His Story To Tell (R-18)

By darlinreld

555K 19K 8.4K

How will you correct the mistake that you've done because of your past? More

Teaser
HSTT - 1
HSTT - 2
HSTT - 3
HSTT - 4
HSTT - 5
HSTT - 6
HSTT - 7
HSTT - 8
HSTT - 9
HSTT - 10
HSTT - 11
HSTT - 12
HSTT - 13
HSTT - 14
HSTT - 15
HSTT - 16
HSTT - 17
HSTT - 18
HSTT - 19
HSTT - 20
HSTT - 21
HSTT - 22
HSTT - 23
HSTT - 24
HSTT - 25
HSTT - 26
HSTT - 27
HSTT - 28
HSTT - 29
HSTT - 30
HSTT - 31
HSTT - 32
HSTT - 33
HSTT - 34
HSTT - 35
HSTT - 36
HSTT - 37
HSTT - 38
HSTT - 39
HSTT - 40
HSTT - 41
HSTT - 42
HSTT - 43
HSTT - 44
HSTT - 45
HSTT - 46
HSTT - 47
HSTT - 48
HSTT - 49
HSTT - 50
HSTT - 51
HSTT - 52
HSTT - 53
HSTT - 54
HSTT - 55
HSTT - 56
HSTT - 57
HSTT - 58
HSTT - 59
HSTT - 60
HSTT - 61
HSTT - 62
HSTT - 63
HSTT - 64
HSTT - 65
HSTT - 66
HSTT - 67
HSTT - 68
HSTT - 69
HSTT - 70
HSTT - 71
HSTT - 72
HSTT - 73
HSTT - 74
HSTT - 75
HSTT - 76
HSTT - 77
HSTT - 78
HSTT - 79
HSTT - 80
HSTT - 81
HSTT - 82
HSTT - 83
HSTT - 84
HSTT - 85
HSTT - 86
HSTT - 88
HSTT - 89
HSTT - 90
Epilogue
HSTT: Special Chapter 1

HSTT - 87

4.8K 246 260
By darlinreld

Nang makarating kami sa bahay after dinner ay muli kong kinausap si Ivan. Gusto kong siguraduhin na hindi niya na papatulan ang mga batang nang aaway sakaniya sa school. Bukas na bukas din ay tatawagan ko ang home room teacher nila para kausapin. I don't want my kid to get bullied. He's been through a lot. Ang kakapal lang talaga ng mga mukha ng mga 'yon. Sana lang talaga huwag akong umabot sa puntong baka makalimutan kong nanay na ako at ako mismo ang papatol sakanila.


"Are you done with your homeworks?" I asked him when I entered the room.

"Yes po. I'm just reading this book."

I looked at Cole and he is already peacefully sleeping in our bed. Lumabas muna ako ng kwarto namin at nagpunta ng living room. I sat on the couch and dialled Ritsumi's number. Nagring ito agad at hinintay ko siyang sumagot.




"Hello." Sagot niya sa kabilang linya. "Bakit?"

"May gusto lang sana akong pag usapan natin."

"What is it?"

"Why didn't you tell me that Ivan was being bullied in his school?" I heard her taking a deep breathe. "Sinabi ng teacher niya na nakausap ka raw niya at sinabi mong ikaw ang magsasabi sa akin. You didn't tell anything to me."

"Did he get bullied again?" Galit na tanong niya. "Who are those kids? Namumukhaan mo ba? Tell me so that I can do something about it."

"Ritsumi." Bawal ko sakaniya. May balak pa yata siyang gantihan ang mga batang 'yon.

"What? Those kids in his school don't know who are they messing up with!"

"Huwag mo nang idaan sa ganitong paraan. Look, I am talking to you now dahil gusto kong matuldukan kung anong nangyayari sakaniya sa school. Ayaw kong gumawa ka pa ng violent reaction." Page-explain ko sakaniya.

"It was Ivan who asked me not to tell you. Ayaw niyang ipasabi sa'yo."

"B-bakit?"

"Because he doesn't want you to get worried. Sabi niya you are already tired of taking care of them so he doesn't want to sum some problems. Ako ang pinatawag niya sa school non noong nakipag away siya at hindi na ikaw."

