Three Seconds āœ”

By Vicissiveour

2.1K 764 640

"Just three seconds..." Ā©2021. Ugly_Writes. All rights reserved. More

THREE SECONDS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
34
35
AHEM!
THREE SECONDS

33

28 10 10
By Vicissiveour

"Bakit 'di mo sinabi sa 'kin?" Cy asks and smoothly reaches my hand, but his voice sounds so rough, as if he really is mad but he's just holding back his emotion. "'Bat 'di mo sinabi sa 'king mahal mo pa rin ako? Damn..."

"Come on, kanino mo 'yan nalaman?" I ask, my voice weak. Paulit-ulit akong napapapikit sa uri ng tingin na binabato niya sa 'kin. "Look. Sa 'kin ka lang maniwala, kung ano ang lumalabas sa bibig ko, 'yun ang totoo."

He nods silently and lets my hand go. Mas lalo akong nasasaktan. Para kasing binibitawan niya na 'ko. I am about to turn my heels on when his hands stop me from marching. Nakita ko ang pagkurap niya na para bang gusto niya pa akong makausap ng mas matagal.

"Bakit ba big deal sa 'yo?" I ask again, my voice betraying me. Huminga ako nang malalim. "You are right. I loved you. I liked you so much. We were just juvenile that time, but you know what? Masyado pa tayong bata noong mga panahon na 'yon!" Nag-iwas ako ng tingin. "Tapos masyadong masakit... Masakit ang mga nangyari noon. Kaya pakiusap, kalimutan na lang natin."

Na-realize ko lang naman na sa napakaraming taon na lumipas, ito ang unang beses na pinag-usapan namin ang tungkol sa nararamdaman sa isa't isa. Halu-halong emosyon ang sumasakop sa dibdib ko ngayon. Malungkot kasi nga sa tinagal-tagal ay ngayon lang kami nagkausap ng ganito. At masaya dahil narito siya sa harap ko. His eyes are pleading for something.

Hindi rin makakatakas sa 'kin ang paghanga sa mga 'to. So, hindi niya nga ang alam ang nararamdaman ko noon sa kaniya? Sa lahat ng tingin ko noon, wala pa rin siyang kaalam-alam. At ngayon na ganito na siya kung makaakto, mas lalo na 'kong nalilito.

He is going to be married, but he is acting the other way around. Litsi. Mas lalo niya akong pinapahirapan.

"Kung noon mo palang sinabi sa 'kin na gusto mo rin ako, damn, Marynald, hindi sana ako naghirap ng limang tao sa kakaisip kung ano'ng mali sa 'kin at 'di mo 'ko nagawang mahalin."

Nag-iba ang mukha ko matapos niya 'yung isigaw. Dumaan ang kakaibang kaba sa dibdib ko nang maisip na baka isa lang 'tong prank o baka'y gusto niya lang akong mapaamin, pero katuwa-tuwa't umaasa pa rin ako na pawang mga katotohanan lahat ng mga salita niya. Mayamaya pa'y awtomatiko akong napatingin sa mga daliri niya.

Nang 'di mahanap ang isang engagement ring ay mas lalo tuloy akong nalito. Fine. Baka tinago niya lang, dahil gusto niyang malinlang ako, dahil alam niyang masasaktan ako.

"Magkakapamilya ka na, Cy." Malungkot akong napaiwas ng tingin. "Kaya, please, huwag kang umakto na parang hindi."

May sasabihin pa sana 'to nang biglang dumating si Papa na nagsasabing kailangan niya nang kunin si Cy. Walang kibo na lang akong napatango.

Malungkot akong napangiti nang makita siyang may kinakausap na isang magsasaka. Hanggang ngayon, kakaiba pa rin talaga ang epekto niya sa 'kin—parang habambuhay na 'ata talaga akong magiging ganito.

Inaamin kong nakakalito at nakakamangha ang mga salita niya kanina, lalo na 'yung tungkol sa paghanga ko na kung noon ko pa lang sinabi, hindi sana kami magkakahiwalay ng limang taon. Ganoon na ba talaga ako kamisteryosong tao para 'di niya malaman na may gusto ako sa kaniya noon?

Aware na aware ako sa sariling kilos kapag nandiyan siya, tapos hindi niya napansin ang mga 'yun? Subalit 'di ko naman siya masisisi dahil sa mga nangyari noon, himala ngang mapagtuunan pa niya ng pansin ang mga pagpapansin ko.

