.

"Oo yun nga. Pero may boyfriend siyang napakayaman kaya napatumba nito si Doc Mark."

"Talaga?"

"Oo, totoo, kaya 'wag na tayong magtaka kung sa susunod ay baka siya na ang Chief." Isang halakhak ang pinakawalan nito at napakuyom ako ng kamao.

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglakad hanggang sa makarating ako sa harapan nila. Isang pekeng ngiti ang nasa labi ko at kita ko kung paano lumaki sa gulat ang mga mata ng mga nurses na andoon.

Hindi sila makatingin sa akin ng diretso at kusang lumayo ang isa at nagbuklat ng chart ng pasyente.

Inilapag ko ang logbook sa mesa na kaharap nila pati ang mga results na hawak ko.

"Pa-receive po ng x-ray results." Hindi ko pa rin tinanggal ang ngiti sa labi ko at hinintay na lumapit ang isa para tanggapin ang mga results at mag-pirma sa logbook.

Ilang segundo pa ang lumipas bago nahihiyang lumapit ang babaeng nurse na nagpasimuno ng chismis at kinuha ang mga results bago pumirma. "Uh, thank you." Mahinang sabi niya at nginitian ko siya kahit na hindi niya ako matignan sa mukha.

Malakas kong isinara ang logbook nang matapos siyang magpirma kaya isang nakakagulat na ingay ang nilikha nito. Napaigtad silang lahat.

"Oops, sorry!"

Tumalikod na ako at akmang aalis na pero napahinto ako. "Ay, wait lang, may nakalimutan ako."

Humarap ako sa kanila at nagtataka silang tumingin sa akin.

"Kung magiging Chief man ako," panimula ko at matiim ko silang tinitigan. "sisiguraduhin kong iyon ay dahil sa sariling kakayahan ko. I'll only accept the position if I know I have the qualification to be one."

Napangisi ako nang tahimik silang yumuko at nahihiya silang mag-angat ng tingin. I think I've said enough.

Tumalikod na ulit ako at humakbang palayo pero may naalala ako. "Oh, and one more thing," humarap ulit ako sa kanila. "tama na po ang pagkalat ng chismis kung hindi naman natin alam ang totoong nangyari. Let's be matured enough."

Ngumiti ako. This time, a genuine one, hoping they'll get my point.

Ito ang unang hospital na tumanggap sa akin bilang isang radtech at dito ako unang sumabak sa totoong hamon ng buhay. This has been a part of my life where I dedicated myself to serve patients through the work that I do.

Kung aalis ako dahil lang sa pesteng chismis tungkol sa akin, para ko na ding inaamin na totoo ang mga ito. No, I will fight for myself and stand my ground. Papatunayan ko sa kanila na kaya kong umakyat sa mas mataas na posisyon dahil sa kakayahan ko at dahil deserved ko.

Tuluyan na akong umalis at bumalik sa Radiology Department. Nakahinga ako ng maluwag at gumaan ang pakiramdam ko. It felt good to say those words out para marinig nila.

Pagdating ko sa X-ray area, sinalubong ako ni Alee at pinaalam na kanina pa tumutunog ang phone ko sa bag na nasa staff room.

Pinasalamatan ko siya bago ako pumunta ng staff room at excited na tinignan ang phone ko.

Pero agad na nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ang pangalan ni Ericsson sa listahan ng mga missed calls.

Aissh. Ano na namang problema nito?

Naayos na ang lahat at napawalang-bisa ang pesteng marriage certificate kaya wala na kaming dapat pag-usapan pa.

Babalewalain ko na sana nang bigla ulit siyang tumawag. Huminga ako ng malalim bago ito sinagot.

"Twilight? Gising ka pa ba?"

Napasulyap ako sa orasan ko. 10 PM.

"Naka-duty ako." Walang siglang sagot ko.

"Oh, pasensya na. Uhm. . ." ramdam ko ang pag-aalinlangan niya sa kabilang linya. "Pwede ba kitang yayain magkape bukas ng hapon?"

Kumunot agad ang noo ko. "Bakit, para saan?" Naalala ko ang pagbintang niya sa paggawa ko ng marriage certificate namin at bumalik ang inis ko, tapos ngayon may gana pa siyang yayain akong magkape?!

"Uhm. . . gusto lang sana kitang makausap."

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa natin ngayon?"

Gosh, I'm becoming bitchy again.

"Twilight, mas mabuti kung sa personal natin pag-usapan-"

"Sa totoo lang, Ericsson, wala na tayong dapat pag-usapan pa. At kung anuman ang gusto mong sabihin, sabihin mo na ngayon."

Dinig kong huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Gusto kong humingi ng tawad."

Oh.

"I'm really sorry for blaming you with that marriage thing. . . and for every mistake I did. . ."