I felt my heart aches for pain and I couldn't help but to have teary eyes. Hindi ako agad nakasagot sakaniya habang inaabsorb ang nalaman ko. He was having a hard time at school pero tuwing umuuwi siya rito ang saya saya niya parati.

"I'll talk to his teacher tomorrow. Sasabihan ko na kapag may nang away ulit kay Ivan ay tawagan ako."

"You don't have to do that. Ivan can save himself. Let him fight with those stupid kids."

"Edi lumaking basagulero 'yung anak ko?!"

"Doon din naman ang punta non." She said and laughed.

Mas mabuti pa yatang hindi ko na kinausap ang isang 'to. Kunsintidor din 'to e.

"Sige na. Bye na."

"But really, Rej. Just let him. Ivan knows what he is doing. Kung hindi niya papansinin ang mga nang aaway sakaniya, mas lalo lamang siyang bubullyhin ng mga 'yon. Let him fight as long as tama ang pinaglalaban niya."

"Ewan ko sa'yo." I said and ended the call.

Napahilot ako sa sentido ko dahil parang mas lalo pa yata akong nastress. I want Ivan to be out of troubles. At kung papatulan niya ang mga nang aasar sakaniya, edi mas lalo siyang mapapahamak? Gosh! This is so stressful.





The next morning, I did all the things that I always do. Magluto ng breakfast, pakainin at bihisan si Ivan, preapare his lunch and send him sa school bus.

"Baby, 'yung bilin ko ha?" Paalala ko sakaniya habang hinihintay namin ang bus niya rito sa harapan ng gate.

"Yes, Mommy. Don't worry about me. I'm a big boy already."

Nang matanaw ko na ang school bus nito ay mabilis kong inabot ang packed lunch niya. Inayos ko ang buhok niya at ngitian siya.

"Study well sa school okay?"

"I will."

"I love you." I said and I kissed his lips.

"I love you." Nakangiti na sagot niya.

Huminto ang school bus sa harapan namin at nang bumukas ito ay bumungad sa amin ang anak ni Brandon. It's Bryle. Six or seven years old palang yata 'to sa pagkakaalam ko. Sumasakay din pala siya ng bus?


"Ivan, may gugulpihin tayo!" Mayabang na sabi niya at biglang tinakpan ni Ivan ang bibig nito.

"Bryle!" Sigaw ko at mabilis siyang hinila ni Ivan papasok.

"He's just kidding Mommy!" Sigaw ni Ivan.

Sumara na ang pinto ng bus at umandar ito. Napailing na lamang ako dahil gulo na mismo ang lumalapit sa anak ko. Hindi talaga maganda na maging kaibigan niya ang anak ni Brandon. Isa rin 'yon e!


I went inside the house again at naabutan ko si Cole na nasa pinakaibaba ng hagdan habang natutulog. Hindi na siguro nakaabot ng kitchen 'to. I picked him up at kinarga ito. Dumiretso ako ng kitchen at pinagtimpla siya ng gatas niya. I put cereal in the bowl and add some milk. Nang matapos ako ay bumalik ako ng living room at hiniga siya sa couch. Inon ko ang TV para makanood siya ng cartoons niya.


"Cole, gising na." Inalog ko siya nang kaunti para magising ito. "Wake up now."

Binuksan niya ang mga mata niya at umupo siya sa couch. Papikit pikit pa ito at napangiti na lamang ako habang pinapanood siya. He looks so cute and he is so adorable.

"Here's your milk." I said and gave his bottle milk.

Inabot niya ito saka siya uminom. I feed him with the cereal while he is busy watching. Ilang sandali lamang ay dinig ko ang pagtunog ng door bell. Binaba ko muna ang bowl sa mesa at pinunasan ang bibig niya.

"Wait lang, ha? Check ko lang kung sino 'yon." Pagpapaalam ko.

"Okay."

Lumabas ako ng bahay at dumiretso sa gate. I opened it and I was surprised to see Kuya outside. He's here?!

"Kuya!" Masayang sigaw ko at yinakap siya.

"Did you miss me?" He asked at yinakap ako pabalik.

"Ofcourse, I did!"

"I missed you too."

Hinila ko siya papasok at sinara ang gate. We went inside of the house and I couldn't remove the smile on my face. Ang tagal niya ring nawala!

"Cole! Uncle is here!" Sigaw ko nang makapasok kami ng bahay.