At isa pa, papaano ako makakaamin kung alam kong ang dami kong kasalanan sa kaniya? Sa mga masasakit na salita at aksyon na nasabi ko, malabong magkaroon pa 'ko ng pag-asa sa dibdib na umamin.

"Inumin mo 'to." Ang lalaking kanina pa naglalaro sa utak ko 'y nasa harapan ko na ngayon.

He hands me out a bottle of mineral water, a slight purse of lips can be seen in his face. "Always keep yourself hydrated," malambing n'yang sabi, kaya walang sali-salita ko na lang na tinanggap ang tubig. I am taken aback, again, when he snatches my left hand and gradually puts it on his belt. Yes, belt. His belt. Pinigilan ko pa lalo ang pamamanhid ng mga tuhod ko.

"Pasikipin mo. Pasikipin mo, Ma," he said and pouted. Puta! Parang Ewan! Ewan ko rin kung bakit 'di ko maalis-alis ang kamay sa belt niya kahit hindi niya naman ako pinipigilan. My hands seem tragically glued.

"Ano'ng gusto mo?" Just how dumb and fool I am, instead of pushing him, I even have an energy to ask such an obnoxious question. "Hindi ako marunong umano nito... Cy."

Mas lalo akong namula nang mapansin ang tingin ng iba. Batid kong nakamasid na rin si Papa sa 'kin, pero 'di ko talaga kayang humindi ngayon. Tila buong sistema ko ay sang-ayun sa gusto niyang gawin.

Bagaman wala talagang kaalam-alam sa ginagawa ay nilibot ko ang dalawang kamay at sinubukang i-konek ang magkabilang dulo. Panay naman ang ingat ko upang walang mahawakang iba.

"Bakit ba kasi ako ang pinapaano mo nito?" utal-utal kong tanong. "Maluwag pa ba?"

"Maluwag pa. Marumi kasi ang kamay ko, may ka-meeting ako mamaya kaya dapat ay walang putik sa suot ko," aniya. Pag-angat ko ng tingin sa kaniya ay nakabaling na pala siya sa 'kin. Parang gusto niya 'atang panoorin kung papaano ako mamula.

Tinulungan niya 'ko kaya nagkadikit ang mga kamay namin.
Plano ko pa sanang ialis na ang mga kamay, pero habang inaayos ang belt niya ay pinapanatili niya rin naman ang mga kamay ko sa kaniya.

"Hindi na dapat 'yun maulit!" banta ko nang makitang naayos na ang belt nito. "Aakalain ng makakakita na may something."

"'Wag ka nang magalit, Ma," he chuckled. mas lalong kumunot ang noon ko. Ganito rin siya dati, e'. Kung ano ang itatanong ko, out-of-topic naman na sagot ang ibabato. "Nagpaluto na 'ko kina manang, kaya tara." Marahan niya 'kong hinila. Nagpatianod naman ako, may matinding kaba pa rin sa dibdib.

"Hayst, kanina ka pa, Nald, a', sasapakin na talaga kita!" Lowelyn warns, humor in her voice. Kumunot nalang ang noo ko at pinilit silang bigyan ako ng vodka. We are now here on Joyce's house. Nothing is special. Gusto ko lang magpakalasing.

Kaming lima lang naman dito kasi wala ang parents ni Joyce. Only child siya kaya wala rin akong nakikitang bata sa paligid. Kami na lang talaga.

"E', bakit ayaw niyo akong bigyan?" I am still sober. Kaya ko pa ngang sumayaw. "Kailangan kong maging lasing ngayon!" I bark and bit the tip of my lip.

And then, naalala ko na naman ang belt ni Cy, ang paghawak ko rito, ang pamumula ng mukha ko, ang patago niyang pagngisi sa 'kin kanina, ang black slacks niyang. Ang landi ko na! I self-proclaimed!

"'Di ko na kaya!" I scream all my wicked thoughts out loud, leaving the four people to stare upon me. "Ayaw ko na sa kaniya!"

"Hindi naman siya paasa noon, pero bakit ngayon parang marami nang nagbago?" I whisper.

Naisip ko na naman ang belt na 'yun. Unexpectedly, hineadbang ko ang ulo ko, wala nang pake kung magmukha man akong baliw pa sa baliw.

