When You Kiss Me •GiRL2GiRL•

By OUTandPROUD

179K 4.2K 357

2nd story ko na po ito. girl to girl story pa din po. Tungkol po ito sa babaeng unang beses siyang nag seryos... More

ONE.
TWO.
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT.
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR.
TWENTY FIVE.
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE.
THIRTY
THiRTY ONE.
THiRTY TWO
THiRTY THREE
THiRTY FOUR
THiRTY FiVE.
THiRTY SiX
THiRTY SEVEN.
THiRTY EiGHT.

SIXTEEN

4.7K 111 2
By OUTandPROUD

guys im so sorry if now lang po nakapag update sobrang busy lang po talaga.

pasensiya na po pero babawi po ako try ko pong mag update ng 3 chapter this week.

sorry po talaga ang dami lang ginagawa po.



******************************
SHAY's POV
******************************

hanggang marating ako ng bahay para akong isang toro na umuusok ang tenga at ilong sa sobrang inis!

"oh anak anong nangyari sayo??" tanong ni mama pag kakita niya sakin

"MA!!! NAKAKAINIS!!! MAKAKAPATAY AKO NG TAO!!!!" galit kong sabi

"huh? ano ba yang pinag sasabi mo anak??" pagtataka ni mama

"MAPAPATAY KO TALAGA SIYA WAG KO LANG SIYA MAKITA ULIT!!! MAPAPATAY KO TALAGA YUNG BABAENG YON!!!"

"anak ano bang nangyayari sayo? sinong babaeng yon? may nakaaway kaba?"

"MERON MA!! ISANG MALIGNO NA YON! WAG KO TALAGA SIYANG MAKITA MA PAPATAYIN KO TALAGA SIYA AT ISASABIT SA PUNO NG MANGGA HANGGANG SA MAUBOS SIYA NG MGA ANTIK!!!"

"anak ano kaba grabe naman yang pinag sasabi mo hindi maganda yan"

"MA KUNG ALAM MO LANG GINAWA NIYA SAKIN BAKA PATI IKAW MAPATAY MO SIYA!!!"

"ano ba kaseng ginawa niya sayo? sinaktan kaba ng taong tinutukoy mo ah?" sabi ni mama sa tingin sakin at sa buong katawan ko

"hindi ma hindi niya ko sinaktan"

"e ano ngang ginawa sayo bakit ganyan ang mga pinag sasabi mo sakanya?"

"pinikon niya ko ma! naiinis ako sakanya ng sobra ang galing galing niya kong asarin ma!!!!"

"ano?!!" gulat na sabi ni mama at nagulat din ako sa naging reaction niya

"bakit po ma?"

"gusto mo siyang patayin ng dahil don anak?" sabi ni mama at parang matatawa pa napasimangot tuloy ako lalo

"oo ma bakit?"

"yon lang ba ginawa niya sayo?"

"oo ma! sa twing nag kikita kami ganon ginagawa niya sakin!"

"lagi kayong nag tatalo pag nag kikita kayo?"

"oo ma! lagi niya kase akong inaasar! kahit nga wala siyang gawin sakin makita ko lang pag mumukha niya sirang sira na araw ko ng dahil sakanya!"

"haynako anak baka naman gusto mo siya" at nagulat talaga ako sa sinabi ni mama

"HELLO MA! ALAM MO BA YANG LUMALABAS SA BIBIG MO?"

"bakit? yon naman ang totoo anak pag gusto mo ang isang tao kahit wala siyang ginagawa naiinis ka sakanya, kaya ka naiinis sakanya dahil naiinis ka sa sarili mo dahil hindi mo matanggap sa sarili mo na may gusto ka sakanya" mahabang sabi ni mama at parang hindi ko pa maintindihan

"haynako ma ako ba yang pinag sasabi mo"

"baka siya ang makatuluyan mo anak" pang aasar ni mama sakin

"DUUUUUH! AYOKO SAKANYA BA! BAKA TUMANDA AGAD ANG ITCHURA KO NG DAHIL SAKANYA AND MA ANO KABA! HINDI AKO LESBIANA! BABAE YON NAKAKADIRI KAYA!!! TSAKA ANG PANGET PANGET NIYA MA SOBRA PARA KANG NAKA KITA NG MALIGNO!!!"

"e ano naman kung babae siya?"

"at kelan kapa naging pabor sa ganyan ma?"

"walang masama sa taong nag mamahalan hanggat wala silang tinatapakan tao anak"

"haynako ma! ewan ko. maligo lang ako para mawala ang inis ko sa katawan dahil baka hindi ako makapag timpi ano pang magawa ko sa aswang na yon!"