Cole looked at us at mabilis niyang binitawan ang bottle milk niya at tumakbo papunta kay Kuya.

"Uncle!" Masayang sabi nito at yinakap siya. "Miss kita kung may pasalubong ka."

"Mang gagamit ka pa rin." Pang aasar ni Kuya sakaniya.

"Sorry naman. Bata lang na sabik sa pasalubong."

Binuhat siya ni Kuya at ginulo ang buhok nito.

"You're really funny mini Ryoga."

"Thanks. Ako lang 'to, Uncle. Pamangkin mo lang 'to."


Hinayaan ko na lang muna silang mag usap na mag tiyuhin. Tawa ng tawa si Kuya sakaniya dahil puro kalokohan ang sinasagot ni Cole sa mga tanong niya.

Nagpadeliver nalamang ako ng mga pagkain for the three of us. I ordered at DK's at 'yon ang pinag salu-saluhan naming tatlo for lunch. Kuya Raine is the one who's feeding Cole.

"Magtatagal ka ba rito, Kuya? O aalis ka ulit?"

Nagtatrabaho siya sa ibang bansa. Sa California. Doon siya nagduduty ngayon kaya wala naman akong magawa. Hinayaan ko na lamang dahil trabaho niya 'yon e. Umuuwi naman siya pa minsan minsan pero saglit nga lang.

"I'll stay here. Pasensya ka na kung wala kang kasama rito dahil wala ako."

"It's fine. Kasama ko naman ang dalawa. Lalo na 'tong makulit na bata na 'to."

"Pasaway ka ba kay Mommy ha, Cole?" Tanong ni Kuya sakaniya at mabilis itong umiling.

"I am an angel. Duh?"

"Naol angel." Tumatawa na sabi ni Kuya.

I took the opportunity habang nandirito si Kuya at siya muna ang pinagbantay ko kay Cole. I went to the mall para mamili ng mga groceries at ibang mga gamit sa bahay. I have to buy clothes din for the two. Lalo na para kay Ivan dahil ang bilis niyang lumaki. Kain kasi ng kain. He always promised that he would do diet pero hindi naman niya ginagawa. Hindi naman siya ganon kataba but his body is not appropriate for his age. Ang tangkad din kasi.

After ko sa mall ay umuwi na rin ako agad. I bought donuts, pizza and shakes for the three of us. Naabutan ko silang naglalaro sa garden. Saktong sakto pala ang mga pinamili ko.





"Kain muna kayo." I said and I placed the food on the table.

"What time uuwi si Ivan?"

I looked at my watch and lagpas 5 na. Parating na siguro ang school bus non.

"Pauwi na 'yon."

"Sunduin ko sana e."

We heard the sound of the horn outside and I think that's Ivan already. Bumukas ang gate namin at pumasok si Ivan habang nakasunod sakaniya si Bryle. His eyes widened when he saw Kuya.


"Hi!" Masayang sigaw ni Kuya sakaniya and he started running.

"Uncle!!!" Masayang sigaw nito at sinalubong ng yakap si Kuya. Nagpabuhat pa ito sakaniya habang magkayakap silang dalawa.

"Wow, pizza! Sakto po pala ang dating namin." Tumatawa na sabi ni Bryle at napangiwi ako sa itsura niya.

"Bakit ang dugyot mo?" Tanong ko.

Kumuha siya ng pizza at nakisipsip siya sa shake ni Cole. Binigyan naman siya nito. Mabait ang anak ko. Mapagbigay pa. Mana sa akin.

"Tita, I am not dugyot. Nadumihan lang ako." Maarte na sabi niya atsaka siya umupo sa tabi ni Cole para makishare ng shake. Kung alam ko lang na maabutan nila ang meryenda, lima na sana ang binili ko.

"Nag toothbrush ka ba?" Maarte na tanong ni Cole sakaniya na nagpatawa sa akin.

"Oo. Kaninang umaga."

"Iww. Mag toothbrush ka every afternoon too pagkatapos mo mag lunch. Kadiri ka. Kanina kapa pala nag toothbrush tapos nakikisipsip ka sa shake ko."

"Napaka arte mo hindi ka naman mamamatay sa laway ko. Suntukin kita riyan e."

"Edi ouch."

Napailing na lamang ako sakanila habang mahinang tumatawa. These kids! Like seriously?!