Ano'ng nangyayari sa 'kin ngayon? For sure wala lang naman sa kaniya ang tagpo na 'yun, ako lang talaga 'tong masyado nang malawak ang isipan, na sa sobrang lawak, muntik nang maligaw.

"Mukhang kailangan mo nga ng alak, Naldy namin." Natatawang binigay ni Ytang ang isang hourglass-shaped na baso sa 'kin. Napatitig ako rito at saka pabuntong-hiningang inabot. Nilagok ko 'to nang dire-diretso, kaya naman ay muntik na 'kong matumba sa pait na sinapit ng sariling lalamunan.

"Bakit ganito ang lasa nito?" malakas kong tanong. "Bakit si vodka, pinapaasa na rin ako?"

"Lagot na," rinig ko pang bulong ni Lowelyn. "Mahirap na. Isa na 'tong pandemya. Iligpit niyo na 'yan."

Napagtanto ko namang lasing na talaga 'ko, 'di na makontrol ang sariling mga galaw. Wala na sa katinuan. Kasalanan talaga 'to ng lalaki na 'yun. Kung 'di niya 'ko inano kanina...

I massage my throat with all my energy, tying to rub the hot bitterness off my throat, mind still thinking about that particular incident. Tinawag ba naman akong mama niya! Nakakakilig kaya 'yun!

"Bigyan niyo nga 'ko ng sinturon," maluha-luhang kong pakiusap sa kanilang lahat. May isang tumayo at nilaharan ako ng isang belt. Mapait akong napangiti at saka 'to pinaglaruan gamit ang sariling mga kamay.

"Ano'ng meron sa bagay na 'yan, Naldy?" tanong ni Frency. "Bakit parang galit ka? Sigurado kaming may pinagdadaanan ka ngayon, sabihin mo lang at handa naman akong makinig."

"Huwag na kayong mamoroblema sa 'kin, please." Pinikit ko ang mga mata. "This is his problem, kaya siya lang din dapat ang humanap ng solusyon dito." Marahan akong bumuga ng hininga.

"Cy again," boses ni Joyce. I slightly open my eyes for me to see her reaction. Okay. They may sound serious, but they're actually teasing me using their faces. "Nandito 'yun kanina."

By that, my blood boils. My entire system awakens up, eyes shutting open. "Nandito siya kanina?" 'Di makapaniwalang tanong ko at nagpalinga-linga. "'Bat 'di niyo man lang sinabi sa 'kin?"

"Bawal ka raw guluhin," mapanlokong komento naman ni Ytang. "Pinakinggan ka pa nga noon. Lahat ng sinabi mo ay narinig niya. Walang mintis. Lagot na puso mo, Nald."

"Ano'ng suot n'ya?" 'Di ko batid kung saan ko nakuha ang tanong na 'yun. "May suot pa ba siyang sinturon?"

"Ha?" Nagkamot ng ulo si Frency. "Palagi namang nakasuot ng belt ang lalaki na 'yun, a'?"

"Ano'ng kulay?" bangag na bangag kong tanong. "Maluwag ba? Masikip?"

Tinakpan ko na lang ang sariling bibig, habang silang lahat ay napahalakhak lang na para bang ang linya na 'yun ang nakakatuwang biro sa buong mundo. Hangga't sa maari ay 'di na 'ko gumalaw at nagsalita pa dahil baka tuluyan na talaga akong mapahamak nito.

Nakakainis talaga. Hanggang ngayon, 'di pa rin mawala-wala sa isipan ko ang ginawa namin... Ang ginawa niya! Kasalanan niya kaya 'yun, 'no. Sa katunayan nga'y kaya niya 'yung gawing mag-isa, pero tinawag pa talaga 'ko at...

"Lasing ka na, Nald namin," mahinhin na bulong ni Frency. For sure, lasing na rin 'to. Pero siya nga lang 'to pinakakalmado sa 'ming lahat. Mabuti na lang at nasa katinuan pa siya. Kasi ako'y wala na talaga pag-asa. "Tatawagan ko si Cy para ipasundo ka."

"Huwag!" Marahas kong kinuha ang phone niya at kinuha ang sinturon saka 'to tinali sa phone. "Tawagin niyo na 'kong tanga, 'wag na 'wag niyo lang tatawagan ang lalaki na 'yun!"

