Linus Academy: School Of Elit...

By rrrrrylleism

478 63 4

"Welcome, to Linus Academy!" Date started: February 01, 2021 Date ended: 00/00/00 More

Disclaimer
Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22

Chapter 3

18 3 0
By rrrrrylleism

Chapter 3: Result

“Solo, sabay na tayong maglunch!” Anang Asla saka kumapit pa sa braso niya.

Bahagyang binawi ni Solo ang braso niya saka tumango. “Okay lang naman.”

Binalingan ni Asla ang lalaking hanggang ngayon ay nandito pa rin sa silid, siya ‘yong hiniraman ng headphone ni Solo kanina. Kanina pa kasi naka-alis ang iba at ngayon ay silang tatlo na lang ang naiwan dito sa loob.

“Techno, sumabay ka na lang sa‘min. We won’t mind. And you don’t have to worry kasi mabait naman si Solo.” Ngiti ni Asla.

“Okay.”

Nagkasalubong pa ng mga tingin ang dalawa pero nauna ring nag-iwas ng tingin si Techno. Sabay na lumabas ng classroom na ‘yon ang tatlo, saka sila sumakay sa elevator papuntang 1st floor, kung saan naroroon ang cafeteria.

“Excited na ako sa result!” Asla gigled. Bumaling siya kay Techno na ngayon ay tahimik na nakatayo sa gilid niya. “Do you think she’ll be part of us?”

“I don’t know.”

“But there’s a high possibility that she’ll be one of us, I know that. I can tell.”

“You always can.” Ang huling sinabi ni Techno bago sinuot ang headphone niya.

Matapos ang ilang segundo ay bumukas ang elevator, kaya naman lumabas na rin silang tatlo. Medyo marami ring estudyante ang nagkalat sa hallway dahil nga lunch time na.

Dumiretso silang tatlo papunta sa cafeteria. Medyo naiilang pa ng konti si Solo dahil pinaggigitnaan siya ng dalawa habang naglalakad sila.

“Ililibre ulit kita!” Anang Asla saka kumapit na naman sa braso ni Solo.

“Uh, hindi na. May dala naman akong pera rito.” Tanggi ni Solo.

“Pero, gusto kitang ilibre.” She insisted and even pouted.

Bumuntong hininga si Solo saka binawi ang braso mula sa pagkakahawak ni Asla. “Si Alvarez na lang ilibre mo.”

Hindi naman umimik si Techno. Well, naka-headphone kasi siya kaya malamang na hindi niya narinig ang usapan ng dalawa—

“I don’t want anyone to treat me.”

Oopss, narinig pala niya.

“I know.” Asla muttered.

Napabuntong hininga na lang siya saka hindi na nagpumilit pa. Nakarating silang tatlo sa cafeteria. Habang papunta sila sa may pila ay kusa pang humahawi ang iba para makadaan sila. Bahagya namang kumunot ang noo ni Solo dahil doon — nagtataka, pero hindi na lang niya ‘yon pinansin pa.

“Do you know who’s that girl?”

“I don’t know either.”

“I heard she’s an examinee. Nag-iskandalo nga ‘yan doon sa main building kanina, eh. Pinipilit niyang naipasa niya ang exam kahit na wala naman ang pangalan niya sa listahan.”

“Oh, really? Pero bakit kasama niya ang dalawang miyembro ng mga student personnel?”

“Ewan. But they seems close.”

“Hmn, siya ‘tong examinee lang pero siya pa ‘tong nakakasabay ng mga student personnel. Tayong mga estudyante ng Linus eh hirap na hirap pang makalapit sa kanila.”

“True. Baka nga sumisipsip lang siya riyan sa mga student personnels, eh.”

“Don’t mind them.” Bulong ni Asla kay Solo na talagang tumingkayad pa para lang maabot ang tenga ng kausap.

“Hmn,” iyon lang ang sinabi ng huli.

Nang makapag-order na sila ay kaagad silang naghanap ng mauupuan. Nakahanap naman ng isa sa may gitna malapit sa entrance si Techno kaya naman doon na rin sila umupo.

“Huwag mo na lang pansinin ang mga ‘yon. Mga wala kasi ‘yong magawa sa buhay kaya gano’n na lang ‘yong mga pinagsasabi.” Anang Asla.

“Bakit big deal sa kanila ang nakakasama ko kayo?” Solo asked with curiosity.

“Uhm, ah, hahaha.” Bahagya pang sumulyap si Asla kay Techno na ngayon ay nakikinig lang sa kanila. “Kasi student personnel kami.”

“And? Aside from that?”

“We’re also peace officers.” Techno answered. “Violence Committee, Committee for the students security, yeah.”

“Bakit hirap silang makalapit sa inyo?” Tanong na naman nito.