"Ang dumi rin ng uniform mo, Ivan." Dinig kong sabi ni Kuya nang binaba niya ito mula sa pagkakabuhat.

"Ivan! Ano nanamang ginawa niyo ni Bryle?"

"Wow! Donuts!" Masayang sabi niya. He's changing the topic.

"Ivan, Bryle." Seryosong tawag ko sakanila.

"Ang sarap ng shake, Ivan. Tikman mo."

Kinuha ni Bryle ang shake ni Cole at inabot kay Ivan na siyang ininom din naman nito. Napailing na lamang ako at umupo habang pinapanood sila.

"Huy, Bryle. Sugapa ka. Shake ko 'yan kinanya mo na." Cole said.

"Nakipag away kayo no?" Tumatawa na tanong ni Kuya. "Saka bakit ka pala dito bumaba Bryle? Hindi niyo naman bahay 'to."

"Oo nga. Inubos mo pa ang shake ko!" Sigaw ni Cole at inagaw niya ang shake nito kay Ivan.

"Here. Sa inyo na 'yung akin." I said and Bryle get it.

"Dito po ako bumaba kasi makikiligo po sana ako. Uncle Raine, pakisabi kay Daddy sunduin niya po ako rito. Sabihin mo siya ang susundo ha? Huwag si Mommy."

"Bakit ka makikiligo rito? Naputulan ba kayo ng tubig?" Tanong ni Cole.

"Hindi ah! Mapapalo kasi ako kay Mommy kapag nakita niyang ganito ako karumi."

"Ano ba kasing ginawa niyo?" Tanong ko.

Nagtinginan silang dalawa ni Ivan na para bang nagpapakiramdaman sila kung sino ang sasagot. But in the end, walang sumagot. These two! Pero halata namang nakipag habulan at away sila. Gusot gusot pa ang mga uniform nila.

"Kebabata niyo nakikipag away kayo."

Piningot ko ang tenga nilang dalawa at sabay silang umaray sa ginawa ko.

"E inaway ko po 'yung nang ano kahapon kay Ivan! Walang pwedeng mang away sa bestfriend ko."

"Tama 'yang pagtatanggol mo, Bryle. Pero huwag dapat makipag away." Kuya said while smiling.

"Coming from you, Uncle?" Bryle and Ivan asked.

"Bilisan niyong kumain diyan at sabay na kayong maligo sa taas! Kapag may tumawag sa akin na galing sa guidance, papaluin ko kayong dalawa."




Nang matapos kaming kumain ng meryenda ay agad nang naligo si Ivan at Bryle sa taas. Hinayaan ko nalamang sila habang nagluluto kami ni Kuya ng dinner. He already called Kuya Brandon at pupunta raw siya rito after dinner.

"Mommy, can we play sa garden?" Tanong ni Ivan habang nakasunod sakaniya ang dalawa.

"Nakaligo na kayo at gabi na e. Sa living room nalang kayo maglaro. Set up mo 'yung ps5 diyan."

"Okay."

They went out and I focused frying the chicken again. Pinagluluto ko sila ng fried chicken dahil 'yon ang request ni Bryle. He is a visitor daw so I need to grant what he wants.

"Ang laki na ni Ivan no? Parang kailan lang."

"Yeah. At habang lumalaki siya ay mas lalo akong nangangapa kung paano siya gagabayan. Namomroblema ako sa school niya."

"Why?"

"Binubully daw siya just because he doesn't have a father. Like the fuck? Iba na talaga ang mga bata ngayon. Noon, both parents natin ang wala but I've never experienced getting bullied by other kids. Well, except kay Daliah noong highschool kami."

"Don't worry. Gagantihan ni Ryoga 'yang mga nambubully sa anak niyo."

"How? Mumultuhin niya? Sana nga multuhin niya e."



After cooking different viands ay tinawag na namin sila. Mabilis na pumwesto si Bryle at Ivan sa hapag. Matakaw 'tong dalawa na 'to kaya magkasundo e. Inalalayan ni Kuya si Cole sa pagkain habang ako naman ay sa dalawa.

"Wow! Ang sarap!" Masayang sabi ni Bryle habang kinakain ang fried chicken na request niya.

"Pwede po bang magpatake out nito kahit dalawa lang?"