***********************

nagising ako dahil para akong mababangungot sa panaginip ko.

napatayo ako bigla sabay punas sa bibig ko. eeeeewness overload talaga!!!

YUCK! YUCK! TALAGA! NEVER MANGYAYARI YON KADIRI!!

akalain niyi ba naman yon may kahalikan ako sa panaginip ko at gustong gusto ko daw ang halikan yon at imagine babae yung kahalikan kong yon!!!

KADIRI diba?!! YUCK TALAGA! PHEW!!

pero nagtataka ako dahil hindi ko maalala kung ano ang itchura ng babaeng yon.

epekto yata ng mga pinag sasabi ni mama sakin yon kagabe.

"oh anak ang aga mo naman yata?" tanong ni mama sakin habang nag aayos na siya

"ang panget kase ng panaginip ko ma akala ko mamamatay nako"

"haay nako hindi totoo yang mga panaginip na yan anak"

"sinabi mo pa ma! hindi talaga totoo yon at hindi mangyayari yon"

"gisingin mo na kapatid mo at ng makakain na kayo"

"bakit ikaw nag luto ng almusal ma?" pagtataka ko

"sabay kase kayong pupunta ng eskwelahan anak"

"bakit po? may nagawa ba si sam?"

"wala anak may meeting kase ayokong mag punta doon kaya ikaw nalang"

"meeting nanaman?"

"oo anak sige na gisingin mo na siya"

"okay po" sabi ko at pumasok nako ng kwarto nila mama para gisingin si sam

after maligo at kumain ay dumretcho na agad kami ni sam sa school nila.

sumaglit lang ang meeting dahil sinabi lang nila ang mga balak nilang ipagawa sa paaralan at humihingi sila ng tulong kahit daw mag kano lang para din daw kase sa mga mag aaral yon.

pag katapos ng meeting ay dumeretcho din agad ako sa palengke.

ayoko kaseng tumagal don dahil baka mahilo nanaman ako sa init.

"ang bilis yatang natapos?" si mama

"oo ma sinabi lang kase nila yung mga balak na ipagawa at idagdag sa paaralan nila sam"

"nako anak gastos nanaman yan panigurado"

"oo ma pero sabi nila kahit mag kano lang daw ang idonate okay lang"

"dapat lang anak dahil hindi lahat ng mga mag aaral doon ay may kaya"

"oo nga po ma"

"pag nalaman ni don manuel yon panigurado tutulong yon"

"panigurado lang yon ma"

"nga pala anak mamaya pinapapunta ni don manuel lahat ng mga kumukuha sakanya ng mga paninda"

"bakit daw po ma?"

"hindi ko din alam anak, ikaw pupunta o ako?"

"ikaw nalang ma dito nalang po ako"

"osige anak mamaya pa naman yon mga bandang hapon"

"sige po ma, sinong nag sabi pala sainyo?"

"yung apo ni don manuel anak napakagandang bata talaga don at mukha talaga siyang mabait"

"yan kana naman ma hindi pa natin siya kilala talaga baka nag babalat anyo lang yon"

"ikaw talaga anak hindi kana nag bago makikita mo naman sa kilos niya kung nag papanggap lang siya, wala sa mukha niya ang matapobre hindi siya tulad ng ibang mayayaman"

"ewan ko lang ma basta ako no
comment muna dahil hindi ko pa alam kung ano talaga ang kulo niya kahit apo pa siya ni don manuel"

"ikaw ang bahala anak" sabi ni mama

dahil mabilis ang oras nagpunta na si mama don sa hacienda kasama si sam.

pagabi nadin naman kaya pumayag nakong samahan siya at syempre kasama din si nathan dahil panigurado daw may pamiryenda si don manuel sa mga dadalo kaya naman excited siya.

pagkatapos kong mag sara ng tindahan ay namili muna ako nag iluluto kong hapunan.

naisipan kong kumain ng pinakbet at pritung isda yung galunggong.

mapapasarap nanaman ang kain ko nito. yuuuuum!

after kong mamalengke ay deretcho nako sa bahay nandon na si mama at si sam naman ay gumagawa ng kanyang takdang aralin

"oh ma musta yung pag pupulong?"

"okay naman anak nag sabi lang si don manuel na medyo tataas daw ng konte ang presyo pero hindi naman daw ganon kalakihan"

"naisip ko nadin yan ma dahil halos ng bilihin ay tumaas na"

"kaya nga anak"

"kumain kayo doon?"