"Okay," sabi niya at humiga siya pabalik, samantalang niyakap ko na lang ang sarili. "Ang sarap pala ng vodka, 'no? Para akong nasa cloud nine." Nakapikit pa nitong bulong.

"Uwi na 'ko, hinahanap na 'ko ng asawa ko sa castle," natatawang sabi ni Ytang saka tumayo. Pero natumba naman 'to sa kawalan ng konsentrasyon. "Ayst, wala pala akong asawa. Nasa iba na pala."

Namungay tuloy ang mga mata ko sa narinig, larawan nina Janna at Cy paulit-ulit na nagpi-play sa isipan. "Iniwan ka na pala, Ytang?" komento ko, pabaling-baling sa kung saan ang tingin. "Kawalan niya 'yun. 'Wag kang mag-alala, ipapakulam natin sila."

"E', matagal nang nakulam ang babae. Panget kasi ng ugali." May tiniris siya sa ere. Lumipas naman ang ilang sandali na 'di na 'ko nakarinig pa ng kung anong ingay maliban nalang sa mga hininga namin.

Nakatulog na ang mga 'to. Awtomatiko akong napatango at in-open ang sariling phone. Gage. Madaling araw na.

"Saan ka galing?" marahan na boses ang sumalubong sa 'kin sa mansyon. Papikit-pikit ko itong tinitigan bago nagsalita.

"Good day, Pa, sorry sa abala, nagkayayaan lang."

Ngumiti ako, akma na sanang tatalikod para makahiga na sa malambot na sofa nang pinigilan ni Papa ang braso ko. Nagtaka naman ako nang maramdaman ang mabibigat niyang hininga malapit sa kaliwa kong tenga. Parang may kung anong nagrambulan sa tiyan ko kaya kaagad akong napaatras.

"I was waiting for a long time, Marynald," Cy properly stands up, giving me a strong intensity look. "Nagtanung-tanong ako kung saan ka makikita, pero lahat sila walang naisagot sa 'kin. Saan ka galing?"

"Huh?" Nahaluan ng kiliti ang boses ko. I grinned. "Akala ko ba pinuntahan mo ako sa bahay nina Joyce kanina? Sabi pa nga nila naka-belt ka, e'."

"Are you hungry?" tanong niya. 'Di pa nga ako nakakasagot nang bigla-bigla niya na namang hinila nang marahan ang kaliwa kong braso. Napasabay tuloy ako sa kaniya papunta sa kusina. "May nga niluto ako para sa 'yo. Sit."

"Ehh," reklamo ko kaagad, sapo na naman ang sariling sentido, pagewang-gewang. "Busog na 'ko, Cy, tapos gusto ko nang makapagpahinga."

"Bakit ka nakipag-inuman? What's gotten into you?"

"Huh?" Napapalakpak tuloy ako. "Pinagsasabi mo riyan? Ilang taon na rin kaming 'di nagkita ng mga kaibigan ko, kaya masyado lang talaga akong na-excite kaya 'di nakapagpigil." Tinapik ko siya sa braso.

"You should have told me so that I can fetch you—"

"Aching!" malakas kong pagbahing. "Sorry. Napapagod na talaga 'ko, bukas na lang tayo mag-usap." For God knows how many times, I am about to turn my heels on when I see the foods on the table— they're all properly paired with dessert and sauces. 

Napakagat labi na lang ako at bumalik sa pagkakaupo. Narinig ko pa siyang matunog na napangiti, kaya nahawa na rin ako.

"Bakit ang pait ng cake?" nakangiwi kong tanong sa kaniya. Napamasahe tuloy ako sa sariling lalamunan. "Ayst, nakainom nga pala 'ko. Sorry. Nakalimutan ko."

"Nasaan na sina Papa at Auntie?" is all I can able to ask. "Siguradong alalang-alala na sila sa 'kin, 'no -- patay! -- si Papa, kumusta na siya?" Muntikan pa 'kong mapatayo sa pagkakatantong may sakit si Papa, at kapag nakita niya 'kong ganito ang itsura, siguradong babalik ang sakit niya sa stress.

Ayst, dapat ay matutunan ko nang kontrolin ang sariling tolerance. I should have known my limits. Masyado akong nagpadala sa emosyon kanina.