"Makapal talaga ang mukha ng anak ni Brandon. Manang mana sa ama." Pinanlakihan ko ng mata si Kuya dahil sa sinabi niya.

"Grabe naman po kayo Uncle. May feelings din po ako." Bryle answered.

"Ay Mommy, family day po pala bukas." Ivan said.

"Sakto pala ang dating ng Uncle mo."

"Yes po. Nasa bag ko po 'yung uniform na binigay ng teacher namin kanina."

Buti nalang talaga at nandito si Kuya para masamahan kami bukas. Kapag family day kasi sa school niya ay dalawa lang kami kaya ayaw niya akong pasamahin. Noong nakaraan naman sumama lang siya kina Brandon at Anne e.

Nang matapos kaming kumain ay sakto naman ang pagdating ni Kuya Brandon. Nagstay pa muna ito ng dalawang oras sa bahay dahil naginom pa sila ni Kuya sa garden. 11 pm na yata nang makauwi silang dalawang mag ama. Binalot kona rin lahat ng fried chicken na natira at pinatake out kay Bryle. 7 legs pa yata 'yon kaya siguradong mabubusog siya.





The next day, I woke up early para magprepare. Ginising ko na rin si Cole para mabihisan ito. Ivan is with Kuya at magkasama silang natulog.

"Baby, dapat maliksi ka ron mamaya sa mga games ha?" Bilin ko kay Cole habang pinupolbohan siya.

"Ako pa ba Mom? Dapat sa sarili mo sabihin 'yan." He said habang inaantok pa ito.

Lumabas kami ng kwarto at naabutan ko sila Kuya na nasa living room habang inaayos ang pinadeliver nilang breakfast. Wala na kasi kaming time para magluto.

"Hurry up. Kain na at baka malate pa tayo." Kuya said.




The four of us went to Rockwell habang suot suot ang uniforms na dala ni Ivan. Buti nalang at apat ang binigay sa amin at may isang pang father's size. Ivan looks really happy while sitting at the back with Cole.






"Uncle, dapat every family day nandirito ka po e." Ivan said while we are going inside of the school.

"Okay. That'd be no problem."

Dumiretso kami sa gymnasium at sobrang dami ng tao ron. Agad na hinanap ni Ivan si Bryle at nakita naman niya ito agad. He is with Kuya Brandon and Anne.

"Yo man! Pagalingan tayo mamaya maglaro." Kuya Brandon said and then he smiled at me.

Lumapit sa akin si Anne at agad na inagaw sa akin si Cole na nakabuhat sa akin atsaka niya ito pinanggigilan.

"Oh, nasaan ang bunso mo?" Tanong ko dahil tatlo lang sila.

"Nandon sa lolo at nagbabakasyon. Sayang nga e. Hindi tuloy kumpleto." Sagot niya. "Ang cute cute naman talaga ng Cole na 'to, ano? Pakiss nga."

"Sige po. Halikan niyo lang ako." Cole answered and we all laughed at him.

Nagsimula na ang program at katabi lang namin sila Kuya Brandon. Magkatabi si Ivan at Bryle habang umiinom sila ng chuckie at kumakain ng hotdog and fries.

"Kanina pa kayo lamon ng lamon. Hindi picnic 'tong pinuntahan natin ha." Dinig kong bawal ni Kuya Brandon sakanila nang magpaalam na bibili nanaman ng cotton candy.

"Ivan." Bawal ko sakaniya. "Mamaya na anak. The games will start."

Ano kayang nasa tiyan nito at napakatakaw? Hindi naman ako nagkulang nang pagpapakain sakaniya.




The games started and we joined. Si Kuya Raine ang kasama namin ni Ivan. Pinabantay ko muna si Cole kay Anne dahil hindi sila sumali sa mga laro na may takbuhan because CS si Anne noong nanganak. Bawal siya maglaro ng mga katulad nito.

Our team won and Ivan was really happy. Some of his classmates and friends congratulated him and he replied with a thankyou and a smile.



"Ang galing niyo naman. Nanalo." Bati sa amin ni Anne nang bumalik kami sa pwesto namin kanina.

Tinignan ko ang gilid niya at hinanap si Cole. Where is he? Bakit hindi niya kami cinocongratulate e kanina ang ingay niya mag cheer.

"Thanks, Anne. Magaling 'tong si Ivan e." Kuya said but I'm still looking around.