“Kasi hindi basta bastang nalalapitan ang mga estudyante ng class 1/8. And if I say class 1/8, tinutukoy ko ‘yong mga nakasama mo sa pagreretake kanina.”

“Ba’t ang konti niyo? Normally, a student in every classroom exceeds in 40 or 50+. Pero kanina ay 11 lang kayo.” Kunot noong wika nito.

“Because only us are capable of reaching the requisite average to be in that class.” Si Gun na kakarating lang.

Ngumiti pa ito dahilan para mawala ang mga mata niya, saka siya naupo sa tapat nina Solo at Asla, sa tabi ni Techno.

“Highest average, you say?”

“Uhuh, highest average. Majority of us got an average of 97 on our entrance exam. Isa lang ang naka-98 samin.”

“Sino?”

“Si Mr. President. Si Newt.” Hindi umimik si Solo at tumango na lang. And then Gun smiled towards her. “You actually got the chance to perfect the exam. I’ve seen your test paper last. Monday and I was impress, you perfect it. It’s the second history of mankind.”

“Second what?”

“Yeah, second. You think you’re the first to perfect an exam here in Linus? Nah, it’s actually Sejin Keith Severino. But it’s few years ago. 5 years, I think?”

“Wait,” Asla said, saka siya tumingin kina Gun at Solo. “Severino, you say?”

“Chai,” Gun saying ‘yes’ in Thai.

Kunot noong tumingin si Asla kay Solo. “You’re also a Severino, right?” Solo nodded. “How are you related to him?”

“Sejin?” Kumunot ang noo ni Solo saka nagtaka ng bahagya. “Hindi ko alam. Ni hindi ko nga kilala ‘yan, eh.” Sagot niya naman.

“Ah, oo nga. Marami namang Severino sa mundo, eh. HAHA. Kain na nga lang tayo.”

“Sino ba siya?” Solo asked curiously.

“He’s the first one to perfect an exam here in Linus 5 years ago from now.”

“Ah,” iyon lang ang naging reaksyon ni Solo.

“Oorder lang ako saglit.” Paalam ni Gun saka tumayo na’t pumunta sa may pila.

Nang maka-alis si Gun ay saka naman nagsimulang kumain ang tatlo. Tahimik lang sila roon hanggang sa may grupo ng apat na freshmen students ang lumapit sa kanila.

“Hi po,” anang nasa gitna na ngayon ay bahagya pang nakayuko.

Nagbaling ng tingin si Solo sa kanila saka bahagya pang kumurap, saka niya sinulyapan sina Techno at Asla na tahimik pa ring kumakain.

“Uh,” Solo was an awkward person kaya naman hindi niya alam ang sasabihin. “May kailangan kayo?”

“Gusto ko lang po s-sanang i-itanong kung bakit k-kasama ka po nila kahit na h-hindi ka naman e-estudyante ng Linus?” Nakayukong anito.

Hindi umimik si Solo at sa halip ay pinag-aralan ang babaeng kaharap niya. Nakayuko lang ito na para bang hindi siya nito kayang tingnan, gano’n din ang mga kasama nito. Her knees were trembling as her hands became shakey.

“Is that how you talk your seniors, kid?” Sumagot si Gun na kakarating lang, may dala pa ‘tong tray ng pagkain. “And you really have the courage to asked her that, huh? You should be punish—”

“Gun,” putol ni Solo rito. “I don’t think it’s them who deserve the punishment.”

“Alai?”

Hindi alam ni Solo kung ano ‘yong sinabi ni Gun, pero batay sa tono nito ay masasabi niyang nagtatanong ‘to. Tumingin si Solo roon sa may banda kung saan may grupo rin ng mga estudyante na kumakain, nagtatawanan ang mga ‘yon habang pasulyap-sulyap dito sa pwesto nila.

“I think it’s them,” anang Solo. Sakto pang aksidenteng nagtama ang mga mata nila no’ng babaeng naka-boy cut.

“Napag-utusan ba kayo, hija?” Sumingit naman ang nag-aalalang si Asla. “Tell me.”

“O-opo . . .”

Gun sighed and then place the tray he’s holding on the table’s surface. Bigla na lang ay umalis ito saka lumapit doon sa pwesto no’ng mga babae. Medyo malayo sila sa kanila kaya naman hindi nila marinig kong anong pinag-uusapan nila.

Hindi alam ni Solo kung anong nangyayari roon pero kitang-kita niya kung paano naglabas ng kulay orange na sticky note si Gun, saka ito dinikit sa noo noong babaeng naka-boy cut.

“Oh, he gave her an orange sticky note — again.” Si Asla na ngayon ay nakatanaw rin sa direksyon nina Gun.

“What does it mean?”