Sandaling bumalot ang katahimikan sa pagitan namin. Hindi ako makapaniwalang humihingi na siya ng tawad. It's so sudden and so out of the blue.

"So please, Twilight. I want to make it up to you. Meet-up tayo at mag-usap-"

"Hindi na natin kailangang mag-meet up pa. Okay na sa akin ang paghingi mo ng tawad through this call." Hindi ko pa masabi na pinapatawad ko na siya agad pero at least wala ng loose ends sa pagitan namin.

"Pero, Twilight, gusto kong mag-start over. Please, bigyan mo pa ako ng isa pang pag-"

"Ericsson," matigas kong sabi at nagpipigil na hindi sumigaw dahil sa inis. Seriously?!

May anak na siya sa ibang babae na dapat pinagtutuunan niya ng pansin pero may panahon pa siya para tawagan ako at humingi ng isa pang pagkakataon.

"Ericsson," I said through gritted teeth. "Makinig kang mabuti sa akin. Hindi ko na ito uulitin pa. May boyfriend ako at hindi ko ipagpapalit ang relasyon namin para sayo. We were over long ago and I'm happy where I am right now, without you."

Technically, hindi happy sa ngayon dahil malayo si Krypton.

"Wala na tayong dapat balikan pa, Ericsson. May sarili na tayong buhay ngayon and I intend to keep it civil between us. Pero hindi ako mag-dadalawang-isip na tapusin lahat ng ugnayan natin kung hindi mo ako tatantanan."

Hindi siya sumagot kaya naisip ko na baka pinatay na niya ang tawag pero connected pa rin ang call kaya nagpatuloy ako para matapos na ito.

"I wish you all the best in life, Ericsson." I meant it, really. Kahit naman hindi maganda ang naging relasyon namin, may pinagsamahan kami at tao din siya na may pag-asa ng bagong buhay. "Sana mahanap mo ang kapayapaan at ang pagmamahal na nararapat sayo. Mabuhay tayo ng maayos, at sana balang araw, mapapatawad na kita ng tuluyan. Goodbye, Ericsson."

Isang hikbi ang pinakawalan niya at naghintay ako ng ilang segundo bago ko tinapos ang tawag dahil hindi na siya nagsalita pa ulit.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. I feel so tired now.

Mabuti na lang malapit na ang uwian. Isang oras na lang.

Nang makarating ako sa apartment, nagulat ako nang makita si Mang Kanor na nakatayo sa tabi ng sasakyan na palagi niyang minamaneho at may hawak na isang paper bag.

"Ma'am Twilight." Nakangiting bati niya sa akin nang bumaba ako sa kotse ko.

Nginitian ko siya pabalik.
"Mang Kanor, ano pong ginagawa niyo dito sa ganitong oras?"

"Kakarating ko lang po Ma'am dahil may pinamimigay po si Sir." Iniabot niya sa akin ang hawak niyang paper bag.

"Oh," sandali akong natahimik. Bigay ito ni Krypton? Para saan?

"Thank you, Mang Kanor. Nag-abala ka tuloy. Pwede namang bukas na lang dahil maghating-gabi na oh."

"Okay lang naman po Ma'am. Gusto kasi ni Sir na maibigay agad ito sayo."

Nagpaalam na siya at umalis, iniwan akong nagtataka kung ano ang laman ng iniabot niya.

I hurriedly went inside my apartment, excited to see what's inside.

Isang itim na box ang nasa loob ng paper bag at may tatak ng isang kilalang brand ng mga alahas.

Napasinghap ako nang mabuksan ko ang box. Oh, shems.

A stunning necklace with two silver rings intertwined together.

Kuimikinang ito dahil sa maliliit na dyamanteng nakapaligid sa dalawang singsing pero hindi ako dito namangha. Sa loob ng dalawang singsing ay nakaukit ang pangalan namin. My name is written on the smaller ring while Krypton's name is on the other bigger one.

Wow. Just wow.

Kumirot ang puso ko dahil sobra ko na siyang nami-miss. Tinupad niya ang sinabi niyang papalitan niya ang necklace na una niyang binigay. But this time, hindi na isang singsing, kundi dalawa.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa necklace dahil sobra ko itong nagustuhan. This means a lot to me, as I first remember how Krypton and I first met. It speaks a lot of meaning. Krypton and I, binded together.

Biglang tumunog ang phone ko at maingat kong inilapag ang necklace bago tinignan kung sino ang nagtext.

It's Krypton. Nai-save ko na ang bagong international number niya.

Can I call you rn?

Napangiti ako. Nasa magkaibang timezone kami ngayon pero naghintay siya ng tamang timing para saktong pagkatapos ng duty ko.

I texted him back.

Yes, pls do call me rn.

Isang segundo pa ay tumunog na ang phone ko na agad ko namang sinagot.