"Anne, where is Cole?" Tanong ko nang bigla akong kabahan dahil hindi ko siya makita.

"Kasama ni Brandon. Nag CR."

"Ah, okay." Sagot ko at nakahinga ako nang maluwag.

"Saan tayo for lunch? My treat." Kuya asked Anne.

"Anywhere. Ikaw bahala at ikaw naman ang manlilibre e."

"Let's wait for Brandon and Cole."

Umupo muna kami at pinunasan ko si Ivan na pinagpapawisan pa rin. He is drinking Zest-O na binigay ni Bryle kanina.

"Pawis mo." I said and I put the towel at his back.

"Nasaan si Cole?" Dinig kong tanong ni Kuya.

Napalingon ako and I saw Kuya Brandon who just came. Tumayo ako at tinignan siya. Siya lang mag isa at wala akong Cole na nakikita!

"Huh? Hindi ba't nandirito siya?" Naguguluhan na tanong niya sa amin.

"He was with you! Nag CR kayo 'di ba?" Anne said and my heart started to race. Nawawala ba siya?

"Bumalik siya. Bumalik siya kanina rito. Sinundan ko pa nga ng tingin at umupo sa tabi mo e."

"The fuck? So where is he?! Wala siya rito!" I started panicking.

"Calm down, Rej." Pagpapakalma ni Kuya sa akin. "Baka nandiyan lang 'yon sa tabi tabi."

I started looking around and there are so many people here. How can we find him here?

"Let's go and find him. Sabihan ko lang 'yung sa faculty." Kuya Brandon said and he walked away.

"Hanapin na muna natin siya sa paligid." Kuya said. "Ivan and Bryle, help us to find Cole. Come back here after 30 minutes."

Naghiwa hiwalay kami at hinanap si Cole. Umabot na ako ng Cafeteria kakahanap pero wala akong makita na Cole. Nasaan na siya?! Halos maiyak na ako habang nagtatanong sa mga taong nakakasalubong ko.

"Miss, may nakita ba kayong bata na maliit? Four years old? Ito siya oh." I showed him his pic and the woman looked at it.

"Wala po e."

"Sige, salamat."




Thirty minutes have passed but nothing happened. Hindi ko siya nakita. I went back in the gymnasium at naroroon na silang lahat except for Kuya Brandon.

"Did you find him?" I asked them all.

"No. Brandon is in the announcement area para kapag narinig niya or may nakakita sakaniya ay isusurrender siya sa office."

"Where is he?!" Kinakabahan na sabi ko at nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. I started crying and Ivan hugged my waist.

"Mommy, stop crying. Nandiyan lang 'yon." He said and I wiped my tears.

Hindi ko maiwasang hindi maiyak dahil ang liit liit niya palang. Paano kung may nangyaring masama sakaniya? Paano kung lumabas pala siya ng school? Ang daming sasakyan sa daan! Or what if someone picked him up? God, I know it's bad to think negatively but I couldn't help it.

Nanatili kami sa Rockwell hanggang hapon hoping someone will bring back Cole to us. Nanatili ako sa gymnasium habang sila Kuya naman ang naghahanap sakaniya sa kabuuan ng university. I am silently crying while looking around here. I am waiting for him and hoping he'll come back here anytime.






"Rej, hindi talaga namin makita." Kuya said when they came back in the gymnasium. I looked at my watch and it's 7:30 pm already.

"B-bakit hindi niyo makita?!" Sigaw ko and I started panicking again. "Hanapin niyo siya ulit, Kuya! Hindi pa siya kumakain! Gabi na e!"

"There are people searching at the whole school. Pinahanap na rin namin siya sa labas at malalapit na establishments."

"Man, wala daw nakita sa CCTV e." Kuya Brandon said who just hung up on a phone call.

"Tell them to check it again. Baka hindi lang napansin at ang daming bata rin kanina."

"Okay."

"Rej, umuwi na muna tayo. Iuwi na muna natin sila Ivan."

"No. Kayo nalang and I'll stay here. Baka bumalik siya rito. H-hintayin ko siya rito."

I am so sure that he is hungry now. He'll ask for his milk and I should be the one who should give it to him. I need to see him to feed him.

"Rej, may mga naghahanap na. Umuwi na muna tayo at hindi pa tayo kumakain lahat."