“If you recieve a sticky note from a student personnel, that definitely mean as a punishment. And the orange sticky note means they will run to the quadrangle 5 times.”

Bahagyang umawang ang mga labi ni Solo. She didn’t know if it’s just her but, isn’t it too much? Kasi kung siya ang tatanungin? Wala lang naman talaga ‘yon sa kaniya. And she think that it’s better kung hayaan na lang sila at huwag na lang pansinin pa. Kasi hindi naman talaga big deal ‘yon.

“Ah, I’m so sick with those seniors. Masyadong matanda para maging sakit sa ulo.” Reklamo ni Gun na kakabalik lang. Umupo ito sa pwesto niya saka bahagya pang nagkamot ng sintido. “I’d better eat my lunch.”

“Isn’t it too much, Gun?” Tanong na naman ni Solo.

“I don’t think so. They disrespect you, okay? Where’s their manners to us as their Junior?”

“Maswerte na nga ‘yong mga ‘yon.” Singit ni Techno kaya naman napatingin siya rito. “Dahil kung si Minrod lang ‘yong nandito ay malamang na sobra pa roon ang matatanggap nilang parusa.”

“Yeah, the Dean wants us to tighten the grip. Masyado na kasing dumadami ang mga pasaway rito sa loob ng campus.”

“Is it even working?”

Walang sumagot sa kanilang tatlo sa tanong na ‘yon ni Solo. Madalas oo, pero may pagkakataon ding hindi. Sa tuwing hinihigpitan kasi nila ang rules ay mas lalong naglalakas ng loob ang mga estudyante’,ng suwayin sila.

Hindi na lang umimik si Solo. Hinintay nilang matapos sa pagkain si Gun dahil ito na lang ang kumakain pa. Nang matapos naman sila roon sa cafeteria ay napag-desisyonan nilang samahan si Gun sa quadrangle. Babantayan kasi nito ‘yong mga senior na pinarusahan niya. At dahil may isang oras pa naman bago mag-alas dos ay sumama na lang din silang tatlo.

“Hindi ba magrereklamo ang ibang parents sa ganitong uri ng sistema rito sa loob ng campus?” Solo asked. Himala yata at napaka-ingay niya ngayong araw.

“I don’t think so. They actually send their kids here to be disciplined. Nagsilbi na rin kasing tambakan ng mga siraulong estudyante itong Linus.” Anang Asla saka bumuntong hininga.

“Oh?”

“And by the way, do you know that Linus Academy is also a dormitory school? Pero hindi lahat sa dorm ng school nakatira.  Depende pa rin kasi ‘yon sa estudyante, eh. Pwedeng uuwi lang sila sa kanila after class or dito na lang sa dorm. Pero majority of the population here sa campus is mga naka-dorm.”

“How about you?”

“Naka-dorm ako. Pero minsan ay umuuwi rin ako sa‘min. Especially if I’d miss my family.”

“Ah,” tango nito.

“Halos lahat sa section namin is mga naka-dorm. Si Brandon lang ang hindi. Remember the guy who’s holding a camera a while ago?”

“Hmn,”

“Gusto niya kasing kumuha ng mga kung ano-anong uri ng litrato kaya naman hindi siya nag-dorm. How about you? Magdodorm ka ba?”

Umiling si Solo. “I don’t think so. Hindi rin naman ‘yan kailangan since maayos naman ‘yong tinitirhan ko ngayon.”

“Ah, sayang naman. Balak ko pa namang kunin kang dormmate.”

“Ah, iba na lang siguro kunin mo.”

Napatanaw si Solo kay Gun na ngayon ay nakatayo sa may ground habang pinapanood ang mga seniors nilang tumakbo sa quadrangle. Silang tatlo naman nina Asla at Techno ay nakaupo lang dito sa may batibot. Nakasandal pa si Techno sa upuan habang nakapikit at nakikinig ng music gamit ang kaniyang headphone. Habang silang dalawa naman ni Asla ay nakaupo lang doon.

“I think I need to go to the rest room.” Ngiwi ni Asla. “Medyo naiihi ako, sa coke float siguro ‘to.”

“Samahan na kita.” Presinta naman ni Solo. “Tara na.”

“Thank you. Let’s go.”

Tumayo na ang dalawa saka umalis. Hindi na rin sila nag-abalang magpaalam kay Techno dahil mukhang natutulog ito. Habang naglalakad silang dalawa ay nabanggit naman ni Asla ang tungkol sa mga kaklase niya.

“I’m sorry for the nonsense question you have recieved from us a while ago.” Asla sighed. “I know you’re quite discourage because uhm maybe, you have high expectations about us?”

“I am very sorry as well. And, I didn’t mean it that way.”

“What do you mean?”