"Krypton, I- thank you so much for this." Puno ng pasasalamat na bungad ko sa kanya sabay haplos sa necklace na pinadala niya. "Ang ganda, sobra! Natatakot tuloy akong isuot baka mawala."

Dinig ko ang mahinang paghalakhak niya. "I guess my package arrived in time. I'm glad you liked it."

"I love it, Krypton." But I love you more.

Napailing ako. Now is not the right time yet. "Kamusta ang lolo mo?"

Napabuntong-hininga siya. "He survived, thank God. He's strong so he'll get back up in no time."

"Binabantayan mo siya ngayon?" Baka nakakaistorbo ako.

"It's my brother's turn now. Nagpapalitan kami." May pagod sa boses niya pero nagpatuloy siya sa pagkwento sa mga ginawa niya ngayong araw.

"I miss you like hell, Twilight." Bigla niyang sabi nang matapos siyang magkwento.

"I miss you too, Krypton."

Ako naman ang nagkwento sa kanya sa mga napagdaanan ko ngayong araw sa duty. I skipped the part where I confronted the nurses.

Nang sinabi ko sa kanya na tumawag si Ericsson, natahimik siya ng ilang segundo kaya gusto kong bawiin pero naalala ko ang pangako namin sa isa't-isa na dapat walang anumang sikreto sa pagitan namin.

"What did he say to you?" Sa wakas nagsalita siya pero may bakas ng galit sa tono.

"Uhm, humingi siya ng tawad. . ."

"And?"

"Gusto niyang mag-meet up kami-"

Marahas siyang napabuga ng hangin kaya mabilis akong nagsalita agad. "Pero diretso ko nang sinabi sa kanya na tapos na kami kaya wala na kaming dapat pag-usapan pa and I said goodbye to him."

Sana maintindihan niya ang tinutukoy kong klase ng goodbye.

Sandali siyang tumahimik at matiyaga kong hinintay na magsalita ulit siya. "Thank you, Twilight for telling me. I knew you'd handle him well. I'm just mad at that asshole."

Nakahinga ako ng maluwag dahil nawala na ang bakas ng galit sa tono niya.

"Are you not sleepy yet? You should rest now, Twilight. You had a long day, or rather night."

Napatingin ako sa orasan. It's already past midnight.

"Ikaw din, Krypton. Magpahinga ka din."

"Yes, baby. You rest well too. I love you."

I said goodbye after wishing for his grandfather to get well soon and ended the call.

***

Kinabukasan, excited kong sinuot ang necklace na bigay ni Krypton. It matched perfectly with my silver earrings.

Natagalan ako sa harapan ng salamin dahil hindi ko maialis ang tingin ko sa kwintas. Kusa akong ngumingiti habang nakatitig dito. It reminds me of Krypton and I'm missing him again.

Good mood ako ngayon at hindi pinansin ang nakakasunog-balat na sinag ng araw habang nagmamaneho dahil 3 PM ang pasok ko ngayon.

As usaul, traffic pa rin at mabagal ang usad ng mga sasakyan.

Nang makalapit ako sa malaking gusali ng SM, napansin ko ang patingin-tingin ng mga tao sa taas ng katabi nitong gusali.

I slowed down my car and followed their gaze.

Oh, shit.

Sandaling napako ang tingin ko sa billboard na nasa taas ng gusali at pinagtitinginan ng mga tao ngayon.

My heart pounded in my chest as I read the large words on the huge billboard.

I'M SORRY, BABY.
I LOVE YOU!

Walang pangalan at walang ibang nakasulat dito pero ang ginamit na background ay isang imahe ng isang kwintas na may dalawang singsing.

It looks exactly the same with the one I'm wearing right now.

---

Note: Again, as I've said before😅 thia doesn't intend to blemish or taint any of the professions mentioned in the story. Hwag natin gayahin ang mga nurses na chismosa dito sa kwento pero in reality, let's salute all nurses(and healthworkers)who are working hard right now for everybody's health.

Thank you sa patuloy na pagbabasa, dearest readers 🥰

Ps. The picture (CTTO) of the necklace i inserted is not the exactly the same,just to give u an idea on how it looks like😂

Vote and comment po❤️
Stay safe and God bless💕

Continue Reading

You'll Also Like

129K 4.3K 13
❗️AU where the team defeats Zarkon and comes home❗️ !!!!!Set before season 3!!!!! They did it, Zarkon was no more, the universe was safe! And the Pal...
58.8K 1K 35
Anime x Male!Reader: Book 5 Guys this story will have mature scenes at times. It might also have some TRIGGERINGS topic in some stories so please be...
2.7M 61K 81
Diana is an 18 year old girl about to start her senior year until she bumps into a woman at the bookstore who has quite the personality. The woman ta...
1.5M 82K 82
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...