"Go and eat."

"Mommy." Tawag sa akin ni Ivan. "Come and let's go home first. Bumalik nalang po tayo ulit."

Hinawakan niya ang kamay ko atsaka siya ngumiti sa akin.

"Let's go home first."

Napilit ako ni Ivan na umuwi at hindi matigil ang pagiyak ko sa loob ng kotse. Hindi ako mapalagay at pakiramdam ko ay hindi rin naman ako makakakain habang iniisip kung saan na napunta ang anak ko.

"Stop crying." Kuya said while he is driving.

Nakasunod sa amin sila Kuya Brandon and they are at their cars. Hindi na lamang ako kumibo at tumingin sa kabilang bintana. Nang makarating kami sa bahay ay pinark ni Kuya Raine ang kotse niya sa labas. Bumaba ako at naramdaman ko agad ang kamay ni Ivan na nakahawak sa akin. Kuya Raine opened the gate at napakunot ang mga noo ko nang makitang bukas ang mga ilaw sa bahay.

"Hindi mo ba pinatay ang mga ilaw kanina, Ivan?" Tanong ko pero hindi ito sumagot.

Pumasok kami ng living room at binuksan ni Kuya Raine ang mga aircon dito sa baba. Umupo muna ako sa sofa dahil para akong nanghihina. Para akong nanlalambot habang paulit ulit na pumapasok sa isipan ko na nawawala ang anak ko.

"Ivan and Kuya, eat now. Bilisan niyo please so that I can go back at Rockwell." Sabi ko habang kinakalma ulit ang sarili ko.

Hindi ako mapalagay at para bang anytime ay matutumba na lamang ako rito sa kaba. I looked up when I heard foot steps coming down from the stairs. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Cole ito habang pababa ng hagdan.

"Cole!" Sigaw ko at nagulat pa siya nang makitang umiiyak ako.

Sinalubong ko siya at mabilis na binuhat. Yinakap ko siya ng sobrang higpit at para na akong mawawalan ng malay sa sobrang emosyon na nararamdaman ko ngayon.

"Where have you been?!" I asked and I kissed his head multiple times. "Paano ka nakauwi rito ha?! Pinag alala mo 'ko!"

"Hulaan mo, Mommy." Tumatawa na sabi niya.

I hugged him again and somehow I felt relieved that he is here. Umupo kaming dalawa sa sofa and I keep checking up on him.

"Okay ka lang b-ba? May masakit ba sa'yo? Kumain ka na ba? Are you hungry? What do you want? Tell me." Mabilis na sabi ko.

"Okay lang ako Mommy. Kumalma ka. Busog din po ako. Andami ko pong foods."

"Saan ka kumain?!"

Hindi siya sumagot at bigla na lamang siyang tumawa. Nababaliw na ba ang anak ko? May nangyari ba sakaniya kaya siya nagkakaganito?!



"Hoy Reginy."

I looked up when I heard that voice I was longing to hear for a long time. Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat at napalunok ako nang ilang beses habang nakatitig sakaniya. W-what the fuck?!

"Ikaw na babae ka, pabaya ka bang ina ha? Kung saan saan na napadpad 'yang anak mo. Buti nalang magaling ako at nakita ko." Nakangiti na sabi niya. Napahigpit ang kapit ko kay Cole at napaatras ako sa sofa.

"Oh, bakit ganiyan ang reaksyon mo? I'm back!" He shouted at may mga confetti siyang hinagis sa ere.

"M-multo! Aaaahhh!" Sigaw ko at tumibok ng sobrang bilis ang puso ko.

I stood up from the sofa at mabilis kong kinarga si Cole at hinila si Ivan. Tatakbo na sana ako palabas nang mabilis niyang hawakan ang kamay ko para pigilan ako. He smiled at me and my vision started to blurry as I feel so fucking scared. My knees felt so weak.

"Sa gwapo kong 'to, natatakot ka?" He asked and everything went black.

Continue Reading

You'll Also Like

306K 16.5K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
7.8M 228K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
815K 8.2K 11
Zayne is the man that every girl sees in their dreams. He is popular for being the nice and smart guy with fine, definite features. Above all else...
8.2M 240K 58
WARNING: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED | S T A N D A L O N E N O V E L | All she ever wanted was to be happy. Hindi siya ang tipo ng taong ma...