"oo anak ang apo ni don manuel ang nagluto"

"ano naman niluto niya ma?" curious kong tanong

"spaghetti anak yung puti"

"carbonara yon mama" singit ni sam

"yun ba tawag don?" si mama

"opo ma masarap ba?" sabi ko

"sobrang sarap ate lahat nga ng nandoon natuwa at ang daming nakain pero syempre mas maraming nakain si nathan tapos ate meron pa yung para siyang tinapay na medyo matigas pero may keso sa ibabaw sobrang sarap niya ate" sabi ni sam at parang natatakam pa sa kwento niya

"sus! kaartehan lang yon!" sabi ko

"inggit kalang ate kase hindi mo natikman" si sam

"bakit naman ako maiinggit mas masarap pako mag luto don"

"sige nga mag luto ka ng ganon ate"

"mas masarap pa lulutuin ko don"

"ano lulutuin mo?" si sam

"pinakbet at pritong galunggong!"

"yan ang pinag mamayabang mo te?"

"bakit hindi bako masarap magluto ng pinakbet ah?" sabi ko at pinag lakihan ko siya ng mata

"masarap ate sobra" pambobola nito dahil nakuha ko siya sa tingin wehehehe

tinulungan nakong mag luto ni mama.

"alam mo anak nakakatuwa talaga yung apo ni don manuel"

"bakit ma clown ba siya?"

"anong clown?" si mama

"sabi niyo nakakatawa siya e"

"palabiro kase siya anak parang hindi ka maiinip kung siya ang kasama mo"

"asuuus! baka kaplastikan lang yon ma"

"napaka gaan ng loob ko sakanya pinakilala nga siya ni nathan sakin at nag mano pa ito"

"oh pakitang tao nga"

"natutukan ko talaga ang mukha niya at masasabi kong napakaganda talaga niya anak kahit wala siyang nilalagay sa kanyang mukha at ang bango pa niya"

"mas maganda siya kesa sakin ma?"

"oo anak" deretchong sagot ni mama at OUCH! nasaktan ako don ah.

"hmp!!" pagtatampo ko at natawa lang si mama

"at alam mo ba anak yung panganay na anak ni benito?"

"si raul?" sabi ko

"oo si raul nag tanong siya kay don manuel kung maari niyang ligawan ang apo niya at nako ang daming nag tanong sa mga binatang dumalo kung pwede daw ba nila lahat ligawan ang apo ni don manuel"

"ano pong sabi ni don manuel?"

"ang apo niya ang sumagot"

"anong sagot ng apo niya ma?"

"hindi na daw pwede kung gusto daw nila bilang mag kaibigan daw dahil may gusto nadaw siya at sa tingin daw niya e mahal na niya yung taong yon"

"sino naman daw po? tiga dito daw?"

"oo anak at alam mo ba nagulat ang lahat sa sinabi niya"

"bakit ma? sinabi yung pangalan?"

"hindi sinabi yung pangalan anak pero sinabi niya na katulad niyang babae ang taong yon"

"ano reaction ni don manuel ma?" tanong ko pero hindi nako nagulat sa sinabi ni mama dahil nga ako mismo e nahuli ko na ang apo ni don manuel

"naka ngiti lang siya anak parang alam nadin ni don manuel kung ano ang kasarian talaga ang apo ni don manuel"

"e ikaw ma anong masasabi mo?"

"wala anak proud nga ako dahil hindi niya kinakahiya yung ganon at inamin pa niya sa lahat na sa kapwa babae niya siya may gusto"

"nadidiri ako sa ganon ma"

"wag kang mag salita ng patapos anak"

"totoo naman kase ma at hindi ba ang babae ay para lamang sa babae"

"alam ko anak pero pag ang puso nag mahal walang pinipiling tao yan"

"haynako ma ewan ko basta ako hindi ako pabor sa ganyan ma malaking kasalanan sa diyos yon" sabi ko pero hindi na sumagot pa si mama

kilala ko kung sino ang tinutukoy ng apo ni don manuel walang iba kung hindi ang impaktang laman lupang babaeng yon pero hindi parang hindi naman tiga dito ang babaeng yon.

tsk! tsk! ginagamit lang talaga niya ang apo ni don manuel!

bukas na bukas din pupuntahan ko si don manuel para masabi ko agad agad sakanya ang totoo!

Continue Reading

You'll Also Like

6.2M 269K 33
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...
1.1K 78 71
Sa mundong kinabibilangan ni Enney, hindi lamang ang mga tao ang may limitasyon sa buhay kung 'di maging ang mga namayapa na. Natuklasan ni Enney na...
13.6M 608K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
27.5M 701K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...