"Don't worry," he says. "Pinagtakpan na kita.

"Ano'ng sinabi mo?" Pinagkibitan ko siya ng balikat. "Baka mas lalo mo lang akong pinahamak, a', kaya sabihin mo na ang sinabi mong pinagtakip sa 'kin."

"Sorry," he apologetically tells. "That's confidential."

"Awits." I rolled my eyes. "Kung ano man iyang nasa isip mo ngayon, sana naman ay may sense 'no, baka trip mo na naman akong anuhin."

"Eat slowly," he reminds me in a melodic tone, his voice dancing in my brain like a gentle lullaby. "Ano'ng plano mo bukas?"

"Ano..." I am taken aback again. From whom did he get that bravery to ask about my plan? I smile nevertheless. "Well, sa sakahan, nothing new, ikaw?"

Tinaasan niya naman ako ng kilay. "That's confidential as well."

I just grinned again.

"Lasing ka na talaga." Tumayo siya. "Ano... ihahatid na kita sa k'warto mo.

The sun has already risen beautifully as I open my eyes. I try to sit up, but my body isn't corresponding anymore. I chuckle, remembering how I got drunk last night. All I remember now is my crazy image while drinking vodka with friends. 'Yun na lang ang naalala ko.

"Nandito ka na naman?" I ask sarcastically. And as what I expected, Cy just gestures the food and tells me that I need to keep my tummy full with healthy foods. "Nasaan na si Papa? Ikaw ba ang naghatid sa 'kin kagabi sa k'warto? Edi salamat."

"My pleasure," he whispers. "Come, sit down. Mga healthy foods ang hinanda ko para sa 'yo."

Sarkastiko na naman akong napangiti at saka nilibot ang tingin. I am aware of how I become more childish these previous days. But he seems okay with it, as if he loves me this way. Napangiti ako sa mga pinag-iisip ko. I almost grinned.

"Ano'ng plano mo ngayon?" naitanong ko bago napasubo. I stare at my foods for a long moment, and I can't help myself to be proud at him for being a good cook. I really am right. He is a complete package.

"That's confidential," he gracefully wipes the cream off his lips. "Do you have a plan of drinking liquors again? Gusto mo bang magpasama??" His tone sounds serious, you can't find humor from it.

"I don't know." Humalukipkip muna 'ko. "Why? Why do you care? I mean, where's Janna? Where's your soon-to-be bride?" Bitterness automatically hugs my whole system, I try to shake it off, but still no use. Paulit-ulit na kumawala ang pekeng ngiti mula sa 'kin.

"You are obviously clueless. Masyado mo 'kong sinasaktan." He smiles a bit. But just how innocent I am, my mind start to think about his belt again. Oh my. I am doomed again. Tumikhim na naman siya. "I am not getting married."

"Otot mo!" reak ko kaagad. "Anyway, let's just forget this nonsense topic. Ano'ng plano mo ngayon? Okay, let's just say, saan mo gustong tumira kasama ang future wife mo?" Pinigilan ko ang sarili para 'di mapairap. Siya naman ay seryoso pa ring nakamasid sa 'kin.

"New York," he silently answers, but enough to stop my world. I blink my eyes.

"New York? That's my dream place. Kahit noong highschool pa lang ako pangarap ko na 'yan." Malungkot akong nag-iwas ng tingin. "Since I was a kid, me and ate had a plan of taking a vacation there for a year."

Naalala ko naman ang offer sa 'kin ng pinagtatrabahuan ko sa Maynila. Kaya ko rin bang pumunta sa New Zealand? No doubt, maganda roon. I had dreamed of being there as well. But I wasn't thinking to be a worker there.

"Penny of your thoughts?" He gives me a glass of water. I just accept it reluctantly.
Nakatitig siya sa mga mata ko na para bang binabasa ang laman ng utak ko.

"Ano'ng reaksyon mo kung malalaman mong pupunta na 'ko sa ibang bansa?" I asked. Napatikhim siya sa tanong ko. He looked uncomfortable as well, so did I. "H-hahanapin mo ba 'ko?"

Continue Reading

You'll Also Like

17.8M 355K 27
A Collaboration with Race Darwin and Cecelib
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.7K 634 19
Ellise Alamzan, a perspicacious and simple girl. Been living for sixteenth years, but still longing for a mother's love. She can't decipher what is e...