“Hindi naman talaga dapat ‘yon ang sasabihin ko. I mean, I’m not really expecting much bigger. Medyo ano lang kasi hindi ko inaasahan na nasa bokabularyo niyo rin pala ‘yong mag-isip ng gano’n. Kasi nga diba, parang mga Dean’s Lister na rin kayo ng Linus so I thought na seryoso ‘yong mga itatanong niyo sa‘kin.”

“May mga pagkakataon talaga na para kaming mga siraulo, gano’n kasi kami magsaya. Kasi hindi naman pwedeng i-pressure namin ang mga sarili namin, kailangan din naming magsaya.”

“Okay lang ‘yan. We’re still teenagers. Dapat din ay i-enjoy natin ‘yong teenage life natin. Kasi sabi nga nila ‘di ba, minsan lang tayo bata.”

“You’re right.”

Nang makarating sila sa may rest room area ay pumasok sa loob si Asla. Habang si Solo naman ay nagpaiwan lang sa labas, doon na kako siya maghihintay.

Habang naghihintay naman ay napag-desisyonan niyang tawagan si Zon para kamustahin ito. Pero medyo nadulas sa kamay niya ang kaniyang cellphone kaya naman nabitawan niya ito’t naihulog sa sahig.

Kaya naman bahagya siyang yumuko para pulutin ‘yon. Nang makuha ‘yon ay hindi pa man siya nakaka-ayos ng tayo ay nagulat siya nang bigla ay may tumulak sa kaniya, saka siya nito ki-nu-wel-yuhan at idiniin sa pader.

Bahagya siyang nagulat nang makita ang limang babae sa harapan niya, sila ‘yong mga pinarusahan ni Gun kanina sa quadrangle. At ‘yong babaeng naka-boy cut naman ang siyang kasalukuyang naka-hawak sa kaniya.

“Bakit?” Tanong niya rito habang deretsahang nakatingin sa mga mata nito.

Umigting ng bahagya ang panga nito saka mas hinigpitan ang pagkakahawak sa damit niya. “Ikaw ‘yong nagsumbong sa‘min kanina, ‘di ba?”

“Bakit?”

“Sino ka sa akala mo para makialam? Ha? Ni outsider ka nga lang, eh. Ang lakas ng loob mong isumbong kami sa student personnel na ‘yon. Kilala mo ba kung sinong binabangga mo, ha?”

“Hindi. At wala akong balak alamin.”

Ngumisi ‘yong babae. “Mabuti kung gano’n. Dahil paniguradong hindi mo gugustuhing malaman kung sino kami.” Bahagya pa nitong inilapit ang kaniyang bibig sa kanang tenga ni Solo para bumulong. “Careful, junior. You don’t know our background.”

Bahagya pa nitong tinapik ang pisngi ni Solo kaya naman napalunok ang huli. Matapos no’n ay bumitaw na ito sa kaniya, saka nito niyaya ang mga kasama niya na aalis na kako sila. Napailing na lang si Solo saka inayos ang nalukot niyang damit.

“Tsk,”

“Tara na.” Si Asla na kakalabas lang mula sa banyo. “Okay ka lang?” Takang tanong nito kay Solo nang mapansing nakatulala lang ito sa kawalan. “Ah, Solo—”

“Ha?” Medyo gulat pang anito. “Ah, okay lang ako.” Nagpilit ito ng ngiti. “Tara na.”

Medyo nag-alangan pa ng bahagya si Asla pero tumango na lang siya saka bahagyang tumango. “Hmn, tara.”

Umalis na roon ang dalawa. Balak pa sana nilang bumalik doon sa quadrangle pero sakto namang nakasalubong nila sina Gun at Techno, kaya naman sabay na silang bumalik papunta sa 4th floor.

“Hay, hindi ako ‘yong gumawa ng parusa pero ako ‘yong napagod.” Bigla ay sabi na lang ni Gun sa kalagitnaan ng pagsakay nila sa elevator. “Hindi ko alam kung hanggang kailan sila magiging dahilan ng pagkasakit ng ulo ko.”

“Maybe when they graduate.” Prente namang sagot ni Techno habang nakapamulsa pa. Tama nga naman siya.

Napailing na lang si Gun saka bumuntong hininga. Sakto namang bumukas ang elevator kaya naman lumabas na ang apat at naglakad papunta sa destinasyon nila.

Nang makarating sila roon ay bumungad sa kanila ang iba pang Class 1/8 na ngayon ay puro seryosong nakatayo ng tuwid sa harapan.

Newt take a step forward. “Congratulations, Ms. Severino. Because for the second time,” he flashed a smile. “You perfect the exam.”

©rrrrrylleism

Continue Reading

You'll Also Like

Riptide By V

Teen Fiction

326K 8.3K 117
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
1.1M 59.2K 38
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
75.7K 2.4K 28
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
50.5K 186 10
As the title says